Share

Chapter 4

Author: MilanWrites
last update Petsa ng paglalathala: 2026-09-07 19:03:32

Matapos ang mabigat na pag-uusap sa mansyon ng mga Smith, nagpasya si Grey na magtungo agad sa coffee shop kung saan nagtatrabaho si Claire. Hindi niya kayang hayaang lumipas ang araw na hindi ito nakikita, lalo na ngayong alam na niya ang panganib na nagbabantay sa dalaga.

Bago pa man niya paandarin ang kanyang sports car, naupo muna si Grey sa driver's seat at huminga nang malalim. Tumingin siya sa malayo habang pilit na ipinoproseso ang lahat ng narinig.

"Mia Cruz..." mahina at pabulong niyang binigkas ang tunay nitong pangalan, bago siya napailing nang may halong paghanga at sakit para sa pinagdaanan ng dalaga.

Pinaandar niya ang sasakyan at mabilis na binagtas ang daan patungo sa shop. Pagkarating niya doon, tahimik siyang pumasok at humanap agad ng pwesto sa sulok para umupo.

Dahil sa dagsa ng tao, hindi siya napansin ni Claire na kasalukuyang abala sa kanyang pila-pilang kustomer. Suot ang kanyang apron, walang tigil ito sa pag-abot ng mga kape, pagngiti, at pag-aasikaso sa mga tao na tila ba walang mabigat na problemang dinadala.

Habang pinagmamasdan siya ni Grey mula sa malayo, hindi mapigilan ng bilyonaryo ang mapaisip nang malalim.

May magandang future ang nag-aantay para sa kanya doon sa London, sa itsura pa lang at talino ni Claire, alam ni Grey na kaya nitong mamuhay sa luho. Pero mas pinili niyang magtago rito at magtrabaho sa isang maliit na shop na maliit ang sahod, basta mapanatili lang ang kanyang dignidad at kalayaan.

Napagtanto ni Grey na hindi mukhang salapi ang babaeng minamahal niya. Sa mundong ginagalawan ng bilyonaryo kung saan lahat ng tao ay lumalapit sa kanya para sa pera at kapangyarihan, si Claire ay isang pambihirang hiyas. Hindi nito kailangan ang bilyon ng ibang tao kung ang kapalit naman ay ang maging biktima ng masasamang gawain.

Dahil sa napagtantong iyon, mas lalong nahulog ang loob ni Grey sa kanya. Ang pagka-torpe at pag-iingat niya kagabi sa text ay napalitan ng isang matatag na panata sa kanyang sarili: hinding-hindi niya hahayaan si Vince Reid o kahit sino pa man na agawin ang simpleng barista na nagturo sa kanyang magmahal nang tunay.

Habang tahimik na nagbabantay si Grey sa kanyang pwesto sa sulok, biglang bumukas ang p***o ng coffee shop . Ang tunog ng tila kapayapaan sa loob ng shop ay napalitan ng isang mabigat na atmospera nang pumasok ang isang gwapo at mukhang makapangyarihang lalaki.

Suot nito ang isang mamahaling dark gray na business suit na halatang gawa sa London. May tindig ito na nagpapakita ng labis na awtoridad at kumpiyansa sa sarili. Ngunit ang mas nakakuha ng atensyon ng lahat, lalo na ni Grey, ay ang hawak nitong malaking bouquet of white roses.

Agad na tumalim ang tingin ni Grey. Kahit hindi pa niya nakakaharap ang lalaking ito, alam ng kanyang instinct bilang isang bilyonaryo na ito na ang lalaking ikinuwento ni Thalie—si Vince Reid.

Dahan-dahang naglakad si Vince patungo sa counter, nilalagpasan ang pila ng mga kustomer na tila ba pagmamay-ari niya ang buong lugar. Nang makarating siya sa tapat ng counter, ibinaba niya ang mga rosas sa ibabaw ng mesa.

