Home / Romance / Fifteen Days With Mr. Tattoo / chapter 1 - Beach resort

Share

Fifteen Days With Mr. Tattoo
Fifteen Days With Mr. Tattoo
Author: BM_BLACK301

chapter 1 - Beach resort

Author: BM_BLACK301
last update Last Updated: 2025-09-22 05:54:10

ARIA

Tuwang-tuwa ako ng malaman ko na pasado ako sa inaplayan ko dahil may tawag akong natanggap. Nagtatakbo ako papunta sa bahay namin dahil nagpunta sa may malakas na signal. Saktong may biglang tumawag sa akin at ganun na lang ang saya ko.

"Nay!"

"Tay!"

Tawag ko sa magulang ko at hinanap sila sa kusina wala at nagtungo ako sa likod naroon si tatay nagtitipak ng kahoy at si nanay naman naglilinis nga mga gulay na nakuha niya.

"Bakit ba anak?" tanong ni nanay.

"Nay! Tanggap ako sa trabaho!" masayang balita ko sa kanila at napatayo si nanay, napatigil naman sa ginagawa si tatay.

"Nako salamat panginoon." naiiyak na sambit ni nanay.

Niyakap ko siya ganun rin si tatay at wala akong pasidlan ng saya dahil sa wakas makakatulong na ako sa kanila at makakapagpatuloy mag-aral ang dalawa kong kapatid.

"Nay, Tay. Ito na yun sana magtuloy-tuloy ang trabaho ko doon at kahit malayo ako sa inyo kakayanin ko para kahit paano hindi na tayo hirap sa pang-ara araw natin na pagkain." naiiyak kong niyakap silang dalawa.

"Anak lagi kang mag-iingat doon at sana ay mabubuting tao ang lahat ng mga nakakasalamuha mo. Iba na ang mga tao ngayon wala ng pinipili."

"Oho tay huwag ho kayo mag-aalala ako pa ba anak niyo magpapaapi?" mayabang kong sabi.

Nagtawanan kami at tinuloy na nila tatay at nanay ang kanilang ginagawa habang ako naman ay nagwawalis sa bakuran namin dahil marami ng mga tuyong dahon na nahulog.

Pagtapos ko rin sa gawaing bahay ay kailangan ko ng ayusin ang mg gamit na dadalhin at mga kailangan ko pang dalhin.

Natapos ang maghapon ko ay naiayos ko na ang lahat, gabi na at kakatapos lang namin maghapunan. Nagpapahinga na si nanay at tatay samantalang naggagawa ng assignment ang dalawang kapatid ko si Shaina at Justin, perehong nasa high school sila. Ako hanggang high school lang dahil mas inuna kong tumulong sa mga magulang ko kaya hindi na ako nagpatuloy mag-aral sa college.

"Ate, bukas ka na ba aalis?"

Tumango ako kay Shaina, nasa lamesa sila ngayon sila.

"Mag-iingat ka doon ate." sabi rin ni Justin.

"Oo naman at kayo naman mag-aral kayong mabuti aa at alagaan niyo si nanay at tatay." ani ko at sabay silang tumango.

Nauna na akong humiga sa kanila dahil hindi pa sila tapos kailangan ko rin magising ng maaga dahil mahaba-haba ri ang byahe ko papunta sa papasukan ko dahil halos sampung oras rin.

____

Umaga na at sinabaw ko lang ang kape sa mainit na kanin iyon na ang kinain ko dahil wala pang ulam. Nanghiram pa si nanay ng pera pamasahe ko at sabi ko panggastos rin nila dahil babayaran ko yun pagsahod ko agad.

"Anak ito na ang pamasahe mo."

Naawa ako kay nanay kasi pawisan pa 'to at halatang nagmadali itong maglakad.

"Nay, inom ka muna ng tubig." sabi ko na may pag-aalala.

"Sige na anak mamaya na tapusin mo na yan para makaabot ka sa bus na sasakyan mo at yung sinabi namin sa'yo ng tatay mo mag-iingat ka lagi."

"Opo naman inay, sige ho kukunin ko na ng bag ko." paalam ko na at umakyat ako sa itaas dahil naroon ang mga 'yon.

