Wala na ang lagusan, tuluyan na itong natabunan ng makapal at tila gabatong yelo. Sinubukan pang suntukin ito ng ilang beses ni Deroi ngunit wala ring silbi. Sinubukan rin nilang tibagin ito gamit ang kanilang mga sandata, ngunit habang tumatagal ay mas lalo lang itong kumakapal kaya kay hirap ng tibagin.
Bigla nalang may naalala si Artemis. Isa sa mga itinuro ng kanyang ina ang paggamit ng enerhiya sa katawan upang tunawin gaano man kakapal ang yelo, ipinikit niya ang kanyang mga mata. Sinubukan niyang alalahanin ang mga paraan upang gawin ito. Ilang minuto ang lumipas ay napatayo siyang bigla. Nagulat naman sila sa nakitang reaksyon mula kay Artemis."Umalis kayo dyan, susubukan ko kung gagana ang alam kung paraan. Itinuro ito ni ina noong bata palang ako, ngunit hindi ko pa nasusubukang gawin, ngayon palang," Sambit ni Artemis.Agad naman silang tumango at pumunta sa gilid. Umupo pa indian sit si Artemis at sinimulan ng magconcentrate.Maya-maya palang ay nag-iinit na ang kanyang katawan, nakapikit siya ng mariin habang dinadama ang paligid. May ibinubulong siya sa hangin, ilang minuto ay nagsisimula ng lumabas sa kanyang katawan ang tila nag-aapoy na enerhiya. Dahan-dahan itong lumapat sa sahig at tila ba hinihigop ang lahat sa paligid. Maging sina Xinniang ay nakakaramdam na ng matinding init."Fire luminous," Mahinang sambit ni Xinniang."Hah?"Hanggang sa muling pagdilat ng mga mata ni Artemis, isang malakas na enerhiya ang lumabas mula sa kanya papunta sa lagusan. Nadurog ito at natunaw dahil sa lakas ng impact"Hah! Gumana, gumana nga!" Masayang sambit ni Xinniang.Paglabas nila, nagulat sila ng wala ng kahit na konting yelo sa paligid. Tila nasa walang hanggang tanawin ang nasa harapan nila. Isang malakas na palakpak ang nagpalingon sa kanila.“Magaling-magaling, nakapasa kayo sa lahat ng pagsubok na ibinigay ko sa inyo. Walang sumuko niisa sa inyo at yun ang dahilan kung bakit kayo nagtagumpay. Artemis, may pagkakataon ka para iwan ang mga kasama mo at hayaang malubog sa yelo, ngunit hindi mo ginawa. Ash, may pagkakataon kang tumakas ngunit mas pinili mong isakripisyo ang sarili mo para sa lahat, isang patunay na mapagkakatiwalaan kayong lahat," Nakangiting sambit ng isang magandang babae sa harapan nila."Ash? Hindi ba .." Hindi na nila natapos ang kanilang sasabihin ng makita nila si Ash sa tabi ng babae na bigla nalang lumitaw, hawak niya ang isang mapa at itim na kapa.Dahan-dahan siyang naglakad habang nakangiti ng malawak sa mga kasama na hanggang ngayon ay nakanganga parin. Unang nakabawi si Xinniang, wala pang isang kisap-mata ay nakayakap na ito kay Ash.Agad namang sumunod ang iba, " Ano...ano ang nangyari, nakita ka namin..." Hindi na natapos pa ni Deroi ang sasabihin ng muling magsalita ang babae. Kasalukuyan itong nakatalikod na sa kanila."Bilisan na ninyo ang kilos, habang tumatagal kayo ay mas lalo lang na nanganganib ang mundong pinanggalingan niyo. Baka sa pagbabalik niyo ay wala na kayong babalikan pa, sundin niyo lang ang mapa at ibigay ang kapa sa hari na sasalubong sa inyo," Wika nito, mabilis itong naglaho sa dilim bago paman sila makapagtanong."Umalis na tayo rito, tama siya, habang tumatagal tayo sa lugar na ito ay mas lalong nanganganib ang mundo.Baka wala na tayong maabutan sa huli," Nakayukong sambit ni Artemis.Kahit pagod na pagod at gutom na gutom na sila ay pinilit parin nilang maglakad ng mabilis. Habang tumatagal ay mas lalong nagiging malala ang sitwasyon. Wala silang panahon para magpahinga.******Sa kaharian ni haring Dotar..."Palabasin niyo kami rito, tulong, pagkain, kailangan namin ng pagkain...pagkain," Mga sigaw ng mga taong nasa loob ng selda.Napapikit na lamang ng kanyang mga mata ang dating hari. Kasalukuyan din silang nasa loob ng selda kasama niya ang kanyang asawa. Ang ina ni Artemis, ang kanyang concubine.Sinubukan niyang pagsabihan ang kanyang anak na si Dotar, ang kasalukuyang hari ngayon na itigil na ang mga masasamang gawa, subalit ito ang kinalabasan. Kinulong sya sa maruming selda kasama ang ina ni Artemis. Ilang linggo na silang nakakulong sa lugar na ito. Walang maayos na pagkain, tubig, alikuran at iba pa. Mabilis na lumipas ang araw, nagsisimula ng bumagsak ang kanyang katawan.Dala narin siguro sa labis na pagsisisi, kung sana ay nakinig siya kay Artemis, sana ay wala sila sa sitwasyong ito. Sobrang payat na rin nito, inaasikaso siya ni Meliya. Hindi parin siya pinabayaan nito sa kabila ng lahat ng kanyang ginawa sa kanilang anak. Nalaman pa nilang pinapatay ni Dotar si Artemis matapos nung araw ring iyon. Kaya ngayon ay nawawalan na sila ng pag-asa.