Share

Flames of Desire
Flames of Desire
Author: jess13

Starting

Author: jess13
last update Last Updated: 2025-11-26 16:25:49

"Tangina naman Alex! Dapat binigay mo sa'kin 'yong babae! Sayang!"

"Gago! Good boy ako, Gab. Kay Serna lang kakalampag."

"Si Shan na hindi ka kilala?"

"Ulul! Nagkausap na kaya kami. Kaya paniguradong makikilala na niya ako."

"Asa ka pa Alex! Hindi ka type ni Shan. Halimaw iyon sa car racing at wala pang nakakatalo kaya panigurado na car racer din ang hanap no'n!"

"Oh shut up, Gab! You're so loud!"

"Hey, tama na iyan! Baka magkapikunan pa kayo, eh."

"Hey pareng Khian, nandiyan ka pala. Himala yatang lumabas ka sa lungga mo?"

"Gago kasing Roscovio iyan! Utusan ba naman akong dalhan sila ng pagkain. Tangina ginising ako madaling araw!"

Napuno ng tawanan sa lamesang malapit sa akin kaya rinding-rindi na ako sa mga boses nilang naglalakihan.

"Ako rin nautusang bantayan si Kim. Hamakin mo utusan daw ba ako?!"

"Hayaan n'yo na, galante naman magbayad."

"Oh Luke? Nandito ka rin? Who's with you?"

"I'm with our model."

"Pinagtatagpo yata tayo ng tadhana mga pare, hamakin mo nandito tayong lima!"

"Tanga mo magbilang Gab, apat lang tayo. Apat! Magsalamin ka nga!"

"Ulul ka Alex, trip mo ako? Malinaw pa ang mga mata ko. I can even see those sexy girls who were dancing sexily. Oh shit turned on!"

"Gago! Ang libog mo!"

"Oh shut the f*ck up, Khian! Isang linggo akong walang dilig at masakit na ang pantog ko hindi ako sanay kakagamit ng mariang palad!"

"Ulul Gab, wala kang maloloko rito! Ikaw? Makakatiis? Kahit siguro lanta na papatulan mo!"

"Oh fuck you, Khian! I'm still clean after all. Pero ngayon mukhang titikim ulit ako-"

"ANO BA?! Ang iingay n'yo ah! Puro kabulastugan ang pinag-uusapan n'yo! Respeto naman sa taong nakakarinig!"

"Hey, what's happening here?"

Napatayo na ako at hindi na napigilan ang sariling singhalan sila. How dare they talk like that beside me! Pero napatahimik ako nang may isa pang sumulpot na pamilyar na mukha.

"Oh, Miss? Kanina pa kami nag-uusap ngayon ka nagreklamo? Nag e-enjoy kang marinig 'no?"

Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Napalunok ako dahil sa katabi niyang lalaki. ngunit kalaunan ay umiling ang ulo ko at tinitigan ang lalaking kanina pa daldal ng daldal na parang babae ang bibig sa sobrang ingay.

"In your dreams, Mr!" singhal ko at mabilis na hinablot ang bag sa upuan.

Narinig ko pa ang malakas niyang tawa na mas malakas pa sa musikang dumadagundong sa loob ng club.

"Baka in your dreams, Miss. Hindi mo naman kailangan managinip sa'kin. If you want we can talk tonight. Sexy ka naman at pasok sa taste ko..."

Nagpantig ang dalawang tainga ko dahil narinig mula sa aroganteng lalaki. Tumaas ang isang kilay ko at dahan-dahang siyang nilapitan.

Ngumisi siya lalo kaya napakuyom ang kamao ko hanggang sa tuluyang makalapit sa kaniya. Ang kapal ng mukha niya!

"At sino ka para makipag-usap ako sa'yo?" matapang na sabi ko na ikinasinghap ng mga kasama niya.

"Woah! For the first time! May babaeng hindi nakakakilala sa tropa natin! Naks naman Gabriel, wala na ang karisma mo," kantiyaw ng kaniyang mga kaibigan.

Tumaas ang kilay ng lalaking tinawag nilang Gabriel at malakas tumikhim ang katabi niyang lalaki na si Jorus. Kaya nabalot ng kaba ang dibdib ko. At nawa'y hindi niya ako makilala.

"Ang init ng ulo mo, Miss. Pwede naman natin 'tong pag-usapan," anito.

Bibalewala ko ang sinabi niya. Nanatili ang titig ko kay Jorus na wari'y kinikilala ako kaya nilihis ko ang ulo sa kaniya at ibinalik kay Gab.