Napaangat ng tingin si Claire para batiin ang bagong dating, ngunit bigla itong natigilan. Nanlaki ang kanyang mga mata, nawala ang kulay sa kanyang mga labi, at tuluyan siyang nabitawan sa hawak niyang marker. Ang mukha ng dalaga ay napuno ng matinding gulat, kaba, na may halong takot sa hindi inaasahang lalaki na nasa kanyang harapan.

"Hello, Mia," nakangiting bati ni Vince, ang boses ay kalmado ngunit may pamilyar na tindi. "I told you, I would always find you."

Mula sa kanyang sulyap sa sulok, nakaramdam ng matinding selos at galit si Grey.

Hindi niya masikmura ang paraan ng pagtingin ng lalaki kay Claire, at lalong hindi niya matanggap na tinawag nito ang dalaga sa tunay nitong pangalan na "Mia."

Ang selos na iyon ay mabilis na nag-transform sa isang nag-aapoy na protektibong galit nang makita niyang nanginginig na naman ang mga kamay ng dalaga dahil sa takot.

Hindi na napigilan ni Grey ang sarili. Tumayo siya mula sa kanyang upuan, naging mapanganib ang ekspresyon ng kanyang mukha, at marahas na naglakad patungo sa counter para harangan ang lalaking nagtatangkang umagaw sa kanyang reyna.

Tumayo si Grey mula sa kanyang upuan sa sulok ng shop. Sa bawat hakbang niya papalapit sa counter, bumibigat ang presensya sa loob ng silid.

Nang marinig ni Claire ang pamilyar na tunog ng mga sapatos ni Grey, napalingon siya rito. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat nang makitang nanggaling ang binata sa madilim na sulok ng shop.

Doon lang niya napagtanto na kanina pa pala ito sa loob, tahimik na nagbabantay at nakasaksi sa buong tagpo.Hindi pinansin ni Grey ang gulat sa mga mata ng dalaga. Tuluyan na siyang humakbang papunta sa harap ng counter, diretsong hinarap si Vince Reid upang harangan ang distansya nito kay Claire.

Nang magkaharap ang dalawa, tila huminto ang mundo sa loob ng coffee shop. Kapwa bilyonaryo, parehong makapangyarihang lalaki, at magkaiba man ang kanilang pinagmulan, parehong nakakatakot ang malamig at matigas na awra na nagmumula sa kanila. Walang gustong yumuko, walang gustong umurong.

"You are making a public scene, and you are clearly making the lady uncomfortable," panimula ni Grey gamit ang kanyang pormal, mababa, ngunit napakalamig na boses. "I suggest you take your roses and leave this establishment immediately."

Tiningnan ni Vince si Grey mula ulo hanggang paa, isang mapang-uring ngiti ang sumilay sa kanyang gwapong mukha na halatang hindi natitinag sa presensya ng bilyonaryo.

"And who exactly are you to tell me what to do?" ganti ni Vince sa isang matigas at pormal na pananalita. "I am here for Mia. This is a private matter between us, so I suggest you step back and mind your own corporate business."

Bahagyang dinala ni Grey ang kanyang katawan pabalik, ngunit mas tumalim ang kanyang mga mata, tila handang pumatay sa tindi ng kanyang seryosong tingin.

"In this city, everything that concerns her peace of mind is my business," banta ni Grey, ang bawat salita ay may diin ng kapangyarihan. "Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo rito, Reid. Clear out before I have my security team physically remove you from my sight."

"Is that a threat, Miller?" mahinang tawa ni Vince, ngunit ang kanyang mga mata ay naging kasing-lamig na rin ng kay Grey. "You may own this territory, but you don't own her. She belongs to me. No amount of your local billions can change that."

Nanginginig si Claire sa likod habang nakikinig sa matatalim na salitang nagpapalitan sa pagitan ng dalawang makapangyarihang lalaki. Ang tahimik na coffee shop ay naging isang napakadelikadong ring ng digmaan.

