ログインSA KAHABAAN ng highway ay bumagal ang takbo ng mga sasakyan kaya naipit si Ezekiel sa traffic. Marahan niyang tinatapik-tapik ang manibela, nababagot na hindi man lang umuusad ang daloy ng trapiko.Hanggang sa ang sasakyan sa kaliwa niya ay biglang lumiko at sumuot sa eskinitang makikita malapit sa kanya. Napatitig siya roon, iniisip kung gagayahin niya ba o mananatili sa puwesto.Hindi pa siya gaanong pamilyar sa lugar pero kailangan na niyang ibalik sa may-ari ang nirentahang kotse bago mag-alas nuebe.Nang tingnan niya ang oras ay trenta minutos na lang ang nalalabi at malayo pa siya sa apartment.Sa huli ay napili niyang gayahin ang naturang sasakyan at sa eskinita na dumaan para makaalis sa traffic.Bahagyang makipot ang daan papasok pero kapag nasa loob ka na ay malawak naman pala, may mga bahay pero kapansin-pansin na wala gaanong ilaw sa paligid.Gayon pa man ay hindi na siya masiyado pang nag-isip, ang mahalaga ay makalabas at makauwi ng maayos.Nang walang ano-ano, mula sa k
PAREHONG natigilan ang dalawa sa tanong ni Caitlyn, umiwas ng tingin si Meriam na tila ba may kung anong nais itago. Samantalang si Consolacion na ang kusang nagsalita, "Ibang tao lang, apo. Hindi mo kilala."Tumango si Caitlyn saka bumalik sa kinauupuan, habang si Ezekiel ay nagpaalam na para bumalik sa trabaho."Makakabalik ka ba agad?" tanong ni Caitlyn."Hindi pa 'ko sure.""Okay, ime-message na lang kita if aalis na kami.""Salamat, sa pagsundo sa'min, hijo," ani Meriam.Tumango lang si Ezekiel, sabay hakbang paalis pero ang kamay ay nakahawak pa rin, tila ayaw bumitaw at ganoon din si Caitlyn."Aalis na 'ko," paalam muli ni Ezekiel. Paglabas niya sa silid ay naaktuhan niya pang kumakayaw si Caitlyn kaya ngumiti siya ay lumabi, "I love you," na hindi niya nasabi kanina habang kasama ito.Pagkatapos ay nagtungo na siya sa kwarto ng pasiyente, pero nang makitang nasa loob si Marcus ay hindi na siya tumuloy. Hindi niya ito gustong makaharap muli, naiirita siya rito at hindi siya 'yu
NAGLAPAG ng dalawang baso ng tubig si Ezekiel para sa dalawa. "Uminom muna kayo," aniya, sabay tingin kay Caitlyn na kanina pa umiiyak.Nag-abot pa siya ng tissue sa tatlong babae na emosyonal ng sandaling iyon."Ba't 'di mo sinabi sa'kin?" bakas ang pagtatampo sa boses ni Caitlyn ng tingnan ang nobyo."Ako ang nagsabi sa kanyang 'wag sabihin sa inyo." Pagtatanggol naman ni Consolacion. "Ang totoo nga niyan ay wala talaga akong balak na sabihin sa inyo dahil ayokong ganito ang mangyari.""Mommy naman," iyak ni Meriam. "Pati ba naman sa'kin? Mas lalo lang akong malulungkot kung hanggang sa huling hininga mo'y wala akong kaalam-alam!" sa pagtaas ng boses ay humigpit ang hawak niya sa kamay ng ina."Patawad," ani Consolacion, sabay tingin kay Ezekiel na may ngiti sa labi. "Mabuti na lamang kinausap mo 'ko at napag-isip-isip kong tama ngang ipaalam ko sa kanila ang lahat."Tipid na pagngiti ang tinugon ni Ezekiel. "Wala po 'yun, 'La.""Maraming salamat." Baling naman ni Meriam at hinawaka
ONE MONTH LATER…Bumaba si Caitlyn mula sa itim na kotse habang inaayos ang laylayan ng suot na damit. Pagtapak pa lang ng paa sa sementadong daan ay agad siyang sinalubong ng magkabilang hanay ng mga lalakeng nakauniporme.Sabay-sabay pang yumuko bilang pagbibigay-galang at hindi niya alam kung paano magre-react. Pakiramdam niya tuloy ay isa siyang VIP kahit simpleng dinner invitation lang naman ang pakay niya sa lugar."Thank you," aniya pero ng hindi mag-angat ng tingin ang mga ito ay nagpatuloy na siya papasok sa restaurant. Bumungad sa kanya ang elegante at tahimik na ambiance pagpasok niya. Malamlam ang ilaw mula sa crystal chandeliers sa kisame habang marahang tumutugtog ang classical piano music.May malalawak na bintanang tanaw ang city lights sa labas, habang ang bawat mesa ay may nakapatong na kandila at sariwang bulaklak. Hindi rin siksikan ang mga upuan kaya mas lalong nagmukhang mamahalin at pribado ang buong restaurant.“Good evening, Miss Caitlyn.”Napalingon siya nang
