KUMAKATOK ANG TILAOK ng manok sa tapat ng bintana ng aming tahanan. Natamaan ng sinag ng araw ang mga bagong kurtinang ikinabit ni Nanay kahapon. Umaga na pala. Ngunit, wala akong lakas para bumangon. Dalawang oras pa lamang ang tulog ko dahil sa kakagawa ng mga assigned task sa Structural Analysis.
Hanggang ngayon, hindi pa ako tapos sa paggawa dahil nahihirapan akong gumawa ng mga free body diagram ng mga bubong at biga ng isang residential building. Ibig ko nang hindi tapusin iyon ngunit kasama ito bilang requirement sa pagmamarka ng aming propesor.
“Maria Victoria!” Sigaw iyon ni Nanay na nasa unang palapag.
Mavie for short.
Maaaring nagulat na ang mga kapitbahay sa malakas niyang pagtawag.
Natandaan ko noon na may isang matandaang lalaki na nagbato ng mabigat na tsinelas sa pinto ng aming bahay dahil sa gulat. Bagong gising pa noon ang matanda at naistorbo ang kanyang mahimbing na tulog.
“Hoy Pining!” Sigaw ng matanda noon habang binato ang dalawang tsinelas sa pinto.
“Pumunta ka sa tiyahin mong mananahi para ipatahi na 'yang bibig mo para wala na 'kong maririnig na boses mo sa tuwing nagigising ako!”
Rinig sa buong iskinita ang reklamo at pagmumura ng matanda at masisilayan sa magkakahilerang bintana ang ilang kapitbahay na sumisilip sa nagaganap sa daan.
Natatawa na lamang ang aking ina sa matanda. Malakas man ang kanyang boses sa umaga ngunit hindi naman pumapatol sa nagagalit na kapitbahay. Hindi na lamang niya ito tinitingnan nang harapan bagkus batid niya ang mga bagay na maaaring ibato sa tapat ng bahay at baka matamaan ang kanyang katawan.
Hindi niya mapigilan ang malakas niyang boses dahil namulat na siya noon sa palengke. Tindera siya noon ng mga sibuyas at bawang kasama ang kanyang ina kaya sanay na ang lalamunan sa palakasan ng boses.
Suki noon ng kanilang pamilya ang masungit na matandang lalaking iyon.
“VICTORIA! GISING NA!”
Akala ni Nanay na tulog pa 'ko sa aking silid dahil hindi pa ako bumababa.
Naaamoy ko ang ginigisang bawang at sibuyas sa kusina habang bumababa ako sa hagdang yari sa tagpi-tagping kahoy.
Bigla kong naalala na kaarawan pala ni Ate Chuchay ngayon. Puspusan ang paghahalo ni Nanay ng mga sahog sa kawali habang sunud-sunod niya dinadagdagan ng kahoy na panggatong ang DIY naming kalan de kahoy.
Nagkataon sa kaarawan ni ate natamaan ang araw ng kanyang pagtatapos sa kolehiyo. Nasasabik noon si Nanay na isuot ang bagong binili niyang damit dahil aakyat siya ng stage. Kasama sa Latin honors at special awards noon si ate.
“Kumuha ka plato at kumain ka na ng almusal”, utos niya sa akin.
Tinungo ko ang kusina sa tabi ng lutuan ni Nanay. Kinuha ko ang isang plastik na plato at inilagay sa mesa.
“Bakit isa lang?”
Nagtaka ako noon kay Nanay. Ako lang naman ang kakain, hindi ba? Ang sabi niya, kumain KA na ng almusal. Hindi ‘yong, kumain KAYO ng almusal.
Tiningnan ko lamang siya.
“Pupunta dito sina Yamilet at Hugo ngayon para kumain dito”.
Kumuha na lamang ako ng apat na plato. Nakareserba ang sobrang dalawa sa hindi aasahang bisita.
Sina Yamilet at Hugo ay kambal na anak ng kaibigan ng aming magulang. Sila ang magmamana ng malawak na lupang sakahan kung saan nagtatrabaho ang mga kamag-anak ng aking Tatay. Ang araw ng pagtatapos ni ate sa kolehiyo ay panahon din iyon ng anihan ng mga palay, sili at patatas kaya hindi ko nakita si Tatay pagbaba ko kanina ng hagdan.