Nanginginig man ang buong katawan sa takot, pinilit ni Claire na humakbang sa pagitan ng dalawang makapangyarihang lalak. Hindi niya kayang panoorin na magkagulo sa loob mismo ng kanyang pinagtatrabahuhan, lalo na't ayaw niyang madamay si Grey sa madilim niyang nakaraan.

"Tama na! Suwayin niyo nga 'yang mga sarili niyo!" matigas na hirit ni Claire, pilit na pinatatatag ang kanyang boses habang nakaharang sa gitna nina Grey at Vince.

Lumingon siya kay Vince na may halong pakiusap at galit sa kanyang mga mata. "Vince, pakiusap lang, umalis ka na. Huwag dito."

Subalit nagmatigas si Vince. Nanatili itong nakatayo nang tuwid, suot ang isang malamig na ngiti na tila ba walang sinumang pwedeng mag-utos sa kanya. Alam ni Claire ang ugali nito—hindi siya pakikinggan ni Vince kahit magmakaawa pa siya, at hindi ito aalis hangga't hindi nakukuha ang gusto.

Para lang matapos ang tensyon at maprotektahan si Grey, napilitan si Claire na gumawa ng kompromiso.

"Sige... makikipag-usap ako sa'yo," pag-amin ng dalaga habang nakatingin nang diretso kay Vince. "Nangangako ako na kakausapin kita... pero huwag ngayon. Bigyan mo muna ako ng oras. Umalis ka na muna, pakiusap."

Nasiyahan si Vince sa narinig. Bahagya itong tumango bilang pagsang-ayon, ngunit bago niya tuluyang talikuran ang counter, kinuha niya ang bouquet ng white roses at dahan-dahang inilapit ang kanyang mukha kay Claire. Doon niya binitawan ang isang pahayag na lalong ikinakilabot ng dalaga.

"I am leaving for today, but I will return repeatedly until we are together for the rest of our lives," bulong ni Vince sa isang pormal ngunit napakamapanganib na tono.

Pagkatapos ay dahan-dahan niyang nilingon si Grey, ang kanyang mga mata ay nanunuya habang ipinagpapatuloy ang banta. "Whoever stands in my way, I will kill them. Just like a weed, I will rip them out down to their very roots."

Nabalot ng matinding kilabot ang buong katawan ni Claire sa narinig. Alam niyang hindi lang ito basta pananakot; may kakayahan si Vince na totounin ang bawat salitang binitawan nito.

Hindi natinag si Grey. Mas lalong tumigas ang kanyang panga at ang kanyang mga mata ay sumunod sa bawat galaw ni Vince habang ito ay dahan-dahang tumatalikod at naglalakad palabas ng coffee shop, bitbit ang kanyang nakamamatay na awra.

Nang tuluyang sumara ang p***o ng shop, naiwang nanginginig at halos maiyak si Claire sa harap ng counter.. Agad siyang nilapitan ni Grey upang aluin, ngunit alam ng bilyonaryo na opisyal nang nagsimula ang digmaan para sa kaligtasan ng kanyang reyna.

Matapos makalabas si Vince, hindi na nag-aksaya ng oras si Grey. Agad niyang kinausap ang manager ng coffee shop upang ipagpaalam si Claire sa kanyang shift. Dahil sa matinding impluwensya at seryosong awra ng bilyonaryo, hindi na nagdalawang-salita ang manager at pinayagan ang dalaga.

Dinala ni Grey si Claire sa likod ng shop kung saan may ilang bakanteng lamesa at upuan. Tahimik ang paligid, malayo sa ingay ng mga kustomer sa loob.

Pinaupo ni Grey si Claire na kasalukuyan pa ring nanginginig. Huminga nang malalim ang bilyonaryo, pinagdaop ang kanyang mga kamay, at seryosong tumitig sa dalaga.

