MasukSa pagbabalik ni Eunice Del Tierra sa Pilipinas, may isang misyon siyang kailangang isakatuparan: ibigay ang hustisya sa kanyang pamilya laban sa angkan ng Montes, at bawiin ang lupain na nararapat sa kanya. Bilang tagapagmana ng Hacienda Tierra, gagawin niya ang lahat para makuha ang dapat sa kanya. Kaya naman, pumasok siya bilang kasambahay sa tahanan ng pamilya Montes upang masubaybayan ang bawat galaw ng mga Montes. Naging matagumpay ang pagpasok ni Eunice sa Hacienda, sa una ay tila madali lamang ang kanyang gagawing misyon, ngunit sa paglipas ng mga araw ay naging mahirap ang gagawin niya dahil kay Xander — ang nag-iisang lalaking anak ng mga Montes, na nagpapagulo sa kanyang isipan. He has cold heart and hated by many, pero unti-unting nahuhulog ang damdamin niya para sa binata. Magagawa niya bang labanan ang nararamdaman para sa binata? Ano ang kanyang pipiliin: pag-ibig o paghihiganti?
Lihat lebih banyakHabang lulan ng sasakyan, hindi maiwasan ni Eunice na mapatingin sa malawak na lupain ng pamilyang Montes. Ibinaba niya ang salamin ng pinto at sinuyod ng tingin ang tanawin. Nang makita ang pamilyar na lugar, isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. Parang bumabalik sa kanyang alaala ang lahat ng pangyayari noon—isang bangungot na ayaw na niyang balikan.
Pinagmamasdan niya ang lugar na minsan ay naging tahanan. Doon nabuo ang kanyang mga pangarap; doon namuhay nang masaya, tahimik, at sagana ang kanyang pamilya. Ngunit ang lahat ng iyon ay tila naging usok na lamang sa kanyang isipan—mga pangyayaring unti-unting nagwasak sa kanilang pagkatao at buong pamilya. Napakuyom ang kanyang mga kamay habang nakatingin sa malayo. "Arthur, ihinto mo ang kotse!" utos niya. Agad na sumunod si Arthur at itinabi ang sasakyan sa ilalim ng malaking puno. Bumaba si Eunice at muling sinuyod ng tingin ang buong lugar. Tinanggal pa niya ang kanyang sunglasses upang mas malinaw na makita ang lawak ng lupain. Napako ang kanyang tingin sa hacienda. Ang dating magagarang pintuan nito ay nanatili pa rin, bagamat kitang-kita na ang mga bakas ng panahon—ang mga pintura ay unti-unting kumukupas, at ang ilang bahagi ng bakal na disenyo ay may bahid na ng kalawang. Sa itaas ng tarangkahan ay nakaukit ang pangalang "MONTES"—isang bagay na lalong nagpasiklab ng poot sa kanyang dibdib. "I'm finally back. Babawiin kita," bulong niya. "What is your plan?" tanong ng binata mula sa kanyang likuran. "Sa ngayon, wala pa," tugon niya. Narinig niya ang mahinang tawa ni Arthur, na ngayon ay nakatayo na sa kanyang tabi. "Why?" tanong niya nang kunot-noo. "Nagpumilit kang pumunta dito, tapos sasabihin mong wala kang plano?" "Darating din tayo diyan," saad niya habang nakatuon pa rin ang tingin sa hacienda. Ang lupain na dati'y pag-aari nila. "Eunice, the table is yours now. You have money and power," ani ni Arthur. "Alam ko." Napakuyom lalo ang kanyang mga kamay at matalim na tiningnan ang buong lugar. Bumalik sa kanyang isipan ang gabing pinalayas sila roon; ang gabing ipinakulong ni Don Federico Montes ang kanyang ama kahit inosente ito. Hindi kriminal ang kanyang Papa, at hindi rin ito magnanakaw katulad ng ibinintang ni Don Federico. Simula ng gabing iyon, nagbago ang lahat. Nawala ang kanilang yaman—ang hacienda, ang mansyon, at ang pangalang iginagalang ng lahat ay tuluyan nang nadungisan. Pumatak ang luha sa kanyang pisngi nang hindi niya namalayan. Agad na kumuha ng panyo si Arthur at inabot ito sa kanya. Tiningnan niya lang ang panyo sa kamay nito, saka pilit na ngumiti. "I'm