Sakto ang pag-upo ko noong dumating ang kambal.
“O! Dumating na pala sila, upo na kayo diyan at ihahanda ko na ito”, sunud-sunod na sambit noon ni Nanay sa mga bagong dating na bisita.
Umupo na lamang na nakangiti ang kambal. Kinawayan ako.
“Magtatapos na pala sa Edukasyon si Ate Chuchay, ano?” Tanong sa akin ni Yamilet.
“A oo kaya nagmamadali si Nanay sa pagluluto”.
May dala noon si Hugo ng malaking dilaw na kahon na pinatong niya sa mesa pagkaupo. Tila birthday cake iyon sapagkat may nakadikit na kandila sa labas nito.
Batid kong hindi iyon sa 'kin dahil hindi ko kaarawan.
Natutuwa ako kay Ate Chuchay sapagkat matutupad na niya ang pangarap niyang magturo sa mga bata at makatulong kila Nanay sa gastusin sa bahay.
Wala noon si ate dahil dumalo siya sa last rehearsal nila ng pagtatapos. Dapat kahapon pa iyon natapos ngunit may holiday season. Hindi pinapayagang pumasok ang mga mag-aaral ayon sa nakasaad na naipasang memorandum ng kanilang kolehiyo.
KUMAKAIN NOON ANG kambal nang dumating si ate. Puno ng pawis ang kanyang mukha dahil sa mahabang oras na lakaran pauwi at sa kanilang rehearsal.
“Pagbati po!”
Masayang sinalubong ng kambal si ate. Pinakita ni Hugo ang dala nilang cake habang kinakamayan siya ni Yamilet.
“Ang laki naman!” Natuwa si ate noong nakita ang top view ng cake.
“Handog po iyan ni Mama sa inyo dahil pangatlo kayo sa mga magtatapos ng pag-aaral sa ilalim kanyang scholarship program.” Paliwanag noon ni Yamilet.
“Pang-apat ka na!” Sabay tapik ni Hugo sa balikat ko.
“Aray! Medyo masakit 'yon a”, nagulat ako sa kanyang tugon.
“Ito naman, pasensya na. Excited na si mama na magtatapos ka na sa susunod na taong-panuruan”, hinahaplos niya noon ang balikat ko habang pinapaliwag niya ang dahilan.
“Bibigyan mo ba 'ko ng cake sa graduation ko?” Pagbibirong tanong ko sa kanya.
“Ewan ko lang, HAHAHAHA!”
Kung hindi mo makokontrol ang inis sa kanya, baka nasigawan mo na agad siya. Ngunit nakakahiya kung iisiping gawin iyon sa kanya sapagkat anak siya ng may-ari ng sakahan at anak ng may programang iskolar para sa mga magsasaka.
Muntik na akong mawalan ng scholarship noon sa programa ng kanyang ina sapagkat nahihirapan akong hatiin ang oras ng pagsali sa mga organisasyon at konseho ng kolehiyo at oras ng paggawa ng mga akademikong gawain. Madalang sa mga gawain ko ang hindi magkasabay sa oras ng deadline kaya madalas ang pagsasabay ko ng mga gawain o multitasking.
Dahil dito, naapektuhan ang mga marka ko para sa isang semestre. Mabuti na lamang mabait ang kanilang ina at naunawaan ang aking pinagdaanan.
Ganoon pa rin ang aking ginagawa ngunit natutunan ko na ang pag-ma-manage ko ng mga oras. Gusto ko ring bumawi ng tulog habang may pagkakataon pa at habang hindi pa nagtatrabaho.
