Share

Chapter 43

Via

Deleted social media. Cannot be reach. Wala narin ang mga gamit niya at tanging sulat lang ang iniwan nito para sa mama ni Dale.

"Sabihin na kaya natin kay Dale." pangungumbinsi ni Gail sa akin.

Kung tutuusin ay kailangan niya ring malaman dahil may karapatan naman talaga siya. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Dale pero hindi niya ito sinasagot. Nakailang tawag ako pero hindi niya ito sinasagot.

Sinunod kong tinawagan si Kian at baka kasama niya at agad naman niya sinagot.

"Napatawag ka love." bungad niya.

"Kasama mo ba si Dale? Hindi kasi namin siya matawagan." saad ko.

"Hindi siya pumasok. Bakit? May problema ba?" duda niya.

Tiningnan ko si Gail bago ko sinagot ang tanong ni Kian.

"Umalis kasi Andrea at hinahanap kanina ni Dale." Kwento ko.

"Umalis? Bakit? May nangyari ba?" Tanong niya.

"Mahirap ipaliwanag sa phone eh. Tapos na ba klase mo?"

"Kian, can you check this one?" kumunot ang noo ko. Boses yun ni Trisha ah.

"Magkasama kayo?" bigla lumakas ang dagundong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status