Nakangisi pa rin ito habang pinagmamasdan ako na para minememorya ang buong mukha ko.

Kumunot pa ang kaniyang noo na para bang may-iniisip kaya agad ko siyang tinaasan ng kilay.

Dumiretso siya ng tayo at tinitigan ako pabalik. Tumaas din ang isang kilay niya at pinasadahan ng dila ang sariling labi.

"Bakit Miss? Nagpapansin ka 'no? Hindi mo naman kailangan magpapansin, isang tawag mo lang- Ah arayy!"

"Bagay 'yan sa'yo! Ang manyak mo!" bulyaw ko at mabilis na naglalakad palayo.

Saglit akong lumingon sa kaniya at napangisi ng makita siyang namimilipit sa sakit habang nakahawak sa gitnang bahagi. Hindi na maipinta ang mukha niya dahil sa paniguradong masakit niyang pagkakalaki.

Serves your right, Mr. Arrogante! Dapat nga pinuputol iyang halimaw mo at hindi tinutuhod. Wala ka sa lugar! Wala ring bayag! Pero mas walang bayag ang katabi mo!

Napaismid na lang ako at muling tumalikod.

Dire-diretso akong lumabas ng bar at nagtungo sa dalang kotse at mabilis itong pinaandar paalis. Bwisit na lalaking iyon! Sira na nga ang araw ko, sinira pa lalo.

***

"Althea, late ka! Bilisan mo na!"

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Lorena na kasamahan ko sa trabaho. Pansin ko rin na hindi maipinta ang mukha niya at parang takot.

"Bakit anong nangyari?"

Mabilis akong pumwesto sa front desk at nag-usisa kay Lorena, habang wala pang pumapasok na enquiries.

"Anong mayroon? Bakit parang lahat ay kabado at seryoso? Pati si Kuyang guard kanina?" tanong ko sa kaniya.

Ngumiwi siya sa akin at umiling. "Umayos ka ng upo, Thea. Baka nakatingin si Sir sa CCTV!" mahinang bulong niya.

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Napuno ng kaba ang dibdib ko. "Nandito si sir?"

"Oo, maagang pumasok si Sir JR kanina at kaka-akyat lang pagdating mo! First time niya magpakita sa atin pero ang pangit pa ng bungad dahil mukhang bad mood!" kinakabahan na anito.

Tumango at napaayos ng upo sa kinaroroonan. Hanggang sa sunod-sunod na dumating ang clients na nag i-enquire sa condo kaya agad namin itong tinugon.

Sumapit ang tanghali dumagsa ang mga taong nagka-interest sa condo na ino-offer dahil siguro sa mga bagong open na mga bedrooms at available na design.

Nagpalitan lang kami ni Lorena mag break upang hindi maudlot ang pagsagot sa queries ng mga kliyente, dahil dalawa lang kaming naka-duty sa morning shift.

Pero hindi matanggal ang kaba sa dibdib ko sa kadahilanang nandito si Sir JR na minsan lang magpakita at madalas ko pang hindi maabutan.

The whole day went well and I felt tired. Nag-unat ako ng mga braso at napahikab pa hanggang sa may empleyado na lumapit sa akin. Sa harap ko mismo.

"Miss Buendia?"

Napadiretso ako upo at tumango-tango sa babaeng empleyado na nasa harap.

"Yes, Ma'am." I responded formally.

She smiled at me as she nodded. "Sir JR wants to talk to you. You can go to the 50th floor, the gray door with a tagline of his name."

Nagtaka man ay tumango pa rin ako. "I will Ma'am, thank you..."

"You're welcome, Miss Buendia. You can go there after work." Huling habilin niya bago maglakad paalis.

Napabaling ako kay Lorena na may alanganing ngiti sa labi. "B-Baka dahil late ka kanina?"

Nagkibit balikat lang ako pero kalauna'y napangiwi na rin. 'Kung ganoon, ang strick pala ni Sir JR. Pilit kong kinakalma ang sarili dahil totoo na 'to. Makakaharap ko na ulit siya.

___

Napabuga ako ng hangin habang nakatapat sa harap ng pintuan ni Sir JR. Kanina pa ako rito nakatayo pero hindi ko magawang kumatok.

Kanina okay pa ako. Chill lang. Pero nang makarating ako rito parang bigla akong nangangatog sa kaba.

