Share

Chapter 5

Author: MilanWrites
last update publish date: 2026-09-07 20:13:12

Habang pilit na pinatutuyo ni Mia ang kanyang mga luha, biglang nanlaki ang mga mata ni Mia nang may mapagtanto. Napahawak siya sa kanyang ulo habang lalong bumuhos ang kanyang pag-iyak dahil sa matinding takot na biglang sumakop sa kanyang buong pagkatao.

"Si Thalie..." nangangatog na banggit ni Mia, habang mabilis na hinawakan ang magkabilang balikat ni Grey. "Grey... si Thalie! Galit na galit ang pamilya Reid sa kanya noon pa. Alam nina Vince na si Thalie ang gumawa ng paraan para matulungan akong magtago rito sa Pilipinas at magpalit ng pangalan!"

Sa sobrang takot, tuluyan nang nawalan ng kontrol si Mia sa kanyang emosyon. Napakapit at napayakap siya nang mahigpit kay Grey, isinubsob ang kanyang mukha sa dibdib ng bilyonaryo habang basang-basa ng luha ang mamahaling tela ng suit nito. Ramdam na ramdam ni Grey ang mabilis na tibok ng puso at panginginig ng dalaga sa loob ng kanyang mga bisig.

"Hindi ligtas si Thalie, Grey! Pakiusap, iligtas mo siya!" pagmamakaawa ni Mia sa gitna ng kanyang luhang halos magpaos sa kanyang boses. "Hindi ako magagalaw ni Vince dahil nakita ko kung gaano niya ako kamahal, pero si Thalie, hindi nila mapapatawad si Thalie sa pagtulong sakin. Sigurado akong papatayin nila si Thalie kapag nahanap nila siya! Pakiusap, Grey... kung totoo ang sinasabi mong poprotektahan mo ako, unahin mo si Thalie... huwag mo siyang pababayaan! Sabihin mo kay Liam huwag pababayaan ang kaibigan ko. Si Maxeen, paano na si Maxeen? Buntis pa si Thalie, pakiusap.."

Niyakap ni Grey si Mia nang mahigpit gamit ang kanyang isang braso, habang ang kanyang kanang kamay naman ay marahang hinahaplos ang buhok ng dalaga para iparamdam ang kapanatagan. Sa kabila ng lambing ng kanyang yakap, ang mukha ni Grey ay naging kasing-tigas ng bato at ang kanyang mga mata ay nag-apoy sa galit.

Naisip ni Grey ang naging reaksyon ni Thalie kanina sa mansyon, ang panginginig nito habang naglilihi, at ang limang taong gulang na si Maxeen na naghihintay ng Cinderella gown.

"Shh... look at me, Mia," mahinahon ngunit mariing utos ni Grey, dahan-dahang inilayo nang kaunti ang dalaga para tingnan ito sa mga mata. "Listen to me carefully. I just came from the Smith mansion before coming here. Thalie is safe. Liam is with her, and my own security team is already operating alongside Liam's network."

Pinahiran ni Grey ang luha sa mga pisngi ni Mia gamit ang kanyang mga daliri. "The Smiths are prominent entities in this country, at hindi sila basta-basta magagalaw ng mga Reid nang walang digmaang nagaganap. Pero hindi ko rin sila pababayaan. I will personally add more reinforcement around their estate. I promise you, Mia, Vincent Reid will not touch Thalie, and he will never get to touch you. Hold on to my word."

Nakahinga nang malalim si Mia habang nakasubsob pa rin ang bahagi ng kanyang mukha sa balikat ni Grey, unt-unting kumakalma dahil sa matatag na proteksyon ng bilyonaryo.

Bago pa man tuluyang makasagot si Mia, biglang nag-vibrate at tumunog ang cellphone niya sa ibabaw ng lamesa. Nang makita ang pangalan ni Thalie, mabilis niya itong sinagot at agad na i-loudspeaker ang telepono para marinig din ni Grey ang usapan.

"Thalie," tawag ni Mia, pilit na pinapakalma ang kanyang boses.