Si Gng. Marcela Regis-Sebastian ang ina nila Hugo at Yamilet na nangangasiwa ng kanyang sariling scholarship na programa. Maunawain, maganda, masipag at matalino ang kanyang ina kaya marami ang humahanga sa kanyang paglilingkod. Isa siyang dating artista, isang dekada na ang nakakalipas, kung saan ang naipong pera sa kanyang pinagkakakitaan ay pinalawak ang lupang sakahan ng kanilang pamilya at naglunsad ng Ilang programang pangkabuhayan at scholarship sa mga magsasaka. Hindi siya pulitiko o public servant. Ibinuhos na lamang ang atensyon sa mga programa, pag-aalaga kina Yamilet at Hugo, at pag-aasikaso sa asawa niyang doktor.
“GRABE KA NAMAN! Si ate mayroong cake tapos ako wala”, nagkukunwari akong nagtatampo sa kanya.
Tinitingnan ko kung naaapektuhan si Hugo sa ganoong taktika. Ngunit, sa tingin ko'y hindi. Lalo niya akong inaasar.
Tapos na noon magluto si Nanay ng handa. Nagbibihis na siya noon habang hinihintay na siya ni Ate Chuchay sa labas.
“Sino magbabantay sa bahay?” Tanong ni Yamilet.
“Magbabantay? Baka siya”, sabay turo ni Hugo sa akin. “Kakagising lang niya e”.
“Grabe siyaaaaaa!”
“Bakit? Sinabi ni Tita Pining iyon kanina”.
“Ay talaga ba?”
“Hala ka! Lutang ka na kanina siguro, nakangiti ka noon habang kinakausap ka ng nanay mo. HAAHAHAHAHAHAHA!”
“Nakangiti ba ako kanina?” Bulong ko kay Yamilet.
“Oo Mavie, nagtaka nga ako e”.
“Naku po!” Nahiya ako noon.
“Okay lang 'yan!” Tapik muli ni Hugo sa balikat ko. Mas malakas na ito ngayon.
“Ang sakit naman no'n!”
Nakalayo na siya agad noon kaya hindi ako nakaganti ng hampas sa kanya.
Bumaba at nakabihis na si Nanay galing sa ikalawang palapag. Naaamoy ko ang pabangong nakadikit sa kanyang damit. Minsan lamang magpabango si Nanay sa tuwing umaalis ng bahay kaya natutuwa ako sa kanya.
“Victoria…'yong mga utos ko kanina, ayon muna ang asikasuhin mo ngayon dito sa bahay. Alis na kami ng ate mo”.
“Opo”, wala sa loob ko ang pagsagot ng opo sa kanya sapagkat wala akong matandaang sinabi.
“Magbabantay? Baka siya”, sabay turo ni Hugo sa akin. “Kakagising lang niya e”.
“Grabe siyaaaaaa!”
“Bakit? Sinabi ni Tita Pining iyon kanina a”.
“Ay talaga ba?”
“Hala ka! Lutang ka na kanina siguro, nakangiti ka noon habang kinakausap ka ng nanay mo. HAAHAHAHAHAHAHA!”
Naalala ko bigla ang mga sinabi ni Hugo sa 'kin.
“Hala! Ano ang mga utos na 'yon?” Pagtatanong ko sa sarili ko.
“O, ito”, tinapik ulit ako sa balikat ni Hugo ngunit mas mahina na Ito ngayon.
Binigay niya sa akin ang kapirasong papel.
“… Lutang ng taon… Ngiti nang ngiti si Victoria”, binasa ko iyon nang mahina.
“Siraulo 'to!” Sabi ko sa kanya. Naiinis ako sa binasa ko. Maganda na sana umaga ko ngayon dahil sa kinain kong carbonara.
“Sira! Tingnan mo muna ang likod n'yan!”
“Linis… Igib… Ligpit… Hugas… Ito Lang ba?”
“Oo, tapos matulog ka na nang maaga mamaya ha”.
“Hindi pwedeeeeee”, angal ko. “May assignment pa 'ko”.
“Tutulungan ka ni Yamilet bukas”.
“Talaga ba madam?” Hinawakan ko ang kanyang kamay sa sobrang galak.
“Yeeeees!” Tuwang tugon ni Yamilet sa 'kin. “Punta ka na lang sa kubo mamaya, naroon lamang kami ni Hugo para magbasa”.
