MasukARIA
Saktong tapos akong kumain ng bumalik na si Ate Melly may dala siyang damit at binigay iyon sa akin. Kulay asul yun at simpleng design na linya na kulay dilaw para itong katulad sa suot ng mga assistant sa isang paanakan. "Ito ang uniform mo tatlong set yan wala pa kasing bagong dating." "Salamat po," sabi ko. "Ganito lang ang uniform dito ayaw ri kasi ni Manang Carmen na naka-bistada lalo na ang labas ang mga binti kaya ganyan pinili niyang uniform." "Ayos lang po maganda rin naman para po tayong mga nagtatrabaho s hospital." nangingiting sabi ko. "Hay nako, masiyado kasing kunserbatibo si Manang ako nga ayaw na ayaw no'n makita kapag naka-short na maikli ee tapos naman na ang gawain pahinga na." kuwento niya. "Ganun po talaga ang ibang matatanda pero may ilan namang hindi ganun. Pero masaya po ako nandito na ako at piling ko sobrang swerte ko dito." totoo sa loob na sabi ko. "Aba'y oo swerte ka talaga dito alam mo hindi na nga dapat magdadag-dag pa dito kaso yung isa namin kasama umalis na gusto ng umuwi sa kanila." Natigilan ako sa sinabi ni Ate Melly ibig sabihin pala ako ang naging kapalit at swerte ko talaga. "Isa pa saan ka makakakita na may aircon ang bawat silid ng mga nagtatrabaho rito? Tapos sagana pa sa pagkain." "Kaya nga po nagulat rin po ako siguro talagang mayaman at mabait talaga ang mayari nito." sabi ko pa. "Alam mo ba ang tagal ko na rito pero hindi ko pa nakikita 'yung may ari nito, oo isang beses nagpunta pero isang gabi lang at umalis na agad. Pero sabi ni Jane nakita raw niya ewan ko lang." "Bakit narinig ko ata ang pangalan ko?" Napalingon kami pareho sa dumating at kung tama ako ito ang Jane na sinasabi ni Ate Melly. "Ha? Wala naman sabi ko lang kay Aria na napakabait mo hindi ba?" may kahulugan na sabi ni Ate Melly. "Talaga ba?" sagot lang ni Jane. "Ikaw pala yung bago, tinuro mo na ba sa kaniya ang mga gagawin?" baling nito kay Ate Melly. "Kakarating lang at kakatapos lang kumain ngayon ko palang ituturo ayos lang?" Napatingin ako sa kanilang dalawa dahil parang pakiramdam ko may away na namamagitan sa kanila. "Tara na Aria," aya ni Ate Melly. "Ha? S-sige, maiwan ka na muna namin Jane." sabi ko pa pero hindi niya ako pinansin. "Pagpasensiyahan mo na yang si Jane, sana makasundo mo siya at sakyan mo na lang rin minsan. Basta malalaman mo rin pero okey yan pagdating sa trabaho, kung may iba ka na kailangan malaman at wala ako maaari mo siyang tanungin." "Salamat po ate," sabi ko. "Sige tara na." Tumango ako sa kaniya at sinamahan niya nga ako nilibot sa buong bahay at may limang guestroom sa loob. Ang saya ko habang kasama si ate Melly kasi ang saya niya kasama, sinabi niya rin na hindi naman raw lagi may customer sila minsan daw sa isang linggo may tatlo o dalawa. Balita niya rin kahit naman daw walang customer ay ayos lang raw kasi si Manang Carme at Mang Simon lang ang may gusto na ipagamit dahil sayang naman raw walang gumagamit dito para kumita. Ang isa pa ang kita raw dito ay sa mag-asawang Carmen at Simon lang daw napupunta dahil ayaw raw tanggapin ng mayari nito ang kita. "Ibig pong sabihin talagang mayaman ang mayari nito." sabi ko. "Hindi lang mayaman bilyonaryo talaga at ito pa aa binata pa raw yun." may halong kilig na sabi ni Ate Melly. Napapangiti naman ako habang