Nauna ng umalis ang dalawa kong kapatid dahil naglalakad lang yun sila kapag papasok ng school. Sakto naman dumating si itay may dalang sako na naglalaman ng mga gulay na hinanap niya pa kung saan-saan.

"Tay, aalis na ako." paalam ko at pansin ko na nalungkot ito.

"Siya sige mag-iingat ka doon."

Tumango ako at nagpaalaam na ako lumabas na ako sa bakuran namin at may tricycle na rin na nag-aabang sa akin. Mga nakatingin naman sa akin ang ibang kapitbahay namin.

"Nako, pagbalik niyan buntis yan."

"Sinabi mo pa."

"Hula ko isang buwan lang 'yan."

"Mag-aasawa lang yan."

Hindi ko na pinansin ang mga sinabi ng mga chismosang kapitbahay namin dahil ganito sila kapag may umaalis sa bayan namin. Dahil sa totoo lang halos karamihan talaga ng umaalis dito lalo na kapag babae ay pagbalik kung hindi naanakan ay nag-asawa.

Hindi yon mangyayari sa akin

Bulong ko sa isipan ko at pumasok na ako sa loob ng tricycle umalis na yon at pinagmasdan ko pa ang mga nadaraanan namin dahil tiyak na mamimiss ko ito dahil hindi ko alam kung kailan ako ulit makakapunta rito.

Pagdating sa bus ay agad na umupo na ako dahil nagpa-reserve ako, mayamaya'y may nag-message sa akin ang agency na tumawag rin sa akin kahapon. Binigay ang address at contact number ng pupuntahan ko, pinadala na raw ang aking requirements sa resort kung saan ako magta-trabaho.

