Share

CHAPTER 1

FIVE SENSES

CHAPTER 1: THAT GUY, THAT GIRL

ISANG malakas na sampal ang bumungad kay Andy nang makauwi siya mula sa Hospital. Mula ito sa galit niyang tiyahin na kamakailan lang ay pinalayas siya. Narito siya sa bahay nito dahil dito siya inihatid ng mga pulis matapos malaman na nagnakaw siya sa mini market.

"Wala ka talagang ginawang maganda?! Pinalayas na kita 'di ba? Bakit ka pa bumalik?!" nagpupuyos sa galit na wika nito.

Yumuko siya bago sumagot.

"Dito ako hinatid eh, sisihin mo yung mga pulis." walang emosyon na wika niya.

Dahil sa pagsagot ay muli siyang sinampal ng babae.

"Talagang kumapal na ang mukha mo at nakakasagot ka na. Ayan ba ang natutunan mo sa Paaralan niyo?"

"Oo. Tinuruan kaming sumagot sa school. Kapag hindi ako sumagot, babagsak ako." seryosong wika niya.

Mas namula ang mukha ng tiyahin niya at hinila ang kanyang buhok.

"Kung ganoon, doon ka sa school mo manirahan. Huwag ka ng babalik dito!"

Tinulak siya nito ng malakas kaya napaupo siya sa kalsada kasabay ang paghagis ng kanyang bag. Imbes na magmakaawa ay kinuha niya ang bag na laman ay gamit sa eskwelahan at nilisan ang lugar.

Sanay na siya sa trato ng kanyang tiyahin mula ng ito ang mag-alaga sa kanya dahil sabay na namatay ang kanyang magulang. Hindi ito mabuting magulang dahil wala itong naging pamilya. Iyon na lang ang iniisip niya.

Huminto siya sa isang bus stop at inikot ang paningin. Nang mapansin na wala ng tao ay nahiga siya sa mahabang upuan bago ipinikit ang mga mata. Pinilit na matulog kahit kumakalam ang sikmura.

"Magkano bayad?" tanong niya sa isa niyang kaklase ng iabot nito ang isang proyekto para sa Filipino subject.

Luminga-linga ang babae bago inabot ang dalawang daan. Mabilis niya itong tinanggap.

"Siguraduhin mo lang na maipapasa iyan before the deadline."

Tumango na lang siya bilang tugon dahil halos kalahati ng klase nila ang nagpagawa sa kanya ng proyekto.

Ganito palagi ang buhay niya para mabuhay sa araw-araw. Mabuti na lang at scholar siya kaya pagkain na lang ang pinoproblema niya. Kahit nasa mababang seksyon ay napapanatili niya ang magandang grado.

Abala siya sa ginagawa nang marinig ang kwentuhan ng mga nakapaligid sa kanya.

"Kilala niyo ba si Kino? 'Yung sikat na Fourth year student. Presidente siya ng Paranormal Club?"

"Kumakalat na naghahanap siya ng bagong miyembro matapos mamatay nung huling member niyang bakla dahil sa heart attack."

"Paano ba naman? Nagpanggap na may third eye dahil gusto magpapansin kay Kino. Nung makakita ng multo, inatake. Patay!"

Halos matawa ang mga nag-uusap sa paligid niya. Ngunit hindi niya na pinansin at tinuon ang atensyon sa mga ginagawa.

"Anong talent mo?" tanong ng lalake na nakaupo sa isang mahabang mesa.

Nang-aakit na tumingin ang babae sa kanya.

"Marunong ako sumayaw, kumanta, magluto, maglab-"

Itinaas ng lalake ang kaliwa niyang kamay.

"What I mean is, the Paranormal thing you has? A third eye? Or anything that about paranormal activities." paglilinaw niya.

Napakagat ng labi ang babae bago gumewang-gewang.

"Ahm, kaya ko umarte na maging multo?"

Kumunot ang noo niya.

"GET OUT!"

Mabilis na umalis ang babae. Sinuklay niya ang buhok gamit ang mga kamay bago umiling.

"I need to find that girl.." he whispered.

He is referring to the girl he met on the mini market, there is something weird about her that makes him curious.

