Share

Chapter 24

Nagulat man sa narinig, agad naman itong tinanggap ni Artemis. Agad na lumapit sa kanya ang pulang dragon at komportableng kumandong sa kanya.

Ang asul naman na dragon ay kumandong kay Xinniang at ang berde ay kay Kel. "Naway gabayan kayo ng bathala sa inyong gagawing paglalakbay. Ano mang pagsubok ang inyong kakaharapin, tandaan niyong nariyan lang siya palagi, wag kayong mawalan ng pag-asa," Agad naman silang tumango. Nagsimula ng maglakad papuntang lagusan ang mga nilalang na kanilang sinasakyan.

Ng tuluyan na silang makapasok ay isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa kanya. Napatakip silang lahat sa kanilang mga mata. Ilang minuto ang lumipas, unti-unti ng nasanay ang kanilang mga mata sa liwanag, inilibot nila ang kanilang mga mata at nalamang nasa kagubatan sila.

Bumaba silang lahat sa kanilang sinasakyan, lumipad-lipad naman ang tatlong dragon. "Artemis, nais kung bigyan ng pangalan ang tatlo," Nakangiting sambit ni Xinniang habang nakatingin sa tatlong dragon na ngayon ay masayang naglalaro sa damuha. Marahan namang tumango si Artemis.

"Blaze, yan ang naisip kung pangalan ng dragon ko," Nakangiting sagot naman ni Artemis.

"Emerald naman ang sa akin," sambit naman ni Kael.

"Posiedon, yun ang pangalan niya," Masayang wika ni Xinniang. Napangiti na lamang ang iba.

Habang nakatingin sa mapa, napakunot ang noo ni Deroi ng malaman na nasa malapit lang pala sila sa lugar na pinanggalingan niya, oo, ang lugar na kanyang kinamumuhian, ang lugar na nagtulak sa kanya na maging isang barumbadong rebelde. Nasa Senoi sila, sa kagubatang bahagi ng tenor.

"Alam ko na kung nasaan tayo, nasa kagubatan tayo, nasa pagitan ng Tenor at Senoi kung saan maraming mababangis na hayop, mag-iingat kayo," Tumango naman ang lahat.

"Deroi saan tayo pupunta ngayon? Alam mo ba ang daan palabas dito?" Mahinahong tanong ni Xinniang.

Tumango lamang ng bahagya si Deroi at naglakad na papunta sa Senoi. Maingat at alerto ang bawat hakbang na kanilang ginawa. Mabuti na lamang at wala silang nakaengkwentrong ano mang panganib. Ng makarating sila sa Senoi, agad na silang pumunta sa pinakamalapit na kainan. Bit-bit ang mga sandata na pumasok sila sa loob ng kainan.

Habang kumakain sila ay bigla nalang nagkagulo ang lahat, ngunit kalmado lamang silang nagmamasid sa paligid. Nakita nilang nagsitayuan ang lahat ng mga kumakain maging ang may-ari ng kainan at pumila habang nakayuko ang mga ulo. Sa pintuan, nakatayo ang limang malalaki at maskuladong kalalakihan, may hawak na mga sandata. Nakangisi itong nakatingingin sa mga nakapilang tao at nakayuko ang mga ulo habang nanginginig ang mga kalamnan.

Ngunit, ng makita ng pinakapinuno ang pinakahuling lamesa na hindi bakante at may limang nilalang ang walang pakialam at patuloy lang na kumakain, ay napangisi itong lalo. Agad nitong iniluwa ang kinakain sa mismong mukha ng pinakamalapit sa kanya at mayabang na naglakad sa gitna na parang hari, dahan-dahan itong lumapit sa lamesang kunaroroonan nina Arremis at binagsak ng malakas ang malaking karet sa gitna, dahilan upang tumilapon ang lahat ng pagkain at muntik pang mabasag ang lamesa.

Napasinghap ng malakas ang lahat, marami ang natakot para sa buhay ng mga kabataang kanilang natatanaw ngayon.

"Hahaha, matapang...magaling, magaling, ngayon na lamang ulit ako nakakita ng matatapang simula ng ako'y magising muli," Malakas pa itong humalakhak, amoy na amoy ang mabahong hininga nito na nagmumula sa nabubulok nitong mga ngipin at nangingitim na labi.

