Share

Chapter 19

Ng biglang lumingon ang higanti sa gawi nilang dalawa, mabuti nalang at mabilis na nagkubli si Artemis. Dahil sa hindi magawang matanggal ni Ash ang nakabalot kay Ash, ay ibinigay nya na lamang ang kutsilyong hawak niya kay Ash ng palihim.

Mabilis syang nakatakbo palayo ng lumapit sa gawi nila ang higanteng halimaw, nakita nilang inilagay nito si Ash sa malaking kawali kasama ang nakatayong baka na walang kamalay-malay sa kanyang magiging kapalaran.

Agad na umakyat si Artemis sa ibabaw ng lutuan, ngunit dahil sadyang napalataas nito ay hirap na hirap sya. Gamit ang kanyang espada ay nakaakyat sya sa wakas. Mabilis syang tumakbo sa gawi nina Xinniang at dali-daling binuksan ang pinto ng nalingat ang higanti.

Isang mahigpit na yakap ang kanyang isinalubong kay Xinniang. Labis ang takot na kanyang nadama ng makita nyang naguli ang mga ito, kaya kahit pagod na pagod na sya ay tumakbo parin sya ng abot ng kanyang makakaya makaabot lang sa nakabukas na pinto palasok sa bahay ng higanting ito.

Labis naman ang tuwa na nadarama sa puso ni Xinniang ng masilayan nyang muli na maayos ang kalagayan ni Artemis. Takot na takot syang may mangyaring masama rito, lalo na at nakita nya kung gaano kalakas ang pagkakahampas dito ng halimaw.

*****

Samantala, biglang napatayo ang haring Azcar ng makita ang pulseras na suot ni Xinniang. Duon palang ay batid na nya na ito ang iniibig ng itinakda.

Kasalukuyan siyang nanunuod sa mga nangyayari sa kabilang dimensyon, kasama nya ang kanyang kanyang kamay na si Columbos.

“Sya na ba?” Dumagundong ang baritonong boses ng hari sa loob ng silid na iyon.

Magalang naman agad itong yumuko at sumago, “Siya na nga po mahal na hari, magiging malaki ang papel na gagampanan nya sa hinaharap, sya ang magiging susi sa tagumpay ng itinakda,” Sagot nito at nagpatuloy na sa panonood.

*****

*Balik sa kasalukuyang nangyayari *

Matapos pakawalan ni Artemis si Xinniang, senenyasan nya itong pakawalan ang iba. Nakita nilang kasalukuyan ng nakasalang ang kawali sa mainit na apoy.

Mabilis na tumakbo si Artemis sa ibabaw ng lagayan ng malalaki at matutulis na kutsilyo. Sakto namang nasa ibaba at may hinahalo ang higanti. Dahan-dahan nyang tinanggal ang pagkakasabit ng tali ng kutsilyo at walang sabi-sabing hinila ng malakas.

Doon ay saktong apat na matatalim na kutsilyo ang bumaon sa mismong kikuran ng halimaw.

Walang pag-aalinlang tumalon si Artemis sa likuran nito dala ang espada, pabulusok syang tumalon. Doon saktong bumaon sa ulo ng halimaw ang kanyang sandata. Nagwawala pa ang halimaw ngunit agad na nakaresbak sina Xinniang at ang iba pa. Si Ash naman ay nakawala na ngunit may mangilan-ngilang sunod sa balat syang natamo.

Tulong-tulong nilang pinugutan ng ulo ang halimaw. Ng mamatay ang halimaw, saka naman may lumitaw na mapa sa hangin, agad itong kinuha ni Artemis. Pagod na pagod ang lahat, saglit pa silang muling nagyakapan. Pinainom din nila ng mahiwagang tubig si Deroi at Kael maging si Ash din upang muling gumaling sa mga natamong pinsala.

Ilang minuto din silang nanatiling tahimik hanggang binasag ni Kael ang katahimikan.

“Artemis, tingin ko ang mapang iyan ang magtuturo ng susunod nating distinasyon, tama?” Tanong ni Kael.