"Mia..." Ang boses ni Thalie sa kabilang linya ay mababa at bakas ang tunay na pag-aalala, may kasamang mahihinang paghikbi. "Kamusta ka riyan? Okay ka lang ba? Pagkaalis na pagkaalis kasi ni Grey dito sa mansyon, hindi na ako mapalagay. Nag-aalala ako para sa'yo."

"Thalie, bakit ka umiiyak? Huwag kang mag-panic," sabi ni Mia habang napatingin kay Grey.

"Paano ako hindi mag-aalala, Mia? Nang sabihin sa akin ni Grey ang tungkol sa sulat kagabi, natakot ako para sa'yo," pag-amin ni Thalie sa kabilang linya. "Alam ko kung gaano ka-delikado ang mga Reid. At ngayon na may pamilya na ako, may anak, at naglilihi pa ako... hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Natatakot ako na baka kung ano ang gawin ni Vince kapag nahanap ka niya, at natatakot din ako para sa amin nina Liam kung sakaling madamay kami rito."

Napasapo si Mia sa kanyang noo, tuluyan nang nanghihina ang kanyang mga tuhod kaya napaupo siya nang maayos habang patuloy na nakikinig sa kaibigan. "Patawarin mo ako, Thalie. Kung hindi dahil sa akin, hindi ka mag-aalala nang ganito ngayon."

Seryosong nakikinig si Grey sa tabi ni Mia. Nang makita niyang balisa ang dalaga, dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa loudspeaker ng cellphone upang magsalita gamit ang kanyang pormal at matatag na boses.

"Thalie, this is Grey," panimula ng bilyonaryo, na agad nagpatahimik sa kabilang linya. "I am right here with Mia, and she is completely safe with me. I need you to calm down and take a deep breath. Stress is not good for you and the baby."

"Grey..." mahinang sambit ni Thalie.

"Listen to me," pagpapatuloy ni Grey gamit ang kanyang awtoritatibong tono. "I am moving Mia to an absolute safe zone right now. Huwag mong isipin na may mangyayaring masama. Liam is there with you, and my security team is already reinforcing your estate. Vincent Reid will not get past my boundaries. Trust me on this."

"Salamat, Grey... pakiusap, ingatan mo si Mia," huling sabi ni Thalie bago tuluyang ibaba ang tawag.

Ibinaba ni Mia ang kanyang cellphone, medyo kumalma ang kanyang puso dahil sa matatag na presensya ng bilyonaryo. Hinarap siya ni Grey habang hawak ang magkabilang balikat nito.

Hinarap siya ni Grey habang hawak ang magkabilang balikat nito upang tulungan siyang tumayo.

"We need to move, Mia. Right now," seryosong utos ni Grey gamit ang kanyang pormal ngunit nagmamadaling boses. "I am taking you to a secure location where Reid can never reach you. Let's get to my car."

Subalit sa pagkakataong ito, dahan-dahang inalis ni Mia ang mga kamay ni Grey sa kanyang balikat. Umiling siya at umatras nang bahagya, tanda ng kanyang pagtanggi sa plano ng bilyonaryo na itago uli siya mula kay Vince.

"Huwag na, Grey," seryoso ngunit may pait na sabi ni Mia habang pinapahid ang huling luha sa kanyang mga pisngi.

"Ayoko nang magtago uli. Alam kong mas lalo lamang gugulo ang sitwasyon kapag nalaman ni Vince na itinatago mo ako sa isang safehouse. Lalong magwawala 'yun at baka madamay pa ang mga inosenteng tao sa paligid natin."

Kumunot ang noo ni Grey, hindi makapaniwala sa narinig. "Mia, you don't understand the extent of his resources—"

"Mas kilala ko si Vince, Grey," pagputol ng dalaga, pilit na pinatitigas ang kanyang boses para humarap sa katotohanan. "Hindi ako basta-basta gagalawin ni Vince dahil... dahil may halaga ako sa kanya at sa kasunduan ng pamilya niya. Kaya wala kang dapat ipag-alala sa akin. Hindi niya ako sasaktan agad."

Lumapit muli si Mia kay Grey, at sa pagkakataong ito, siya naman ang humawak sa mga kamay ng bilyonaryo. Tumingin siya nang may pagsusumamo sa mga mata nito.

