Beranda / Romance / Fifteen Days With Mr. Tattoo / chapter 7- Day 4 Miss Him

Share

chapter 7- Day 4 Miss Him

Penulis: BM_BLACK301
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-22 05:58:24

ARIA

Halik na wala ng bukas sinandal niya ako pader at doon ay patuloy na inaangkin niya ang labi ko. Pakiramdam ko mas lalong umiinit ang nararamdaman ko ngayon dahil sa klase ng kaniyang paghalik sa akin. Halos maubusan ako ng hangin. Pumasok ang isang kamay niya sa ilalim ko at kinapa ang medyo makirot ko pang lagusan. Matapos ang mainit na halik na yon ay binuhat niya ako mula sa bewang ko at pinaupo sa kama titig ako sa kaniya dahil nakatitig rin siya sa akin, sumunod ay yumukod siya at hinawakan ako sa batok at malalim na inangkin ang labi ko. Napakapit ako sa balikat niya pero bigla niya akong tinulak kaya napahiga ako, hinawi lang niya ang slit ko at doon ay sumusobsob siya.

Napaungol ako agad dahil sa paglalaro niya sa ibaba ko, pabiling-biling ang ulo ko dahil sa pinaghalong kiliti at sarap dulot ng dila niya. Pinaglaruan ng dila niya ganun na lang ang pamamasa ko agad pakiramdam ko basang-basa na ako. Nawala yung sakit at kirot kanina na nararamdaman ko dahil sa ginawa niya.

Hanggang sa tumigil siya at mabilis na hinubad ang pantalon at mabilisan lang puwesto na agad siya sa gitna ko doon ay pinasok agad niya. Tinaas niya ang dalawang kamay ko habang mabilis ang pag-ulos niya, gumagapang rin ang labi niya sa leeg ko at sa dibdib.

Matapos siya sa ganun posisyon mabilis na binaligtad lang niya ako patalikod sa kaniya at muntikan na akong mapasigaw dahil bigla niyang sinagad. Kumirot ang nararamdaman ko, habang mabilis na gumagalaw siya sa likuran ko ay sinisip-sip naman niya ang bawat ng balat ko sa likuran ko masakit pero may sarap.

Matapos ang ganun posisyon namin ay hiniga naman niya ako at doon ay muling gumalaw siya sa ibabaw ko, nasiksik na ang ulo ko sa sulok dahil sa sobrang bilis niya gumalaw at lalo na kapag binabaon niya napapakapit ako sa likuran niya at napapaungol. Mas lalo pa siyang bumilis nang bumilis hanggang sa marinig ko ang ungol niya at nadama ko ang pagpasok sa loob ko ng kaniyang lakas.