I took a deep breath again and again as I finally knocked twice. And after a couple of minutes a baritone yet cold voice spoke.

"Come in."

My brows furrowed and my chest was pounding so loud when I heard Sir JR's voice.

This is the first time he showed himself to us but... this was not the first time I met him. At sana wala rin siyang maalala pa.

Pinilig ko ang ulo at pilit tinatanggal ang mga nasa isipan at dahan-dahang pinihit pabukas ang pinto.

Biglang nanindig ang balahibo ko dahil sa lamig sa loob ng opisina ni Sir. Napaayos akong tayo ng tuluyang makapasok.

"Hmm..." tumikhim ako upang agawin ang atensyon niya na nakatalikod mula sa akin at prenteng nakaupo sa swivel chair niya.

"Good afternoon, Sir." I greeted politely.

He stayed silently, he stayed in his place and he didn't respond to me. Hindi rin siya lumilingon kaya napakamot ako ng ulo.

"Sir? What can I do for you? Is it because I'm late this morning? I'm sorry Sir, there's an emergency in our home, the reason why I'm late. I'm sorry." I explained but he remained silent.

Dahan-dahan akong napayuko. Mukha ngang bad mood siya dahil hindi man lang lumilingon sa akin.

"How old are you?"

Wala pa sa isang segundo akong nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Hmmm, 24, Sir..." I answered lowly.

"Married?"

I swallowed as I responded. "No."

"Single?" he asked again.

"Opo."

"Any relationship? Boyfriend? Ka live in?"

"Wala po, Sir..."

Pilit kong sinasagot ang mga tanong niya kahit alam kong confidential na iyon. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang naging binungad niya sa akin na hindi ko inaasahan.

Nabalot kami ng katahimikan hanggang sa muli siyang magtanong na ikinamilog ng mga mata ko.

"Virgin or not?"

My mouth opened a bit 'coz of his inappropriate question.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Flames of Desire   Desire

    Warning: SPGHindi agad ako nakagalaw dahil sa ginawa niya. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang paggalaw ng labi niyang nakalapat sa akin."Uhmm..." impit akong napadaing nang kagatin niya ang ibabang labi ko at sinipsip iyon na nagdulot ng nakakabaliw na sensasyon.Dahan-dahan pumikit ang mga mata ko at kusang umangkla ang braso sa leeg niya. Pumulupot ang kamay niya sa baywang ko at mas lalo pang pinalalim ang halik sa pagitan namin.Naglalakbay ng marahan ang halik niya sa panga ko na mas lalong nagdudulot ng pamilyar na init sa kalamnan. Napatingala ako sa ginawa pagdila dito."J-Jorus..." I moaned.He breathed out heavily. "F*ck," he cussed.Napakagat labi ako nang marahang humamplos ang kamay niya sa baywang ko. Dumilat ako at napaatras at tumama ang binti ko sa dulo ng kama. Kamuntikan pa akong mapaupo ngunit mabilis niyang nakabig ang baywang ko payakap.Our eyes met with confusion yet there's a hin

  • Flames of Desire   Hate

    Kinaumagahan nagising ako dahil sa magaspang na kamay ang humahaplos sa mukha ko. Dahan-dahan akong nagmulat pero wala namang nandoon. Napatitig ako saglit sa kisame bago bumangon. Mabigat ang dibdib ko at ramdam ko pa rin ang paninikip doon dahil sa nangyari kagabi. Inayos ko ang pinaghigaan ko at napatingin sa kabilang kama. Wala na roon si Jorus. Naglakad ako patungo sa CR at aksidente kong namataan ang bulto niyang nasa kusina, nakaupo at sumisimsim ng kape. May hawak siyang brown folder. Ilang segundo ko lang siyang tinitigan at pumasok na sa loob. "Papauwiin niya ba ako?" tanong ko sa sarili habang nakatitig sa sariling repleksyon sa harap ng malaking salamin sa loob ng bathroom. Napahilamos ako ng mukha at ginamit ang unused toothbrush and toothpaste sa CR. While brushing my teeth, I couldn't help but to think about what happened last night. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali at bigla na lang siyang naging m

