SIMULA
Isang babae ang naglalakad papunta sa isang mini market. May suot itong gray jacket na may hood at jogging pants.Habang papasok sa entrance ay may naramdaman siyang hangin na papalapit kaya inilibot niya ang kanyang paningin. Kumunot ang kanyang noo ng makita ang isang lalake na naka-mask at naglalakad sa gilid ng kabilang kalsada.Hindi niya dapat pag-aaksayahan ng panahon ang pagtitig dito ngunit ganoon na lang ang gulat niya ng tumagilid ito na parang may bumangga na isang bagay ngunit wala siyang nakita.Naramdaman niyang napansin ng lalake ang presensya niya kaya mabilis siyang tumakbo papasok ng mini market."Good morning, Ma'am." masayang bati ng security guard.Tinanguan niya lang ito bago dumiretso sa pinakadulong estante kung saan wala masyadong tao.Habang palinga-linga ay dahan-dahan niyang itinago sa bulsa ang tatlong cup noodles. Nang masiguradong walang nakakita ay nagmamadali siyang lumabas."Miss?"Napapitlag siya nang tawagin ng isang lalake. Dahan-dahan niya itong nilingon.Isang lalake na may cap na blue at may piercing sa tenga at labi."Nakita ko yung ginawa mo." wika nito na ikinakunot ng noo niya."Anong ginawa ko?""Hinalikan mo ako nang biglaan."Mas kumunot ang noo niya.'Anong pinagsasabi ng lalakeng ito? Akala ko naman ay nakita niya akong nagnakaw.'"Hinalikan? Are you nuts? Ngayon lang kita nakita, Kuya?" pagtanggi niya.Umiling ito at ngumiti."Huwag mo na ako lokohin, sinundan kita sa dulong estante kaya sigurado akong ikaw 'yon." pamimilit ng lalake.Mariin siyang pumikit bago muling tinitigan ang lalake."Okay, kung tingin mong ako iyon. Wala akong magagawa. Wala akong oras para sa 'yo, bye." pamamaalam niya.Medyo malayo na siya sa lalakealis ng makita niya ang babaeng kamukhang-kamukha niya.Napaatras siya."Hi Andy."Sa isang kisap-mata ay nakalapit ito sa kanya."Sh*t." she murmured before she passed out.Nang idilat niya ang kanyang mata ay nakatayo sa harapan niya ang maraming tao na kanina'y nasa loob ng mini market. Nakapalibot sila sa.... katawan niya na walang malay.Inalalayan ito ng mga kalalakihan at isinakay sa kung saan. Nang mawala na ang sasakyan ay nagsialisan na ang mga tao."Hinayaan ko na naman na may lumapit sa aking kaluluwa kaya humiwalay ang kaluluwa ko." napapahilamos na bulong niya sa kanyang sarili."Bakit nandito ka pa?"Dahan-dahan niyang nilingon yung lalake na kumausap sa kanya kanina. Akmang lalapitan siya nito ng mawala siya at sa pagdilat ng kanyang mata, sinalubong siya ng maliwanag na kwarto mula sa puting kwarto.Nasa Hospital na siya, sa isang iglap. Pinilit niyang bumangon bago inikot ang paningin."So, the last time I passed out is already one hour?" bulong niya.FIVE SENSESCHAPTER 1: THAT GUY, THAT GIRLISANG malakas na sampal ang bumungad kay Andy nang makauwi siya mula sa Hospital. Mula ito sa galit niyang tiyahin na kamakailan lang ay pinalayas siya. Narito siya sa bahay nito dahil dito siya inihatid ng mga pulis matapos malaman na nagnakaw siya sa mini market."Wala ka talagang ginawang maganda?! Pinalayas na kita 'di ba? Bakit ka pa bumalik?!" nagpupuyos sa galit na wika nito.Yumuko siya bago sumagot."Dito ako hinatid eh, sisihin mo yung mga pulis." walang emosyon na wika niya.Dahil sa pagsagot ay muli siyang sinampal ng babae."Talagang kumapal na ang mukha mo at nakakasagot ka na. Ayan ba ang natutunan mo sa Paaralan niyo?""Oo. Tinuruan kaming sumagot sa school. Kapag hindi ako sumagot, babagsak ako." seryosong wika niya.Mas namula ang mukha ng tiyahin niya at hinila ang kanyang buhok."Kung ganoon, doon ka sa school mo manirahan. Huwag ka ng babalik dito!"Tinulak siya nito ng malakas kaya napaupo siya sa kalsada kasabay ang pag