Matapos 'yun ay tumayo ay siya nagtungo sa banyo, hinatak ko ang kumot para takpan ang halos hubad kong katawan. Pumikit ako dahil para na akong hinahatak ng antok.

~~~

"Is she feeling better?"

"Yes, need niya ng pahinga lang kaya naman ikalma mo muna."

Nadinig kong usapan at narinig ko rin ang boses na babae, medyo mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Pagdilat ko ng mata nakita ko agad si, Mr. Tattoo seryosong nakahalukipkip na tingin sa akin. Bumaling naman ang tingin ko dito sa babae na nakasuot na pang-doctor.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"May konting lagnat ka lang at itong cream ipahid mo lang diyan sa private part mo para gumaling agad."

Sabi nito at naunawaan ko agad ang sinabi ng babae, lumabas na sila at naiwan akong mag-isa. Napansin ko naman sa gilid ang daming paper bag at nakita ko ang iba sa loob no'n puro damit. Tatayo sana ako ng muling bumukas ang pinto si Mr. Tattoo may dala itong try at dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Nilapag ang dala at naupo sa gilid ko.

"Stay here, don't go anywhere. You need rest... I'm sorry."

Natigilan ako dahil sa sinabi niyang sorry kahit hindi naman kailangan.

"Ayos lang hindi mo kailangan mag-sorry gusto ko rin naman." sagot ko at napatingin siya sa lalo sa akin.

Hindi siya sumagot at kumuha ng mansanas kinagat yun at dinala sa bibig ko yung kinagat niya. Nahihiya man ako dahil nakakailang ay tinanggap ko, dahan-dahan ko yun nginuya lumapit ang kamay niya banda sa gilid ng labi ko at parang may pinunasan siya doon. Nakatitig lang ako sa kaniya at ganun rin siya hanggang sa lumapat na lang bigla ang labi niya at mayamaya lang gumagalaw na yon at napahawak ang isang kamay niya sa leeg ko.

"F*ck!"

Dinig kong mahinang mura niya at humito sa paghalik sabay tayo kasunod naman ang pag-ring nang cellphone ko. Siya ang kumuha at inabot sa akin number nila nanay ang tumatawag, sinagot ko yun at dinig ko agad ang boses na parang umiiyak.

"Hello? Nay?" nag-aalala na sagot ko at napatingin ako kay Mr. Tattoo.

"Ate si nanay inaway ni aling Nora, kasi sinisingil na sa utang na ginamit mo pamasahe. Pinahiya siya sa labas inaway si nanay," umiiyak na balita ng kapatid kong Shaina.

"Ha? Hindi ba usapan pagsahod ko? Ano ba naman yan nasaan na si nanay kamusta siya?" nag-aalala kong hanap kay nanay.

"Nasa bahay ate ako lang nakipag-usap sayo ayaw pasabi ni nanay."

"Ganun ba? Sige gagawa ako paraan magpapadala ako ha? Sabihin mo kay nanay huwag na siya mag-isip." naiiyak kong sabi.

"Sige ate."

Nagpaalam na ang kapatid ko at nagpahid pa ako ng luha.

"Gamitin mo 'to. Bahala ka na kumuha kung magkano kailangan mo at kung ano mga bibilhin mo."

Napatingin ako sa card na kulay brow na katulad sa mga atm may nakasulat na Pendleton.

"Ha? H-hindi na siguro kausapin ko si Manang Carmen na pabalihin mo na ako-"

"Do what I say. Money is nothing for me,"

Hindi na ako nakasagot at napatango na lang ako.

"Tomorrow you can go, pasasamahan kita para makapagpadala ka sa magulang mo."

"Maraming salamat, maraming salamat." masayang pasasalamat ko.

"Kumain ka na may pupuntahan ako."

Paalam niya at hindi ko na nagawang magsalita pa masiglang kinain ko ang pagkain masarap yun. Inorder niya lang kasi nakalagay sa pang-take out, naubos ko ang pagkain kaya kahit paano gumaan ang pakiradam ko.

Nakahiga lang ako at nag-iisip hanggang sa dalawin ako ng antok.

~~~~

Kinabukasan hindi ko pa rin nakita si Mr. Tatoo inisip ko baka busy lang siya sa trabaho niya pero sa kaloob-looban ko may lungkot dahil ngayon ko lang siya hindi nakita ng matagal.

Naisip kong lumubas ngayon para magpadala ng pera kila nanay para mabayaran na nila yung utang namin, simpleng bistida na itim lang ang suot ko at sandals. Isa ito sa mga napakaraming damit na nasa paper bag. Dala ang cellphone ko at yung card na bigay niya lumabas na ako at nagtaka ako dahil nandoon na banda sa malapit sa gate yung kotse para bang handa na itong umalis.

"Ma'am ako po ang maghahatid sa'yo kung saan ka man pupunta."

Nakangiting sabi nitong lalaki na naka-suit na itim at pansin ko na dalawa sila. Pinagbuksan nila ako ng pinto dito banda sa likuran at parehong sumakay sila sa loob.

"Dalawa ba kayong kasama ko?" medyo naiilang na sabi ko.

"Yes, ma'am. Ito po bilin sa amin ni boss."

Napatango na napangiti na lang ako at sinabi ko nga dalhin ako sa mga atm machine at kung saan ako puwede makapagpadala ng pera. Nilabang ko ang mata ko sa mga nakikita ko at ilang sandali lang ay huminto ang kotse sa may bangko. Muli akong pinagbuksan nang isa at sinamahan ako hanggang sa loob ng bangko dahil sabi niya huwag raw ako sa labas mag-withdraw. Sinunod ko siya dahil sa tingin ko naman tama siya.