  • Flames of Desire   Obligasyon

    Nakarating kami sa Palawan at diretsong nagtungo sa Villaruz resort sa receptionist area. Namamangha ako habang umiikot ang paningin sa buong resort. Kung sikat ang Palawan sa mga naggagandahang tanawin ay hindi rin papahuli ang resort na ito. Humakbang ako palapit sa mga facilities na mayroon sila habang kinakausap ni Jorus ang empleyado sa front desk. At mas lalo akong namangha. They have restaurants, different types of pools, casinos, villas, and restobar? Napakagat labi ako dahil sa nabasa. Akala ko ilang linggo akong mawawalan ng alak sa katawan. "Thea..." Napaigtad ako sa gulat dahil boses na bumulong sa tainga ko. At parang nanindig ang balahibo ko sa batok dahil sa mainit niyang hininga. I slowly looked at him and I'm a bit tense. "B-Bakit?" Napakamot siya sa kilay niya. "Uh, we'll stay in one room..." anito na mukha pang nag-aalinlangan. "Huh?!" hindi ko napigilang magtaas ng boses. Mahina siyang tumawa kaya napahiya akong yumuko. "Kala ko nagpa-reserve ka na ng dala

  • Flames of Desire   Friend

    Bumaling siya sa akin bago pinaandar paalis ang sasakyan. Wala pa naman masyadong nakapark na mga kotse kaya nakaalis kami kaagad.I then swallowed as I looked at him. "I'm... I'm sorry about yesterday. I didn't mean to shout at you�""It's okay, Thea, I understand." He simply said.Napatikom ang bibig ko at hindi na nagsalita pa. Tumigil ang sasakyan niya sa harap ng convenience store. Tinanggal niya ang kaniyang seatbelt bago ako nilingon ang kinauupuan ko."Do you wanna come with me inside?" tanong niya.Mabilis akong umiling. "Hindi na. Dito na lang ako..."Tumango ulit siya at kinuha ang itim na wallet. "What do you want?"Tumingin ako sa loob ng convenience store na pailan-ilan lang ang bumibili bago bumalik ang tingin sa kaniya. "Ikaw na bahala..."Nag-alinlangan pa siya pero kalaunan ay tumango."I will be quick. If you're cold you can use my jacket at the backseat," he said as he went out.Nakatitig lamang ako sa papalayo niyang bulto bago binuksan ang cellphone. At isa-isa

  • Flames of Desire   Birthday

    "Ailyn, puwedeng hindi na muna ako umuwi ngayon? Nakahiram na ako ng pang piyansa kay Tatay ipapadala ko na lang..." sabi ko habang patingin-tingin sa pintuan ng apartment ko.Hindi pa rin nakakabalik si Jorus mula nang umalis siya kanina. At sana magbago pa ang isip niya. Kung ibibigay niya ang pera bago umalis puwede ko pa siyang matakasan. Pero hindi eh, mautak ang mokong na 'yon.Narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga ni Ailyn sa kabilang linya kaya nakagat ko ang labi. Paniguradong magtatampo 'to kung sakali."Ate naman, pati ba naman ang araw na 'to nakalimutan mo? Hindi ko nga sinabi agad sa'yo baka sakaling maalala mo pa eh..."Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Napatingin ako sa kalendaryo ng makita ang petsa at para akong tinakasan ng lakas nang magpagtanto kung anong mayroon sa araw na 'to!"Ate, death anniversary and birthday ni baby. N-Nakalimutan mo?"Napanganga ako at bigla kong nabitawan ang cellphone ko at nahulog sa sahig Nangilid ang luha sa mga mata

  • Flames of Desire   Tulala

    Nagising ang diwa ko dahil sa sunod-sunod na katok ang narinig ko mula sa labas ng apartment. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at napatitig sa kisame."Another torture day..."Kinapa ko ang cellphone sa uluhan ko upang tingnan kung may nag-email na ba sa mga inapplyan ko pero napabalikwas ako nang bangon ng makita ang 100+ missed calls from... him!Napakunot ang noo ko at lumakas pa lalo ang pagkatok sa labas ng pinto kaya napabusangot ang mukha ko.Ang aga-aga pa eh!Tamad akong bumangon at inaantok pa ang mga matang naglakad palabas ng kuwarto habang pinupusod ang lagpas balikat kong buhok. Humikab pa ako nang binuksan ang pinto.Napahinto sa ere ang pagbuka ng bibig ko nang bumungad sa akin ang mukha ng taong hindi ko inaasahan. Magulo ang buhok nito at halatang kagigising lang.Mahina siyang natawa ng makita ako at doon ko na realize na nakanganga ako sa harapan niya. Napatakip agad ako ng bibig at nag-init ang mukha."A-Anong kailangan mo? Sir?" pahabol kong sinabi.Nagkamo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status