Share

Chapter 21

Lahat sila ay nawalan ng malay dahil sa matinding pinsala na kanilang natamo.

Napailing na lamang si haring Azcar sa nakikita. Hindi niya maiwasang matuwa dahil sa determinasyong nakikita niya sa mga mata ng mga ito. Determinasyong kailan man ay hindi niya mararamdaman.

Duwag siya oo, aaminin niya. Hinayaan niyang mamatay ang babaeng pinakamamahal, kahit pa hiniling nito na gawin niya itong dragon kagaya niya, ngunit dahil sa takot na mabawasan ang kaniyang kapangyarihan ay namatay itong hindi man lamang niya nasisilayan.

Isang mapait na ngiti ang kanyang iginawad sa kawalan habang matamang nakatingin sa mga kamay ni Xinniang at Artemis. Nawalan man sila ng malay, sinigurado parin ni Artemis na hawak-hawak niya ang kamay ng babaeng kaniyang iniibig.

Senenyasan niya ang kanyang kanang kamay, “Dalhin mo na sila sa pangatlong pagsubok,” Mahinahong utos ni haring Azcar dito.

“Masusunod kamahalan.” Sagot naman nito bago bahagyang yumuko at nawala ng parang bula.

Ilang oras ang nakalipas, ay nagising sa sobrang lamig si Artemis. Inilibot niya ang kanyang paningin, ngunit gayon na lamang ang kanyang gulat ng makitang punong-puno ng yelo ang paligid.

Naninigas siya sa lamig, nilapitan niya si Xinniang na nanginginig, hanggang ngayon ay wala pa din itong malay. Hinubad niya ang kanyang damit at pilit na ikinikiskis ang palad upang itoy uminit at idinadampi sa mukha ni Xinniang.

Lumingon-lingon siya sa paligid upang hanapin ang iba. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita si Deroi. Kalahati nalang ng katawan nito ang kita. Dali-dali siyang tumakbo papunta rito, kahit pa nangangatog ang kanyang tuhod dahil sa sobrang lamig, idagdag pa na punong-puno ng sugat ang buong katawan nito.

Mabilis niya itong ginising, niyugyog niya ito ng malakas ngunit hindi parin ito nagigising. Pinilit niyang hilain ito ngunit sobrang bigat nito.

Nang lingunin niyang muli si Xinniang ay nagsisimula na rin itong tabunan ng yelo. Nasisiraan na siya ng bait. Nakapalibot sa kanya ang mga kasamahan na halos natatabunan na ng yelo.

Lumingon-lingon siya hanggang sa makita niya ang malking kweba hindi kalayuan sa kinaroroonan nila. Mabilis niyang inalis ang mga yelo na nagsisimula ng kumapit kay Xinniang at binuhat ito.

Hindi na nito ininda pa ang sakit ng katawan, ang hirap sa paggalaw, ang naninigas na kalamnan at ang maraming sugat dahil sa pagmamadali.

Ilang minuto din ang kanyang ginugol bago makarating sa loob ng kweba. Nakakita siya ng dayami, agad niyang inilapag roon si Xinniang.

Mabilis siyang muling lumabas, sobrang lakas na ng ulan, oo, literal na umuulan ng malalaking tipak na yelo, sobrang lakas pa ng hangin.

Agad siyang patakbong bumalik sa kinaroroonan ng mga kasama, dala-dala ang kanyang espada.

“Deroi, Deroi gumising ka, Deroi!” Malakas na tawag niya rito ngunit tila patay itong walang naririnig.

Pinipilit niyang kaskasin ang yelong bumabalot sa katawan nito. Nagdurogo na rin ang kanyang mga kamay ngunit kahit anong gawin niya ay wala paring halaga.

Napasulyap siya a isang tabi, kung saan mayroong nakatayong patay na puno. Mayroong nakatayo roon na palakol na halos nabalot na rin ng yelo.

Agad siyang tumakbo papunta roon at walang habas na pinalakol ang mga yelo sa paligid ni Deroi, ngunit ng malapit na itong maubos ay agad biglang nagkaroon ng sobrang laking bitak sa sahig na tinatapakan niya.