"Are you alright?" panimula ni Grey, mababa at puno ng pag-aalala ang boses. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang binitawan ang mga salitang nagpapatigil sa mundo ng babae. "Or should I address you by your real name... Ms. Mia Cruz?"

Napatunghay si Mia at nanlaki ang mga mata sa matinding gulat. "G-Grey... paano mo... paano mo nalaman ang pangalang 'yan?"

Hindi sinagot ni Grey ang kanyang tanong. Nanartili siyang seryoso ngunit banayad ang tingin. "It doesn't matter how I found out, Mia. What matters is that I know now, and I understand the weight of what you are running away from."

Nang marinig ang kanyang totoong pangalan at ang katotohanang alam na ng binata ang kanyang lihim, tuluyan nang bumigay ang emosyon ni Mia. Napayuko siya at nagsimulang umyak nang tago, habang ang mga luha ay sunod-sunod na pumatak sa kanyang kandungan.

"Pasensya ka na, Grey... pasensya ka na kung nagsinungaling ako sa'yo," hikbi ni Mia, habang pilit na pinapahid ang kaunting luha. "Ayaw ko lang naman na madamay ka rito. Hindi mo sila kilala... hindi mo alam kung gaano kademonyo ang pamilya ni Vince."

Dahan-dahang lumapit si Grey at naupo sa tabi ni Mia. Inabot niya ang nanginginig na kamay ng dalaga at hinawakan ito nang mahigpit para ipadama ang kanyang suporta.

"Tell me, Mia. Bakit takot na takot ka sa kanya? Why are you hiding from them?" seryosong tanong ni Grey, ngunit may lambing sa kanyang mga mata.

Umiiyak na nagkwento si Mia, ang kanyang boses ay puno ng pait at trauma. "Hindi lang sila basta mayaman, Grey. Ang buong yaman ng mga Reid ay galing sa dugo at ilegal na gawain. May malaki silang sindikato ng droga sa London. Noong nakatira ako doon, pilit nilang ipinapakita sa akin ang mundo nila para masanay ako bilang magiging asawa ni Vince. Pero hindi ko kaya..."

Napahawak si Mia nang mahigpit sa kamay ni Grey habang naaalala ang nakaraan. "Nakita ko kung paano mag-utos ang ama ni Vince na pumatay ng tao dahil lang sa hindi nagkasundo sa transaksyon. Vince looks professional and educated on the outside, pero pinalaki siya para maging walang puso. Mga killer sila, Grey. Mamamatay-tao sila.

Ang akala ng lahat, magandang buhay ang iniwan ko doon, pero ang totoo, impiyerno ang tinakasan ko. Kaya mas pinili kong magtago rito, magpalit ng pangalan, at magtrabaho nang marangal kahit maliit ang sahod, basta hindi ko maramdaman na madumi ang perang bumubuhay sa akin."

Tiningnan ni Mia si Grey habang basang-basa ng luha ang kanyang mukha. "Kaya pakiusap, Grey... lumayo ka na sa akin. Narinig mo naman ang sinabi ni Vince kanina bago siya umalis. Papatayin niya ang sinumang humarang. Kahit gaano ka pa kayaman, hindi sila magdadalawang-isip na unahin ka. Ayokong mapahamak ka dahil sa akin."

Hindi natinag si Grey sa narinig. Sa halip na matakot, mas lalong nag-apoy ang galit at protektibong instinct sa kanyang dibdib. Ginamit niya ang kanyang kaliwang kamay para dahan-dahan haplusin ang pisngi ni Mia at patuyuin ang mga luha nito.

"Look at me, Mia," seryoso at may awtoridad na utos ng bilyonaryo habang diretsong nakatitig sa mga mata ng dalaga. "I don't care about their illegal business, and I am certainly not intimidated by their threats.