"Ang pakiusap ko lang sa'yo ngayon, Grey... si Thalie," basag ang boses na sabi ng dalaga.

"Huwag mo siyang hayaang mapahamak. Huwag mo silang pababayaan ng pamilya niya. Si Thalie na lang ang pamilyang meron ako, Grey. Siya na lang ang natitirang tao na nag-aruga at nagmalasakit sa akin mula noong iwan ako ng sarili kong ama. Kaya pakiusap... ibuhos mo ang proteksyon mo sa kanila, huwag sa akin."

Napatitig si Grey sa magkahawak nilang kamay. Ramdam niya ang tibay ng paninindigan ng dalaga ngunit mas nangingibabaw ang bigat sa kanyang puso dahil ayaw nitong magpatago.

Bagamat pormal at propesyonal ang kanyang sanay na katayuan, ang pagiging torpe niya pagdating sa pag-ibig ay napalitan ng isang matinding pangako habang nakatingin sa mukha ng kanyang reyna.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Finally, She's mine   Chapter 65

    Pagkapasok na pagkapasok nina Grey at Mia sa loob ng malawak at modernong executive office sa pinakamataas na palapag, dahan-dahang ibinaba ni Grey ang kaniyang asawa sa malambot na leather sofa. Agad niyang pinalitan ang kaniyang seryosong mukha ng isang napakalambing at nag-aalalang tingin habang mabilis na lumalapit sa kaniyang pribadong banyo upang kumuha ng basang bimpo at isang baso ng malamig na tubig. "Drink this first, baby," malambing na baritono ni Grey habang iniaabot ang baso kay Mia, bago marahang lumuhod sa kaniyang tapat upang maingat na punasan ang mga butil ng pawis sa noo at leeg ng dalaga. "I am so sorry. I swear I didn't mean to make you wait outside. This is the biggest failure of my corporate operations." "Grey, okay lang talaga ako. Huwag ka nang mag-panic diyan," nakangiting sagot ni Mia, habang tinatanggap ang tubig at hinahawakan ang kamay ng kaniyang asawa para pakalmahin ito. "Medyo nainitan lang ako sa labas, pero nawala na ang pagod ko nung makita ki

  • Finally, She's mine   Chapter 64

    Matapos ang kanilang masayang almusal, mabilis na tinapos nina Grey at Mia ang huling bahagi ng kanilang pag-eempake sa loob ng suite. Wala na ang kaba at insecurities na dala nila noon sa Capri; sa pagkakataong ito, ang buong presidential suite ng San Sebastian Ridge ay nabalot ng pamilyar na tawanan habang pilit na isinasara ni Grey ang huling maleta. "Everything is packed, baby," nakangiting deklara ni Grey habang ibinababa ang hawak na handle ng luggage. "All your souvenirs and chocolates are safe. No damage at all." "Salamat, Mr. Miller. O, ayusin mo na 'yang kwelyo mo, baka isipin ng mga piloto mo na binagyo tayo rito sa loob," nakangiting biro ni Mia habang lumalapit upang maingat na iayos ang kaniyang damit. "They know that my eyes are only for my wife, Mia," pilyong sagot ni Grey sabay kindat sa dalaga, dahilan upang muling mamula ang kaniyang mga pisngi. Nang lumabas sila ng resort, isang marangyang sasakyan na ang naghihintay upang ihatid sila sa pribadong hangar ku

  • Finally, She's mine   Chapter 63

    Nang tuluyan nang lumubog ang araw at lamunin ng kadiliman ang buong dalampasigan, bumalik sina Grey at Mia sa kanilang marangyang penthouse suite sa resort. Ang tahimik at eksklusibong silid ay muling binalot ng pamilyar na amoy ng lavender at ng marahang huni ng aircon, na nag-iiwan ng lahat ng ingay ng pampublikong beach sa labas. Pumasok si Mia sa banyo upang mag-shower at magtanggal ng kumapit na alat at buhangin sa kaniyang katawan. Pagkalabas niya, suot ang isang manipis na puting silk robe, nakita niya si Grey na nakatayo sa tabi ng malaking glass window na nakaharap sa madilim na dagat. Nakapag-shower na rin ito sa kabilang banyo at suot lamang ang kaniyang itim na lounge pants. Ang kaniyang malapad na likod at matikas na pangangatawan ay bahagyang nasisikatan ng buwan mula sa labas. Dahan-dahang lumapit si Mia mula sa likod at ipinalupot ang kaniyang mga braso sa baywang ng kaniyang asawa. Naramdaman niya ang biglaang pag-relax ng mga kalamnan ni Grey nang marandaman a