FIVE SENSESCHAPTER 2: DEAL"Hindi mo ako mapipilit."Ilang libong beses niya ng sinabi kay Kino ang pagtanggi ngunit ayaw siyang tigilan. Hindi tuloy matapos ni Andy ang mga ginagawa niyang proyekto dahil nahihimatay siya sa tuwing may multo na inuutusan si Kino para guluhin siya, dahilan para mahimatay. Pinaglapat ni Kino ang kanyang mga labi bago tumingin sa paligid."Bakit ba ayaw mo?""Kasi ayaw ko. Simple. Ilang linggo mo na akong ginugulo, hindi ka ba nagsasawa? Kasi ako, hindi ako magsasawang tanggihan ka." sagot niya sa tanong nito.Akala niya ay lulubayan na siya nito ngunit naalarma siya ng may maramdaman siya na kasama nito."Are you blackmailing me?" kunot-noo na tanong ni Andy ng masiguro na may multo itong kasama.Ngumisi si Kino."If that's what you call that, yes. I'm blackmailing you. Kailangan ko na kasi ng bagong miyembro dahil nireport na ako ni Demonyo sa SSG.""Sinong demonyo?"Umiling si Kino."He's a manipulative student detective who wants to eliminate the P
FIVE SENSESCHAPTER 3: THE DETECTIVE CLUB"Bat ako ang magtatanong?" hindi makapaniwalang tanong ni Andy matapos niyang magising.Tila kinakabahan pa rin sa nasaksihan. "Kasi ikaw ang maiintindihan nila." sagot ni Kino."Bakit? Hindi ba gumana sa kanila 'yung pakiramdam mo about sa kailangan nila?" tanong muli ni Andy. Umiling si Kino."I think they have a different reason on why they are still here. So, we need to help them.""Bakit natin sila tutulungan?" hindi pa rin nawawala ang kaba ni Andy."Kasi opisina natin ang pinamamahayan nila. Sinadya ng SSG na ilipat tayo sa room na iyon dahil alam nilang tayo ang makakalutas ng problema." paliwanag ni Kino kahit nahalata niya ang kaba sa mukha ng dalaga."So, sinadya nila iyon dahil naniniwala sila sa Paranormal activities?" tanong muli ni Andy.Umiling si Kino."No. Ginawa nila iyon dahil gusto nilang mabura ang Paranormal Club na tingin nila ay gumagawa ng kabaliwan at pinapahiya ang pangalan ng school." Umupo si Kino sa madamong l
FIVE SENSESCHAPTER 4: SPECULATIONS"So, sinasabi mo sa akin ngayon na isa sa tatlong iyon lang ang suspect. Wala na ba silang ibang miyembro?" hindi makapaniwalang tanong ni Andy habang nasa isang bench sila.Umiling si Kino."Wala dahil hindi sila tumatanggap basta-basta. Sa sobrang perfectionist ni Denum ay walang sumasali na estudyante."Kumunot ang noo ni Andy bago tumango."Hindi naman pala tayo mahihirapan na mahanap ang salarin dahil dalawa lang ang lalake at obvious naman kung sino ang mas katiwa-tiwala sa dalawang iyon."Naniningkit ang mata na tumingin sa kanya si Kino."Sinasabi mo ba na guwapo ang demonyo kong kapatid kaya siya ang tingin mong suspek?"Napakibit-balikat si Andy."May itsura siya at desente tingnan kaya hindi imposible na pagkatiwalaan siya kaagad ng mga babae."Napangisi si Kino."Kaya pala mukhang naattract ka sa kanya kanina."Tumaas ang kilay ni Andy."What?"Mahinang tumawa si Kino."You know what I mean, 'yung titigan niyo kanina. May iba." napanguso
