DAHIL sa pagsigaw ni Caitlyn ay napasugod ang ilang katulong, maging si Fiona ay lumabas sa sariling kwarto.“Oh my gosh! Fifi! Dali, kunin niyo siya!” utos ng dalaga sa mga katulong na naroon.Kung nakakamat*y lang siguro ang tingin ni Caitlyn ay baka kanina pa bumulagta ang dalaga sa sahig. “Alaga mo? E, anong ginagawa sa kwarto?!”Napapikit si Fiona, animo ay natatakot. “S-Sorry, Ate, nasanay lang kasi si Fifi na tumambay sa kwarto mo.”“So? Hindi mo ba pwedeng i-cage ‘yan para hindi nakakalabas?”“Ate naman, ‘wag kang harsh sa aso. Hindi siya sanay na kinukulong,” ani Fiona.Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Caitlyn. “Ano nang mangyayari sa kwarto ko? Nakikita mo naman siguro kung anong gulo ang ginawa niyang alaga mo?”“Sorry na, Ate. Promise, hindi na ‘to mauulit,” hinging paumanhin ni Fiona na tila paiyak na ng sandaling iyon.Napairap naman si Caitlyn, alam na niya ng style nito. Nagpapaawa sa harap ng ibang tao para siya ang magmukhang masama.“Then, ayusin mo ang kwart
Terakhir Diperbarui : 2025-09-29 Baca selengkapnya