“Akala ko may lakad ka?” basag ko sa katahimikan.“It’s Sunday.” Sandali niya akong sinulyapan at agad ding binalik sa daan ang tingin.“And?” tinaasan ko siya ng kilay.“It’s family day,” sagot niya nang hindi inaalis ang tingin sa harap.“Marami pang mga Linggong dadating,” panggagaya ko sa tono niya.Tumawa siya nang mahina. “Did I upset you?”I looked away and muttered, “who wouldn’t? You and my best friend kissed.”“May sinasabi ka?” Sandali niya akong tiningnan.“Wala,” tugon ko sabay iling at pasimpleng nag-make face. Hinilig ko ang ulo sa gilid saka ngumiwi.Nilingon ko si Xenon sa backseat at wiling-wili ito sa paglalaro ng minions stuff toys. Sinuri ko muli ang car seat. Komportable naman ang anak ko. Binalik ko lang sa harap ang tingin nang makontento ako sa seguridad ng munti kong anghel.“Wife,” tawag ng katabi ko at nagpalingin naman ako sa gawi niya.Hindi ko alam kung bakit kusa akong napapalingon at nakangiti pa. Ewan ko ba. Hindi ko mapigilan ang labi na umunat ng is
“Bad!” sigaw ng batang babae kay Xenon.Tumakbo ako sa gawi ng anak ko. Ramdam ko ang pagsunod sa ‘kin ni Xeonne. Umiiyak bamang tumakbo sa mama nito ang batang babae.“Honey, are you alright?” Dali-dali kong pinatayo si Xenon at pinagpagan ang shorts na binalot ng buhangin.Hindi siya sumagot. Inusisa ko kung nasaktan ba siya. Wala naman akong nakitang gasgas ngunit nakatulala ang anak ko. Sinundan ko ang tingin ni Xenon at natagpuan ko ang batang babaeng hanggang ngayon ay umiiyak pa rin.“Danda,” bulong ng anak ko.Nagkanda plato sa laki ang mga mata ko sa narinig. Mabilis ko siyang binuhat. “Naku ang bata mo pa pero may nalalaman ko na.”“That’s my boy.” Marahang kinurot ni Xeonne ang pisnge ng anak.Sinamaan ko siya ng tingin. Kunsintihin ba naman. Lalapit sana kami sa gawi ng batang babae pero nagtago ito sa bisig ng ina nang makita si Xenon.“Maglaro muna kayo ro’n.” Binigay ko si Xenon sa kaniya bago lapitan ang batang babae at mama niya.“Pasensya na kung ano man ang ginawa n
##### Chapter 62 SIMaaga akong umalis ng mansyon dala ang sasakyan ko. Nagmaneho lang ako hanggang sa mapadpad sa isang restaurant. Tiningnan ko ang relo at mag-aalas syete pa lang pero halos mapuno na ito. Hindi ako bumaba ng kotse at pinanuod lang ito mula sa malayo.“Tasya’s Corner,” basa ko sa pangalan ng restaurant na nakakabit sa entrada ng establismento.Lumabas ang isang malaking lalaki na nakamaong na pantalon at puting T-shirt. Kahit malayo ako ay kilalangkilala ko kung sino ako. Siya lang naman ang nagsilbing tatay ko.“Tatay Kanor!” tawag ng isang binata sa kaniya.“Papasok na ang koloheyo namin?” nakangiting tanong ni Mang Kanor.“Opo!” Tumatakbo siyang lumapit at saka nagmano.Lalong tumangkad ang future engineer ni Mang Puldo. Napangiti ako habang pinanuod silang masayang nag-uusap. Hindi ko na marinig ang usapan nila dahil humina ang kanilang boses. Batid kong nabanggit nila ang pangalan ko sa pagbasa ng kanilang mga labi.“Matapos lang lahat nang ‘to makakasama’t mak
"Sino ka?" bungad ng kaharap ko.Parang may tumambol sa dibdib ko. Napamura ako sa likod ng isipan. Hindi pwedeng mabuking ako. Yumuko ako para bahagyang itago ang mukha. Naestatwa ako sa kinatatayuan.Umiikot ang paningin ko. Bago tuluyang bumagsak ang talukip ng mga mata ko ay naaninag ko ang isang pares ng sapatos na binalot ng brilyante ang naglalakad palayo. Stuart Weitzman Diamond Dream stilettos.“Sabi ko sino ka at ano’ng ginagawa mo rito?!” Hinila ako ng boses pabalik sa kasalukuyan. Inangat ko ang mga mata. Nagsalubong ang mga kilay ko. Hindi ko inaasahan ang mukhang nakita.Drizelle?"Hoy, miss. Binngi ka ba-"Binangga ko siya para makalabas ng silid. Nawalan siya ng balanse at natumba. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para makatakas. Binilisan ko ang paghakbang. Tinawag niya ako pero ipinagwalang bahala ko iyon. Hinabol pa niya ako ng malulutong na mura pero wala akong panahong patolan siya.Sa elevator na ako dumiretso. Hindi ko pa pala kayang harapin si Dad at maliban do