Matapos makipag-usap sa agency ay umalis na rin ang bus, ginawa ko humiga ako para hindi ako mainip at magutom na rin agad.

~~~

Nagising ako gabi na at nag-bus stop na kumain ako tinapay at kape lang dahil hindi ako puwede gumastos kailangan may extra pera ako.

Matapos kumain muling nagbyahe ang bus at muli ay tinulog ko na lang dahil mas lalo akong na-excite dahil konting oras na lang malapit na akong makarating...

Finally, ito na huminto na ang bus sa station na pupuntahan ko ang gagawin ko na lang ngayon ay sumakay raw ako ng taxi at magpahatid sa address na binigay sa akin. Madali lang akong nakasakay dahil maraming nakatambay na taxi rito pinakita ko lang ang address at dinala nga ako doon. Medyo sa kalahatiang byahe medyo nakakatakot ang lugar dahil walang gaanong dumaraan at puro puno na rin ang nakikita ko, tahimik ang kalsada may pababa at pataas na daanan at may malubak rin.

Hanggang sa huminto na ang tricycle sa isang gate na napapalibutan ng mga naggagandahang puno at halaman, bulaklak.

"Ito po ang bayad ko." abot ko sa driver.

Umalis na rin agad yung tricycle at ako naman ito nakatingin sa gate na black at may nakasulat doon.

"Pendleton beach resort."

Mahinang sambit ko at napangiti ako dahil itong yung nasa message na pangalan ng resort na pupuntahan.

"Miss, ikaw ba si Miss Aria Anne Bacuban?"

Hinanap ko yung nagsalita naroon pala sa gilid sa may pinto sa dulo nakasilip lang ang ulo. Mabilis na lumapit ako bit-bit ang bag ko.

"Ako nga po." nakangiting sagot ko.

May tiningnan siya sa folder at mayamaya'y pinapasok niya ako sa loob at pina-log in at nanghingi ng i.d ko na binigay ko naman agad.

"Hangga't nandito ka dito lang muna sa akin ito."

"Ha? Si-sige po." sunod-sunod na tango ko at paglingon ko ay napangiti ako dahil may buhagin ako agad na nakita. May pinakadaanan siya na mabaha na gawa sa semento, sa gilid non mga buhangin na.

"Sige na lumakad ka lang diyan sa dulo may makikita lang malaking bahay na nakatayo sa gitna."

Napatango ako at nagsimula na maglakad ang haba ng lalakarin ko sa pinaka-gitna may bubong na pero makikita mo ang kalangitnan may mga upuan rin sa bawat gilid at ang hangin kahit medyo nag-uumpisa ng uminit dahil alas diyes na ng umaga. Ayos lang malakas ang hangin na nagmumula doon banda sa may dagat at kitang-kita ko yun habang naglalakad ako.

Ang ganda rito at wala talagang ibang bahay rito may mga kubo malapit sa dagat.

May mga biak na bato sa mga paligid at mga puno ng niyog, sa di kalayuan naman ay puno ng puno doon pero may harang na yon.

Malapit na ako sa dulo ng may makita akong matandang babae at huminto ng makita ako. Pagdating ko sa harap niya ay yumuko ako ng pagbati pero nakatingin lang sa akin ang matanda.

"Ikaw ba si Aria?"

"Opo, opo ako po." masayang sabi ko.

"Sige sumunod ka sa akin."

Sagot lang niya at kahit medyo nakaramdam ako ng pagkailang dahil masiyado siyang pormal ay hinayaan ko na at sumunod na ako.

Mas maganda ngayon ang dinaraanan namin dahil halos lahat ng wall ay gawa sa babasagin. May dalawang babae akong nakita na nasa information desk nginitian ko lang sila at nagpatuloy maglakad, ang linis dito at ang lakas ng aircon pero paglabas namin doon banda ay mainit na ulit pero mahangin at doon ko nakita ang malaki at napakagandang bahay na. Itim at puti ang combination ng kulay pero ang lakas ng dating, ang pintuan ay yari sa babasagin at ganun rin ang ibang mga pader.

"Dito ka magtatrabaho at malalaman mo lahat ng gagawin mo kay Melly at Jane. Halika sasamahan kita sa iyong silid dito yan banda sa likuran ng bahay, may kaniya-kaniyang silid ang mga nandito at lahat may air-con.

Nanalaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya dahil hindi ako makapaniwala na tag-iisa kami ng silid at pagdating doon mas lalo akong namangha dahil mga gawa sa kubo ang mga silid magkakadikit lang yun.

"Wow po ang ganda." bulalas ko dahil hindi ko talaga mapigilan.

"Maganda talaga rito at isa ka sa swerteng pinalad kaya dapat mong ayusin ang trabaho para magtagal ka rito at makatanggap ng mga bonus."

"Opo gagawin ko at sisipagan ko po ang aking trabaho." panay yuko ko na tugon.