naglalakad kami. "Kaso may asawa at anak na ako ikaw at si Jane may pag-asa pa." natatawang sabi ni Ate Melly. "Hindi po ate trabaho po ang hanap ko ayoko muna sa ganyan." sabi ko. "Talaga? Huwag magsalita ng tapos pero alam mo ba habang tinitingnan kita maganda ka pala. Morena, tapos parang may pagka-bombay ang itsura mo. Bagay na bagay sa'yo lalo pa siguro kapag naayusan ka na." Napapangiti lang ako sa sinabi ni Ate Melly, sumunod ay pinakilala niya ako sa mga guard at mga hardenero dito at mga driver, tagaluto at mga labandera na saktong naroon dahil araw ng paglalaba ngayon. "Bukas ka pa naman mag-start kaya magpahinga ka muna malayo pa naman pinangalingan mo." "Salamat talaga ate," sabi ko. "Wala yun sige na pahinga ka na." ___ Matapos akong ilibot ni ate Melly at ipakilala sa lahat ay narito na nga ako sa silid ko at hindi ako mapakali dahil hindi ako sanay mag-aircon kaya naman pinatay ko agad iyon. Halos kasi manginig na ang katawan, mabilis na nakatulog ako dahil ang lambot ng kutson at ang babango ng mga kumot at unan. ~~~ Nagising ako dahil may naririnig akong nagkukuwentuhan sa labas, tumayo ako at lumabas na may mga tao nga roon ang mga guard at hardinero pati na ang driver pati si Ate Melly at Jane. "Good morning ganda." bati ni kuya Jason ang isa sa mga hardenero. "Tara kain na." aya rin ni kuya Bert ang isa sa guard. Ngumiti ako at lumapit sa kanila naupo ako sa tabi ni Ate Melly samantala si Jane tahimik na nagse-cellphone lang. "Kumuha ka ng kakainin mo may kape rin diyan." alok ni Ate Melly. Tumango ako at masayang nagkukuwentuhan ang iba at masaya rin ako dahil lahat sila palabiro at mukhang mababait. "Tapos na ba kayong kumain lahat?" Natigilan kami lahat at sabay-sabay na napalingon sa nagsalita si Manang Carmen. "Matatapos na po Manang Carmen," sagot ni Ate Melly. "Kung ganun sumunod kayo lahat sa hallway may sasabihin ako." Tumalikod na si Manang Carmen at nag-iisip ang lahat dahil sa sinabi ni Manang Carmen. "Ano kaya yun?" si Kuya Bert. "Wala naman sanang problema." mahinang sabi ni Mang Dencio ang driver. Ako man ay napaisip rin pero inisip ko na baka naman may kailangan lang ipagawa. Nagpuntahan nga kaming lahat sa hallway kung saan ako naglakan kahapon at doon ay nakapila kaming lahat kasama talaga lahat ultimo tagaluto sa kusina sa loob. "Narito na ba ang lahat?" Sabi ng matandang lalaki at ngayon ko lang siya nakita at malamang ito ang asaaw ni Manang Carmen. "Makinig kayong lahat." umpisa ni Manang Carmen. Napatango kaming lahat at naghihintay sa sabihin nito sa amin. "Ang mayari nitong resort ay papunta na ngayon." Nagkatinginan kaming lahat at kaniya-kaniyang bulungan dahil sa narinig. "Tumahimik muna kayo at makinig, nasa byahe na siya at ano mang oras ay darating na siya. Kaya naman siguraduhin niyo ang bawat kilos ay maayos at huwag gumawa ng kahit na anong kamalian, Melly isama mo si Aria sa paglilinis ng silid na gagamitin ni sir." "Yes po Manang." sagot agad ni ate Melly. "Hindi ba kami ni Ate Melly ang naglilinis doon?" reklamo ni Jane. "Jane, hayaan mo na yun sa kanila ang gawin mo ay yung check lahat ang bawat sulok sa kabahayanan lalo na ang mga pagkain kung nakahanda na ba." Napatango na lang si Jane pero pansin ko na may inis sa kaniyang mukha. "Ang iba naman ay gawin niyo