LOGINBahagyang gumalaw ang Adam’s apple ni Arion, at halatang bumigat ang timpla ng emosyon niya. Napansin iyon ni Alizee. Agad niyang ibinaba ang hawak na chopsticks at yumakap sa baywang nito, parang gusto niyang pigilan ang anumang sakit na muling aahon.
Hindi umiwas si Arion. Sa halip, bahagya niyang ipinatong ang palad sa likod ni Alizee, isang tahimik na pagtanggap.
Magkatabi lang ang bahay nina Oliven at Alizee noong bata pa sila, pero imbes na maging malapit, kabaligtaran ang nangyari, parang aso’t pusa kung magbangayan.Panahong iyon, nagsisimula pa lang umangat ang career ni Samuel, kaya halos wala na itong oras sa anak. Tuwing summer o Christmas break, madalas mag-isa lang si Alizee sa bahay. Dahil sa sobrang inip, lagi siyang pumupunta sa kabila para guluhin si Oliven, at kadalasan, nauuwi iyon sa suntukan o asaran.Sa umpisa, bwisit na bwisit si Oliven sa kaniya. Para sa kaniya, iyakin na, mahina pa makipag-away, pero hilig mang-hamon.Ilang beses na silang nagbugbugan sa bakuran. Isang beses, pagkatapos ng ilang rounds, namamaga na ang pisngi ni Alizee, magulo ang buhok, at puro gasgas ang tuhod, pero ayaw pa ring magpatalo.Tumayo siya mula sa lupa, inayos ang buhok sa noo, at galit na galit na sumigaw:“Hintayin mo ‘ko! Isusumbong kita kina Mommy at Daddy, binully mo ‘ko!”Niyakap lang ni Oliven ang dibdib niya, nakayuko nang bahagya, m
Unang beses na nakita ni Bluei si Jieyan sa isang maulang gabi.Katatapos lang noon ng show ni Jieyan. Suot niya ang puting camisole dress na may mahabang palda, basa pa nang bahagya ang dulo dahil sa ulan. Pagod na pagod siya galing sa sunod-sunod na trabaho, pero may usapan na sila ng kaibigan niyang magkikita sa bar, kaya dumiretso pa rin siya roon.Pagpasok niya, dumiretso siya sa booth at halos walang tigil na nagsalin ng alak sa sarili niyang baso.Gusto lang niyang makalimot kahit sandali.Sa kabilang side ng counter, abala si Bluei sa pagmi-mix ng inumin. Kakatapos lang niyang gawin ang bagong cocktail niya, “Rose’s Secret Diary.” Hindi niya akalaing sa gabing iyon, siya mismo ang magkakaroon ng sarili niyang “secret diary”… ng isang lihim na pag-ibig.Napako ang tingin niya kay Jieyan.Nakaupo ito sa booth, bahagyang nakatagilid ang mukha habang tinatamaan ng dim lights ng bar. Kalahati ng mukha niya nasa anino, kalahati nasa ilaw, at sa simpleng galaw niyang pag-ayos ng buho
“Hello po, mga tito at tita. Ako si Ripley. Three years old na ako this year… at madalas kong iniisip, bakit nga ba Ripley ang tawag sa’kin?”Kung tutuusin, hindi naman niya talaga naiintindihan ang sagot, pero hindi rin iyon mahalaga.Ang mahalaga, gutom na siya.Sa loob ng studio room, abala si Alizee sa pagdo-drawing sa tablet niya. Mahigpit ang bilin ni Arion sa anak nila na huwag istorbohin ang mommy niya habang nagtatrabaho.Pero si Ripley, bata pa lang, alam na niya, kapag pagkain ang usapan, si Mommy lang ang makakaintindi ng gusto niya.Kaya habang hindi nakatingin si Arion, palihim siyang naglakad papunta sa studio. Halos hindi pa nga niya abot ang doorknob, pero pinilit niyang buksan ang pinto.Napatingin si Alizee nang maramdaman ang presensya sa may pintuan.“Ripley? Bakit nandito ka? Hindi ba sabi ko, play with Daddy muna?”Nakatayo roon ang maliit na bata, hawak ang doorknob, nakatingala sa kaniya gamit ang malalaki at bilog na mata, puno ng luha.Pagkakita pa lang sa