FIVE SENSESCHAPTER 5: DENUM EMMANUEL GOZO"Kung hindi si Denum ang killer, edi si Rizalino?" opinyon ni Andy kay Kino habang nasa sala sila ng bahay nito.Napahalukipkip si Kino bago siya tinaasan ng kilay."Pwede bang mag-imbestiga muna tayo kung ano ang nangyari sa kaso nila at kung bakit sila namatay? Huwag tayo mag-akusa kaagad, tingnan mo ang nangyari sa ginawa mo."Natahimik si Andy sa sinabi ni Kino dahil alam niyang may punto ang binata."Pinabayaan mo kasi ako. Siguro naman may naisip ka na para makapag-imbestiga tayo?"Sumandal sa sofa si Kino bago idinipa ang kamay sa sandalan."Meron na.." nakangising lumingon ito kay Andy. "Syempre, ikaw ang gagawa..""Ano? Huwag mo sabihin na papapuntahin mo ako sa Clubroom ng Detective Club at paghahanapin ng mga files habang kaluluwa ako." nangingiting biro ni Andy."Masyado mong pinahirapan ang sarili mo, gusto ko sanang sa Police headquarters ka pumunta kaso mas maganda ang ideya mo kaya goodluck." seryosong sabi nito.Napalunok si
FIVE SENSESCHAPTER 6: DEVIL TALK"May nalaman ka ba sa ginawa mo?" tanong ni Kino habang naglalakad sila sa hallway at papunta sa kani-kanilang klase."Oo, nakita ko yung case report ni Recca at nakalagay roon na namatay siya sa atake sa puso."Napahinto si Kino at napatingin kay Andy. Tumingin si Andy sa paligid bago mas lumapit kay Kino."Kung hindi pa nahahanap ang katawan niya, paano nakagawa ng report sa kanya ten years ago?" mahinang ang boses na sabi ni Andy.Namilog ang mata ni Kino sa sinabi ng kaharap. "T-ten years ago? So, you are trying to say that all our speculations are wrong?"Napakibit-balikat si Andy."I don't know, hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan." tila naguguluhang sabi ni Andy. "Posibleng nagsisinungaling yung report pero imposible naman na pumayag yung mga magulang niya na ganoon ang ilagay kundi pa nahahanap ang katawan?"May nabuong ideya sa kanilang dalawa kaya nagtanguan sila."Hindi naman sana ganoon ang nangyari.." malungkot na sabi ni Andy."
FIVE SENSESCHAPTER 7: TRAP"Mukhang mahilig ka talaga manghalik." asar ni Kino kay Andy. Mukhang hindi pa rin nakakamove on sa sinabi niya."Anong mahilig? First kiss ko kaya iyon." pagmamalaki ni Andy.Natawa ng mahina si Kino bago umiling."Anong first kiss ka diyan? E, hinalikan mo nga ako nung unang nagkita tayo." nakangusong sabi nito. "Ninakawan mo ako ng halik tapos sasabihin mong si Denum ang first kiss mo? Sabog ka ba o sadyang type mo lang si Denum?"Naiinis na tumingin si Andy bago siya malakas na sinuntok sa braso."Ano ka ba? Ilang beses ko ba sasabihin na hindi ako 'yon? Parang ikaw yung sabog at may type kay Denum dahil sa inaasal mo."Napairap sa kawalan si Kino. "Fine, whatever. Mapapaamin rin kita na ikaw ang humalik sa akin.""Monggiii.." bulong ni Andy."Sa ngayon, wala pa kaming suspek na maihaharap sa inyo.." malungkot ang tono ni Andy habang kaharap ang mga kaluluwa. "Pero may nalaman kami na makakatulong sa imbestigasyon. Ito ay case report patungkol sa pagka
FIVE SENSESCHAPTER 08: PERSON OF INTERESTNang magising si Andy ay sinalubong siya ng mga boses ng dalawang lalake. Mabilis niyang iminulat ang kanyang mga mata at bumangon."Kanina pa kayo nag-aaway." putol niya sa usapan ng dalawa.Kahit kaluluwa pa siya ay pinapanood na niya ang dalawa na mag-asaran na parang aso't-pusa. Hinatid kasi siya ni Denum sa bahay at doon na rin sinimulan ang imbestigasyon na ikinagulat ni Kino.Nahinto sa pag-uusap ang dalawa at sabay na tiningnan si Andy. Ngumiti si Kino bago lumapit sa kanya."Gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kanya."Ayos lang, nakatulog ako kakarinig ng asaran niyong dalawa." sagot niya. "Ano? May nahanap naman ba kayo sa pag-aasaran niyo?"Nakangiting ibinigay ni Kino ang isang folder kay Andy na binasa naman niya kaagad."This man is our school Nurse, si Sir Eros. Madalas ko siya makita tuwing mapupunta ako sa Clinic." gulat na sabi ni Andy. "Paano magiging siya ang killer?"Hindi sumagot si Kino at sa h