"Bueno, ako si Carmen tawagin mo na lang ako na Manang Carmen, kami ng asawa ko na si Mang Simon ang caretaker dito dahil wala rito ang mayari nito."

"Ganun po ba, maraming salamat po Manang Carmen sa mga paalala niyo po." magalang na sabi ko.

"Sige kumain ka muna diyan may mga pagkain diyan bahala ka na kung anong gusto mo kainin libre yan at para yan sa inyo lahat."

Napalingon ako sa tinuro na kusina ni Manang Carmen, kumpleto ang mga gamit doon sa pagluluto at dalawa pa ang refrigerator dito at maraming prutas at gulay sa lamesa. Biglang bumakas ang isa sa pinto sa kubo at lumabas ang isang babae roon.

"Melly, ito si Aria. Pagkatapos niya kumain ay samahan mo siya at ipakita ang lahat ng mga gawain rito at pati na ang uniforme niya bigyan mo siya. May gagawin pa ako."

"Salamat po ulit." pahabol ko kahit tumalikod na si Manang Carmen.

"Ikaw pala si Aria, teka ang bata mo noh?"

Napangiti ako dito sa tinawag na Melly dahil mukha siyang mabait.

"Opo, 23 years old po ako." nakangiting sagot ko.

"Nako ikaw pala pinakabata rito ako kasi nasa 35 na samantala si Jane nasa 27 anyos na. Ang iba halos nasa 40 at 30 plus rin."

"Ayos lang po yun isa pa kailangan ko po kasi talaga ng trabaho." nakangiting sabi ko.

"Ganun ba pero may katangkaran ka anong height mo?"

"Nasa 5'6 po ako." sagot ko pa.

"Aba alam mo ba ang ganyang taas ay talaga namang madali matatangap."

"Salamat po at sinuwerte ako." tugon ko sa kaniya.

"Sige kumain ka muna diyan babalikan kita bahala ka na sa gusto mong kainin."

"Salamat po." pahabol ko at iniwan na ako ni Ate Melly.

Maraming pagkain pero itlog ang napili kong kainin na lang pinrito ko lang yun at mabilisan lang ako kumain at hindi maalis ang ngiti ko sa labi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   chapter 8- Day 5 One Call His Coming

    "Enough for me to hear that you miss me." Napatitig ako sa mga mata niya matapos niyang hiwalayan ang labi ko na sabik na sabik pa rin. Bigla niya akong binuhat, nakasabit ang magkabilaang hita ko sa bewang niya habang yakap niya akong mahigpit. Yumakap ako sa leeg niya at dinama ang init ng katawan niya, dinala niya ako sa kuwarto at doon ay binaba ako sa kama.Nakaupo na nakatingin ako sa kaniya habang isa-isa niyang hinuhubad ang lahat ng suot. Titig na titig ko sa pagitan nang hita niya na ngayon ay tayung-tayo at talagang handa. Lumapit ang kamay ko doon at hinawakan yon at tiningala ko siya."G-gusto ko subukan." Nauutal ko pang sabi at hindi siya sumagot, binalik ko ang atensyon ko at marahan na hinimas yon pababa.Napapapikit ako habang dama-dama ng palad ko ang katigasan no'n, baba taas kong hinimas at narinig ko ang mahinang ungol. Hanggang sa unti-unti ko yun nilapit sa bibig ko at binuka ko ang bibig ko.Yung sa unahan lang kaya ko nilaro ko yun ng dila ko at naramdaman

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   chapter 7- Miss Him

    ARIAHalik na wala ng bukas sinandal niya ako pader at doon ay patuloy na inaangkin niya ang labi ko. Pakiramdam ko mas lalong umiinit ang nararamdaman ko ngayon dahil sa klase ng kaniyang paghalik sa akin. Halos maubusan ako ng hangin. Pumasok ang isang kamay niya sa ilalim ko at kinapa ang medyo makirot ko pang lagusan. Matapos ang mainit na halik na yon ay binuhat niya ako mula sa bewang ko at pinaupo sa kama titig ako sa kaniya dahil nakatitig rin siya sa akin, sumunod ay yumukod siya at hinawakan ako sa batok at malalim na inangkin ang labi ko. Napakapit ako sa balikat niya pero bigla niya akong tinulak kaya napahiga ako, hinawi lang niya ang slit ko at doon ay sumusobsob siya.Napaungol ako agad dahil sa paglalaro niya sa ibaba ko, pabiling-biling ang ulo ko dahil sa pinaghalong kiliti at sarap dulot ng dila niya. Pinaglaruan ng dila niya ganun na lang ang pamamasa ko agad pakiramdam ko basang-basa na ako. Nawala yung sakit at kirot kanina na nararamdaman ko dahil sa ginawa niya

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   chapter 6 - Meet Someone