PINAGMASDAN ni Caitlyn ang itsura ni Marcus, bagamat nagawa na nitong magamot ang sarili ay halata pa rin sa mukha ang hirap. Pinagpapawisan ito at bahagya pa ring namumutla.Hindi niya tuloy maiwasang makita ang sarili sa kalagayan nito. Nakakaawa at sugatan, kung hindi niya tutulungan? Para na rin siyang walang pinagkaiba sa ibang tao na sarili lang ang iniisip."Kung ayaw mo, ayos lang naman sa'kin. Pakihatid na lang ako sa sakayan ng bus, kaya ko—""Ano nga ulit 'yung address?" aniya, sabay lahad ng kamay upang mahingi ang cellphone nito.Pinakita naman ni Marcus ang lokasyon at pagkatapos ay nagmaneho na si Caitlyn. Binilisan niya ang takbo ng kotse pero nananatili pa rin ang ingat.Makaraan ang ilang sandali ay hindi niya maiwasang magtanong, may gumugulo lang talaga sa isip, "May humahabol ba sa'yo at gusto kang saktan? I mean, mukhang nagawa naman na nila… So?"Saglit niya itong nilingon ngunit pikit ang mga mata, tila natutulog. Kinabahan siya, buti na lang at magpupula ang t
NATARANTA na si Caitlyn nang mawalan ito ng malay. Bigla siyang nanlamig at kinilabutan, sinubukan niya pa itong gisingin sa pamamagitan nang pagtapik sa pisngi. Ngunit hindi ito nagrereact kaya mas lalo siyang kinabahan."Jusko po! 'Wag kang mamamatay rito!" Saka siya dali-daling nagmaneho patungo sa ospital ngunit nang maalala ang pakiusap ng lalake ay iniliko niya ang sasakyan. "Sa'n naman kita dadalhin ngayon?!" Parang gusto na lang niyang maiyak sa sitwasyon na iyon. Kung nasa bansa lang siguro si Ezekiel ay madali lang siyang matutulungan ng nobyo.Sa huli ay bumalik siya at pumasok sa subdivision. Mabuti na lamang at hindi nang-usisa ang guard sa entrance, pagkakita sa kanya ay pinapasok agad siya.Malaki at malawak ang subdivision, may iilang lupa na bakante kaya doon niya napiling pumarada saglit. Pagkatapos ay bumaba agad siya sa kotse para tingnan ang kondisyon ng lalake.Namumutla ito at pinagpapawisan, pero hindi iyon ang mas pinagtuonan niya ng pansin kundi ang sugat nit
NABIGLA ang lahat sa sinabi ni Ezekiel, tanging ang organizer lang ang naging neutral ng sandaling iyon.“N-Nagbibiro ka ba, ‘Kel?” ani Mateo.Umiling siya saka muling kumain na para bang hindi kagulat-gulat ang binitawan niyang salita. “Seryoso ako, Kuya.” Saka niya tiningnan ang reaksyon ni Marie
NAUNANG sumakay si Ezekiel, na tila ba kanya ang kotse. Relax na relax sa passenger seat habang kinakabit ang seatbelt. Nang buhayin ng dalaga ang sasakyan ay nagtanong siya, “Ba’t ‘di ka masiyadong namamansin?”Nilingon ito ni Caitlyn pero agad rin ibinalik ang tingin sa harap. “Hindi maganda nagi
BIYERNES ng gabi, habang magkasalong kumakain ang magkaibigan ay nagkuwento si Mika, “Nag-chat nga pala kanina si Matthew sa’kin.”“Hmm?” react ni Caitlyn habang ngumunguya.“Nag-aaya siyang kumain tayo sa labas,” patuloy ni Mika.Napakunot-noo siya sa narinig. “Kailan pa kayo naging close no’ng ka
PAGKATAPOS ng hapunan ay nag-aya si Mika na manood ng movie, dahil maaga pa para umalis ang dalawang binata.Agad pumwesto si Matthew sa sofa at naghanap ng magandang papanoorin sa Netflick. “Anong gusto mo, Rom-com, action o pure comedy?”“Ikaw bahala,” ani Mika, sabay lingon kay Ezekiel na katabi