Natapos ang klase na walang nangyaring kakaiba kay Andy. Siguro, dahil ito sa masyado siyang focus sa mga proyekto ng kanyang kaklase.

"Uh, ang sakit ng katawan ko." reklamo niya matapos ilagay sa locker room ang mga nagawa niya at handa na para umuwi sa tinutulugan niyang bus stop.

Nasa kalagitnaan siya ng paglalakad sa hallway nang may marinig siyang sigaw ng isang lalake na papunta sa puwesto niya.

"Ibalik mo 'yan!"

Hinahabol nito ang lumulutang na sombrero kaya napaatras siya.

"May kaluluwa na naman." kinakabahang wika niya.

Tatakbo na siya ng madapa siya dahil sa basang sahig. Mabilis siyang tumayo para manakbo ngunit hindi na niya nagawa dahil nasa unahan na niya ang lumulutang na sombrero.

"O-oh.." namutla na sabi niya bago nawalan ng malay.

Pauwi na si Kino at inaayos ang suot niyang sombrero ng may humablot nito mula sa kanya. Nanlaki ang mata niya ng makita ang babaeng estudyante na palaging kumukuha ng mga gamit niya. Binalak niya itong hulihin ngunit hindi niya mahawakan ang babae.

"Ikaw, multo ka! Ibalik mo 'yan!" utos niya pero binelatan siya nito bago nanakbo palayo.

"Aist. Asar!"

Walang nagawa si Kino bukod sa habulin ang multo. Mabuti na lang at tapos na ang mga klase kaya walang makakakita sa kanya.

"Ibalik mo 'yan!" buong lakas niyang sigaw habang tumatakbo.

Ngunit hindi nakinig ang multo at sa halip ay mas binilisan pa ang takbo. Medyo bumagal ang takbo niya ng mapansin ang babae na nasa unahan nila.

Namutla ito at nagmadaling manakbo ngunit nadapa. Nang makatayo ang babae ay nahinto ito dahil sa nakita. Siya naman ay naningkit ang mga mata lalo na ng mahulog ito sa sahig at..

... humiwalay ang kaluluwa nito sa kanyang katawan.

"Ang astig.." hindi makapaniwalang sabi ni Kino.

Iyon rin ang naging reaksyon niya ng mawala ang babaeng iyon sa harapan niya nung nakaraang araw.

Dahil sa paghanga ay hindi na niya napansin ang kaluluwa na nagulat rin sa nakita at halos hindi makagalaw. Masama itong tiningnan ng babae bago hinablot at sinabunutan. May sinasabi ang babae ngunit hindi marinig ni Kino.

Wala siyang nagawa bukod sa kuhain ang nahulog na sombrero niya at panoorin ang dalawang kaluluwa na nag-aaway. Mukhang may sinasabi yung kaluluwa ang kaso ay hindi niya marinig.

Hindi niya napigilan na matawa sa sitwasyon nilang tatlo. Mukha siyang lalake na pinag-aagawan ng dalawang kaluluwa.

Dahil sa pagtawa niya ay nahinto ang babae at tinaasan siya ng kilay.

Sa ikalawang pagkakataon ay may sinabi ang babae sa kanya ngunit nagkibit-balikat na lang siya.

"Hindi kita marinig." reklamo niya at nag-sign na walang naririnig.

Kumunot ang noo ng babae bago nilingon yung multo na mabilis na naglaho. Nagpapadyak ang babae bago tumingin sa sariling katawan na walang malay sa sahig.

"Argh! Kung hindi ka lumapit ay wala ako sa ganitong sitwasyon!!" nanggigigil na sabi ni Andy sa multong sinasabunutan.

"Aray! Hindi ko naman alam na hihiwalay yung kaluluwa mo kapag lumapit ako!" paliwanag nung multo.

Nahinto sila ng marinig ang pagtawa ng lalake na humahabol sa multo.

"Teka, ikaw 'yung lalake na nakita ko sa mini market." wika niya.

Nagkibit-balikat ito bago sumagot.

"Hindi kita marinig." sabay senyas na walang naririnig.

"Bye!"

