MasukAN: Nagkakape habang nagsusulat ❤ tahimik pa kapag umaga nakakapag-focus sa pagsusulat lalo na kapag spg 😄🤫
ARIA Pakiramdam ko mas lalong sumama pakiramdam ko dahil sa ginawa niya, pero hinayaan ko na at hindi ko na inisip kaya lumabas na ako matapos kong suotin ang dress. Tinali ko paitaas ang buhok ko dahil nagulo kanina medyo ilang dahil first time ko magsuot ng ganito ka sexy, nakakapagsuot naman ako ng dress kapag may okasyon sa amin pero hindi katulad nito. Inaayos ko banda sa dibdib ko dahil talagang kitang-kita ang kalahati no'n alam ko naman hindi yon baba dahil fit siya. Pag-angat ng mukha ko si Mr. Tattoo nakatingin sa akin habang may cellphone sa tenga niya at titig na titig siya sa akin nakaramdam ako ng pagkailang dahil hindi siya nagsasalita. "Okey na ba?" tanong ko pero hindi pa rin siya nagsasalita. Ano ba? Maganda ba? Bakit hindi ka nagsasalita? Kausap ko sa sarili ko pero naglakad siya palapit sa akin at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "I see a beautiful woman." Bago pa ako makapag-react naramdaman ko na lang ang labi niya na dumikit na sa labi ko. Hindi ako nakagalaw at kahit saglit lang ang halik na yon ay nagbigay ng kakaibang damdamin sa akin. "Suit for you ma'am, halika na po ayusan kita." Doon lang ako nagising sa nagsalita yung babae at hawak na niya ako, hinanap ng mata ko siya nandoon siya banda sa may entrance may kausap nakatalikod siya sa akin. Ewan ko ba pero napapangiti na lang ako. Nakangiti ako habang inaayusan ako sinabi ko na light lang dahil ayoko ng makapal mas gusto ko yung natural na beauty lang. Sa totoo lang maraming kumukuha sa akin noon sa probinsya namin para sumali sa mga sagala pero hindi lang kaya dahil nga kailangan ng pera kahit pa may gusto mag-sponsor dahil nga sa matangkad ako at balingkinitan ang katawan. "Mas gumanda po kayo lalo na sa kulay niyo na morena." "Salamat," sabi ko doon sa babae na nag-aayos sa akin, tumayo ako at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon grabe gandang-ganda ako sa sarili ko lalo na sa suot ko. Pero nakakailang kasi wala akong panty bakit ba wala? Nagulat na lang ako ng may maglagay sa balikat ko pagtingin ko ay coat yun at may tag price pa. Paglingon si Mr. Tattoo pala. "Malamig sa kotse." Sabi niya at hinawakan niya ako sa palad at ganun na lang ang parang kuryente na dumaloy simula sa kamay at sa buong katawan ko. Inlove na ba ako sa'yo? Pagdating sa loob ng kotse niya tahimik ako at laman pa rin ng isip ko yung damdamin ko para sa kaniya. "Always my side, lalo na kapag nakarating na tayo." "Okey, pero saan ba tayo pupunta?" kuryos na tanong ko. "Birthday party, one of my friend and business partner." Businessman pala siya talaga palang bilyonaryo siya. "Ok pero ayos lang ba na kasama mo ako? Isa pa nakakailang naman pero mamayaman ang naroon at-" "Sinabi ko na sa tabi lang kita." seryosong lingon niya. Napatango na lang ako dahil parang galit na agad siya, pinaandar niya na ang kotse at ako naman nakatingin lang sa ako labas. Kahit madilim na ay makikita mo mga iba't ibang kulay ng ilaw mula sa bahay, gusali at mga restaurant. "Where's your phone?" Napalingon ako sa kaniya at naalala ang cellphone ko naroon pala sa paper bag dahil nilagay ng babae kanina doon kasama ng hinubad kong damit. Inabot ko yung paper at kinuha ang cellphone ko agad niyang kinuha sa akin yun at pinagmasdan habang nagmamaneho. "Old and cheap," Grabe siya syempre wala naman akong pambili ng magandang cellphone. "Wala kasi ako-" "Here, gamitin mo 'to. Transfer all your contact." Napatingin ako sa cellphone na inabot niya pagkakuha ko bagong-bago yun at mukhang mamahalin. Nadudulas pa sa kamay ko napangiti lang ako sa kaniya dahil napatingin siya sa akin. "Salamat," sabi ko at nilipat ko nga ang mga contact doon pero lihim na napangiti ako dahil naroon sa contact ko ang pangalan niya at Mr. Tattoo ang name na nakalagay. "I don't use any kind of social media. Sa number mo lang ako tatawagan kapag