    AN: Nagkakape habang nagsusulat ❤ tahimik pa kapag umaga nakakapag-focus sa pagsusulat lalo na kapag spg 😄🤫ARIAPakiramdam ko mas lalong sumama pakiramdam ko dahil sa ginawa niya, pero hinayaan ko na at hindi ko na inisip kaya lumabas na ako matapos kong suotin ang dress. Tinali ko paitaas ang buhok ko dahil nagulo kanina medyo ilang dahil first time ko magsuot ng ganito ka sexy, nakakapagsuot naman ako ng dress kapag may okasyon sa amin pero hindi katulad nito. Inaayos ko banda sa dibdib ko dahil talagang kitang-kita ang kalahati no'n alam ko naman hindi yon baba dahil fit siya.Pag-angat ng mukha ko si Mr. Tattoo nakatingin sa akin habang may cellphone sa tenga niya at titig na titig siya sa akin nakaramdam ako ng pagkailang dahil hindi siya nagsasalita."Okey na ba?" tanong ko pero hindi pa rin siya nagsasalita.Ano ba? Maganda ba? Bakit hindi ka nagsasalita?Kausap ko sa sarili ko pero naglakad siya palapit sa akin at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "I see a beautiful w

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   chapter 5- Day 2 The Claim

    ARIAUmiwasa ako agad ng tingin sa kaniya dahil nga may niluluto pa ako at isa pa gutom na ako. Lumayo ako ng bahagya sa kaniya at tiningnan ang niluluto ko, napansin ko sa gilid ng mata ko na nakahalukipkip siyang nakatingin sa akin mula sa likod.Binalewala ko na lang muna at tinuo ang atensyon sa niluluto ko malapit na yun maluto pinapalapot ko na lang ang sabaw. Ang isip ko nagbibilang para lang maalis ang ilang na nararamdaman ko mula sa likuran ko. Tinikman ko ang niluto ko at ng okey na ay pinatay ko."Luto na kain na tayo." masiglang sabi ko at hinirap siya sinalubong ako bigla niya ng isang halik at para bang nilalasahan niya ang labi ko."Am I the first to taste this?" Hindi ako nakasagot dahil hindi ko puwedeng magsinungaling at akmang sasagot na ako ay binitwan niya na ang labi ko. Napansin ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya hindi ko alam kung galit ba siya.Ginawa ko kumuha na ako ng plato at naglagay ng manok sa amin at dahil wala namang kanin kaya puro manok

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   chapter 4 - Day one Mansion

    ARIANagising ako at napansin ko na alas tres palang ng madaling araw pero hindi na ako makatulog kaya naisip ko na lumabas at magtimpla ng kape na dahil kapag nagising na ako hirap na akong makatulog ulit.Paglabas ko tahimik sa labas at tanging ang mahinang hampas ng alon ang naririnig ko pati na ang mga mga insekto at hindi ko alam kung saan banda yon. Nagtimpla ako ng kape at naisip ko maglakad wala namang ibang tao dito kaya hindi nakakatakot.Nandito na ako banda sa may harapan ng bahay madilim pero may ilaw naman sa bawat kanto. Balak ko sana doon umupo sa may kubo dahil may maliit na ilaw doon pero napahinto ako dahil sa may narinig akong mga ungol."Aaaa... S-sissigee paa..." Napahigpit ang hawak ko sa baso ng kape dahil sa narinig ko. Hindi na ako bata para hindi alam kung anong ginagawa ng naririnig ko na yon pakiramdam ko nagtayuan ang balahibo kaya tumalikod na ako at nagmamadali maglakad ng magulat ako dahil may tao at pagtingin ko hindi ko inaasahan si sir tattoo pala

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   chapter 3 - Hotness With Him

    ARIA NAKAPAGPALIT na ako ng pangitaas ko at lumabas ng kuwarto na muntik na akong mapasigaw dahil naroon si Ate Melly. "Kanina pa kita hinahanap akala ko nandoon ka pa sa kuwarto ni sir hindi mo ba siya nakita?" "Ha? H-hindi ee," pagsisinungaling ko pero ang lakas ng kaba nang dibdib ko dahil sa totoo lang hindi ako sanay magsinungaling. "Ganun ba? Kinabahan ako ee, tara halika na kaingan natin tumulong sa paghahanda ng makakain ng bisita na kasama ni sir." Napatango na lang ako at sumunod na kay ate Melly, pagdating sa kusina ay dinig na agad namin ang boses ni Manang Carmen parang galit ito. "Bakit ba ang tagal niyo magluto sinabi ko na sa inyo na kailangan maluto na yan lahat bago dumating sila sir. Pero ano naghahabol kayo ngayon, hay nako naman." Tahimik ang mga nandoon at kaniya-kaniya ang ginagawa "Kayong dalawa diyan tulungan niyo si Jane magayos sa table madali kayo dahil nagugutom na sila." utos pa ni Manang Carmen. Gumalaw na kami at nilabas namin ang mga ibang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status