Habang nag-iisip nang malalim si Grey sa kanyang opisina, biglang may sumagi sa kanyang isip. Dahil sa matinding takot na nakita niya sa mga mata ni Claire kagabi, alam niyang may malalim itong pinanggagalingan. At kung mayroon mang isang tao na nakakaalam ng bawat detalye sa buhay at nakaraang pag-ibig ng dalaga, walang iba kundi si Thalie—ang matalik na kaibigan ni Claire.
Hindi na nag-aksaya ng panahon ang bilyonaryo. Agad niyang pinindot ang intercom sa kanyang mesa at pinatawag ang kanyang sekretarya.
"Cancel all my meetings for the rest of the day," pormal at seryosong utos ni Grey nang pumasok ito. "Reschedule everything next week. I have an urgent personal matter to attend to."
Gulat man ang sekretarya dahil sa bilyon-bilyong pisong mga kontratang maantala, tumango na lamang ito dahil alam niyang walang sinuman ang pwedeng bumanat o kumontra kapag nagdesisyon na si Grey.
Mabilis na nagtungo si Grey sa malawak at luksuryosong mansyon ng mga Smith matapos ipa-cancel ang lahat ng kanyang meetings sa araw na iyon.
Pagkapasok na pagkapasok pa lamang niya sa enggrandeng lobby, agad na sumalubong sa kanya ang isang pamilyar na maliit na boses.
"Oh my gosh, Uncle Grey! Is that you?!" masiglang tili ni Maxeen, ang panganay na anak nina Liam at Thalie.
Tumakbo ito papalapit sa kanya na may malawak na ngiti at agad na yumakap sa binti ng bilyonaryo.
Inosenteng-inosente ang mukha nito, at tanging ang paglalaro, paglalako ng mga kwento, at ang likas na kakulitan lang talaga ang alam.
"What brings the cold and busy billionaire to our humble home? Did you bring me chocolates? Or maybe you're here to buy another company?"
Bahagyang lumambot ang seryosong mukha ni Grey. Lumuhod siya nang kaunti para pantayan ang bata at marahang pinisil ang pisngi nito.
"Hello, Maxeen. No chocolates today, I’m afraid. I'm actually here on a very important business... well, a personal business."
Naningkit ang mga inosenteng mata ni Maxeen habang tinitingnan ang seryosong mukha ng binata. Bigla siyang lumapit at bumulong, hihilahin pa ang dulo ng coat ni Grey.
"Uncle Grey... when is Tita Claire going to visit us here at home? I miss her so much!"
Napatigil si Grey, ngunit bago pa man siya makasagot ay nagpatuloy na naman sa kakulitan ang bata.
"And my most important question... when are you going to make a Cinderella gown for Tita Claire? She is your queen, right? You should buy her a big, sparkly blue dress so we can play princesses together!"
Napa-ubo nang bahagya si Grey, biglang nakaramdam ng matinding hiyang may kasamang kilig dahil sa inosenteng hirit ni Maxeen. Ramdam niya ang bahagyang pag-init ng kanyang mga pisngi. Kahit torpe pagdating sa pag-ibig, sinubukan niyang sumagot nang maayos.
"Maxeen, she is... we are just friends for now," medyo nailang na depensa ni Grey habang iniiwas ang tingin sa bata. "But if she ever wants a gown, I can easily buy her a hundred of them. Not just for playing, but because she deserves it."
"Yay! I knew it! You totally have a crush on Tita Claire! Uncle Grey is blushing!" masayang tili at kantiyaw ni Maxeen habang pumapalakpak, tanging kapilyuhan at kakulitan lang ang laman ng isip habang iniikutan ang bilyonaryo.
Napatigil lang si Maxeen sa pag-ikot nang bumaba mula sa engrandeng hagdanan si Liam Smith, ang pinuno ng mansyon. Seryoso ngunit may pamilyar na ngiti ito nang makita ang kaibigang bilyonaryo na kasalukuyang pinagpapawisan sa kakulitan ng kanyang anak.
"Maxeen, go upstairs for a while. I need to speak with Grey," malumanay ngunit may awtoridad na utos ni Liam.
Nagpout ang inosenteng bata bago humalik sa pisngi ni Grey at nagtatakbo paakyat, habang isinisigaw pa rin sa hallway ang,
"Don't forget the Cinderella gown, Uncle Grey!"
Nakahinga nang maluwag si Grey at tumayo nang maayos para tuluyang makipag-usap kay Liam upang masabi ang kanyang pakay at dahilan. Pinaliwanag niya ang nangyari kagabi sa restaurant, ang misteryosong sulat, at ang buradong CCTV records.
"Liam, someone targeted Claire last night," pormal at mabigat ang boses ni Grey. "A note was delivered to her during our dinner, and it completely compromised her peace of mind. To make matters worse, my security team found out that the restaurant's CCTV footage from last night was intentionally wiped clean. Malinis ang pagkaka-paspas. Whoever did this has serious leverage and resources."