Nagulat siya ng makitang unti-unting bumibigay ang yelo na kinaroroonan ng katawan ni Deroi. Kahit walang kasiguraduhan, ay walang pagdadalawang isip syang tumakbo. Bago tuluyang mahulog sa kailaliman ng tubig si Deroi ay nahawakan niya ang kamay nito.

Hirap na hirap man dahil sa bigat nito, ibinigay niya ang lahat ng kanyang makakaya para lang iligtas ito. Muntik pa siyang mahulog kapalit ni Deroi buti nalang at nakahawak siya.

Dahan-dahan niya itong hinila papasok sa kweba, inihiga niya ito katabi ng katawan ni Xinniang na wala paring malay.

Sunod niyang pinuntahan ay ang iba pa. Nakita niya si Kael na halos kamay nalang ang nakalabas maging si Red at Blue na ulo nalang ang makikita. Mabilis siyang tumakbo at sinimulang tibagin ang mga yelong nakatabon sa kanilang mga katawan.

ilang oras ang nakalipas, sa wakas ay nailabas na rin niya si Kael mula doon, punong-puno na ng dugo ang kanyang mga kamay, maging ang kanyang katawan ay malapit naring bumigay. Sobrang naninigas na siya dahil sa tindi ng lamig sa labas.

Isinunod niya sina Blue at Red. Hindi siya sumuko kahit ang kanyang mga mata ay papikit na. Hinila niya ang mga ito papasok sa kweba. Nagsindi siya ng apoy upang sana ay maibsan ang lamig, subalit walang silbi ito dahil pinapatay din ng hangin.

Hanggang sa hindi na kinaya ng kanyang katawan ay bumagsak na siya sa tabi ni Xinniang.

Nagising si Xianniang dahil sa sobrang lamig ng paligid, nangangatog ang kanyang buong katawan na sinubukan niyang bumangon. Napakunot ang kanyang noo ng malamang nandito sila sa loob ng isang kweba. Ng lingunin niya ang kanyang tabi, nakita niya ang nanginginig na katawan ni Artemis, maging ng iba pa nilang kasamahan.

Ikiniskis niya ang mga palad at dinama ito sa kanyang pisngi upang kahit papaano ay guminhawa ang pakiramdam. Nakita niyang suot-suot niya ang makapal na damit panglamig ni Artemis kaya hindi na siya nagulat ng halos manigas na ito sa lamig. Dahan- dahan niya itong hinila at ipinuwesto sa mismong kanyang hinihigaan kanina.

Naglakad siya papunta sa labasan, ngunit ganun na lamang ang gulat niya ng makitang halos natatabunan na ng makapal na yelo ang labasan. Kalahati na nito ang yelo, at kung hindi pa sila lalabas ay natitiyak niyang makukulong sila roon.

Dali-dali siyang tumakbo pabalik, ginising niya ang lahat isa-isa ngunit sadyang kay lalim ng tulog ng mga ito. Hindi nakatiis si Xinniang, kumuha siya ng tig-iisang sandok ng yelo at walang babalang itonapon sa mga mukha ng mga kasama.

Doon ay naalimpungatan ang lahat dahil sa gulat, bigla silang napabalikwas dahil sa sobrang lamig.

“Ano, bumangon na kayo jan, kai..kailangan na nating makalabas sa lalong madaling panahon. Natatabunan na ang lagusan, kung hindi pa tayo kikilos ay habang buhay na tayong makukulong rito, bilis tayo!” Malakas nitong singhal.

Kahit masakit ang kalamnan ay napilitan silang tumayo, inalalayan naman ni Xinniang si Artemis. Nakita niya pa ang mga dugong naninigas na sa mga kamay nito. Hindi na muna niya ito pinansin, sa ngayon ay kailan na nilang makalabas ng buhay sa kwebang ito, kung hindi ay tiyak na tigok ang aabutin nilang lahat.

Paika-ika man ay mabilis parin silang nakarating sa lagusan, ngunit ng makarating sila ay nagulat dila sa kanilang nakita.

“Ano ng gagawin natin?” Nanghihinang tanong ni Deroi...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status