Agad namang binuklat ni Artemis sa harap ng lahat ang mapa, “Tama! Tingin ko rin ay ito nga ang susunod nating pupuntahan. Kumilos na tayo pag handa na ang lahat,” Sagot naman ni Artemis.

Agad namang nagsitayuan ang lahat, nagsimula na silang maghanap ng malulusutan palabas. Maswerte namang may nakita agad na butas si Deroi, nasira ito ng nagwala ang higante, may kataasan nga lang ngunit kaya naman nilang talunin.

Hindi na sila nag-aksaya ng oras, mabilis na nilang binagtas ang daan. Habang tumatagal ay muli nanaman nilang nararamdaman ang labis na init sa kanilang mga balat, para bang nasa loob na naman sila ng impyerno. Malalaking butil ng pawis ang ngayon ay nagsisimulang tumulo mula sa kanilang mga mukha at katawan.

“Ahh, ang init!” Bulalas ni Kael.

“Hindi ko na kaya, anong klaseng lugar nanaman ba ito? Kanila lang ay muntik na akong maluto ng buhay, ngayon naman...”

Bakas ang takot sa mukha nito, halos umiyak na ito dahil sa tindi ng init. Ngunit gayon paman, ipinagpatuloy parin nila ang kanilang paglalakbay.

Hindi na lamang sila muli pang nagsalita, hawak ni Artemis ang kamay ni Xinniang. Ilang oras rin ang kanilang nilakad, ng bigla nalang may kwebang lumitaw sa kanilang harapan. Ang kwebang ito ay ang nagbubuga ng init, ito ang kweba ng apoy, sumisimbolo ng sa determinasyon ng isang tao. Dito susukatin kung gaano kalakas ang iyong pananalig, at gayon din ang tiwala mo sa iyong sarili.

Mas lalong uminit ang buong paligid, pakiramdam nila ay sinusunog na sila ng buhay, habang palapit sila ng palapit ay mas lalong tumitindi ang sama ng kanilang pakiramdam.

“Wag kayong matakot, kaya natin to...ayon sa mapa ay kailangan nating dumaan sa kwebang ito, kailangan nating makuha ang ikalawang mapa, nasa loob ng kwebang yan,” Nanginginig ang kanyang mga kalamnan, dahil sa sobrang sama na ng kanyang pakiramdam.

Si Xinniang naman ay hirap na hirap ng huminga habang nakahawak ng mahigpit kay Artemis. Maging sina Deroi ay ganun din.

Napaluhod nalang bigla si Ash, hindi nya kinaya ang pagod at init ng kanyang paligid.

“Ash!” Agad naman silang nagsilapitan sa kanya.

“Hindi ko...hindi ko na yata kaya, hindi na ako makahinga, hindi ko kaya ang init,” Kasalukuyan silang nasa bungad na ng kweba kaya sobrang taas na ng init.

“I..iwan n...nyo n..nalang ak..ako dito, kayo n..nalang ang magpatuloy, ma..magiging pabigat lang ak..ako sa inyo uma..umalis na kayo...” Tinulak ni Ash sina Artemis at Deroi.

“Anong iwan? Walang maiiwan, naiintindihan mo? Wala, magkasama tayong pumasok, kaya magkasama tayong lalabas!” Singhal naman ni Artemis at kahit hirap na hirap, pinilit nilang pagtulungan na buhatin si Ash.

Dahan-dahan silang naglakad papasok, ng tuluyan na silang makapasok ay nanlaki nalamg ang kanilang mga mata ng makitang tila dagat ng apoy ang loob. Nakita rin nila ang napakalaking pintuan sa kabilang dulo ng kweba. Ibig sabihin ay kailangan nilang makarating sa dulo, at ang tanging paraan lang upang mapapunta roon ay tumawid sa nagbabagang apoy. Tanging mga maliliit na mga batong nakalutang ang pwedeng tapakan.

Napanga-nga silang lahat sa labis na agkabigla, natitiyak nilang isang pagkakamali lang ay sa impyerno ang bagsak nila...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status