may problema o kailangan ka." "S-sige, salamat ulit." at hinawakan kong mabuti ang cellphone. Tahimik na kami ulit ng ilang sandali lang ay naging dahan-dahan ang patakbo namin at napansin ko na may gate na papasukan na kami. Pansin ko na may mga bantay sa labas at may mga nakasukbit na mga mahahabang baril sa balikat nila, hinabol ko yun ng tingin hanggang sa makapasok kami sa loob. "Don't go anywhere, lalo na kapag hindi mo ako kasama." Napalingon ako sa kaniya nang huminto na ang makina ng kotse niya, may kung anong kaba ako na nararamdaman pero dahil kasama ko naman siya ay binalewala ko 'yun. Sigurado ka ba Aria na magtitiwala ka sa kaniya? Hindi mo nga siya lubos na kilala at inlove ka na nga agad. "Ano'ng problema?" "Ha?" napaangat ako ng tingin at hindi ko namalayan na lumabas na pala kami nang kotse, yung coat hawak niya. "Come on," Aya niya sa akin at kinuha niya ang kamay ko dinala sa braso niya nakaangkla ako ngayon sa kaniya at habang naglalakad kami napansin ko na may mga kalalakihan sa paligid may mga naninigarilyo at umiinom sa gilid, dinig ko rin ang sound. Maganda ang lugar at ang lawak ng espasyo dito sa labas dahil maramig kotse ang naka-park. Pagpasok namin sa pinto ay bumangad agad sa akin ang malawak na living room at bawat sulok may mga tao at lahat sila ay ang gaganda ng mga suot. Halatang lahat ng mga narito ay mamayaman at may sinabi sa buhay. "Mr. Pendleton." Napatingin ako sa nagsalita isang lalaki na sa tingin ko ay nasa sixty year old plus. Medyo may kalakihan ng tiyan at balbas sarado, naka-tuxed na puti ito at masayang nakipagkamay kay Mr. Tattoo. Pendleton? Yun kaya ang surname niya katulad sa pangalan ng beach resort niya. "Kamusta, happy birthday." Bati ni Mr. Tattoo at matapos nila magbatian ay napatingin sa akin ang matanda. "Oh, sino itong magandang dilag na kasama mo? Mas maganda ito ngayong kasama mo kumpara sa dati." "Happy birthday po," bati ko at hindi ko na pinansin ang sinabi niya napansin ko naman na nakatingin si, Mr. Tattoo sa akin. "Salamat hija, biro ko lang yun ang totoo niyan ngayon lang nagdala itong partner ko ng babae. Aba napakaswerte mo gwapo na mayaman pa." Napangiti na lang ako sa sinabi nitong matanda pero nakakailang baka kasi mamaya hindi magustuhan ni, Mr. Tatoo. "Puro ka biro, Mr. Elaster." Tapik ni Mr. Tattoo dito sa matanda at ngayon ko lang nakita at narinig na ganito magsalita siya dahil parang ibang tao ang kasama ko dahil sa biglang pagbabago ng tono niya. "Hija, maraming masarap na pagkain diyan tikman mo hiramin ko lang sandali itong lalaki mo." Natatawang sabi nitong matanda at kinapitan si Mr. Tattoo sa balikat, tumango lang ako at tiningnan niya ako na nagsasabi ang mata na huwag akong pupunta kung saan-saan. Lumingon ako sa paligid dahil umakyat sila Mr. Tattoo sa taas kaya nilabang ko muna pansamantala ang sarili ko may ibang mga nakatingin sa akin hinayaan ko nalang. Medyo nilalamig naman ako dahil nga sa pakiramdam ko para akong lalagnatin na. "Wine for this beautiful lady." Nagulat pa ako sa nagsalita mula sa likuran ko isang lalaki na halos kasing tangkad ni Mr. Tattoo, naka-silver suit ito may manipis na bigote at balbas gwapo rin ito. Nahihiyan man ay inabot ko ang wine na binigay niya. "Salamat." nakangiting sabi ko. "Welcome, anyway what's your name?"tanong niya. "A-Aria," sagot ko. "Nice name for a beautiful lady. Wala ka bang kasama?" tanong niya pa. "Mayroon pero may kausap kasi siya iniwan lang ako saglit." sabi ko at napatango-tango siya. "For me, hindi ko iiwanan ang ganitong kagadang babae." Nailang naman ako sa klase ng pagsasalita niya at yung titig niya may kung anong malisya. "Inumin mo mas masarap kapag inom mo agad hindi iyan pinaghihintay." nakangiti siya. "Regan Gelmore." Pakilala niya at nilahad niya ang kamay sa akin hindi ko naman puwede hindi abutin yon kahit pa iba ang pakiramdam ko. Balak ko na sanang abutin yon ng may humawak sa bewang ko. "Nainip ka ba?" mahinang bulong ni. Mr. Tattoo