Share

Chapter 8

Chapter 8: What If's

Jack's Perspective

It's been two years na din at ako heto nag-aaral ng Medicine, while Angel is studying Architecture, nagkaiba kase kami ng kurso na gusto pero we are in the same University pa din naman.

"Jack," sigaw ni Angel sa akin habang papalapit siya sa kinatatayuan ko. It's been two years pero wala pa ding nagbabago sa kaniya, napakaganda niya pa din. Well, bihira lang kaming magsama at magkita dahil busy siya sa studies niya, and that's okay, naiintindihan ko naman siya sa part na iyon.

"Oh? Tapos na ba kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa nga eh, sorry Jack, pero mauna ka na munang umuwi matatagalan kase ako, pinuntahan lang kita sandali para naman hindi ka naghihintay sa akin," sabi niya.

"Kaya naman kitang, hintayin eh." Sagot ko sa kanya.

"I know that, two years mo na nga akong hinihintay eh," sabi niya, I didn't expect her to bring out that topic.

"Hehe, I know, but it's because I LOVE YOU," sabi ko at  ngumiti siya sa akin.

" I know that clearly, Jack. And I am so thankful dahil..." sabi niya nang biglang may tumawag sa kanyang babae.

"Angel, let's go!" Sigaw ng babae at lumingon si Angel at ibinalik din ang tingin sa akin pagkatapos.

" Sorry, Jack, I have to go, I will text you na lang, okay?" Sabi niya sa akin sabay takbo papalayo nang hindi man lang ako hinintay magpaalam sa kanya.

"Okay, I love you," bulong ko kahit alam kong hindi ko iyon nagawang sabihin sa kanya.

I sighed and just walk away nang may humampas sa likuran ko.

"Hey, bro! Nakasimangot ka ata diyan? May problema ba?" Tanong ni Zio sa akin.

"Hah? Wala naman," sagot ko.

"Hay naku! Jack, hindi ka magaling magtago ng problema, sa hitsura mong iyan. Ano bang naangyari?" Pangungulit ni Zio sa akin.

"It's Angel," mahinang sagot ko.

"Why? Did she reject you?" Patawang sabi niya sa akin at binatukan ko siya.

"Hey, don't say that!" Sigaw ko at napahawak siya sa binatukan ko.

"Ouch! I'm just kidding, napakaseryoso mo kase eh, ano ba kaseng problema kay Angel?" 

Napabuntong hininga na lamang ako at tinignan si Zio.

"She seems too busy, I know wala akong karapatan na magtampo, lalo na't  wala pang kami, 6 months na din kase nang magsimula siyang mawalan ng oras sa akin, at hindi ko na rin alam kung may pag-asa pa ba ako sa kanya," malungkot na sabi ko.

"I know, bilib nga ako sa'yo, bro. Two years? Two years nagawa mo pa din siyang ligawan ng ganun katagal?" He yelled at tinapik ko siya.

"Can you please lower your voice? Naririnig ka ng mga dumadaan eh!" I exclaimed and he said sorry.

"Sorry, bro. Eh hindi ko na mapigilan, I understand na mahal mo siya, halos pinapantasya mo na siya noon pa, but isn't it's the time na din na tumigil ka na sa kakahintay," sabi niya.

"No offense, bro. Pero mismong ako hindi ko na din maintindihan si Angel, she even don't want me hanging around with you," sabi ni Zio at napatahamik ako.

Well yes, minsan kase kapag sinusundo ko si Angel at natataon na may kailangan si Zio, nagagawa kong iwanan si Angel, pero may dahilan ako. May sakit kase si Zio, he have a cancer and we just found out about it few months ago, at since nasa abroad ang parents niya ako ang nagsilbing guide niya, lalo na kapag nasa hospital siya, pero minsan nagseselos na si Angel, kase hindi ko na siya masundo minsan at hindi ko na din siya makamusta kase busy akong pag-aralan ang sakit ni Zio, makakatulong din kase 'yon sa future ko as a doctor and I want to help Zio as well para makabawi sa lahat ng ginawa niya para sa akin.

"Tulala ka diyan?" tapik ni Zio sa akin.

"I'm sorry," sabi ko at napakunot noo naman siya.

"Okay, mas mabuti pang huwag na muna nating pag-usapan si Angel, mukhang masyado kang nag-aalala, kung ako sa'yo, ask her, ask her kung may patutunguhan paa ba lahat ng ginagawa mo," sabi niya.

"Per, bro, what if marinig ko yung ayaw kong marinig mula sa kanya, what if sinabi niyang ayaw niya na? Na wala na akong pag-asa? Natatakot ako, bro eh." Sabi ko at inakbayan naman niya ako.

"Bro, at least alam mo na! At least may idea ka. Hindi iyong ganito, naghihintay ka sa bagay na wala namang kasiguraduhan," mahinang sabi ni Zio, at alam kong nag-aalala siya sa akin pero ayaw ko munang isipin iyon, kaya naman...

"Hay naku! Huwag na nga natin pag-usapan, bakit ba nandito ka? Hindi ba may follow-up check-up ka kay Dad?" I rolled my eyes tohim, at napangisi siya sa akin. At alam ko na kaagad ang ibig sabihhhin ng mga     ngiting iyon kaya binatukan ko siya ng napakalakas.

"Aray ko!" Sigaw niya.

"You deserves it! Dapat wala ka dito! Nagawa mo na namang magpasaway!" Sigaw ko sa kanya.

"Oo na, eh di ba nga dapat nadoon ka since you will be my Doctor in the future kaya kita pinuntahan dito para sunduin ka," sumbat niya sa akin.

"Fine! Fine!" Sabi ko at nagpunta na kami ng Hospital.

Makalipas ng ilang oras si Zio ay naga-undergo ng therapy niya nang makarecive ako ng message mula kay Angel.

"Hey, how are you?"- Angel

"I'm fine, nasaan ka na nakauwi ka na ba?"- Sent

"Oh, yes,"- Angel

Habang patuloy kaming nag-uusap ni Angel through text naalala ko bigla 'yong mga sinabi ni Zio sa akin. What if nga naman kung tanungin ko si Angel about sa amin? May pag-asa pa ba ako? Pero heto na naman ako sa mga what if ko, what if nireject niya ako? But Zio was right! Kailangan ko na din malaman.

I sighed as I type my messages.

"Angel, may gusto sana akong tanungin sa'yo." - Sent

Beep! 

Kinabahan na ako nang magreply siya sa akin.

"Ano yun?" Reply niya with a smiling emoji in the end.

"I know that I've been waiting for two years and that's fine, pero gusto ko lang malaman if may patutunguhan ba ito? Huwag ka sanang magalit, takot lang kase ako na baka may makilala ka and I want to know kung may pag-asa pa ba ako o wala na, huwag kang mag-alala dahil anumang sagot ang isagot mo, I'll be fine." Sent

Halos hindi ko mapindot ang send button noong unaa pero naglakas loob ako para isend yun.

Beep!

At heto na nga nakita ko na ang one new message mula kay Angel.

Should I read it?  Kinakabahan ako.

"Jack, can I ask for your help?" Sabi ni Dad nang buksan niya ang pinto sa room ni Zio at napatingin naman ako sa kanya.

"Yes, Dad," sagot ko agad as I stand up.

At iyon na nga hindi ko  nabasa ang message ni Angel dahil I need to assist my father first, pero sa totoo lang kinakabahan ako sa reply ni Angel, hindi ko maiwasang hindi isipin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status