Share

Chapter 20

Unang sumubok si Artemis, matindi ang pag-iingat niya na hindi mahulog. Sobrang liit lang ng batong kanilang pwedeng tapakan kaya hindi pwedeng magpadalos-dalos. Pagkatapos niyang tumapak doon gamit ang iisang paa ay sinunod niya ang kabila.

Tumatagaktak ang pawis sa kanyang noo, magkahalong kaba at takot ang kanyang nararamdaman.

“Ahh!" Napasigaw siya ng bahagya ng magkataong namali siya ng tapak.

Lapnos ang paang nagpatuloy siya ng ilang hakbang. Pagkuwan ay lumingon siya sa mga kasama, senenyasan niya ang mga ito na magdahan-dahan.

Sa hindi malamang dahilan ay hindi nila magamit ang light martial arts nila sa pook na iyon. Tila may pwersang pumipigil sa kanila.

Dahan-dahang sumunod ang lahat, nanginginig ang mga binti sa labis na kaba.

“Ahh!” Napasigaw si Ash ng bigla nalang parang bulang nagsilutangan ang mga bilog na apoy sa bawat gilid nila.

Mas lalo lang tumitindi ang sakit at init na kanilang nararamdaman, “Ssh, dahan-dahan lang, okay sige lang dahan-dahan,"

Mahinang sambit ni Deroi. Nahuhili na silang dalawa dahil kay Ash. Takot itong mahulog kaya hindi ito makausad sa takot na magkamali.

Umiling-iling ito at tila ba naestatwa sa kanyang kinatatayuan. Naghahalo na ang luha, pawis at sipon sa mukha nito.

Napalingon naman bigla ang iba sa dalawa. Nanlalaki ang kanilang mga mata ng makita ang sitwasyon nina Deroi at Ash. Si Deroi pilit bumabalik at iniaabot ang kanyang kamay kay Ash, si Ash naman ay panay ang iling.

Nais sanang bumalik nina Xinniang ngunit sa hindi nila malamang dahilan ay hindi nila mahakbang pabalik ang kanilang mga paa.

Tila pinipigilan sila ng hindi nakikitang pwersa.

“Ash!" Sigaw nina Xinniang.

Ngunit gayon na lamang ang takot nilang lahat ng biglang yumanig ang buong kweba.

“Ahh!” Napasigaw lalo si Ash, maging silang lahat dahil sa muntikan na nilang paglangoy sa apoy. Nagpatuloy ang pagyanig kaya naglalaglagan na ang mga bato mula sa itaas ng kweba.

“Hindi maganda to, bilisan niyo na, guguho ang kwebang ito,” Sigaw ni Artemis.

Nagulat silang lahat ng makitang nagsisimula ng maglaglagan ang mga bato sa likuran ni Deroi. Si Ash ay naiwan sa unahan at wala ng matapakan.

“Hindi, Ash bilisan muna, hihintayin kita pare, pakiusap maging matapang ka. Para ano pa at nakarating tayo hanggang dito kung susuko kalang din pala sa huli!” Halos napaiyak na si Deroi.

Iilan nalang silang natitira, paubos na ang grupo at hindi na niya kaya pang malagasan ng isa nanamang kaibigan at kasama.

Nagulat sila ng biglang huminto sa pag-iyak si Ash, ngumiti ito at pagkatapos tinuyo ang mukha. Nasa unang bato palang siya kaya makakabalik pa siya.

“Umalis na kayo, mag-iingat kayo palagi. Hindi qko maaring sumama sa inyo, kailangang may magpaiwan, nabasa ko doon sa gilid ng kweba. Kailangan may magsakripisyong isa upang makalabas ang iba. Desisyon ko ito at masaya akong gawin to para sa grupo," Nakangiti nitong sambit at dahan-dahang umatras.

Nanlaki ang kanilang mga mata dahil sa nangyari.

“Hindi! Ash, pakiusap, bilisan mo na. Wag mo kaming iiwan,pakiusap!” Halos magwala na sina Deroi, maging si Xinniang.

“Umalis na kayo, bilisan niyo na! Wala ng oras!” Sigaw pabalik ni Ash habang unti-unting nawawala sa kanilang paningin. Nang biglang yumanig ng malakas ay wala na silang nagawa kung hindi ay ang bilisan ang kanilang paghakbang.

Punong-puno na sila ng sugat, lapnos at gasgas sa kanilang buong katawan. Pangalawang pagsubok palang ito ay nawalan na agad sila ng kasamahan.

Sina Artemis, Kael, Deroi, Red, Blue at Xinniang nalang ang nanatiling nakatayo. Pagkarating ni Artemis sa kabilang dulo ay agad siyang dumungaw upang abutin ang kamay ni Xinniang.

Nahirapan pa sila dahil patuloy parin ang pagyanig. Muntik pang mahulog si Blue, mabuti nalang at nahawakan ni Kael.