sa akin. Binaba nitong si Regan ang kamay niya dahil hindi ko na yun naabot pa. "Ikaw pala ang kasama niya, Mr. Pendleton, hindi ko alam na mas bata na ngayon ang tipo mo." may pang-aasar na sabi nito. "Ito na ang huling lalapitan mo siya." Napatingin ako kay Mr. Tattoo at ewan ko ba kung pinagbabantaan ba niya itong si Regan. Tumawa ng nakakaloko itong si Regan. "Don't leave her, dahil baka magulat ka wala na siya sa'yo." Iwan pang sabi nitong Regan at napatingin ako kay Mr. Tattoo na parang na-bwesit. "Come on," Aya niya sa akin at hinatak na lang ako bigla nagulat na lang ako dahil sumakay na kami sa kotse hindi pa nga kami nagtatagal doon. Tahimik lang kami hanggang sa makabalik kami sa mansion niya. Pagpasok sa loob ay dumaretso siya sa taas at ako naman sinundan ko na lang siya dama ko na wala siya sa mood. Pagpasok ko sa kuwarto n*******d na ang pangtaas niya at napatingin siya sa akin at mabilis na lumakad siya palapit sa akin at bigla akong hinalikan.ARIAMasaya ang bawat araw namin pakiramdam ako na ang pinakamasayang babae sa lahat. Dahil ramdam ko na kumpleto na ako, nariyan ang magulang ko na sobrang supportive at ang dalawang kapatid ko na patuloy na nag-aaral. Syempre ang gwapo kong asawa, marami ang napapalingon at nagpapansin kay Zage pero lahat yun binalewala niya.Nagplano na rin kaming magpakasal pagkatapos kong manganak at doon namin gaganapin ang kasal namin sa resorts kung saan kami nagkakilala dahil iyon ang pinaka-memorable sa amin at tuwang-tuwa si Ate Melly at excited na magpunta kami doon. Binalita ko kasi sa kaniya lahat at ang pagbabalik ni Zage sa buhay ko.Sa ngayon ay kabuwanan ko na araw o oras na lang ang hihintayin ko, si Zage naging busy sa panghuhuli ng isada dahil bumili siya ng bangka at sasakyan narin para kapag namimili. Sa pangingisda nila kasama si Itay at bespren niya na si Andoy. Ginawa niya yun dahil gusto niya raw umiwas sa akin baka daw hindi siya makapagpigil. Minsan ay inaasar ko siya nags
ARIAAnim na buwan na ang lumipas at masaya na ako kasama ang mga magulang at kapatid ko, lumalaki na rin ang tiyan ko at sobrang saya ko ng magpa-ultrasound ako lalaki ang anak ko at ganun rin ang magulang ko excited na sila.Sa ngayon nandito kami sa may bayan kung saan pamilihin nang mga tao, dito ako bumili ng bahay at lupa pinaayos at pinaganda ko lang. May maliit na negosyo kami, tulad ng bigasan at mga tindang isda at mga gulay. Habang si Itay naman ay naroon sa may likod inaasikaso ang mga nagbebenta ng mga nilukad na niyog.Ito ang aming pinagkakaabahalan ngayon 'yung bahay na pinaayos ko ay ang sarap lang sa mata tingnan style kubo siya pero modern ang pagkakagawa dahil ang mga bintana no'n ay salamin at yero ang bubong pero ang mga pader ay mga kawayan ganun rin sa terrace dahil dalawang palapag ito na malapad. Tag-iisang kuwarto ang pinagawa ko at nilagyan ko ng mga aircon kung sakaling tag-init lalo na sa kalagayan ko ngayon pakiramdam ko na palaging iritable.Kasalukuyan
ARIAHindi naman ako makapaniwala sa kinuwento sa akin ni Ate Melly na nahuli raw si Jane at ang isa sa mga guard na nagse-sex sa may kubo at naalala ko yung madaling araw na may narinig akong ungol.Pinaalis si Jane at yung guard ni Manang Carmen, galit na galit sa dalawa kaya pala hindi ko na nakita si Jane. Kasalukuyang nagkakape akong mag-isa ng tumunog ang cellphone ko akala ko si Mr. Tattoo hindi pala sila nanay at tatay."Kamusta ka naman diyan anak?" "Okey lang po Inay kayo po? Nasaan si tatay?" pangangamusta ko."Naghahanap ng panggatong, kamusta ang trabaho mo?" "Ganun po ba? Ayos naman masaya naman dito." sabi ko kahit dama ko na hindi ako masaya pinipilit ko na lang dahil ito ang dapat."Siya sige, huwag mo pabayaan ang katawan mo." "Salamat po nay kayo rin diyan lahat ikamusta mo niyo na lang po ako kay itay at sa dalawa kong kapatid." Matapos naming mag-usap ay napansin ko na parating si Manang Carmen, tumayo ako para salubungin siya."Magandang umaga po," bati ko.