ng maayos ang inyong mga gawain at huwag magiwan ng bakas ng isang kabayaan." "Masusunod ho," sabay-sabay na sabi ng lahat. Nagsialisan na ang lahat at nagtungo sa kaniya-kaniyang gawain habang kasama ko naman si Ate Melly. "Grabe biglaan naman." sambit ni Ate Melly. "Kaya nga po pati ako nabigla." sagot ko lang at sumunod ako kay ate Melly umakyat sa itaas. "Alam mo ba na masungit raw ang amo natin hindi namamansin." "Parang nakakailang po kapag ganun." sabi ko pa. "Tama ka pero syempre kalma lang tayo kasi saglit lang yan dito." ani pa ni Ate Melly. Napatango na lang ako at nagsimula na nga kaming maglinis ngayon okey naman sa kuwarto at mukhang malinis pa. Nong nakaraang linggo lang daw sila nagkabisita. "Aray ko biglang kumulo ang tiyan ko sandali lang Aria, mag-cr lang ako sa kabilang kuwarto." paalam niya. Tumango ako at tinapos ko na ilatag ang bagong sapin sa kama at nagpunas sa gilid-gilid. Yung cr ok naman dahil malinis pa, palabas na ako ng pinto ng sumabit ang gilid ng damit ko kaya naman natahatak ang suot ko na pang-itaas kaya medyo bumababa banda sa dibdib ko. Lumitaw ang cleavage ko sa totoo lang may kalakihan ang dibdib ko kaya madalas akong naka-tshirt lang para iwas ang tingin sa mga taong malisyoso. Nasa pintuan na ako para lumabas ay pilit na inaayos ko ang suot ko ng bigla nalang bumukas ang pinto. Nanigas ako dahil isang lalaki ang pumasok may hawak na cellphone at napansin ko na napatingin siya sa dibdib ko. Hindi ako agad nakagalaw para bang nag-loading ang katawan ko bigla. Kahit ang lalaki na yun ay nanatili na nakatayo sa harapan ko. Makapal ang kilay itim at hanggang leeg ang buhok na bumagay rito at piling ko parang nakikita ko si Brad pitt sa katauhan nito at may pinong balbas matang parang hindi mo kayang tagalan. Nakabukas ang ilang butones ng kulay dark blue na suot nito kaya lumitaw ang dibdib nito at ganun rin banda sa tiyan may tatto ang isang braso niya. Seryoso ang matang nakatingin sa akin at tangkad rito nito sa tingin ko nasa 6fit ito. "Tapos ka na bang suriin ako?" nakangising sabi nito. "Pa-papasensiya na po." mabilis na yuko pero wala akong narinig na sagot sa halip ay pagsarado ng pinto ang narinig ko kaya bigla akong kinabahan. Nilapag nito ang cellphone sa gilid at namulsang tiningnan ako, naalala ko naman ang dibdih ko at pasimple na inayos ko yun. "Don't just stay like that." Napatingin ako sa kaniya pero inayos ko pa rin at nagulat nalang ako ng lapitan niya ako at hawakan sa bewang at mabilis na inikot papunta sa pader. Ang lakas ng tibok ng puso ko at ewan ko ba imbes na makaramdam ng takot ay iba ang nararamdaman ko. Titig na titig siya sa mga mata ko pero ako na unang umiwas dahil hindi ko kayang tagalan. "Why are you here?" "Ha? Naglilinis po ako at-" Napatingin ako sa kaniya dahil bumaba ang mata niya sa dibdib ko na muling na lumabas at halos pati ang bra na suot ko ay kita na. Nanlaki ang mata ko ng bigla yun dakmain ng isang palad niya at dama ko at amoy ang mabangong hininga niya. "I'm so weak if I see this, sinadiya mo ba?" Naitulak ko siya bigla dahil sa sinabi niya akala niya sinadiya ko ito. "Hindi yan totoo." mariin kong sabi at dire-diretso na lumabas ng silid at nagtatakbo ako pababa sa hagdan may tumatawag sa akin pero hindi na ako lumingon dumiretso