Napaisip ako bigla dahil hindi ko alam ang password hindi ko natanong kaya naisip ko na mag-message sa number niya. Nagulat pa ako dahil bigla siyang nag-reply, napapangiti ako habang nilalagay ang password at hindi na ako nag-balance inquire dahil ayokong magulat sa laman no'n five thousand lang kailangan ko pero ginawa kong sampu dahil sa charge pa at gusto ko dumaan sa palingke para mamili ng iba pang kailangan sa kusina.

Nanginig pa ang kamay ko paglabas ng pero at maayos ko yun tinupi at pagkakuha ko sa resibo napatingin ako at nanlaki mata ko sa balance ang daming number. Imbes na itapon ko ang resibo tinabi ko dahil baka mamaya may makakita.

Matapos yun ay umalis na kami at dinaan nila ako isang shop kung saan ako magpapadala. Mabilis lang ang transuction dinagdagan ko na rin para may extra sila nagtira lang ako ng two thousand pesos. Nagsabi ako na idaan ako sa mga palingke nagtataka naman sila bakit daw hindi sa mga market. Sabi ko mas gusto ko sa palingke, pumayag naman sila at may nakita naman kami pero ayaw pumayag na ako lang mag-isa ang mamimili. Kaya hinayaan ko na dahil medyo malayo naman siya sa akin pero may ilang napapatingin pa rin.

Masayang namili ako ng mga gulay at mga karne pati na sariwang isda at matapos yon ay umuwi na kami kahit medyo pagod ay ang saya ko. Agad na nag-message ako kay Mr. Tattoo binalita ko ang mga ginawa ko at nagpasalamat ako sa kaniya.

Inayos ko ang mga pinamili ko at naisip ko magluto na dahil hapon na, panay ang silip ko sa phone ko dahil baka nag-reply siya pero wala kahit nalungkot ay pinili kong pasayahin ang sarili ko. Nagluto ako ng sinigang na baboy ito ang paborito nila nanay at tatay pati na kapatid ko kapag nagkakapera kami ito ang ulam namin.

Masiglang inayos ko lahat ang mga lulutuin ko at nanonood ako cellphone ko sa youtube dahil may load naman ito siguro nilagyan na rin niya. Natapos na akong magluto at dinalhan ko yung dalawang guard at pati na yung dalawang lalaki na kasama ko dahil dinamhan ko ang niluluto ko para makakain rin sila. Todo tanggi pa sila pero mapilit ako kaya kinuha na rin nila, pagkatapos no'n naglinis ako sa kusina hindi muna ako kumain dahil gusto ko sabay kami.

Pero lumipas ang oras alas otso na ng gabi wala pa ring Mr. Tattoo gutom na ako kaya kumain na lang ako kahit malungkot. Konti lang nakain ko at umakyat na ako sa kuwarto, naisip ko maligo muna.

Pagkatapos ya namili ako ng susuotin ko at may isang bistida akong nakita itim siya na may lace ang sexy ng dating at napangiti ako kaya yun ang sinuot ko. Panay suklay ko sa buhok ko at silip na rin sa cellphone pero wala pa rin siyang reply hanggang sa nahiga na ako at tulala sa kisame. Nagpaikot-ikot na ako pero wala pa ring Mr. Tattoo.

Nasaan na kaya siya? Bakit hindi ba siya umuuwi? Paano ako makakatulog nito?

Tumayo ako at lumabas ng kuwarto bumaba sa sala tahimik na doon, nakita ko ang cabinet ng mga alak kaya naisip kong kumuha doon. Iinom ako kahit konti lang para makatulog ako dahil baka mabaliw ako sa pag-iisip.

Halos lahat ng alak ay hindi pamilyar sa akin pero sa may sulok may isang alak akong nakita iyon ang iniinom ng kapitan namin sa barangay namin. Kinuha ko 'yun at dinala sa kusina dahil naisip ko magluto ng pulutan, sisig na giniling dahil madali lang maluto.

Habang nagaasikaso ako ng mag ingredients ay panay na ang shot ko at mabilis na nag-init ang katawan ko. Pero patuloy lang ako may malamig na tubig naman. Matapos kong magluto ay naupo na ako habang nakikinig ng sounds sinasabayan ko pa minsan pero habang nakakarami ako ng nainom napahinto ako dahil dito sa lamesa may alaala akong mga eksena.

