Home / Romance / Fifteen Days With Mr. Tattoo / chapter 3 - Hotness With Him

Share

chapter 3 - Hotness With Him

Author: BM_BLACK301
last update Last Updated: 2025-09-22 05:55:29

ARIA

NAKAPAGPALIT na ako ng pangitaas ko at lumabas ng kuwarto na muntik na akong mapasigaw dahil naroon si Ate Melly.

"Kanina pa kita hinahanap akala ko nandoon ka pa sa kuwarto ni sir hindi mo ba siya nakita?"

"Ha? H-hindi ee," pagsisinungaling ko pero ang lakas ng kaba nang dibdib ko dahil sa totoo lang hindi ako sanay magsinungaling.

"Ganun ba? Kinabahan ako ee, tara halika na kaingan natin tumulong sa paghahanda ng makakain ng bisita na kasama ni sir."

Napatango na lang ako at sumunod na kay ate Melly, pagdating sa kusina ay dinig na agad namin ang boses ni Manang Carmen parang galit ito.

"Bakit ba ang tagal niyo magluto sinabi ko na sa inyo na kailangan maluto na yan lahat bago dumating sila sir. Pero ano naghahabol kayo ngayon, hay nako naman."

Tahimik ang mga nandoon at kaniya-kaniya ang ginagawa

"Kayong dalawa diyan tulungan niyo si Jane magayos sa table madali kayo dahil nagugutom na sila." utos pa ni Manang Carmen.

Gumalaw na kami at nilabas namin ang mga ibang pagkain na ihahain sa lamesa dahan-dahan ang bawat kilos namin lalo na ako dahil ayokong magkamali.

"Carmen, puntahan mo muna si sir pinatatawag ka."

Napalingon pa ako dahil sa sinabi ni Mang Simon sa asawa niya, umalis na si Manang Carmen at naiwan kami dito na patuloy na inaayos ang mga pagkain. Ang daming pagkain at halos lahat masasarap talaga.

"Mas ok pa talaga kapag customer lang ang nandito hindi nakaka-pressured." natatawang sabi ni Ate Melly.

"Kaya nga po tapos nakakaba pa si Manang Carmen kapag nagsasalita." sagot ko at mahinang natawa si ate Melly.

"Huwag nga kayong maingay."

Sita sa amin ni Jane, natahimik na lang ako at ganun rin si Ate Melly. Tatlo lang ang kakain kasama na si sir dito sa lamesa pero ang pagkain parang may party sa dami.

"Sa kuwarto na lang si sir kakain dalhan nalang daw siya doon."

Sabay na napalingon kaming tatlo ni Ate Melly at Jane kay Manang Carmen.

"Ako na po ang magdadala." ani agad ni Jane.

"Hindi na Jane, kailangan kita si Aria na lang ang magdadala doon."

"Ha? A-ako po?" biglang kinabahan na tanong ko at napansin ko na sumimangot si Jane.

"Ako na lang kaya Manang kasi bago lang 'tong si Aria at-"

"Narinig mo ba sinabi ko Melly?" seryoso ang mukha ni Manang Carmen.

Wala na akong nagawa kailangan kong sumunod pero kinakabahan ako dahil papasok na naman ako doon sa kuwarto ni sir Tattoo. Iyon muna tawag ko dahil hindi ko pa naman alam kung ano ang pangalan niya.

Dala ang tray na may iba't ibang pagkain may biglang lumabas roon lalaki marahil isa ito sa kasama ni sir. Nilakihan niya ang bukas ng pinto at hinayaan akong makapasok at sumara na ang pinto na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Ang lamig sa loob dahil sa aircon, wala roon si sir napalingon ako sa may maliit na table katabi nang sopa doon ko nilapag ang tray. Pag-angat ko siyang may lumabas sa mula sa c.r at ganun na lang ang panlalaki ng mata ko at hindi ako nakagalaw dahil hubo't hubad lang naman na lumabas si sir habang nagpupunas ng buhok.

Para akong tinuka ng ahas na hindi makagalaw huli na rin para takpan ang mata ko dahil kitang-kita ko lahat-lahat sa kaniya.

Gumalaw ka Aria ano ka ba

Utak ko na lang ang gumagana ngayon dahil for the first time ngayon lang ako nakakita ng perpekto na katawan ng lalaki at wala pang suot. Hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko lalo na habang nagpupunas ito ng tuwalya ay sumasabit ang nasa ibaba nito na unti-unting nabubuhay at parang wala siyang pakialam kahit may taong nakakakita sa kaniya. Nakahinga lang ako ng maayos ng magsuot ito ng puting bathrob pero ewan ko ba kahit may takip na yun ay nasa isip ko pa rin yung nasa loob no'n.