Nang makarating na silang lahat sa mabatong bahagi sa kabilang dulo, dali-dali silang tumakbo papunta sa pintuan. Nilingon pa nilang muli si Ash sa kabilang dulo, kumakaway ito sa kanila habang umiiyak at nakangiti.

Hindi lubos akalain ni Ash na dito na magtatapos ang kanyang buhay. Ngunit gayon paman, masaya siyang ginawa niya ito para sa grupo. Kahit sa maikling panahon na kanilang pinagsamahan, naranasan niyang maging masaya. Natitiyak niyang hindi masasayang ang kanyang pagsasakripisyo.

Para sa buong sangkatauhan, para sa mga mamamayan, at para sa mga taong nagpahalaga at nagmahal sa kaniya. Sa mga taong itinuring siyang pamilya, kasangga, at minahal siyang parang tunay na kapatid.

Napangiti siya sa sarili, hindi na masamang dito matatapos ang buhay niya, masaya na siyang malamang may nag-aalala sa kanya.

Nasa gilid na siya ng malaking bato kung saan ito ang magsisibing mekanismo upang mabuksan ang pinto. Ng makita niyang maayos na ang lahat at kasalukuyan na silang nasa harap ng pinto habang nakatitig palingon sa kanya habang umiiyak, ay hindi niya naiwasang tumulo ang kaniyang mga luha.

Kumaway siya sa mga ito ay ngumiti nang may bahid na lungkot, saya ngunit walang pagsisisi. May sinasabi ang mga ito, ngunit dahil sa malayo sila ay hindi niya marinig.

Lumalakas na rin ang pagyanig kaya kailangan na nilang makalabas at makuha ang mapa.

Walang pagdadalawang isip na itinulak ni Ash ang malaking bato, kahit sobrang hirap na hirap na siya dahil sa bigat at laki nito ay pinilit parin niya.

Ibinigay niya ang lahat ng kanyang buong lakas hanggang sa umusog ang bato.

Muling yumanig ng pagkalakas-lakas, napatingin si Ash sa ibabaw, nakita niya ang napakalaking bato na nahuhulog, lumingon siyang muli sa mga kasamang kasalukuyan ng tumatakbo papunta sa nakabukas na pinto.

Mabo siya tuluyang durugin ng bato ay isang ngiti muna ang namutawi sa kaniyang mga labi, pagkatapos ay pumikit ng mariin. Ngayon ay payapa na siyang mamatay, kahit papaano ay mayroon na siyang naging silbi, isa na siyang bayani.

Sa muling paglingon nina Xinniang,habang unti-unti ngnagsasara ang pinto ay nakita pa nila si Ash habang nakapikit ng mariin. Hinihintay ang kanyang masaklap na katapusan sa loob ng kwebang iyon.

“Ash, hindi, hindi, Ash!” Malakas na sigaw nilang lahat. Pilit binubuksan ang pintong pader ngunit kahit anong gawin nila ay hindi na ito muling bumukas pa.

“Kasal-anan ko to, kung sana, sana nalaman kung takot pala si Ash, na takot pala siyang mahulog, o may plano pala siyang gawin ang bagay na iyon, sana ako nalang yun!” Malakas na sinuntok ni Deroi ang pader, sinuntok niya ito ng sinuntok hanggang sa dumugo na ng husto ang kanyang mga kamay.

“Deroi tama na! Tama na! Walang may gusto sa nangyari, isinakripisyo niya ang buhay niya upang makalabas tayo sa impyernong iyon. Bayani siya, isa siyang bayani!” Malakas na sigaw ni Xinniang. Labis ang pag-iyak niya, pakiramdam niya ay napakawalang kwenta niyang kasama. Walang kwentang pinuno, na wala man lang nagawa upang matulungan ang kanyang nasasakupan, ang kanyang kasama, kapatid at kaibigan.

Mahigpit na niyakap ni Artemis si Xinniang, naiintindihan niya ang kanilang nararamdaman. Kung sila ay ganun ang nasa isip, paano pa kaya siya na siya ang magdala sa kanilang lahat sa lugar na ito.

Nagulat silang lahat ng maglabas ng matinding usok ang kweba, “Hindi, hindi maganda to, Artemis bilisan mo, kunin mo na ang mapa. Sasabog ang kweba, bilis,” Malakas na sigaw ni Kael.

Kasalukuyang nakalutang ang mapa sa may pinto. Agad namang tumakbo si Artemis, hinablot ang mapa habang hawak ng isa niyang kamay ang kamay ni Xinniang. Sabay silang tumakbo ng sobrang bilis.

Maya-maya pa, hindi pa sila nakakalayo ay isang nakakabinging putok ang kanilang narinig, matinding pagyanig na nagpatilapon sa kanilang lahat sa ibat-ibang parte ng mabuhanging pook na iyon dahil sa lakas ng pwersa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status