Ngumiti si Alina, pinipigilan ang halakhak sa labi.“Well… you continue,” biro niya bago tuluyang tumalikod pabalik ng kusina.Nanlaki ang mata ni Alizee. ‘Continue… ano raw?’Parang gusto na niyang lamunin ng sofa sa hiya. Agad niyang ibinaon ang mukha sa unan, pilit kinukumbinsi ang sarili na walang nangyari kanina. Kaso, lalo lang lumakas ang kabog ng dibdib niya nang marinig ulit ang boses ni Arion sa tabi niya.“Kain na.”Muffled ang boses niyang sumagot mula sa loob ng sofa. “Ayaw ko na… hindi ako gutom.”Mahinang natawa si Arion. Umupo ulit sa tabi niya, saka bahagyang yumuko para silipin siya.“Are you… shy?”Bigla siyang napabangon.“You did that on purpose, ’no?!” inis ngunit namumulang sabi niya, saka dinampot ang throw pillow at ibinato sa ulo nito.Tahimik lang na sinalo ni Arion ang unan, may ngiti pa rin sa labi.***Ayon sa naunang schedule, dumating sina Alizee at Arion sa isang sikat na photo studio na trending online para sa kanilang wedding photoshoot.Unang set pa
Napansin ni Alizee na tulala pa rin si Arion at parang wala sa wisyo, kaya inabot niya ang leeg nito at kiniliti ang Adam’s apple niya, pilya ang ngiti, malambing ang boses.“Sinong engkanto ba ang nang-akit sa kaluluwa mo, ha?”Agad hinawakan ni Arion ang makulit niyang kamay bago pa ito makailag. Dahan-dahan niya iyong inilapit sa labi niya at hinalikan. May bahagyang kiliti na dumaloy sa palad ni Alizee, dahilan para mas lalo siyang mapangiti, iyong tipong alam niyang may epekto siya rito.Pagsapit ng alas-dose, tumunog ang hudyat ng bagong taon.Magkasabay silang umuwi sa bahay nina Alizee.Pagpasok pa lang, sinalubong na sila ng amoy ng nilulutong handa. Abala sina Samuel at Alina sa paghahanda, naghihiwa, nagmamasa, nag-aayos ng mga sangkap.Pinanood ni Alizee ang mga magulang niya, sweet pa rin, nagtutulungan, parang hindi tumatanda ang samahan.Napangiti siya. Mas lalo niyang na-realize kung gaano siya kaswerte.Samantala, umupo si Arion mag-isa sa sofa.Lumabas ng kusina si S
Ngayon, pati ang huli niyang itinuturing na kapamilya ay tuluyan nang nawala sa tabi niya.Hindi iyon kayang tanggapin agad ni Arion. Sa loob niya, pakiramdam niya’y isa-isa na siyang iniiwan ng mundo.Para bang kahit anong pilit niyang tumayo, may kulang na hindi na maibabalik.Tahimik lang na napabuntong-hininga si Alizee habang pinagmamasdan siya. Gusto man niyang magsalita, pinili na lang niyang itikom ang labi niya. Alam niyang may mga sakit na hindi nadadaan sa salita, kailangan lang samahan.Matapos maayos ang lahat ng naiwan ni Jieyan, nagpasya si Bluei na manatili muna roon nang ilang linggo.Si Arion naman, kailangan nang bumalik agad. May negosyo siyang kailangang itaguyod.Kaka-umpisa pa lang ng branch nila sa Pampanga, at kasisimula pa lang ding pasukin ng Marinian ang market doon. Mahirap ang simula, halos lahat ng desisyon, siya mismo ang gumagawa.Halos hindi na siya umuuwi. Laging abala.Samantala, si Alizee naman ay nanatili sa bahay. Araw-araw siyang nagdo-drawing s