“Wag, ayaw ko, ina, ina tulong, tulooong!" Isang malakas na sigaw nanaman ang ngayon ay nangingibabaw sa lugar na iyon.Isang mapait na katotohanang kanilang nasasaksihan sa tuwing sasapit ang ika-ala-sais ng gabi. Araw-araw ay nagdadala ang mga ito ng panibagong bihag, mga bata, mga inosenteng musmos na iniaalay sa demonyo. Mga berhin na dalaga at mga mabubuting kaluluwa. Araw-araw itong nangyayari, ni wala sa kanyang hinagap na makakasaksi siya ng ganitong klaseng karumal-dumal na gawain mula mismo sa isa sa kanyang mga anak.Tanging pag-iyak na lamang ang kanyang nagagawa, nalaman niyang ang dahilan pala kung bakit kumukuha ng alay gabi-gabi si Dotar ay upang buhayin ang kaluluwa ng demonyo at bigyan siya ng sapat na kapangyarihan at lakas.Lahat ng mga taong namamatay at nawawalan ng kaluluwa ay muling mabubuhay, magiging isa nanamang panibagong nilalang sa dilim. Araw-araw, padami ng padami ang mga namamatay ngunit muling nabubuhay, bilang mga hukbo ng demonyo.Paubos ng paubos na ang mga tao, napapalitan na ng mga demonyo at alagad ng dilim. Tuluyan na ngang nilamon ng dilim ang kaluluwa bini Dotar. Wala ang Dotar na kanyang anak. Demonyo na lamang ang mayroon.Sa kabilang banda naman, sa pamumuno ni Heneral Cabridge at ang tatlong nakatakas na opisyal, lahat ng mga taong kanilang nakikita, naililigtas ay dinala nila sa isang ligtas na lugar. Ang lugar na yun ay nasa loob mismo ng bahay ni Heneral Cabridge. Isang malaki at malawak na underground sa ilalim ng lupa.Sinasanay nila ang lahat upang matutong makipaglaban. Alam niyang babalik si Prinsipe Artemis, at naniniwala siyang kakailanganin nito ang tulong nilang lahat. Sisiguraduhin niyang sa panahon na iyon ay handa na silang lahat.Nagulat man sa narinig, agad naman itong tinanggap ni Artemis. Agad na lumapit sa kanya ang pulang dragon at komportableng kumandong sa kanya.Ang asul naman na dragon ay kumandong kay Xinniang at ang berde ay kay Kel. "Naway gabayan kayo ng bathala sa inyong gagawing paglalakbay. Ano mang pagsubok ang inyong kakaharapin, tandaan niyong nariyan lang siya palagi, wag kayong mawalan ng pag-asa," Agad naman silang tumango. Nagsimula ng maglakad papuntang lagusan ang mga nilalang na kanilang sinasakyan. Ng tuluyan na silang makapasok ay isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa kanya. Napatakip silang lahat sa kanilang mga mata. Ilang minuto ang lumipas, unti-unti ng nasanay ang kanilang mga mata sa liwanag, inilibot nila ang kanilang mga mata at nalamang nasa kagubatan sila. Bumaba silang lahat sa kanilang sinasakyan, lumipad-lipad naman ang tatlong dragon. "Artemis, nais kung bigyan ng pangalan ang tatlo," Nakangiting sambit ni Xinniang habang nakatingin sa tatlong dragon na ngay
Kasalukuyan silang naglalakad alinsunod sa mapa na ibinigay sa kanila ng hindi kilalang babae. Tahimik nilang binabagtas ang daan. Gutom, pagod, sakit at uhaw, yan ang kanilang nararamdaman sa ngayon. Wala na silang lakas pa upang pag-usapan ang mga bagay-bagay. Kasalukuyan namang nakaabang sina haring Oscar sa pintuan ng lagusan. Masaya siyang kahit papaano ay matagumpay nilang nalampasan ang lahat ng mga pagsubok na ipinataw sa kanila. Nasisiguro niyang ano pa mang hirap ang kanilang makakaharap sa hinaharap ay sama-sama nilang malalampasan ang lahat.Ng makarating sina Artemis sa pintuang lagusan, hindi na sila nagdalawang isip at agad na silang pumasok doon. Ng idilat nila ang kanilang mga mata, nakita nila sa kanilang harapan hari, maging ang mga nilalang na sumalubong sa kanila ng makapasok sila sa lugar na ito. Ng makilala nila ang hari dahil sa suot nito, agad silang lumuhod sa harap nito at nagbigay-pugay."Mahal na hari, ikinararangal po naming makita kayo, naway wag niyo