  • Finally, She's mine   Chapter 62

    Kinaumagahan, tuluyan nang nalimutan ang naglahong limampung pisong tsinelas. Dahil napakaganda ng sikat ng araw at kulay-asul ang malinaw na tubig ng dagat, nagpasya sina Grey at Mia na lubusin ang kanilang natitirang mga araw sa resort sa pamamagitan ng paglangoy sa pampublikong bahagi ng beach kung saan dagsa ang mga lokal na turista. "Grey, sigurado ka bang okay ka lang na dito tayo mag-swimming?" tanong ni Mia habang inaayos ang kaniyang malaking straw hat habang naglalakad sila sa buhanginan. "Puwede naman tayong bumalik doon sa private pool ng suite kung naiinitan ka." "Mia, tactical assessment of my physical status shows I am at one hundred percent operation capacity," seryosong sagot ni Grey na kasalukuyang nakasunod sa kaniya. "At tsaka, part ito ng local beach integration protocol mo. I am fully committed to the mission." Napalingon si Mia sa kaniyang asawa at doon ay tuluyan na namang natigilan ang kaniyang paghinga. Kahit naka-simpleng gray na swimming shorts lamang

  • Finally, She's mine   Chapter 61

    Ang unang tatlong araw ng kanilang honeymoon sa isang eksklusibo at tanyag na beach resort ay lumipas nang napakatahimik at napakarangya. Ngunit sa ikaapat na araw, nagpasya si Mia na nais niyang lumabas sa comfort zone ng marangyang hotel at maranasan ang totoong buhay sa labas ng resort. Dinala niya ang kanyang asawa sa isang lokal na pampublikong pamilihan at tabing-dagat kung saan dagsa ang mga lokal na turista, naghahanap ng mga murang kainan at tradisyunal na souvenir. Si Grey, na sanay sa mga pribadong yate, limousines, at mga lugar na may mahigpit na security clearance, ay mukhang pormal na pormal pa rin kahit naka-short at t-shirt na puti. Habang naglalakad sila sa gitna ng mataong eskinita na puno ng mga tindahan ng tuyong isda, tsinelas, at mga makukulay na daster, ang kanyang mga mata ay pabalik-balik sa paligid na parang isang bodyguard na nagbabantay sa isang high-risk operation. "Mia, tactical evaluation of this perimeter shows high crowd density," seryosong bulon

  • Finally, She's mine   Chapter 60

    Nang magsara ang dambuhalang pintong kahoy ng presidential suite, tila ba sabay na iniwan nina Grey at Mia ang ingay, ang marangyang pagdiriwang, at ang lahat ng pormalidad ng kanilang nagdaang kasal sa labas. Ang silid ay binalot ng isang napakapayapa at romantikong katahimikan. Ang tanging naririnig na lamang ay ang marahang huni ng aircon at ang banayad na alon ng dagat mula sa labas ng balkonahe ng San Sebastian Ridge. Ang buong suite ay pinaliligiran ng mga nakasinding warm candles at naglalakihang bouquet ng mga puting rosas, habang ang paligid ay may pamilyar at nakatutunaw na amoy ng lavender. Humarap si Grey kay Mia, dahan-dahang tinanggal ang kaniyang tuxedo jacket at isinabit ito sa gilid. Ang kaniyang seryosong mukha ay unti-unting napalitan ng isang napakalambing at nakasisigurong ngiti habang nakatitig sa kaniyang asawa. "Finally," bulong ni Grey, ang kaniyang malalim na baritono ay puno ng pananabik habang lumalapit sa dalaga. "The logistics of this entire operatio

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status