Kumunot ang noo ni Liam, batid ang bigat ng sitwasyon kapag CCTV na ng isang high-end restaurant ang nabura.
"That sounds alarming, Grey. System anomalies don't just happen like that. But how does this involve my home?"
"I need to speak with Thalie," diretsahang sagot ni Grey, habang nakatitig nang seryoso kay Liam. "Claire won't tell me who it was out of fear o dahil baka ayaw niya akong madamay. But Thalie is her best friend. I know she holds the blueprint to Claire's past. I need to know kung sinong lalaki ang may kakayang gumawa nito sa kanya. I cannot protect her efficiently if I am fighting an invisible entity."
Naintindihan agad ni Liam ang punto ng kaibigan. Tumango ito at tumayo. "I get it. Sige, hihilingin ko kay Thalie na bumaba para makausap mo. If Claire's safety is on the line, Thalie will definitely want to help."
Umakyat si Liam para tawagin ang asawa. Ilang sandali pa ang lumipas, dahan-dahang bumaba ng hagdan si Thalie kasunod si Liam. Medyo maputla ang mukha ng misis at hawak nito ang isang baso ng malamig na tubig na may limon. Isang buwan pa lamang itong naglilihi sa kanilang ikalawang anak, kaya naman medyo sensitibo ang pang-amoy nito at madaling mapagod.
"Grey," mahinang bati ni Thalie habang maingat na nauupo sa sofa katabi ni Liam, na agad siyang inalalayan sa likod.
"Sabi sa akin ni Liam, may importante kang itatanong tungkol kay Claire? Pasensya ka na kung medyo matagal akong bumaba, medyo nahihilo kasi ako kanina pa."
Bakas ang matinding respeto sa mukha ni Grey. Bahagya siyang yumuko bilang pagbati bago sumagot gamit ang pormal ngunit may pag-aalalang boses.
"I apologize for the intrusion, Thalie, lalo na’t hindi maganda ang pakiramdam mo ngayon," panimula ng bilyonaryo, habang seryosong nakatingin sa kaibigan ng dalaga. "But I wouldn’t be here if it wasn't a matter of extreme urgency. It is about Claire’s safety."
Nang marinig ang pangalan ng kanyang matalik na kaibigan, tila nawala ang hilo ni Thalie. Agad siyang napaayos ng upo, kumunot ang noo, at naging seryoso ang ekspresyon.
"Anong nangyari sa kaibigan ko? Okay lang ba siya?"
Inulit ni Grey ang detalye ng misteryosong sulat at ang buradong CCTV footage.
"Claire refused to give me any details, likely out of fear or because she wants to shield me from the situation," pag-amin ni Grey, ang boses ay may halong pagkabigo ngunit determinasyon.
"But I cannot fight an invisible enemy, Thalie. You know her history. I need to know kung sino ang lalaking galing sa nakaraan niya na may kakayahang gumawa nito. Sino ba ang ex-boyfriend ni Claire?"
Napatingin si Thalie kay Liam, tila humihingi ng suporta. Pagkatapos ay lumingon siya kay Grey habang humihigpit ang hawak sa kanyang baso ng tubig.
"Siya nga..." bulong ni Thalie, ang kanyang boses ay may halong takot at matinding pag-aalala para sa kaibigan.
"L-Liam...s-si Claire.." Nanggilid ang luha ni Thalie na ikinataka naman ni Grey at Liam.
Sa nakita niya kay Thalie, mas lalo itong nagkaroon ng ideya kung ano ang kalagayan ni Claire ngayon.
"Thalie... please, tell me. Sino ang nasa likod ng pangyayaring ito?" Seryosong tanong ni Grey habang malalakas na hininga naman ang pinakawalan ni Thalie.
Nabitawan ni Thalie ang hawak niyang baso ng tubig sa ibabaw ng lamesa, at labis na kaba at takot ang rumihestro sa kanyang maputlang mukha. Maging si Liam ay napahawak nang mahigpit sa kanyang asawa dahil sa biglang panginginig nito. Labis ang gulat ni Grey at Liam.
Huminga nang malalim si Thalie, pilit na pinapakalma ang kanyang pagluluhong katawan, bago niya isa-isang isinalaysay ang nakaraan ni Claire na pilit nitong tinatakasan sa loob ng maraming taon.
"Grey... hindi basta-basta kalaban ang kaharap mo ngayon," panimula ni Thalie, ang boses ay nanginginig. "Si Claire... anak siya ng isang pulis. Pero ang tatay niya, si Tito Ismael, ay gumagamit at nagbebenta ng droga. Noong bata pa kami, sa tuwing umuuwi ang ama niya galing sa duty sa trabaho, laging tumatakbo si Claire sa bahay namin para magtago dahil sa takot."
Yumuko si Thalie, tila bumalik ang pait ng mga alaala.
"Twelve years old pa lang kami noon, Grey. At sa murang edad na 'yon, ibinenta na siya ng sarili niyang ama."