okay," sabi niya sabay pahid ng luha gamit ang sariling palad. "Just remember, I'm here to help you—whatever your plan is," saad ng binata sabay tapik sa kanyang balikat. "Yeah, of course. Sa haba ng pinagsamahan natin, ngayon mo pa ba ako iiwan?" Nagtawanan silang dalawa. Si Arthur ay mabuting kaibigan. Nagkakilala sila sa Madrid, kung saan sila nanirahan ng kanyang Mama at Abuela. Siya ang anak ng matalik na kaibigan ng kanyang Papa na tumulong sa kanila upang muling makabangon—at siya ang kasangga ni Eunice sa lahat ng bagay. Masakit balikan ang masasamang alaala sa lugar na ito, pero kailangan niyang ibaon muna ito pansamantala para sa kanyang gagawin. Naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang magsalita muli si Arthur. "Shall we go?" tanong nito. Tumango lamang siya at naglakad pabalik sa kotse. Bago pa man siya makasakay, napansin niya ang isang Land Cruiser na papasok sa loob ng hacienda. Alam niyang isa sa mga Montes ang sakay noon. Pagbukas ng malaking gate, tumambad sa kanya ang mga security guard na nakapalibot sa bawat sulok. Ilang minutong nakatingin siya mula sa malayo, gustong malaman kung sino ang laman ng mamahaling sasakyan. Nang matanawan kung sino ang lulan, doon lang siya sumakay. Si Xander—ang anak na lalaki ni Don Federico. Gumuhit ang pilyang ngiti sa kanyang labi nang may sumagi sa isip: ang pinakamabisang paraan upang mapalapit sa pamilya ay sa pamamagitan ng anak nito. "Xander Montes," bulong niya habang nakasunod ang tingin sa papalayong sasakyan. "Perfect." Napatingin si Arthur sa kanya, nakakaramdam ng kakaiba sa biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya. "I know what you are thinking," seryosong sabi nito. "You know it from the very start. I guess you know him more than I do," sagot niya. "Siya ba talaga ang target mo? Hindi ba ang ama?" "I know what I'm doing, Arthur. Just drive." Nagpatuloy sa pagmamaneho ang binata hanggang sa makarating sila sa rest house—isang lugar na sadyang binili niya malapit sa hacienda. Malawak at matayog ang rest house na may apat na palapag, kung saan tanaw ang buong paligid. Bawat sulok ay binabantayan ng CCTV at may mga security agent, pati na dalawang kasambahay na nagsisiguro ng kalinisan at kaayusan. Pagbaba niya sa kotse, dumiretso siya sa kanyang silid. Mabilis niyang hinubad ang suot na damit at nagtungo sa banyo. Binuksan niya ang gripo at hinayaan ang malamig na tubig na dumaloy sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay gumaan nang kaunti ang kanyang pakiramdam habang unti-unting bumabalik sa alaala ang lahat ng inagaw sa kanila ng pamilyang Montes. Ngayon, mas ramdam niya ang kaginhawaan dahil alam niyang may pagkakataon na siyang makapaghiganti. Kailangan niyang magplano nang maingat at sisiguraduhin niyang hindi siya mabibigo. Nagsalin siya ng wine sa baso at ininom ito habang nakatingin sa labas. Nahagip ng tingin niya ang isang lumang litrato ng kanyang ama na nakapatong sa cabinet. Tinitigan niya ito. "Hindi ako papayag na mawala ang lahat sa atin, Papa. Lahat ng hirap at tiniis natin, ibabalik ko sa kanila nang doble," mariin niyang sabi at tuluyang inubos ang laman ng baso. KINABUKASAN, maaga siyang bumangon upang mag-ensayo ng martial arts. Simula nang manirahan sila sa Madrid, dinala siya ni Arthur sa isang training school at doon niya ito natutunan. Sa paglipas ng panahon, natuto rin siyang humawak at gumamit ng baril— upang maprotektahan ang sarili at ang kanyang pamilya. Sinimulan niya ang pagsasanay gamit ang isang kahoy na stick. Iikot-ikot