Ewan ko ba pero bigla akong naiiyak.

Ganito talaga kapag lasing nagiging emotional na pero miss ko na siya.

Tumayo ako at kumuha ulit ng tubig na malamig dahil naubos na at pagsara ko ng ref at ganun na lang ang gulat ko dahil sa taong nakatayo ngayon sa may pinto dito sa kusina.

Ikaw ba yan Mr. Tatoo?

Tanong ng isipan ko dahil baka imagination ko lang.

"Ikaw ba yan?" Naiiyak kong tanong at walang sagot sa kaniya dahil mabilis na lumapit siya sa akin at kinuha sa kamay ko ang tubig na malamig. Nilapag sa lamesa, matapos ay pumulupot ang braso niya sa bewang ko.

"Did you miss me?"

"S-Sobra," naiiyak kong sagot. "I'm sorr-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinilyuhan niya na ako ng isang mainit na halik.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   Happy Contented

    ARIAMasaya ang bawat araw namin pakiramdam ako na ang pinakamasayang babae sa lahat. Dahil ramdam ko na kumpleto na ako, nariyan ang magulang ko na sobrang supportive at ang dalawang kapatid ko na patuloy na nag-aaral. Syempre ang gwapo kong asawa, marami ang napapalingon at nagpapansin kay Zage pero lahat yun binalewala niya.Nagplano na rin kaming magpakasal pagkatapos kong manganak at doon namin gaganapin ang kasal namin sa resorts kung saan kami nagkakilala dahil iyon ang pinaka-memorable sa amin at tuwang-tuwa si Ate Melly at excited na magpunta kami doon. Binalita ko kasi sa kaniya lahat at ang pagbabalik ni Zage sa buhay ko.Sa ngayon ay kabuwanan ko na araw o oras na lang ang hihintayin ko, si Zage naging busy sa panghuhuli ng isada dahil bumili siya ng bangka at sasakyan narin para kapag namimili. Sa pangingisda nila kasama si Itay at bespren niya na si Andoy. Ginawa niya yun dahil gusto niya raw umiwas sa akin baka daw hindi siya makapagpigil. Minsan ay inaasar ko siya nags

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   New Life with him

    ARIAAnim na buwan na ang lumipas at masaya na ako kasama ang mga magulang at kapatid ko, lumalaki na rin ang tiyan ko at sobrang saya ko ng magpa-ultrasound ako lalaki ang anak ko at ganun rin ang magulang ko excited na sila.Sa ngayon nandito kami sa may bayan kung saan pamilihin nang mga tao, dito ako bumili ng bahay at lupa pinaayos at pinaganda ko lang. May maliit na negosyo kami, tulad ng bigasan at mga tindang isda at mga gulay. Habang si Itay naman ay naroon sa may likod inaasikaso ang mga nagbebenta ng mga nilukad na niyog.Ito ang aming pinagkakaabahalan ngayon 'yung bahay na pinaayos ko ay ang sarap lang sa mata tingnan style kubo siya pero modern ang pagkakagawa dahil ang mga bintana no'n ay salamin at yero ang bubong pero ang mga pader ay mga kawayan ganun rin sa terrace dahil dalawang palapag ito na malapad. Tag-iisang kuwarto ang pinagawa ko at nilagyan ko ng mga aircon kung sakaling tag-init lalo na sa kalagayan ko ngayon pakiramdam ko na palaging iritable.Kasalukuyan

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   One Month

    ARIAHindi naman ako makapaniwala sa kinuwento sa akin ni Ate Melly na nahuli raw si Jane at ang isa sa mga guard na nagse-sex sa may kubo at naalala ko yung madaling araw na may narinig akong ungol.Pinaalis si Jane at yung guard ni Manang Carmen, galit na galit sa dalawa kaya pala hindi ko na nakita si Jane. Kasalukuyang nagkakape akong mag-isa ng tumunog ang cellphone ko akala ko si Mr. Tattoo hindi pala sila nanay at tatay."Kamusta ka naman diyan anak?" "Okey lang po Inay kayo po? Nasaan si tatay?" pangangamusta ko."Naghahanap ng panggatong, kamusta ang trabaho mo?" "Ganun po ba? Ayos naman masaya naman dito." sabi ko kahit dama ko na hindi ako masaya pinipilit ko na lang dahil ito ang dapat."Siya sige, huwag mo pabayaan ang katawan mo." "Salamat po nay kayo rin diyan lahat ikamusta mo niyo na lang po ako kay itay at sa dalawa kong kapatid." Matapos naming mag-usap ay napansin ko na parating si Manang Carmen, tumayo ako para salubungin siya."Magandang umaga po," bati ko.