Mahal na mahal kita, Anastasia.Mahal na mahal kita, Anastasia.Mahal na mahal kita, Anastasia.Kinuha ko ang unan at tinakip ito sa mukha. Gumulong-gulong ako sa kama kaliwat kanan habang sumisigaw na parang teenager na kinikilig at sumipasipa pa.Huminga ako nang malalim at kinuha sa mukha ang unan. Napatitig ako sa kisame at napangiti nang umalingawngaw na naman sa isipan ang mga katagang binitawan ni Xeonne kaninang hapon. Parang sirang plaka itong paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan. Ito ang sirang plakang hinding hindi ko pagsasawaan.Ang tagal na rin bago ko ulit maramdaman ang ganito. I feel important. I feel loved.Nakarinig ako ng katok sa pinto. "Anastasia?"Hearing his voice alone sent butterflies in my stomach. Napaupo ako at mabilis na inayos ang kama. Tinungo ko ang pinto at bubuksan na sana ito. Agad kong binawi ang kamay at dumiretso sa banyo. Tiningnan ko ang sarili. Napangiwi ako sa itsura.Magulo ang buhok ko at mugto ang mga mata. Sinong umiyak buong hapon an
Napalunok ako. Mag-aaway na namn ba kami? Kakabati lang namin kanina ehh. "Business." I did my best to give him a real smile but the more I want to make it seem real the more it turned out forced. "Business?"Binigyan niya ako ng mapanghusgang tingin. "Kailangan bang nakahawak ka sa braso niya while doing business?" dagdag niya. At diniinan pa talaga niya ang salitang business. "What's wrong with it?" Ako naman ngayon ang nagdala ng mga braso sa dibdib. Napaismid siya sa sagot ko. "What's wrong with it? Seriously?" "Teka nga. Nagseselos ka ba?" Lumapit ako at tinaas-babaan siya ng kilay. "May dapat ba akong ikaselos?" pagbabalik niya ng tanong. "Syempre wala," direktang sagot ko kasi wala naman talaga. Bumuntong hininga siya at binaba ang mga kmay. "I don't want any other man around you, Anastasia." Kinabig niya ang bewang ko at marahang hinila ako palapit sa kaniya. Napahawak naman akos a dibdib niya. "Akin ka lag. Pagmamay-ari kita kaya babakuran kita," pg-aangkin niya. Pinu
“Meet me at Wallows,” basa ko sa mensaheng pinadala sa ‘kin ni A.Tumingin ako sa harap at nakita si Xeonne na busy sa pagkakalikot ng laptop niya. “Wife, I want you by my side in tomorrows meeting with the board,” aniya nang hindi inaalis ang tingin sa laptop.Napangiti ako. Dati ayaw niya akong kasama sa mga pagtitipon nila pero ngayon dinadala na niya ako kung saan man siya pumunta. Kulang na lang pati sa banyo ay dalhin niya ako eh.Tiningnan ko ang schedule niya ngayong araw at puro office works lang naman. Tumayo ako at lumapit sa kaniya.“Xeonne,” tawag ko pero ni tingin ay hindi ko natanggap. “Mr. Moteverde,” tawag ko ulit pero nanatili sa monitor ang mga mata niya. “Hubby-”“Yes, wife?” mabilis pa kay Flash niyang sagot.“Lalabas lang ako sandali,” paalam ko sa kaniya.“I‘ll come with you.” Tumayo siya sabay kuha ng susi.Umiling ako. “Pwede bang ako lang?”Tiningnan niya ako na parang nag-iisip. “In one condition.”Napasimangot ako sa narinig. I really hate those words. I‘v
Binuksan ko ang huling drawer at naghanap ng mga files na mapakikinabangan ko. Inipit ko ang maliit na flashlight sa pagitan ng leeg at balikat ko. Kinuha ko ang pinakahuling folder pero gaya ng karamihang binasa ko ay wala rin itong silbi. Napahilot ako sa sintido.Tinungo ko ang desk ni Dad at nilapag ang flashlight dito. Tanging ang liwanag ng buwan sa labas ng bintana na nakapuwesto sa likuran ng mesa ni Dad ang naging ilaw ko. Ito na lang ang huling pag-asa ko. Hinila ko ang drawer sa ilalim lang mismo ng mesa ng desk niya. Napatulala ako sa nakita. Sumakit ang dibdib ko na para bang may pumipiga sa bagay sa loob nito.Kinuha ko ang larawang naka-frame. Larawan namin ni Dad no’ng graduation ko. Isa ito sa pinakamasayang mga segundo ng buhay ko at hinding-hindi ko makakalimutan. Isang take lang ‘to at minadali pa kasi nagmamaktol si Ella pero hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang saya na naramdaman ko ng araw na ‘yon.“Dad.” Pinasada ko ang mga daliri sa larawan namin ni Dad para p