niya ito nang mabilis at may lakas. Napahinto siya nang bumukas ang pinto. Si Arthur—pumapalakpak at halos rinig na rinig ang tunog ng palad nito. "Bravo! Ang galing mo na talaga," papuri nito. Kinuha niya ang tuwalya at pinunasan ang pawis. "It's because of your help, Arthur." "Hindi lang naman ako ang nagturo sa'yo." Tumingin ito sa pinto, tila may sinisilip. "May isang taong gustong makita ka," ani nito. Hindi na siya nagulat. Alam na niya kung sino ito. Si Ren—ang taong tumulong at nagsanay sa kanya bukod kay Arthur. "Ren!" Patakbo siyang lumapit at mahigpit na yumakap. "As I expected. Hindi mo talaga ako binigo." "Well." Sabay tingin ni Ren kay Arthur. "Ang sabi ni Arthur, magaling ka na raw. Handa ka na ba?" Biglang kinuha ni Ren ang stick sa kamay niya at ipinalo ito sa kanyang paa. Dahil sa gulat ay hindi siya nakaiwas at napaluhod sa sahig. "Get up, Eunice!" Nainis siya sa ginawa ng kaibigan. Sinubukan niyang tumayo, ngunit muli siyang tinamaan sa paa kaya hindi siya makatayo nang maayos. "Come on, Eunice, get up!" sigaw ni Arthur. Hiniwa ng kirot ang bawat kalamnan ng kanyang mga binti. Ramdam niya ang hapdi, pero pinilit niyang pigilan ang luha. Alam niyang hindi ito biro lamang—pagsasanay ito para sa totoong laban. "Hindi ka pa handa, Eunice," ani Ren. "No! I'm ready!" mariin niyang sagot. "Then, show me." Hamon nito at inihagis ang stick sa harapan niya. Inangat ni Eunice ang mukha. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang determinasyon. Kailangan niyang makaatake. Sa kabila ng sakit, dahan-dahan niyang itinukod ang kamay sa sahig, pagkatapos ay mariing itinaas ang isang paa, at ang isa pa. Sa huli, nakatayo na siya nang tuwid, pilit binabalanse ang katawan. Humakbang siya at sumugod. Itinaas niya ang stick at pinalo ang mga binti ni Ren kaya napaluhod ito. Napangiti siya sa unang tagumpay, ngunit mabilis na nakabawi si Ren at tinamaan siya sa sikmura. Hindi niya ininda ang sakit; bagkus, mas pinaigting niya ang pag-atake gamit ang kanyang natutunan. Mabilis ang palitan ng tama at iwas. Maayos at malalakas ang kanilang mga galaw—bawat suntok, talon, at depensa ay wasto. Sa huli, huminto si Ren. Binitawan niya ang stick at lumapit kay Eunice, tinapik-tapik ang balikat. "You are so good, Eunice," sambit nito. "I told you—hindi ako basta-basta sumusuko," may pagyayabang na sabi ni Eunice. Lumapit si Arthur at inabot siya ng tubig. "Uminom ka muna. Masyado kayong naging mainit sa ensayo." Mabilis na ininom ni Eunice ang tubig. Pagkatapos ay tumingin kay Ren. "Anong balita tungkol sa hiningi ko sa'yo?" "Well, I have collected some news about what is happening in Hacienda Montes." Tumango lang siya at inubos ang tubig. "Tell me." Kumuha si Ren ng isang supot at inilabas ang damit na kulay asul at puti. "You need this," sabi nito. Kinuha ni Eunice at binuksan. "What's this?" "Napag-alaman kong kailangan ng mga Montes ng bagong kasambahay," paliwanag ni Ren. "You want me to go inside as a maid?" "Yes. I think that's the best way to get close to them." "Nice, I like your idea. Papasok ako bilang katulong para mapalapit at makilala ko sila nang lubusan," ani niya. "Wait! Katulong? Tama ba ang narinig ko—papasok ka bilang katulong sa mga Montes?" gulat na tanong ni Arthur. "Yes. That's the most effective way. Don't you like the idea?" Kumunot ang noo ni Eunice sa reaksyon nito. "But... it's dangerous. Baka mapahamak ka," nag-aalalang sagot ng kaibigan. "Arthur, okay lang siya. Nakita mo naman kung gaano siya kagaling lumaban. Kaya na niyang protektahan