ako agad sa kuwarto at nagpalit ng damit. Siraulo yun akala niya binalak ko yun? Pero siya ba ang amo namin? Ang bilis ng tibok ng puso ko at ewan ko ba damang-dama ko pa rin ang paghawak niya sa isang dibdib ko at hindi ko matangap sa sarili ko bakit parang nagustuhan ko at okey lang sa akin?ARIAMasaya ang bawat araw namin pakiramdam ako na ang pinakamasayang babae sa lahat. Dahil ramdam ko na kumpleto na ako, nariyan ang magulang ko na sobrang supportive at ang dalawang kapatid ko na patuloy na nag-aaral. Syempre ang gwapo kong asawa, marami ang napapalingon at nagpapansin kay Zage pero lahat yun binalewala niya.Nagplano na rin kaming magpakasal pagkatapos kong manganak at doon namin gaganapin ang kasal namin sa resorts kung saan kami nagkakilala dahil iyon ang pinaka-memorable sa amin at tuwang-tuwa si Ate Melly at excited na magpunta kami doon. Binalita ko kasi sa kaniya lahat at ang pagbabalik ni Zage sa buhay ko.Sa ngayon ay kabuwanan ko na araw o oras na lang ang hihintayin ko, si Zage naging busy sa panghuhuli ng isada dahil bumili siya ng bangka at sasakyan narin para kapag namimili. Sa pangingisda nila kasama si Itay at bespren niya na si Andoy. Ginawa niya yun dahil gusto niya raw umiwas sa akin baka daw hindi siya makapagpigil. Minsan ay inaasar ko siya nags
ARIAAnim na buwan na ang lumipas at masaya na ako kasama ang mga magulang at kapatid ko, lumalaki na rin ang tiyan ko at sobrang saya ko ng magpa-ultrasound ako lalaki ang anak ko at ganun rin ang magulang ko excited na sila.Sa ngayon nandito kami sa may bayan kung saan pamilihin nang mga tao, dito ako bumili ng bahay at lupa pinaayos at pinaganda ko lang. May maliit na negosyo kami, tulad ng bigasan at mga tindang isda at mga gulay. Habang si Itay naman ay naroon sa may likod inaasikaso ang mga nagbebenta ng mga nilukad na niyog.Ito ang aming pinagkakaabahalan ngayon 'yung bahay na pinaayos ko ay ang sarap lang sa mata tingnan style kubo siya pero modern ang pagkakagawa dahil ang mga bintana no'n ay salamin at yero ang bubong pero ang mga pader ay mga kawayan ganun rin sa terrace dahil dalawang palapag ito na malapad. Tag-iisang kuwarto ang pinagawa ko at nilagyan ko ng mga aircon kung sakaling tag-init lalo na sa kalagayan ko ngayon pakiramdam ko na palaging iritable.Kasalukuyan
ARIAHindi naman ako makapaniwala sa kinuwento sa akin ni Ate Melly na nahuli raw si Jane at ang isa sa mga guard na nagse-sex sa may kubo at naalala ko yung madaling araw na may narinig akong ungol.Pinaalis si Jane at yung guard ni Manang Carmen, galit na galit sa dalawa kaya pala hindi ko na nakita si Jane. Kasalukuyang nagkakape akong mag-isa ng tumunog ang cellphone ko akala ko si Mr. Tattoo hindi pala sila nanay at tatay."Kamusta ka naman diyan anak?" "Okey lang po Inay kayo po? Nasaan si tatay?" pangangamusta ko."Naghahanap ng panggatong, kamusta ang trabaho mo?" "Ganun po ba? Ayos naman masaya naman dito." sabi ko kahit dama ko na hindi ako masaya pinipilit ko na lang dahil ito ang dapat."Siya sige, huwag mo pabayaan ang katawan mo." "Salamat po nay kayo rin diyan lahat ikamusta mo niyo na lang po ako kay itay at sa dalawa kong kapatid." Matapos naming mag-usap ay napansin ko na parating si Manang Carmen, tumayo ako para salubungin siya."Magandang umaga po," bati ko.