They can rule the underground in London, but they crossed the line when they brought their violence to my home. Vincent Reid will have to go through me and my entire empire before he can even lay a finger on you again. You are not going back to that hell, Mia. I will protect you with everything I have."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Finally, She's mine   Chapter 49

    Ang huling dalawang gabi nina Grey at Mia sa Capri ay mabilis na lumipas na puno ng tawanan, masasarap na kainan, at mga pasyalang wala nang sisingit na Alessandra o tinderong Italyano. Ngunit ang totoong hamon na susubok sa pasensya, diskarte, at pagmamahalan ng dalawa ay hindi ang pagpapatakbo ng kumpanya, kundi ang pag-eempake ng kanilang mga kagamitan sa loob ng penthouse suite bago ang kanilang paglipad pabalik ng Pilipinas.Nakahandusay sa gabi sa gitna ng malawak na sala ang tatlong malalaking designer luggage ni Grey, kasama ang dalawang katamtamang maleta ni Mia. Ang problema? Mas marami pa ang nabiling souvenirs, tsokolate, mga sapatos, at mga dekorasyon kaysa sa espasyong natitira sa mga maleta. Masayang-masaya sila sa pamimili nitong mga nakaraang araw, ngunit ngayon ay unt-unti nang nagkakaroon ng krisis sa espasyo."Grey, dynamic adjustment naman diyan oh! Sabi ko sa'yo huwag mo nang bilhin 'yung dambuhalang ceramic plate na may painting ng Amalfi Coast, ayaw mo namang

  • Finally, She's mine   Chapter 48

    Kinaumagahan, tuluyan nang nagbalik ang dating lakas ni Grey. Dahil maganda ang panahon at sikat na sikat ang araw sa Capri, nagpasya silang lumabas ng hotel suite upang mamasyal at mamili ng mga souvenir sa sikat na Piazza Umberto I, o mas kilala ng mga turista bilang ang Piazzetta.Bago sila umalis, pinilit ni Grey na magsuot ng isang simpleng puting linen shirt at shorts para hindi raw siya magmukhang pormal na modelo sa daan, habang si Mia naman ay nagsuot ng isang magaang na summer sundress na may disenyong maliliit na bulaklak at isang malaking straw hat na binili niya sa lobby ng hotel."Target locked, you look beautiful today, baby," bulong ni Grey sabay hawak sa kamay ni Mia habang pababa sila sa elevator.Natawa si Mia. "Thank you, Miller. Siguraduhin mo lang na hindi ka na babahasin ng sinat ngayon, ha?""Perfect control na ang katawan ko ngayon, don't worry," kampanteng sagot ng lalaki.Pagdating nila sa plaza, sinalubong sila ng makulay at masiglang atmospera ng Italya. A

  • Finally, She's mine   Chapter 47

    Dahan-dahang lumubog ang araw sa abot-tanaw ng Capri, na nag-iiwan ng mga guhit ng ginto at kahel sa malawak na kalangitan. Habang nakasandal pa rin ang ulo ni Mia sa dibdib ni Grey, naramdaman niya ang unt-unting pag-relax ng mga kalamnan ng lalaki. Ang masinsinan at mahabang usapan na nagpabukas sa kanilang mga puso ay tila naging mas mabisang gamot kaysa sa paracetamol na ininom nito kanina."Since looking at my face makes you think of magazine layouts, maybe I should start wearing a paper bag over my head," pagbabasag ni Grey sa katahimikan, ang boses ay may kasamang pilyong ngiti habang hinahaplos ang braso ng dalaga.Napaangat ng tingin si Mia at mahina itong hinampas sa dibdib. "Sira! Huwag mo nga akong asarin. Seryoso ako kanina, Grey. Ang hirap kayang magkaroon ng kasintahan na kahit natutulog at may sipon ay mukhang model pa rin."Natawa muli si Grey, ngunit agad itong napalitan ng isang mahabang hikab. Ramdam pa rin ng kanyang katawan ang pagod mula sa puyat at lamig sa sah

