Hindi ko maintindihan. Nagkulang ba ako sa kanya? Hindi ba sapat na pagmamahal, respeto at oras lang ang naibigay ko? Kung hindi ba ako nagkamali ng kuwartong pinasukan kagabi ay hindi mangyayari ‘to? Kasalanan ko ba ang lahat ng ‘to? “Good morning, baby,” bati ni Zander kay Ella pagkagising na pagkagising niya. Tahimik akong nagtago sa likuran ng makapal na kurtina. Kasalukuyang nakatalikod sa ‘kin si Zander habang yakap-yakap ang natutulog na si Ella. “Good morning, baby,” tugon ni Ella. Bahagya akong sumilip. Parang dinudurog ang puso ko sa nakikita ngunit hindi ko magawang hindi manuod. Sinasaktan ko lang ang sarili ko sa pinaggagawa ko. Siguro nga ay masokista nga ako. “Baby...” tawag ni Zander. Hinaplos niya ang mukha ni Ella at inangkin ang mga labi nito. Baby. Napapikit ako nang mariin sa mga ala-alang pumasok sa isipan ko. Noong tumawag ako nang mga nakaraang araw ay imbes na tawagin ako sa endearment namin ay baby ang katagang lumabas sa bibig niya. Minsang nagh*halikan
Buong araw akong nanatili sa lido deck. Halos makilala ko na nga mga taong labas-masok sa lugar. Nakatulala lang ako buong magdamag. “Drinks, ma’am?” saad ng waiter na huminto sa tabi ko. Nilingon ko siya nang dahan-dahan at sandaling tiningnan. Hindi ko siya sinagot at binalik ang tingin nang dahan-dahan sa harapan, sa kawalan. Umalis na lamang siya sa tabi ko. Palubog na ang araw nang makabalik ang cruise sa daungan. Bago bumaba ay nagtipon-tipon na naman ang mga magkasintahan dito sa deck para panuorin ang paglubog ng araw. Paglubog ng araw, senyales na tapusin na ang ngayon at magpahinga dahil may susunod pang bukas. Nang tuluyang kinain ng kadiliman ang paligid ay naghiyawan silang muli bago gawaran ng matamis na h*lik ang kasama. Napabuntong hininga ako habang pinapanuod sila. “Sana all,” mahinang sambit ko saka tumayo bitbit ang sapatos at bumaba ng barko. Nakaabang naman sa ‘kin
It has been days since that disgusting event on the cruise and up to now I haven’t heard anything from Zander. No call, no texts, nothing. Panaka-naka akong sumusulyap sa phone kong nakapatong sa desk ko. Nangangati ang mga kamay ko. Gusto ko siyang tawagan at murahin buong araw pero hindi pwedeng gano’n lang. I won’t stoop on thier level. I will play it big, I will revenge big. “Engineer, ito na po ang planong hinihingi mo.” Inabot sa ‘kin ng katrabaho ko ang isang folder. Binuklat ko ito at inusisa. Unang tingin ko pa lang ay napaangat na ang kilay ko. Tiningnan ko ang detalye ng footings at columns at tama nga ang hinala ko. “Ito ba ang plano para sa Villacega Restaurant?” tanong ko at tumango siya bilang tugon. “Sino ang design engineer nito?” Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata pero pilit siyang umiiwas. “Si Enrgr. Sullivan–” Umangat ang kilay ko sa binanggit niya. “Ella Sullivan,” dagdag niya. Nakalimutan kong hindi na lan
I’m going to push all your buttons, Zander.Napangisi ako habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Naka puting t-shirt lang ako na t-in-uck in ko sa biege squarepants. Hinayaan ko ring nakalugay ang mahaba kong buhok. Dinampot ko ang damit na pinadala niya. It was a short black dress with thin straps and low neckline. Wearing this kind of dress for lunch with his friends is a no for me. Pagsinuot ko ‘to, baka ako pa ang maging tanghalian ng mga kasamahan niyang hinuhubaran ang mga babae gamit ang mga mata lamang nila.Kilala ko ang mga kaibigan niya. Maraming beses ko na silang nakasama at ni minsan ay hindi naulit na parehong babae ang dinala nila. For them, women are displays. They use women to brag and to boost their manliness and ego. Feeling nila ikinaguwapo nila ang papalit-palit ng babae. Ang ganyang gawi ay maganda rin sa paningin ng ibang lalaking kapwa nila g*go. Isa lang ang pagkakamali ko. His circle of friends defined him. He won’t be
“Syempre tuloy ang kasal natin, baby- love!” Mabilis niyang tinama ang tawag sa ‘kin. “Ano bang nakain mo at naisip mong hindi matutuloy ang kasal natin hmm?” Kinuha niya ang kamay ko at saka marahang hinaplos ang pisnge ko na puno ng mapagkunwaring pagmamahal niya kuno. How dare he hold me using the filthy hands of his? The same hands he used caressing other woman’s body with desire and lust. “Baka lang kasi may iba?” Tiningnan ko siyang maigi at hinintay ang magiging reaksyon niya. Maraming beses siyang napalunok at tila nestatwa sa kinauupuan. “May ibang mas-importante kang gagawin,” dugtong ko. “Oh? Bakit parang natigilan ka? What were you thinking?” Tinukod ko ang siko at pinatong ang pisnge sa palad nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Hmm?” “W-Wala... ikaw lang naman ang importante sa buhay ko,” aniya sabay gawad ng mabilis na hal*k sa labi ko. “ ‘Yon oh!” Kantiyaw ng mga kaibigan na. “Ang na talaga ng tama mo, dude!” sabi ni Troy.