"Are you ok?"

"Hindi ako okey." mahinang sambit ko.

Nakarinig ako ng mahinang pagtawa kaya nanlaki ang mata ko.

"Mali po kayo ng iniisip." todo iling ko pero umupo lang siya sa sopa na naka-dekuwatro, tiningnan ang pagkain pagkatapos sa akin naman.

"Maaari na po ba akong umalis?" paalam ko na dahil parang hindi ko na kayang magtagal pa rito.

"Stay here."

Tanging sabi niya lang at nagsimulang tikman ang pagkain pero mayamaya'y nilapag lang bigla ang tinidor. Nagtaka naman ako at umayos ito ng upuan tiningnan ako.

"Hindi niyo po ba nagustuhan gusto niyo kumuha ako ng bagong pagkain at-"

Halos mapasigaw na ako ng bigla niya akong hatakin at napaupo ako sa tabi niya. Amoy na amoy ko ang mabangong amoy niya dahil kakatapos lang nito maligo.

"Nagsasawa na ako sa mga pagkain na 'to."

Para akong may stepneck dahil hindi ako makalingon dahil pakiramdam ko kapag lumingon ako ay maglalapit ang mukha namin. Damang-dama ko sa tenga ko ang hininga nito na sobrang bango.

"Kukuha na lang ako po ako ng bago at-"

"Just stay here."

"Pero sir ano ka-kasi..."

"This is your fault."

Napalingon ako bigla dahil sa sinabi niya halos magdikit na ang labi namin dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin at naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa bewang ko.

"My appetite is gone, dahil iyon sa'yo dito."

Nanlaki ang mata ko dahil sa paghawak niya sa isa kong dibdib alam kong mali ang ginagawa niya kaya dapat ako mag-react pero bakit ganun? Naramdaman ko ang marahan na paghimas niya sa dibdib ko na nagbigay ng kakaibang init sa buong katawan ko.

Gumalaw ang kamay ko at aksidente na napahawak banda sa hita niya pero nagulat ako dahil nasagi ko ang matigas na naroon. Bigla akong tumayo at saktong bumukas ang pinto at si Manang Carmen 'yon. Nakahinga ako ng maayos dahil sa wakas nagising na ang diwa ko sa mga kakaibang nararamdaman ko.

"Nagpunta ako dito dahil hindi pa bumabalik si Aria, hindi ka kumain hindi mo ba nagustuhan?"

Umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko may nagawa akong kasalanan at dama ko na nakatingin sa akin si, Manang Carmen.

"Sawa na ako sa pagkain na 'to wala na bang iba?" sagot ni sir at sinabayan ng tayo.

"Hayaan niyo magpapaluto ako ibang putahe para sa inyo, kunin mo na yan Aria lumabas na tayo."

Utos sa akin ni Manang Carmen, kinuha ko ang tray pero dama ko ang mata ni sir na nakatingin sa akin. Sabay na lumabas na kami at napabuntong ako ng malalim na kinalingon ni Manang Carmen.

"May problema ba?"

"W-wala po," sagot ko agad.

Hindi naman na nagsalita si Manang Carmen, dumiretso na ako sa kusina naroon sila Ate Melly at pansin ko na niligpit na nila yung mga nasa lamesa kanina.

"Aria, akala ko kinain ka na ni sir este! Ano ba kasi bakit ang tagal mong lumabas?"

Natatawa naman yung mga tagaluto rito sa loob dahil sa sinabi ate Melly.

"Si Ate Melly naman, ano kasi..." pabitin ko at hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko.

"Baka gusto lang talaga niya na mag-stay siya doon sa loob."

Napalingon ako kay Jane na tumayo at sinabayan alis, napakibit balikat na lang si Ate Melly.

"Huwag mo na pansinin yon tara dito kuwento mo sa amin anong itsura ni sir, sigurado ako na gwapo."

"Ha? O-oo."

Pigil ang boses ni Ate Melly dahil sa sagot ko.

"Sabi ko na ee sayang kung ako ang nagdala ng pagkain ni sir malay mo baka-"

"Ayos lang mangarap." biro ni kuya Aldie ang isa sa mga guard na kakapasok lang.

"Hay nako epal ka talaga lagi."

Natawa naman ako kay Ate Melly at Kuya Aldie.

"Yan, lagi kayo mag-asaran baka sunod niyan may namamagitan na pala sa inyo." natatawang sabi ni Ate Selya ang isa sa tagaluto.

