MasukNgumiti si Alina, pinipigilan ang halakhak sa labi.“Well… you continue,” biro niya bago tuluyang tumalikod pabalik ng kusina.Nanlaki ang mata ni Alizee. ‘Continue… ano raw?’Parang gusto na niyang lamunin ng sofa sa hiya. Agad niyang ibinaon ang mukha sa unan, pilit kinukumbinsi ang sarili na walang nangyari kanina. Kaso, lalo lang lumakas ang kabog ng dibdib niya nang marinig ulit ang boses ni Arion sa tabi niya.“Kain na.”Muffled ang boses niyang sumagot mula sa loob ng sofa. “Ayaw ko na… hindi ako gutom.”Mahinang natawa si Arion. Umupo ulit sa tabi niya, saka bahagyang yumuko para silipin siya.“Are you… shy?”Bigla siyang napabangon.“You did that on purpose, ’no?!” inis ngunit namumulang sabi niya, saka dinampot ang throw pillow at ibinato sa ulo nito.Tahimik lang na sinalo ni Arion ang unan, may ngiti pa rin sa labi.***Ayon sa naunang schedule, dumating sina Alizee at Arion sa isang sikat na photo studio na trending online para sa kanilang wedding photoshoot.Unang set pa
Napansin ni Alizee na tulala pa rin si Arion at parang wala sa wisyo, kaya inabot niya ang leeg nito at kiniliti ang Adam’s apple niya, pilya ang ngiti, malambing ang boses.“Sinong engkanto ba ang nang-akit sa kaluluwa mo, ha?”Agad hinawakan ni Arion ang makulit niyang kamay bago pa ito makailag. Dahan-dahan niya iyong inilapit sa labi niya at hinalikan. May bahagyang kiliti na dumaloy sa palad ni Alizee, dahilan para mas lalo siyang mapangiti, iyong tipong alam niyang may epekto siya rito.Pagsapit ng alas-dose, tumunog ang hudyat ng bagong taon.Magkasabay silang umuwi sa bahay nina Alizee.Pagpasok pa lang, sinalubong na sila ng amoy ng nilulutong handa. Abala sina Samuel at Alina sa paghahanda, naghihiwa, nagmamasa, nag-aayos ng mga sangkap.Pinanood ni Alizee ang mga magulang niya, sweet pa rin, nagtutulungan, parang hindi tumatanda ang samahan.Napangiti siya. Mas lalo niyang na-realize kung gaano siya kaswerte.Samantala, umupo si Arion mag-isa sa sofa.Lumabas ng kusina si S
Ngayon, pati ang huli niyang itinuturing na kapamilya ay tuluyan nang nawala sa tabi niya.Hindi iyon kayang tanggapin agad ni Arion. Sa loob niya, pakiramdam niya’y isa-isa na siyang iniiwan ng mundo.Para bang kahit anong pilit niyang tumayo, may kulang na hindi na maibabalik.Tahimik lang na napabuntong-hininga si Alizee habang pinagmamasdan siya. Gusto man niyang magsalita, pinili na lang niyang itikom ang labi niya. Alam niyang may mga sakit na hindi nadadaan sa salita, kailangan lang samahan.Matapos maayos ang lahat ng naiwan ni Jieyan, nagpasya si Bluei na manatili muna roon nang ilang linggo.Si Arion naman, kailangan nang bumalik agad. May negosyo siyang kailangang itaguyod.Kaka-umpisa pa lang ng branch nila sa Pampanga, at kasisimula pa lang ding pasukin ng Marinian ang market doon. Mahirap ang simula, halos lahat ng desisyon, siya mismo ang gumagawa.Halos hindi na siya umuuwi. Laging abala.Samantala, si Alizee naman ay nanatili sa bahay. Araw-araw siyang nagdo-drawing s
“Nothing.”Bahagyang kumunot ang noo ni Arion, bakas ang pagdududa sa mga mata. Dahan-dahan siyang dumistansya kay Alizee habang inaabot ang cellphone.Hindi mahirap marinig ang kaba sa boses ni Bluei sa kabilang linya. Ilang segundo munang nanahimik si Arion bago siya nagsalita, mas mababa na ang tono.“Where are you now? I’m coming.”Ibinigay ni Bluei ang lokasyon niya. Pagkababa ng tawag, agad pinaandar ni Arion ang sasakyan papunta roon.Napatitig si Alizee sa kanya, saka parang may biglang naalala.“Wait, Arion,” mabilis niyang sabi. “Tumawag sa’kin si Jieyan a few days ago. Sabi niya magpapadala daw siya ng postcard.”Napalingon siya rito.“Baka lowbat lang phone niya? Or nasa biyahe?”Sinubukan niyang basahin ang ekspresyon ni Arion, pero wala siyang makitang emosyon sa mukha nito. Mahigpit lang ang hawak nito sa manibela, nakayuko nang bahagya, parang may malalim na iniisip.Nagkita sila ni Bluei sa isang café.Halata agad ang pagod at kaba sa lalaki. Umupo silang tatlo sa isa
“Mama…”Mahina ang boses ni Arion, halos pabulong. Hindi niya agad naituloy ang sasabihin. Bahagya siyang napangiti, pero punô ng sakit ang mga mata.“You didn’t deserve this.”Marahang inayos niya ang puting telang nakatakip sa katawan ng ina, ingat na ingat, parang natatakot siyang magising ito sa sobrang lamig. Para bang hindi bangkay ang kaharap niya, kundi ang nanay na dati siyang kinukulitan tuwing umuuwi nang gabing-gabi.Mahigpit na kumapit si Alizee sa braso niya. Ramdam niya ang panginginig nito, kahit pilit na pinipigilan. Hindi siya nagsalita, alam niyang hindi kailangan ni Arion ng maraming salita ngayon, kundi presensya lang.Huminga siya nang malalim, pilit inaayos ang sarili.“Pagod ka na siguro, ’no? You can rest now.”Tahimik ang buong morgue, pero hindi na mabigat ang katahimikan, parang may dahan-dahang pagpapaalam na nagaganap.“Ang tanga ko rin pala.”Naalala niya ang mga gabing hinihintay siya ng ina sa sala, ang mga baong laging may extra, ang mga sermon na may
Hindi napigilan ni Alizee ang mahinang pag-ungol habang unti-unti niyang idinilat ang mga mata. Medyo mabigat pa ang talukap niya, halatang bagong gising. Saglit siyang natigilan nang mapansing nakatingin si Arion sa kanya, tahimik, diretso, at halos walang mabasang emosyon sa mukha.“Nandito na?” tanong niya habang inaabot ang sarili, may lambot pa ang boses dahil sa antok.“Hmm,” maikling sagot ni Arion. Mukha itong may iniisip, parang wala sa sarili.Tinanggal ni Alizee ang seatbelt at kinuha ang gamit niya. Aabot na sana siya sa pinto para bumaba nang marinig niya ang mababa at bahagyang nag-aalanganing tawag mula sa tabi niya.“Alizee.”Napalingon siya, bahagyang nakatagilid ang katawan. Ang gilid ng mukha niya ay nababalot ng anino ng sasakyan, mas lalong naging banayad ang itsura niya. “May problema ba?” tanong niya, mahinahon.Ibinaling ni Arion ang tingin sa unahan. Matagal itong nanahimik bago tuluyang nagsalita. “Wala naman. Maaga kang magpahinga.”“Okay,” sagot niya, kahit