Nagising akong may twenty-two missed calls mula kay Zander. Nakapagtataka. Ni good morning nga rati wala ehh. Tatawagan ko na sana siya pero na unahan niya ako. Humikab muna ako bago sagutin ang tawag niya.“Anastasia, ano’ng ginawa mo kay Chase?” aniya mula sa kanilang linya.“Ang gandang bungad ah... Edi good morning din,” pabalang kong sabi.“Seryoso ako, Anastasia. Nasa ospital siya ngayon. You broke his godamn nose!” singhal niya.“Diyan ka nagkakamali–”“Ano? Itatanggi mo pa? Nakita lahat ni Gwen!”Nilayo ko ang phone sa tenga. Masisira ang eardrums ko sa ginagawa niya.“Hindi ko tinatanggi. As I was saying, diyan ka nagkakamali dahil hindi lang ilong niya ang binasag ko kundi pati na ang mga itlog niya.” Pagtatama ko. Hindi ko na napigilan ang ngiti nang maalala ang nangyari.“Are you laughing? Ipinagmamalaki mo pa talaga? For pete&
“Let’s talk please...” pagmamakaawa niya mula sa kabilang linya. “Nandito ako sa labas, sa harapan ng bahay niyo,” dugtong niya. Lumapit ako sa bintana at hinawi ang makapal na kurtina. Sumilip ako at nakita siyang nakatayo sa harapan ng gate at nakatingin sa direksyon ko. Tiningnan ko ang oras at maghahating gabi na. Sinara ko ang bintana at pinatay ang ilaw. Ilang araw niya rin akong kinukulit at hindi ko siya pinapansin. Hindi mangyayari ‘yon hanggat hindi siya pumipili. Bukas makalawa na namin pagpaplanohan ang kasal pero hanggang ngayon wala siyang sinasabi. Isang oras na ang lumipas kaya sumilip ulit ako sa labas ng bintana. Gaya ng inaasahan ay umalis na siya. Isasara ko na sana ang bintana pero nahagip ng mga mata ko ang pigura niya sa kabilang parte ng kalsada. Nakasandal siya sa isang poste habang sumisipa ng bato. Ngayon lang siya nakapaghintay nang ganito ka tagal. Sa limang taon naming pagsasama ang pinakamatagal ay humigit-kumulang kalahating or
Maaga akong gumising para paghandaan ang napakalaking pasabog na ihahandog ko sa mga taksil. Ngayong araw na namin aasikasuhin ang para sa kasal. Kasal na paghahandaan lang sa loob ng tatlong araw.Kinuha ko ang AKV purse saka tinungo ang pinto. I turned on my phone and I was bombarded with tons of messages mostly from Zander. May natanggap din akong text mula kay Dad. Tinanong niya kung nasaan ako at kung bakit hindi ako umuwi kagabi. Lumabas na ako ng kuwarto nang mag-ring ang cellphone ko. It was mom.“Where are you? We’ve been waiting here for half an hour!” she shouted over the phone.“I’m on my way,” I replied and head to the elevator.“You better hurry, Anastasia,” she warned and ended the call.Pinindot ko ang ground floor button. Habang naghihintay sa pagbaba ng elevator ay tumunog ang notification ng cellphone ko. It was another email from user AAAAA. Pinindot ko ang notification at di