Share

Chapter 25

Naging palaisipan kay Jade kung sino ang tinutukoy ng kaniyang mga kaibigan lalo na at wala siyang naaalala sa katauhan ng batang lalaki na naging naging malapit sa kaniya noong nasa bahay-ampunan pa lamang siya.

'Who could he be?' muling tanong niya sa kaniyang sarili. Sinubukan niya ulit na balikan ang kaniyang alaala noong bata pa siya. Ngunit hindi na ito ganoong kalinaw at walang pangyayari kung saan ay naganap ang mga kwento ng kaniyang kaibigan.

Kaagad na nabalik sa realidad si Jade ng marinig ang pagtunog ng kaniyang cellphone. Nang makita na unknown number ay hindi niya ito sinagot. Ngunit naging sunod-sunod ang tawag nito kaya sinagot niya na lamang.

"Who---" Hindi na natuloy ni Jade ang kaniyang tanong ng magsalita ang taong nasa kabilang linya.

"Hello, Ms. Jade. Its me, Denmar. I asked your number from your friend, Gwen." Kaagad na napasimangot si Jade dahil sa sinabi nito.

Makalipas lamang ang ilang segundo ay naka-recieve naman ng text si Jade mula kay Gwen kaya kaagad niya itong binasa. Sinabi ni Gwen na subukan niya lang na makipag-date kay Denmar but if she doesn't like him then, reject Denmar. 

"By the way, its already lunch time. Did you have your lunch?" 

"Why did you call me?" bahagyang naiinis na tanong niya.

"Oh! Am I disturbing you? I'm sorry Ms. Jade."

"Let's talk after my work," saad niya at binaba na ang tawag.

Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na ang kaniyang trabaho. Naging maaga ito sapagkat wala naman na gaanong ginagawa ang kanilang kompanya ngayong buwan. Nag-text na rin si Jade kay Denmar kung saan sila magkikitang dalawa.

Bahagyang nagulat si Jade ng makarating siya sa coffee shop sapagkat nauna pang makarating sa kaniya si Denmar. Ngumiti ito sa kaniya ng makita siya.

"Hello, Ms. Jade," bati ni Denmar kasabay ng pagbigay nito ng bulaklak sa kaniya. Nag-aalinlangan naman si Jade ngunit sa huli ay tinanggap niya na rin ang ibinigay nito.

"Thanks," tanging saad niya.

"Lets order first. What would you like to have?"

"Latte."

"Is that all?" tanong ni Denmar at tumango naman si Jade. Umalis na si Denmar at nag-order na, makalipas ang ilang minuto ay bumalik na rin siya. Kaagad din na ipinagtaka ni Jade ang dalawang piraso ng cake na dala nito, a mocha and a vanilla flavored cakes.

"Well, Gwen told me that you like mocha cake, that's why I order this." Napailing na lamang si Jade dahil sa sinabi ni Denmar. Iniisip niya na rin ang senaryo kung saan ay pagagalitan niya si Gwen dahil sa mga informasyon na ibinigay nito kay Denmar.

"Let's eat first, Ms. Jade," nakangiting saad ni Denmar. Tumango na lamang si Jade at nagsimulang kainin ang mocha cake na binigay sa kaniya. She was enjoying it and a smile formed in her lips.

"I assumed you really like the mocha cake 'cause you didn't smile when I greeted you but when you eat that cake, it seems that your heart melted."

Binalik naman ni Jade ang kaniyang seryosong mukha at humarap kay Denmar.

"I'll get to the point, Mr. Ruiz... I don't plan on dating someone as of now."

"Because you liked Mr. Galveria." That wasn't a question by Denmar. Tiningnan naman siya ni Jade ng nagtataka.

"Well, I notice it when we talk in the mall. But I will still court you, Ms. Jade," nakangiti pa rin na saad ni Denmar.

"Why?" Jade asked. 

"I liked you... That's it! Can't you give me a chance? I also notice that... it seems like you want to get rid your feelings for your boss. I can help you with that. I can be your rebound if you want."

"I can't do that to you," saad ni Jade habang umiiling. Ngayon na alam ni Denmar na mayroon siyang gusto sa kaniyang boss ay mas lalong gusto ni Jade na huwag ng ituloy ni Denmar ang planong panliligaw sa kaniya dahil ayaw niyang paasahin lamang ang lalaki.

"Just give me a chance, Ms. Jade... Let's date for at least five months. Just let me prove to you that I liked you. Hayaan mo lang ako upang kung sakali man na ayaw mo talaga sa akin ay matatanggap ko ito, wala rin akong pagsisisihan because I prove myself to you. Just five months, Ms. Jade. Then, reject me if you can't like me back after five months."

Sa isipan ni Jade ay ayaw niyang pumayag ngunit parang hinahaplos ang kaniyang puso dahil sa mga sinabi ni Denmar. Bahagya rin siyang nalungkot ng makita ang nagsusumamo nitong mga mata.