ARIA"Hindi na ba tayo babalik sa mansyon?" tanong ko paghinto namin dahil narito na kami ulit kung saan niya ako dinala at sinabi niyang place niya."No need," Sagot niya at hindi na ako nagsalita lumabas na kami ng kotse at magkasabay kaming naglakad pero huminto siya at nagulat pa ako tinali niya sa gilid ko yung coat niya kung saan kitang-kita ang hita ko na."Magpahinga ka na." Sabi niya at nauna na siyang naglakad kahit paano ay masaya ako at tiningnan ang coat."Napalaban pala kanina." Si Andrea nasa pinto tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa."Ayos naman kami." sagot ko."Ganun ba? Halika kumain tayo sabay na tayo." aya niya.Tumango ako dahil nakaramdam na rin ako ng gutom, sumunod ako sa kaniya doon sa kusina. Walang ibang tao doon kami lang."Ako na lang maghahanda ng sa akin." sabi ko dahil nakakahiya sa kaniya."Hindi ako na alam kong napagod ka." ngiting sabi niya.Napangiti na lang ako at naupo na lang ako kumuha ng baso si Andrea at may kinuhang juice mula sa re
ARIASakay na kami nang kotse ngayon magkatabi kami ni Mr. Tattoo sa likuran, may kasama kaming dalawang lalaki yung isa nagmamaneho. Tahimik ako at nakikiramdam sa katabi ko at lihim na tinitingnan ko siya sa gilid ng mata ko dahil tahimik na nakapanglumbaba siya na nakatingin sa bintana.Ano kaya iniisip niya? Saan ba kami pupunta?Nagulat pa ako ng bigla siyang lumingon sa akin at seryoso ang mata niya. Akala ko may sasabihin siya pero may kung anong pinindot siya sa gilid at sumara yung banda doon sa unahan kaya hindi na kami makikita nitong dalawa. Naiisip ko naman na baka mamaya may gawin siya sa akin dito mismo nakakahiya naman doon sa dalawa."Suotin mo 'yan." Napakunot noo ako sa sinabi niya at nilingon ang tinutukoy niya, nakita ko may paper bag doon. Pagtingin ko damit yun kulay silver, pagkuha ko dress pala labas ang balikat at hindi masiyado mababa ang sa may dibdib banda. Sa tingin ko hanggang binti lang yun, bagsak ang tela kaya maganda may mga maliliit na bato na des
ARIANagising akong wala ng katabi mabigat ang katawan at masakit ang ulo, bumukas ang pinto at pilit na sinisino ko kung sino iyon. May dala siyang tray na naglalaman ng pagkain at langhap na langhap ko agad ang masarap na amoy na yon."Iiwan ko na lang dito masarap itong kainin habang mainit para mawala ang tama mo." Napatingin ako dito sa babae na hindi ko pa alam ang pangalan."Salamat," sabi ko at tiningnan niya ako, nakaramdam pa ako ng hiya dahil tanging kumot lang ang takip sa hubad kong katawan."Huwag kang mahiya dahil dinanas ko rin yan pero sana iniingatan mo ang katawan mo na hindi mabuntis. Dahil kapag sawa na sa'yo si Zage, wala na siyang pakialam sa'yo. Payo ko lang yun huwag mo masamain," "Ayos lang kahit mabuntis ako," nakayukong sagot ko."Sabagay kung malaking pera naman ang ibibigay sa'yo ay ayos na. Pero tanong ko lang maraming beses na bang may nangyari sa inyo na wala kang ginagamit?"Tiningnan ko siya at tumango ako hindi siya sumagot na parang nag-iisip siy