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   Day 15 - Last Kiss

    ARIA"Hindi na ba tayo babalik sa mansyon?" tanong ko paghinto namin dahil narito na kami ulit kung saan niya ako dinala at sinabi niyang place niya."No need," Sagot niya at hindi na ako nagsalita lumabas na kami ng kotse at magkasabay kaming naglakad pero huminto siya at nagulat pa ako tinali niya sa gilid ko yung coat niya kung saan kitang-kita ang hita ko na."Magpahinga ka na." Sabi niya at nauna na siyang naglakad kahit paano ay masaya ako at tiningnan ang coat."Napalaban pala kanina." Si Andrea nasa pinto tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa."Ayos naman kami." sagot ko."Ganun ba? Halika kumain tayo sabay na tayo." aya niya.Tumango ako dahil nakaramdam na rin ako ng gutom, sumunod ako sa kaniya doon sa kusina. Walang ibang tao doon kami lang."Ako na lang maghahanda ng sa akin." sabi ko dahil nakakahiya sa kaniya."Hindi ako na alam kong napagod ka." ngiting sabi niya.Napangiti na lang ako at naupo na lang ako kumuha ng baso si Andrea at may kinuhang juice mula sa re

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   Day 14 - Forteen days with him

    ARIASakay na kami nang kotse ngayon magkatabi kami ni Mr. Tattoo sa likuran, may kasama kaming dalawang lalaki yung isa nagmamaneho. Tahimik ako at nakikiramdam sa katabi ko at lihim na tinitingnan ko siya sa gilid ng mata ko dahil tahimik na nakapanglumbaba siya na nakatingin sa bintana.Ano kaya iniisip niya? Saan ba kami pupunta?Nagulat pa ako ng bigla siyang lumingon sa akin at seryoso ang mata niya. Akala ko may sasabihin siya pero may kung anong pinindot siya sa gilid at sumara yung banda doon sa unahan kaya hindi na kami makikita nitong dalawa. Naiisip ko naman na baka mamaya may gawin siya sa akin dito mismo nakakahiya naman doon sa dalawa."Suotin mo 'yan." Napakunot noo ako sa sinabi niya at nilingon ang tinutukoy niya, nakita ko may paper bag doon. Pagtingin ko damit yun kulay silver, pagkuha ko dress pala labas ang balikat at hindi masiyado mababa ang sa may dibdib banda. Sa tingin ko hanggang binti lang yun, bagsak ang tela kaya maganda may mga maliliit na bato na des

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   Day 13 - Every Moment

    ARIANagising akong wala ng katabi mabigat ang katawan at masakit ang ulo, bumukas ang pinto at pilit na sinisino ko kung sino iyon. May dala siyang tray na naglalaman ng pagkain at langhap na langhap ko agad ang masarap na amoy na yon."Iiwan ko na lang dito masarap itong kainin habang mainit para mawala ang tama mo." Napatingin ako dito sa babae na hindi ko pa alam ang pangalan."Salamat," sabi ko at tiningnan niya ako, nakaramdam pa ako ng hiya dahil tanging kumot lang ang takip sa hubad kong katawan."Huwag kang mahiya dahil dinanas ko rin yan pero sana iniingatan mo ang katawan mo na hindi mabuntis. Dahil kapag sawa na sa'yo si Zage, wala na siyang pakialam sa'yo. Payo ko lang yun huwag mo masamain," "Ayos lang kahit mabuntis ako," nakayukong sagot ko."Sabagay kung malaking pera naman ang ibibigay sa'yo ay ayos na. Pero tanong ko lang maraming beses na bang may nangyari sa inyo na wala kang ginagamit?"Tiningnan ko siya at tumango ako hindi siya sumagot na parang nag-iisip siy

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status