Nagulat siya nang mabilis na naglaho yung kaluluwa na sinabunutan niya. Nagpapadyak siya ng makita ang katawan niyang nakahandusay sa sahig.

Malungkot niyang tiningnan ang katawan niya.

"Isang oras pa bago ako bumalik sa katawan ko.." naluluhang sabi niya dahil dumidilim na at hindi niya kayang iwan ang katawan sa nakakatakot na Paaralan.

Nawawalan na siya ng pag-asa dahil alam niyang walang tutulong sa kanya.

"Tutulungan kita."

Nakuha ng lalake ang atensyon niya. Alam niyang hindi siya naririnig nito kaya hindi na siya nakiusap, mabuti na lang at nagkusang-loob na ito.

Binuhat nito ang walang malay niyang katawan bago siya hinarap.

"Iuuwi muna kita sa amin. Sundan mo ako."

Sinunod nito ang sinabi niya kahit nagdadalawang-isip siya. Iniuwi nga  ng lalake ang katawan niya sa isang malaking bahay. Laking-gulat niya ng sumalubong ang matanda sa gate nito.

"Young master, ginabi na po kayo.." panimula nito bago tiningnan ang dala nito. "Sino po ang babaeng iyan?"

"Ipaghanda mo kami ng makakain. Ayusin mo rin 'yung isang kwarto dahil doon siya magpapahinga." utos nito na hindi sinagot ang tanong ng matanda.

Umirap si Andy sa kawalan.

"Ang attitude mo naman, bakla ka siguro."

Nang mailapag na sa malambot na kama ang katawan niya ay tiningnan siya ng lalake.

"Kakausapin kita kapag maayos ka na."

Iyon lang ang sinabi nito bago siya iniwan sa malaking kwarto.

"Mukha ba akong hindi maayos? Eh,  siya nga 'yung hindi ako marinig." sumbat niya at hinintay na bumalik ang kaluluwa sa kanyang katawan.

"Kumain ka." pag-aaya ng lalake habang nasa hapag-kainan.

Naiilang siyang umupo dahil balak niya na dapat umalis ng hindi nagpapaalam.

"Ah, salamat sa pagtulong mo sa akin. Tinatanaw ko iyon bilang utang na loob." sabi niya bago nagsimulang kumain.

"Paano mo nagawa iyon?" pagkuha nito ng atensyon niya.

"Nagawa ang alin?"

"Yung paghiwalay ng kaluluwa mo sa katawan mo? In born ba iyon?"

Nagkibit-balikat siya.

"Hindi ko alam, basta paggising ko na lang ay ganito na ako. Whenever a ghost is inside my one meter circular perimeter, my soul separates on my body. Ikaw? Paano mo ako nakita bilang kaluluwa pero hindi mo ako marinig?" balik ni Andy na tanong kay Kino.

"Nagsimula ito noong bata pa ako, sabi ng magulang ko ay naaksidente ako at paggising ko ay nabuksan ang third eye ko pero wala akong marinig sa mga sinasabi ng mga kaluluwa and I think, hindi rin nila ako naririnig."

Umiling si Andy.

"Narinig kita nung kaluluwa ako."

Nagkibit-balikat ang lalake.

"Siguro dahil buhay ka pa rin pero pagdating sa ibang multo. Halata sa kanila na wala silang marinig sa mga sinasabi ko."

Sumang-ayon na lang si Andy.

"Kung may ipapagawa kang project, ibigay mo sa akin. Ako na gagawa para makabayad ako sa utang ko."

Nahinto sa pagkain yung lalake.

"By the way, I am Kino Lorenzo De Vera. The President of Paranormal Club." pagpapakilala nito.

Gusto sanang isagot ni Andy ay 'pake ko?' kaso ay may utang na loob siya rito.

"Andrea Firey Samson. A nobody, an outcast, a loner and a weird one. You can call me Andy for short." pagpapakilala ni Andy.

"That's the requirements of my Club. So, you will join."

Nalaglag ang panga niya sa narinig.

"What?"

Ngumisi si Kino.

"I want you to join on my Club. That's the only way for you to pay me."

.

.

.

"NO." madiin na sabi ni Andy.

----END OF CHAPTER 1----

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status