Nanlaki ang mga mata ni Grey. Ang kanyang mga kamao ay awtomatikong humigpit, at ang kanyang pormal na anyo ay napalitan ng matinding galit.
"Ibinenta siya sa pinakamakapangyarihang tao sa bansang London," pagpapatuloy ni Thalie. "Doon na sila nakatira at lumaki ang pamilyang iyon. Napakalaki ng impluwensya nila. Madami silang koneksyon, ilegal na negosyo, at ang pangunahin nilang trabaho ay pagnebenta ng droga sa iba't ibang bansa. Dahil nalulong sa bisyo, sugal, at babae ang ama ni Claire, ibinenta niya ang sarili niyang anak sa isang mayamang matanda doon upang ipakasal sa nag-iisang anak nito na si Vince Reid. Si Vince ay doon na lumaki sa London. Iyon ang naging pambayad sa napakalaking utang ni Tito Ismael."
Sumandal si Grey sa sofa, ang kanyang puso ay nadudurog para sa sinapit ng dalaga, ngunit mas nangingibabaw ang poot sa kanyang dibdib.
"Pinaaral ng ama ni Vince si Claire sa London," sabi ni Thalie habang pinapahid ang kaunting luha. "Ang kasunduan, sa pagsapit ng kanyang 20 taong gulang, ay magpapakasal silang dalawa. Mahal ni Vince si Claire, Grey. Binigay niya sa kanya ang lahat ng luho doon. Magandang kinabukasan sana ang naghihintay sa kanya, pero hindi niya alintana ang marangyang buhay na 'yon dahil masasamang tao at mapanganib ang mga Reid. Kaya bago ang takdang araw ng kasal, gumawa kami ng paraan para makatakas siya."
Dito ay seryosong tiningnan ni Thalie si Grey. "Nagpalit si Claire ng pagkakakilanlan pag-uwi niya rito sa Pilipinas. Ang tunay niyang pangalan ay Mia Cruz."
Natigilan si Grey at sabay silang nagsita ni Liam. "Mia Cruz?" pabalik na bigkas ng dalawang bilyonaryo, na labis nilang ikinatataka.
Sa loob ng ilang buwan niyang pagpunta sa coffee shop, kilala niya ito bilang si Claire. Ang malaman na peke ang pangalang hawak nito ay nagdulot sa kanya ng matinding gulat, ngunit agad din itong napalitan ng mas malalim na pag-unawa. Naisip niya kung gaano kabigat ang dinalang takot ng dalaga para itapon maging ang sarili nitong pangalan.
"Nagtago si Mia—na kilala mo ngayon bilang Claire—ng ilang taon dito sa Pilipinas at nagpakasimpleng barista," hikbi ni Thalie. "Akala namin ay sumuko na sila sa paghahanap. Pero nagulat kami ngayon sa pagbabalik ng binata. Si Vince Reid ang nasa likod ng sulat na 'yan, Grey. At kung nabura niya ang CCTV ng restaurant mo, ibig sabihin, dala niya rito ang buong pwersa ng pamilya niya para bawiin si Mia."
Naging mapanganib ang katahimikan sa loob ng sala. Ang panga ni Grey ay nakatigam, at ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa galit. Ngayong alam na niya ang buong katotohanan, hindi na lang ito basta panunuyo—ito ay isang digmaan para sa kaligtasan ng kanyang reyna.
"He might have grown up ruling the underground in London," malamig at puno ng awtoridad na pahayag ni Grey, ang kanyang boses ay tila yelo sa tindi ng galit. "But this is my country. Vincent Reid just made the biggest mistake of his life by stepping into my territory and threatening Claire—or Mia. Whoever she really is, she is the woman I am going to protect. I will spend every single billion I have to crush him and his connections."
Lumingon si Grey kay Liam. "Liam, I need your help. Kailangan ni Claire ang tulong ko ngayon."
Tumango si Liam, seryoso ang mukha. "May buong suporta ka sa akin, Grey. Walang pwedeng manakit sa kaibigan ng asawa ko."
"Liam, Grey. S-siguradong m-may banta din ang buhay ko..." Mahina pero dinig ng dalawa. Dito na tuluyang nanghina si Thalie.
"What do you mean, wife!" nag-aalalang tanong ng kanyang asawa.
"G-Galit ang pamilya Reid sa akin dahil alam nilang ako ang tumulong kay Claire upang magtago. Liam natatakot ako-papatayin nila ako. Paano na si Claire? paano na si Maxeen at nang bata sa sinapupunan ko?" Humahagulgol na iyak ni Thalie.
Agad naman itong pinakalma ni Liam. nagpasalamat si Liam kay Grey dahil hindi nilihim ni Grey ang tungkol dito. Para mas maaga nilang mapagplanuhan bago pa mangyari ito. Sa kanilang pag-uusap, sumagi si Max sa isipan ng dalawa.