ang sarili niya," sang-ayon ni Ren. "But still!" Bakas sa mukha ni Arthur ang pangamba. "Arthur, I will be fine," pangungumbinsi niya at ngumiti nang malapad. "Okay, hindi na kita mapipigilan. Just remember, nandito lang kami para suportahan ka." "Thanks. Maasahan ko talaga kayo," ani Eunice. Tinitigan niya ang damit na kulay asul at puti. Bukas ang simula ng lahat. Ito ang unang hakbang upang ilabas ang tunay na kulay ng mga Montes at linisin ang pangalan ng kanyang pamilya.KUYOM-KUYOM ang mga palad nang lumabas si Eunice ng silid. Ano ba ang akala ng lalaking iyon? Na siya ay isang hangal? Akalain siguro nitong may pagnanasa siya sa katawan nito.Napahinto siya sa paglalakad nang muling maalala ang kabuuan ng binata. Oo, aaminin niya na maganda ang hubog ng katawan nito, guwapo, at sa tuwing ngingiti ito ay may kakaibang karisma na dala si Xander na kahit sinong babae ay malalaglag ang panty dahil sa kaguwapuhan nito. Pero, hindi siya dapat maakit sa binata. Bakit ba ang bilis ng kabog ng dibdib niya nang makita niya ang binata?Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at tinapik-tapik ang pisngi upang magising ang sariling diwa. Ang misyon niya ay pagbayarin ang mga Montes at hindi ang maakit sa isang Xander Montes.Agad siyang bumalik sa kusina upang tumulong sa ibang gawain. Maghuhugas sana siya ng pinggan ngunit agad siyang pinigilan ng isa sa mga kasambahay—si Annie.“Ako na ang bahala diyan. Pinatawag ka ni Madam Lucia sa kanyang o
“SIGURADO ka ba na ikaw ang pinadala ng ahensya?” tanong ng matandang babae. Tinanggal nito ang salamin at inilapit ang mukha kay Eunice. Inikot-ikot siya nito, tila sinisipat ang bawat detalye ng kanyang itsura. “Hmm.”Muling isinuot ng matanda ang salamin at pinagmasdan siya. Nasa edad singkwenta anyos ito—si Madam Lucia, ang mayordoma.“Bueno... kung ikaw talaga ang ipinadala, wala na akong magagawa,” sabi nito, bagamat halata sa boses ang pagdududa. “Mukha kasi wala kang alam na gawain at baka pagbubulakbol lang ang gagawin mo dito,” dagdag pa nito.Hindi niya masisisi ang matanda. Sa tindig, kutis, at ganda, talagang hindi siya bagay maging katulong. Inilahad niya ang kamay at ngumiti.“Ako po si Eunice. Marunong po akong magluto, maglinis, at mag-alaga. Kahit bata, aso, o kahit kabayo po, kaya ko,” sagot niya nang may kumpiyansa.“Hay, ang dami mong sinasabi. Sumunod ka sa akin—marami kang gagawin,” naiiritang sabi ng mayordoma.Sumunod siya patungo sa maid’s quarters. Napangi
Habang lulan ng sasakyan, hindi maiwasan ni Eunice na mapatingin sa malawak na lupain ng pamilyang Montes. Ibinaba niya ang salamin ng pinto at sinuyod ng tingin ang tanawin. Nang makita ang pamilyar na lugar, isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. Parang bumabalik sa kanyang alaala ang lahat ng pangyayari noon—isang bangungot na ayaw na niyang balikan.Pinagmamasdan niya ang lugar na minsan ay naging tahanan. Doon nabuo ang kanyang mga pangarap; doon namuhay nang masaya, tahimik, at sagana ang kanyang pamilya. Ngunit ang lahat ng iyon ay tila naging usok na lamang sa kanyang isipan—mga pangyayaring unti-unting nagwasak sa kanilang pagkatao at buong pamilya. Napakuyom ang kanyang mga kamay habang nakatingin sa malayo."Arthur, ihinto mo ang kotse!" utos niya.Agad na sumunod si Arthur at itinabi ang sasakyan sa ilalim ng malaking puno. Bumaba si Eunice at muling sinuyod ng tingin ang buong lugar. Tinanggal pa niya ang kanyang sunglasses upang mas malinaw na makita ang












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.