Nagulat si Artemis da narinig, 'Nabuhay muli?' Tanong nito sa sarili. Napatingin siyang bigla rito ng narinig niyang may d*****g sa unahan. Nakita nilang hawak ng isa ang lalaki ang isang magandang dalagita sa buhok at habang sinusubukang halikan.

Dahil sa nasaksihan, hindi na napigilan pa ni Xinniang ang sarili, mabilis siyang nakalayo sa lalaki at tumalon ng malakas. Ganon din ang ginawa ng iba. Napatingin sa kanila ang lahat dahil sa gulat.

Nakahilera silang lima habang hawak ang kani-kanilang sandata. Nag-aapoy sa galit ang mga mata. Hindi na sana nila nais na masangkot sa mga kaguluhuhan ngunit kinakailangan nilang gawin ito.

Malakas na muling humalakhak ang limang nilalang at naghanda na rin upang labanan sila. Mabilis ng sumugod si Artemis, malakas niyang hinampas ang kanyang espada sa pinuno ng mga ito, maliksi naman itong umilag sa sunod-sunod niyang tira.

Mabuti na rin ito upang makapag-ensayo siya, iyon ang nasa isip ni Artemis. Ganun narin ang nangyari sa iba pa. Mabilis ng nagsisugod ang lahat. Nakanga-nga lamang ang lahat na nanonood sa mga pangyayari, habang ang may-ari ng kainan ngayon ay humahagulhol sa iyak.

Nagkasira-sira na ang lahat ng kagamitan sa loob ng kainan, basag na ang mga plato at baso at nagkalat na maging ang lahat ng mga pagkain sa sahig. Lumuluha na lamang ang kanyang mga mata habang nakatanaw sa nagaganap sa kanyang harapan. Hirap na hirap na siya sa buhay, ito na nga lamang ang natitira sa kanya ay mawawala pa.Sana nga lang ay hindi mapahamak ang mga kabataang ito,walang sinuman ang kumakalaban sa alagad ng hari sapagkat ang lahat ng sumusuway sa kanyang batas ay hindi na masisikatan ng araw. Makikita na lamang nila ang ulo na nasabit sa ibabaw ng arco.

Ilang beses ng tumilapon si Kael, maging ang iba. Kakaiba ang lakas ng kanilang mga kalaban, tila hindi ito napapagod at habang tumatagal ay mas lalo lang lumalakas. Tila ba mayroong kakaibang nangyayari.

"Ahh!" Napasigaw si Artemis ng malakas siyang masuntok ng kanyang kaharap. Tumilapon siya ng malakas sa gawi ng iba pa.

Halos hindi siya makahinga dahil sa sakit na kanyang nararamdaman, "Arremis!" Mabilis naman na tumakbo ang iba sa kanya.

"Ayos ka lamang ba?" Nag-aalalang tanong ni Xinniang. Nakita niya na marami na itong sugat sa katawan. Tumango lang siya at agad ng tumayo. Nagtalikuran silang lima. "Tungin ko ay hindi napapagod tong mga hayop na to," Bulong ni Kael habang nakaposisyon ang mga kamay at paa bilang paghahanda sa biglaang atake ng kaharap,"

"Tama ka, napansin ko rin iyon!" Sagot naman ni Deroi. "Tama! may tinatago nga ang mga ito, tingin ko ay may kinalaman ang itim na salamangka sa nangyayari sa kanila. Hanapin ninyo ang kanilang kahinaan at yun ang puntiryahin," Mahinang bulong ni Artemis at sinangga ang atakeng paparating.

"Yah!" Tunog ng espada at d***g ang maririnig.

Ng makahanap ng tyempo si Artemis ay mabilis syang tumalon paitaas at malakas na sinipa ang ulo ng kalaban. Doon ay malakas itong napasigaw.

Doon, napagtanto na nila kung saan ang kahinaan ng mga ito. Sunod-sunod na atake ang kanilang pinakawalan at hindi binigyan ng pagkakataon na muli pang makapanlaban. Ma ilis na itinarak ni Artemis ang kanyang hawak na espada sa lalaking nakadapa.

Ganon din ang iba. Pinuntirya nila ang ulo ng kalaban at hindi na binigyan pa ng pagkakataon. Maya-maya lang ay naging abo ang mga ito. Ngunit napatigil ang lahat ng naroon sa pagsasaya sana ng mabilis na nakapasok ang isang babae. Kasama nito ang mga gwuardiya nito.

"Dakpin sila!" Utos nito...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status