"Uy ma-issue kayo aa." napapailing na sagot ni Ate Melly.

"Masanay ka na dito Aria, ganito lang kami magbiruan pero nasa sa'yo kung totohanin mo." paliwanag ni kuya Aldie.

"Okey lang po sana'y naman ako sa ganyan hindi po ako pikon." sagot.

"Ganyan ang maganda." si kuya Berth na biglang dumating rin.

Masayang nag-uusap kami sa loob at kahit may nangyari kanina ay pansamantalang nakalimutan ko dahil sa masayang usapan at mga gawain.

~~~

Gabi na at pahingahan na namin narito na ako sa kuwarto ko at titig na titig lang ako sa kisame hindi ako makatulog dahil kung kanina nakalimutan ang nangayari sa kuwarto ni sir pero hindi ngayon dahil lahat yun nagbalik sa alaala ko. Napapikit pa ako at napahwak ang isa kong kamay sa dibdib ko kung saan banda hinawakan ni sir.

Oo virgin pa pero minsan ng muntik ko ng ibigay sa lalaking minahal ko noon sa probinsiya. Naranasan ko kung paano ako romansahin pero hindi lang iyon natuloy dahil biglang may tumawag no'n sa nobyo ko at ang masakit pa yung jowa niya mismo ang naghahanap sa kaniya at doon ko lang rin nalaman na may jowa pala siya sa ibang bayan bukod sa akin at laking pasalamat ko dahil hindi ko naisuko sa kaniya.

Ano ba 'tong mga iniisip ko gabing-gabi na itulog mo na lang yan Aria.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   Happy Contented

    ARIAMasaya ang bawat araw namin pakiramdam ako na ang pinakamasayang babae sa lahat. Dahil ramdam ko na kumpleto na ako, nariyan ang magulang ko na sobrang supportive at ang dalawang kapatid ko na patuloy na nag-aaral. Syempre ang gwapo kong asawa, marami ang napapalingon at nagpapansin kay Zage pero lahat yun binalewala niya.Nagplano na rin kaming magpakasal pagkatapos kong manganak at doon namin gaganapin ang kasal namin sa resorts kung saan kami nagkakilala dahil iyon ang pinaka-memorable sa amin at tuwang-tuwa si Ate Melly at excited na magpunta kami doon. Binalita ko kasi sa kaniya lahat at ang pagbabalik ni Zage sa buhay ko.Sa ngayon ay kabuwanan ko na araw o oras na lang ang hihintayin ko, si Zage naging busy sa panghuhuli ng isada dahil bumili siya ng bangka at sasakyan narin para kapag namimili. Sa pangingisda nila kasama si Itay at bespren niya na si Andoy. Ginawa niya yun dahil gusto niya raw umiwas sa akin baka daw hindi siya makapagpigil. Minsan ay inaasar ko siya nags

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   New Life with him

    ARIAAnim na buwan na ang lumipas at masaya na ako kasama ang mga magulang at kapatid ko, lumalaki na rin ang tiyan ko at sobrang saya ko ng magpa-ultrasound ako lalaki ang anak ko at ganun rin ang magulang ko excited na sila.Sa ngayon nandito kami sa may bayan kung saan pamilihin nang mga tao, dito ako bumili ng bahay at lupa pinaayos at pinaganda ko lang. May maliit na negosyo kami, tulad ng bigasan at mga tindang isda at mga gulay. Habang si Itay naman ay naroon sa may likod inaasikaso ang mga nagbebenta ng mga nilukad na niyog.Ito ang aming pinagkakaabahalan ngayon 'yung bahay na pinaayos ko ay ang sarap lang sa mata tingnan style kubo siya pero modern ang pagkakagawa dahil ang mga bintana no'n ay salamin at yero ang bubong pero ang mga pader ay mga kawayan ganun rin sa terrace dahil dalawang palapag ito na malapad. Tag-iisang kuwarto ang pinagawa ko at nilagyan ko ng mga aircon kung sakaling tag-init lalo na sa kalagayan ko ngayon pakiramdam ko na palaging iritable.Kasalukuyan

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   One Month