Wala na ang lagusan, tuluyan na itong natabunan ng makapal at tila gabatong yelo. Sinubukan pang suntukin ito ng ilang beses ni Deroi ngunit wala ring silbi. Sinubukan rin nilang tibagin ito gamit ang kanilang mga sandata, ngunit habang tumatagal ay mas lalo lang itong kumakapal kaya kay hirap ng tibagin.Bigla nalang may naalala si Artemis. Isa sa mga itinuro ng kanyang ina ang paggamit ng enerhiya sa katawan upang tunawin gaano man kakapal ang yelo, ipinikit niya ang kanyang mga mata. Sinubukan niyang alalahanin ang mga paraan upang gawin ito. Ilang minuto ang lumipas ay napatayo siyang bigla. Nagulat naman sila sa nakitang reaksyon mula kay Artemis."Umalis kayo dyan, susubukan ko kung gagana ang alam kung paraan. Itinuro ito ni ina noong bata palang ako, ngunit hindi ko pa nasusubukang gawin, ngayon palang," Sambit ni Artemis. Agad naman silang tumango at pumunta sa gilid. Umupo pa indian sit si Artemis at sinimulan ng magconcentrate. Maya-maya palang ay nag-iinit na ang kanyan
Lahat sila ay nawalan ng malay dahil sa matinding pinsala na kanilang natamo.Napailing na lamang si haring Azcar sa nakikita. Hindi niya maiwasang matuwa dahil sa determinasyong nakikita niya sa mga mata ng mga ito. Determinasyong kailan man ay hindi niya mararamdaman.Duwag siya oo, aaminin niya. Hinayaan niyang mamatay ang babaeng pinakamamahal, kahit pa hiniling nito na gawin niya itong dragon kagaya niya, ngunit dahil sa takot na mabawasan ang kaniyang kapangyarihan ay namatay itong hindi man lamang niya nasisilayan.Isang mapait na ngiti ang kanyang iginawad sa kawalan habang matamang nakatingin sa mga kamay ni Xinniang at Artemis. Nawalan man sila ng malay, sinigurado parin ni Artemis na hawak-hawak niya ang kamay ng babaeng kaniyang iniibig.Senenyasan niya ang kanyang kanang kamay, “Dalhin mo na sila sa pangatlong pagsubok,” Mahinahong utos ni haring Azcar dito.“Masusunod kamahalan.” Sagot naman nito bago bahagyang yumuko at nawala ng parang bula.Ilang oras ang nakalipas, ay
Unang sumubok si Artemis, matindi ang pag-iingat niya na hindi mahulog. Sobrang liit lang ng batong kanilang pwedeng tapakan kaya hindi pwedeng magpadalos-dalos. Pagkatapos niyang tumapak doon gamit ang iisang paa ay sinunod niya ang kabila.Tumatagaktak ang pawis sa kanyang noo, magkahalong kaba at takot ang kanyang nararamdaman. “Ahh!" Napasigaw siya ng bahagya ng magkataong namali siya ng tapak. Lapnos ang paang nagpatuloy siya ng ilang hakbang. Pagkuwan ay lumingon siya sa mga kasama, senenyasan niya ang mga ito na magdahan-dahan. Sa hindi malamang dahilan ay hindi nila magamit ang light martial arts nila sa pook na iyon. Tila may pwersang pumipigil sa kanila.Dahan-dahang sumunod ang lahat, nanginginig ang mga binti sa labis na kaba.“Ahh!” Napasigaw si Ash ng bigla nalang parang bulang nagsilutangan ang mga bilog na apoy sa bawat gilid nila.Mas lalo lang tumitindi ang sakit at init na kanilang nararamdaman, “Ssh, dahan-dahan lang, okay sige lang dahan-dahan," Mahinang sambi
Ng biglang lumingon ang higanti sa gawi nilang dalawa, mabuti nalang at mabilis na nagkubli si Artemis. Dahil sa hindi magawang matanggal ni Ash ang nakabalot kay Ash, ay ibinigay nya na lamang ang kutsilyong hawak niya kay Ash ng palihim.Mabilis syang nakatakbo palayo ng lumapit sa gawi nila ang higanteng halimaw, nakita nilang inilagay nito si Ash sa malaking kawali kasama ang nakatayong baka na walang kamalay-malay sa kanyang magiging kapalaran. Agad na umakyat si Artemis sa ibabaw ng lutuan, ngunit dahil sadyang napalataas nito ay hirap na hirap sya. Gamit ang kanyang espada ay nakaakyat sya sa wakas. Mabilis syang tumakbo sa gawi nina Xinniang at dali-daling binuksan ang pinto ng nalingat ang higanti.Isang mahigpit na yakap ang kanyang isinalubong kay Xinniang. Labis ang takot na kanyang nadama ng makita nyang naguli ang mga ito, kaya kahit pagod na pagod na sya ay tumakbo parin sya ng abot ng kanyang makakaya makaabot lang sa nakabukas na pinto palasok sa bahay ng higanting i