Tinutukoy niya ang tila library na itinayo malapit sa kanilang tahanan kung saan maaaring tumambay, magbasa at magnilay ang mga kabataan sa libre nilang oras sa kanilang gawain sa tahanan at pag-aaral sa paaralan. Mayroon itong mga aklat pambata, akademikong aklat, encyclopedia, atlas, magasin at dyaryo na maaaring buklatin sa anumang oras. Minsan, dito namin pinapanood ang anihan ng aming mga magulang dahil madali naming natanaw ang pamimitas nila ng mga kamoteng kahoy, kamatis at sibuyas tatlong buwan na ang nakararaan.
“Sige, matutulog ako nang maaga mamaya”.
“Oo kailangan mo na kasi iyon dahil mukha ka nang panda!”
“Siraulo 'to!”
“Babaeng panda!”
“Oy ikaw! Mag-aaral ka pa mamaya ng Political Theory, hindi ba?” Tanong niya kay Hugo.
Tumango lamang si Hugo bilang tugon sa tanong ng kakambal.
“Uwi na muna kami Mavie ha?”
“A sige, ingat!”
“Mag-ingat ka sa aso, matatakot sa eyebags mo!”
Huling pangangasar sa akin habang papalayo na ang aming distansya.
"DAAN MUNA AKO sa inyo ha," sambit ni Yamilet na paika-ikang naglakad sa putikan ng kapatagan.Mabuti na lamang tahimik ang kalabaw ni Mang Tonyo noong oras na iyon. Napansin kong pula ang kulay ng kanyang malaking wallet. Makintab ito at kumikinang pa kapag natatamaan ng sikat ng araw. Madali iyon matatanaw ng kalabaw kahit ilang metro na ang layo."Bakit naman madam? Hindi ba may kukunin ka pang gamit?" Tanong ko sa kanya.Kinakabahan ako kapag dumadaan ang sinumang tao o kakilala sa bahay nang wala sa tamang panahon at oras. Ito ay dahil may mga oras na magulo o maraming huhugasing kubyertos, plato't baunan sa kusina ng aming kubo.Sanay kaming pinaghahandaan ang pagdating ng mga inaasahang bisita. May oras kaming ilalaan sa paglilinis sa likod, gilid at loob ng bahay."Ay! Oo nga pala ano? Siguro, sa susunod na lang ng pag-uwi ko rito," sambit ni Yamilet na tila'y nagma
"NA ALIN? DAHIL ba sa pagpunta ninyo sa kapitolyo?" Pagtatakang tanong sa akin ni Yamilet habang kumakain sa isang karinderya.Bumalik muli si Yamilet sa aming baryo galing sa Maynila dahil kukunin naman niya ang kanyang kotse upang gamitin sa pagbabyaheng pag-uwi at pagpasok sa pinapasukang trabaho. Nasa internship na programa pa rin siya at pinayagan siya ng kompanya na kunin ang kotse.Nakasalubong ko siya sa isang daang nasa gitna ng palayan noong isang umaga habang pauwi na ako sa aming kubo."Madam?" Pagtatangkang tawag ko sa kanya.Akala ko hindi pa siya makakabalik agad sa aming baryo sapagkat may kasalukuyan siyang sumasabak sa isang internship program sa Maynila. Maaaring mabawasan iyon sa kanyang oras sa trabaho.Tinitigan niya ako nang mabuti. Tila kinikilatis niya muna kung sino ang nakapansin sa kanya sapagkat nasisilaw siya sa aking wangis. Mataas na noon ang araw sa kanluran at handa na itong magtago sa likod ng mga bundok anu