    ARIAHindi naman ako makapaniwala sa kinuwento sa akin ni Ate Melly na nahuli raw si Jane at ang isa sa mga guard na nagse-sex sa may kubo at naalala ko yung madaling araw na may narinig akong ungol.Pinaalis si Jane at yung guard ni Manang Carmen, galit na galit sa dalawa kaya pala hindi ko na nakita si Jane. Kasalukuyang nagkakape akong mag-isa ng tumunog ang cellphone ko akala ko si Mr. Tattoo hindi pala sila nanay at tatay."Kamusta ka naman diyan anak?" "Okey lang po Inay kayo po? Nasaan si tatay?" pangangamusta ko."Naghahanap ng panggatong, kamusta ang trabaho mo?" "Ganun po ba? Ayos naman masaya naman dito." sabi ko kahit dama ko na hindi ako masaya pinipilit ko na lang dahil ito ang dapat."Siya sige, huwag mo pabayaan ang katawan mo." "Salamat po nay kayo rin diyan lahat ikamusta mo niyo na lang po ako kay itay at sa dalawa kong kapatid." Matapos naming mag-usap ay napansin ko na parating si Manang Carmen, tumayo ako para salubungin siya."Magandang umaga po," bati ko.

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   Day 15 - Last Kiss

    ARIA"Hindi na ba tayo babalik sa mansyon?" tanong ko paghinto namin dahil narito na kami ulit kung saan niya ako dinala at sinabi niyang place niya."No need," Sagot niya at hindi na ako nagsalita lumabas na kami ng kotse at magkasabay kaming naglakad pero huminto siya at nagulat pa ako tinali niya sa gilid ko yung coat niya kung saan kitang-kita ang hita ko na."Magpahinga ka na." Sabi niya at nauna na siyang naglakad kahit paano ay masaya ako at tiningnan ang coat."Napalaban pala kanina." Si Andrea nasa pinto tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa."Ayos naman kami." sagot ko."Ganun ba? Halika kumain tayo sabay na tayo." aya niya.Tumango ako dahil nakaramdam na rin ako ng gutom, sumunod ako sa kaniya doon sa kusina. Walang ibang tao doon kami lang."Ako na lang maghahanda ng sa akin." sabi ko dahil nakakahiya sa kaniya."Hindi ako na alam kong napagod ka." ngiting sabi niya.Napangiti na lang ako at naupo na lang ako kumuha ng baso si Andrea at may kinuhang juice mula sa re

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   Day 14 - Forteen days with him

    ARIASakay na kami nang kotse ngayon magkatabi kami ni Mr. Tattoo sa likuran, may kasama kaming dalawang lalaki yung isa nagmamaneho. Tahimik ako at nakikiramdam sa katabi ko at lihim na tinitingnan ko siya sa gilid ng mata ko dahil tahimik na nakapanglumbaba siya na nakatingin sa bintana.Ano kaya iniisip niya? Saan ba kami pupunta?Nagulat pa ako ng bigla siyang lumingon sa akin at seryoso ang mata niya. Akala ko may sasabihin siya pero may kung anong pinindot siya sa gilid at sumara yung banda doon sa unahan kaya hindi na kami makikita nitong dalawa. Naiisip ko naman na baka mamaya may gawin siya sa akin dito mismo nakakahiya naman doon sa dalawa."Suotin mo 'yan." Napakunot noo ako sa sinabi niya at nilingon ang tinutukoy niya, nakita ko may paper bag doon. Pagtingin ko damit yun kulay silver, pagkuha ko dress pala labas ang balikat at hindi masiyado mababa ang sa may dibdib banda. Sa tingin ko hanggang binti lang yun, bagsak ang tela kaya maganda may mga maliliit na bato na des

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   Day 13 - Every Moment

    ARIANagising akong wala ng katabi mabigat ang katawan at masakit ang ulo, bumukas ang pinto at pilit na sinisino ko kung sino iyon. May dala siyang tray na naglalaman ng pagkain at langhap na langhap ko agad ang masarap na amoy na yon."Iiwan ko na lang dito masarap itong kainin habang mainit para mawala ang tama mo." Napatingin ako dito sa babae na hindi ko pa alam ang pangalan."Salamat," sabi ko at tiningnan niya ako, nakaramdam pa ako ng hiya dahil tanging kumot lang ang takip sa hubad kong katawan."Huwag kang mahiya dahil dinanas ko rin yan pero sana iniingatan mo ang katawan mo na hindi mabuntis. Dahil kapag sawa na sa'yo si Zage, wala na siyang pakialam sa'yo. Payo ko lang yun huwag mo masamain," "Ayos lang kahit mabuntis ako," nakayukong sagot ko."Sabagay kung malaking pera naman ang ibibigay sa'yo ay ayos na. Pero tanong ko lang maraming beses na bang may nangyari sa inyo na wala kang ginagamit?"Tiningnan ko siya at tumango ako hindi siya sumagot na parang nag-iisip siy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status