ARIA"Hindi na ba tayo babalik sa mansyon?" tanong ko paghinto namin dahil narito na kami ulit kung saan niya ako dinala at sinabi niyang place niya."No need," Sagot niya at hindi na ako nagsalita lumabas na kami ng kotse at magkasabay kaming naglakad pero huminto siya at nagulat pa ako tinali niya sa gilid ko yung coat niya kung saan kitang-kita ang hita ko na."Magpahinga ka na." Sabi niya at nauna na siyang naglakad kahit paano ay masaya ako at tiningnan ang coat."Napalaban pala kanina." Si Andrea nasa pinto tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa."Ayos naman kami." sagot ko."Ganun ba? Halika kumain tayo sabay na tayo." aya niya.Tumango ako dahil nakaramdam na rin ako ng gutom, sumunod ako sa kaniya doon sa kusina. Walang ibang tao doon kami lang."Ako na lang maghahanda ng sa akin." sabi ko dahil nakakahiya sa kaniya."Hindi ako na alam kong napagod ka." ngiting sabi niya.Napangiti na lang ako at naupo na lang ako kumuha ng baso si Andrea at may kinuhang juice mula sa re
ARIASakay na kami nang kotse ngayon magkatabi kami ni Mr. Tattoo sa likuran, may kasama kaming dalawang lalaki yung isa nagmamaneho. Tahimik ako at nakikiramdam sa katabi ko at lihim na tinitingnan ko siya sa gilid ng mata ko dahil tahimik na nakapanglumbaba siya na nakatingin sa bintana.Ano kaya iniisip niya? Saan ba kami pupunta?Nagulat pa ako ng bigla siyang lumingon sa akin at seryoso ang mata niya. Akala ko may sasabihin siya pero may kung anong pinindot siya sa gilid at sumara yung banda doon sa unahan kaya hindi na kami makikita nitong dalawa. Naiisip ko naman na baka mamaya may gawin siya sa akin dito mismo nakakahiya naman doon sa dalawa."Suotin mo 'yan." Napakunot noo ako sa sinabi niya at nilingon ang tinutukoy niya, nakita ko may paper bag doon. Pagtingin ko damit yun kulay silver, pagkuha ko dress pala labas ang balikat at hindi masiyado mababa ang sa may dibdib banda. Sa tingin ko hanggang binti lang yun, bagsak ang tela kaya maganda may mga maliliit na bato na des
ARIANagising akong wala ng katabi mabigat ang katawan at masakit ang ulo, bumukas ang pinto at pilit na sinisino ko kung sino iyon. May dala siyang tray na naglalaman ng pagkain at langhap na langhap ko agad ang masarap na amoy na yon."Iiwan ko na lang dito masarap itong kainin habang mainit para mawala ang tama mo." Napatingin ako dito sa babae na hindi ko pa alam ang pangalan."Salamat," sabi ko at tiningnan niya ako, nakaramdam pa ako ng hiya dahil tanging kumot lang ang takip sa hubad kong katawan."Huwag kang mahiya dahil dinanas ko rin yan pero sana iniingatan mo ang katawan mo na hindi mabuntis. Dahil kapag sawa na sa'yo si Zage, wala na siyang pakialam sa'yo. Payo ko lang yun huwag mo masamain," "Ayos lang kahit mabuntis ako," nakayukong sagot ko."Sabagay kung malaking pera naman ang ibibigay sa'yo ay ayos na. Pero tanong ko lang maraming beses na bang may nangyari sa inyo na wala kang ginagamit?"Tiningnan ko siya at tumango ako hindi siya sumagot na parang nag-iisip siy