"Let me think about it," saad ni Jade pero nagdulot pa rin ito ng saya kay Denmar.

"Thank you, Ms. Jade."

"Hey! Don't be too happy. I didn't give you an answet yet."

"But the fact that you're going to think about it makes me hope that you'll give me a chance. Because if you won't, you will just said 'no' to me."

"Did Gwen also told you about that?" tanong ni Jade sapagkat ang sinabi ni Denmar ay isa sa mga pag-uugali niya.

"No. I just have this feeling that you're like that person. Mayroon ka rin na isang salita. If it is a no, it's a no. But if it is a yes, it's a yes. And I can't wait to hear your 'yes', Ms. Jade," masayang saad ni Denmar. Hindi naman napansin ni Jade na napangiti na pala siya nito.

***

Sa paglipas ng isang linggo ay nakapagdesisyon na si Jade. Tinanong niya na rin muna ang opinyon ng kaniyang mga kaibigan bago siya nagdesisyon. Sumang-ayon naman sila sapagkat wala naman na mawawala kay Jade kung susubukan niya ito. Sa katunayan ay nakailang date na rin si Jade ngunit hanggang doon lang, wala pa siyang nagiging karelasyon sa mga nakadate niya.

"I'm really happy!" saad ni Gwen na animo'y nagpapalakpak pa. Hindi na rin mawala ang ngiti sa kaniyang labi simula ng sabihin ni Jade ang kaniyang desisyon.

"Halata naman Gwen kaya makahimik ka na lang diyan," bahagyang nalulungkot sa saad ni Zhyryl ngunit tinanggap niya pa rin ang desisyon ni Jade. "Didn't you even liked your boss, Jade?" Kaagad na natigilan si Jade dahil sa tanong na ito. Ngunit umiling na lamang siya bilang pagsagot sa kaniya. 

Jade already made up her mind. She knows that she still have feelings for her boss but she's confident that it will just vanish after some time.

***

Nagtungo na si Jade sa restaurant kung saan sila magkikita ni Denmar. He insisted that Jade and him have dinner in that place. Pumayag na rin si Jade dahil makailang beses na nakiusap si Denmar sa kaniya. She also thinks that it will be a great place to told him her decision.

They both enjoyed the food that was served to them. Nagkwentuhan din sila at napapangiti na lamang si Jade because Denmar is also a playful man. 

Nang mai-serve na ang kanilang dessert ay sinimulan ng sabihin ni Jade ang kaniyang desisyon.

"About what you said a week ago... My answer is a yes. Let's date for five months," nakangiting saad ni Jade. 

Ilang minuto naman na hindi makaimik si Denmar habang nakatingin kay Jade. Nang ma-realize niya ang sinabi ng kaniyang kaharap ay kaagad siyang napangiti ng napakalawak.

"Did you really mean it?"

"Haha, diba sinabi mo noon na may isang salita ako? Pero bakit mukhang hindi ka naniniwala sa sinabi ko?"

"I just... I just can't believe it! Thank you so much, Ms. Jade."

"Just call me Jade now, I will also start calling you in your name."

"You really made my day... Actually, today is my birthday. Thank you for giving me joy to my special day, Jade," sersiro at nakangiting saad ni Denmar. Natigilan naman si Jade sapagkat hindi niya inaasahan ang sasabihin nito. Napangiti na lamang si Jade.

Nang matapos silang kumain ay lumabas na rin sila sa restaurant. Masayang nagkwekwentuhan silang dalawa habang lumalabas.

"I didn't expected that this day is your birthday."

"But I'm happy with the outcome of it because you said yes."

"I didn't even have a present for your birthday."

"It's alright... Oh! Wait," saad ni Denmar na animo'y may naisip.

"What's with that look?" usisa naman ni Jade dahil sa palagay niya ay may binabalak ito.

"Can I hold your hand? Well, you didn't bring me a gift. So, this will serve as your gift," nakakalokong ngiti nito. Inilahad naman nito ang kaniyang kamay. Bahagyang nagulat naman si Denmar ng tinanggap ni Jade ang kaniyang kamay. They are holding each others hand now.

"This will be just for today," nakangiting saad ni Jade. Hindi na rin mawala ang ngiti sa labi ni Denmar hanggang sa makarating sila sa kaniyang kotse.

Sa kabilang banda ay hindi napansin nina Jade at Denmar ang isang lalaki na nakatitig lamang sa kanilang dalawa hanggang sa makaalis sila.

Binabalot si Greg ng lungkot dahil sa kaniyang nasaksihan. Hindi niya rin maipaliwanag ang sakit na kaniyang nadarama ng makita ang sekretarya na masaya habang kasama ang lalaking karibal ng kaniyang kompanya.

Hinihikayat niya ang kaniyang sarili na maging masaya na lamang para kay Jade ngunit kahit anong kumbinsi niya sa kaniyang sarili ay hindi siya natutuwa sa kaniyang nakikita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status