  • Finally, She's mine   Chapter 46

    Naramdaman ni Mia ang kakaibang init na nagmumula sa katawan ni Grey habang yakap-yakap niya ito. Nang dahan-dahan niyang iangat ang kanyang kamay para hawakan ang leeg ng lalaki, doon niya napagtanto na nilalagnat ito. Ang matigas at malamig na sahig na tiniis ni Grey magdamag ay tuluyan nang sumingil sa kanyang kalusugan. "Grey, ang init mo," nag-aalalang sabi ni Mia habang inaalalayan ang lalaki patungo sa malambot at malawak na kama ng penthouse suite. Bago pa man makasagot si Grey, pinigilan na siya ng isang matinding ubo na sinundan ng sunod-sunod na pagsinghot. Pula ang kanyang mga mata at halatang nanghihina ang kanyang matikas na pangangatawan. "I'm fine, baby... just a little tired," paos na bulong nito, sinusubukan pa ring magpakatigas sa harap ng kasintahan. Hindi nakinig si Mia. Pinahiga niya si Grey, binalot ng makapal na duvet, at agad na kumilos para alagaan ang kanyang kasintahan na ngayon ay naging pasyente. Walang sinasayang na oras si Mia. Ginamit niya ang

  • Finally, She's mine   Chapter 45

    Nang humiwalay ang kanilang mga labi, dahan-dahang pinunasan ni Grey ang natitirang luha sa mga pisngi ni Mia. Inakay niya ito palayo sa makipot na eskinita ng Capri habang unti-unting nagbabago ang kulay ng langit patungo sa malalim na asul at lila. Sumapit ang gabi na may kasamang malamig na simoy ng hangin, at dinala ni Grey si Mia sa isang tanyag at eksklusibong restaurant na nakatayo sa gilid ng bangin—isang kainan na tanging mga mayayaman at tanyag na tao lamang ang nakakarating.Ang buong paligid ay napupuno ng maliliit na kandila, at mula sa kanilang pwesto sa veranda ay kitang-kita ang mga ilaw ng mga yate na sumasayaw sa madilim na dagat. Umupo sila sa isang table-for-two, at sa unang ilang minuto ay maayos ang lahat. Hinahawakan ni Grey ang kamay ni Mia sa ibabaw ng mesa habang nagpapakita ng labis na pag-aalaga.Ngunit ang katahimikan ng kanilang hapunan ay biglang nagbago nang isang matangkad, sopistikada, at napakagandang Italyanong babae ang lumapit sa kanilang mesa. S

  • Finally, She's mine   Chapter 44

    Kinabukasan, ang marahang pag-ugoy ng yate at ang banayad na liwanag na sumisilip sa bintana ng cabin ang tuluyan kung nagpagising kay Mia. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at ang unang bumungad sa kaniya ay ang matikas na dibdib ni Grey. Nakapulupot pa rin ang dambuhalang braso ng bilyonaryo sa kaniyang baywang, tila isang protektadong kuta na walang sinumang pwedeng makatibag.Bahagyang ginalaw ni Mia ang kaniyang katawan, ngunit sa kaunting galaw na iyon ay mas lalo lang siyang hinila ni Grey palapit."Stay, baby. It's too early," paos at mababang bulong ni Grey, hindi pa rin idinedilat ang kaniyang mga mata habang isinusubsob ang mukha sa leeg ni Mia."Grey, sikat na ang araw sa labas. Sabi mo kagabi, panonoorin natin ang pagsikat ng araw sa deck," tawang-tawa na bulong ni Mia habang hinahaplos ang gulo-gulong buhok ng kasintahan.Dahan-dahang iminulat ni Grey ang kaniyang mga mata. Ang kaniyang kulay-abo at matatalas na tingin na kinatatakutan sa mundo ng korpora

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status