MASALIMUOT NA PAGTATAGPO ang nararamdaman ko sa tuwing pinag-uusapan ng ibang guro at mag-aaral tungkol sa simpleng "isyung" pinapainit sa kolehiyo. Hindi naman masama ang imbitasyon ng lokal na pamahalaan na maging bahagi kami ng salo-salo at parangal dahil sa mga nagawa naming proyekto sa ARC. At, hindi lang naman kaming mga kinatawan ng Sinag State College ang dumalo sa pagtitipong iyon.Walong samahan ng mag-aaral ang dumalo sa salo-salo at parangal. Nariyan ang "Two Rays Photography Circle" ng Abang D. Sakay Memorial State College sa bayan ng Pila kung saan nakatanggap kami ng imbitasyong maging bahagi ng kanilang proyekto. Nariyan din ang "Dreamers' Society" ng Sta. Elena College sa bayan ng Tanglaw, ang "Project EARTH" ng Tapayan Institute of Arts and Technology sa bayan ng Tapayan, ang "Angat, Isko" at "Young Entrepreneur's Society" ng Doña Clara Maddang Memorial College sa bayan ng Trinidad, at ang "ALAB ng Sinag" ng Pamantasan ng Sinag sa
AT DAHIL SA "isyung" nagaganap sa buong kolehiyo, hindi muna kami pinapunta sa tanggapan ng ARC ni Bb. Ansel sa loob ng dalawang araw. Pumapasok muna kami sa aming mga klase, tinapos ang mga aralin at iba pang hindi pa natatapos na proyekto. Pabalik-balik na rin ako sa tindahan ng school supply ni Aling Tesang sa paulit-ulit na pag-imprenta ng mga pananaliksik, technical writing output at maiikling proyektong nangangailangan ng engineering problems, katulad ng mga pinag-aaralan naming major subjects."Maria Victoria Reyes, kailangan mong bumawi sa mga quizzes at activities sa subject ko dahil na-zero na kita sa isang important activity, kasagsagang nakikipagkasiyahan kayo sa kapitolyo", iba nga ang timpla ni Gng. Paitan, matandang propesor sa Hydraulics.Katulad ng pakikitungo niya ngayon sa apilyido niya."Hindi naman po kami nakipagkasiyahan doon Ma'am", mahinahong sagot ko sa kanya."Puro nga kayo
"GITNA NA TAYO", paanyaya ni Salome sa amin dahil nahihirapan na kaming maglakad kasabay ang mga kawani ng kaitolyong umuuwi na.Masikip ang daan kahit sobrang luwag ng espasyo ng front door ng kapitolyo. Alas singko na ng hapon nang matapos ang salo-salo at parangal ng lokal na pamahalaan sa amin."Ingat!" Kaway sa amin ng magkakambal na Gerome at Angela Jimenez bago umalis ang kanilang asul na van.Kumaway kaming lahat sa kanila."Chat chat na lang mamayang pag-uwi ha", kumindat kay Ranilo ang isang babaeng mag-aaral bago sumakay sa nirerentahang dyip ng kanilang paaralan.Siya si Janine Mendoza, ang bise presidente ng Dreamers' Society ng Sta. Elena College sa bayan ng Tanglaw. Katabi siya ni Ranilo sa upuan kanina na sa kalauna'y nagkasundo sa napag-uusapang online game."Sige, invite mo 'ko sa laro mamaya ha", nakangiting kumaway si Ranilo sa kanya bago ipinagpatuloy ang paglalakad."Grabe p're pinagpalit mo na talaga ako", pagbi
SA ONLINE NA pahina ng ARC, makikita ang magagandang feedback at comment mula sa mga mag-aaral. Nahihilo na kami sa pagbabasa roon ngunit kailangang maging masipag sa pagtugon sa kanila."Pahinga muna tayo", paanyaya ni Salome sa aming lahat.Pinagpahinga muna namin ang aming mga mata sa kakatingin sa screen. Nakakalabo raw ng paningin ang matagal na "pagbabad" sa screen monitor o sa phone screen.Nasa tanggapan kami ngayong tanghali dahil hinihintay namin ang pagdating ni Bb. Ansel. Ngayon ay ang araw ng pagpunta namin sa kapitolyo kung saan inanyayahan kaming magtanghalian ng lokal na pamahalaan. Marahil, magmemeryenda na lamang kami roon dahil malayo ang aming kinaroroonan, dalawang oras na byahe sakay ng traysikel."Sino magiging kasama ko?" Tanong ni Ranilo tungkol sa sasakyan naming traysikel mamaya."Ayaw mo na ba sa akin p're?" Tanong ni Guevarra sa kanya."Hindi naman sa ganoon. Dalawa tayo sa side car kasi lab pa rin kita p'r