Share

Chapter 65

Via

Napabangon ako na wala sa oras ng tumunog na alarm sa phone ko. Mabigat ang mata, magulo ang buhok at halatang napilitang gumising at bumangon. Napakamot ako sa ulo habang nakapikit parin ang mata ko na halos hindi ko maimulat.

Pilit kong inabot ang phone ko sa ibabaw ng mesa sa tabi ng kama ko hanggang sa mapahiga muli ako. Nang maramdaman ko ang lambot ng kama ko ay nahila ulit ako ng antok.

"5 minutes lang." bulong ko saka ngumiti at hinila ng antok.

Napabalikwas ako nang tumunog muli ang phone ko sa alarm nito. Every 15 minutes lang naman ang pagitan kung hindi ko mapatay sa unang alarm kaya para akong nabuhusan ng malamig nang makitang 30 minutes na ang nakakalipas. Nakaligtaan at hindi ko narinig ang sumunod na alarm kanina.

Agad akong kumaripas papuntang banyo at naligo. Mabilis narin akong nagbihis at hindi na kumain at agad na akong lumabas ng apartment ko. Pagkasara ko ng gate ay biglang tumunog ang cellphone ko at bumungad ang pangalan ni tita Lyn. Agad ko itong sinagot
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status