Share

Follow your Arrow
Follow your Arrow
Author: patreeey

My life, My Rule

“Ano? Iinom ba tayo mamaya after work?” typical naayaan naming ni Lyn bago matapos ang trabaho.

“Oo, sainyona lang tayo? Try natin ‘yong vodka, walang chaser,” sagotni Lyn.

“Kumain munatayo, nagugutomna ko eh,” dugtongniya.

Halos araw-araw ay ganito ang nagingbuhay naming dalawa after a long and stressful day sa work, lagingnasaisip naming ang mag-unwind. Minsan kumakain kami, nanonood ng sine o kaya pumupunta sa mga rock band. Basta kung ano matripan, ayun ang gagawin namin.

Pagkatapos ng trabaho ay agad kami naghanap ng makakainanni Lyn.

“Do’n na lang tayo kela Aling Dory, gusto ko ng chicken eh, malaki manok do’n tsaka super crispy,”naglalaway na aya ko.

“Sige, sagot ko naito, ikaw na sa iinumin natin mamaya ah?” tanong n’ya.

“Potek, parang nadayaako ah.” Wala na akong nagawa kundi pumayag, mukha kasing naplano na n’ya‘to bago pa n’ya ako ayain eh. Matapos kumain ay bumilina kami ng iinumin at pumuntanasabahay.

“Tawagan mo nga si Espi, sabihin mo nandito na tayo sa inyo,” utos ni Lyn.

Agad ko naman tinawagan si Espi. Si Espi ay ang isa pa naming kaibigan na nahatak lang naming ni Lyn para sumama sa mga kalokohan namin, mahilig silang tumambay ditto sa bahay, bukod sa terrace naming na inayos ko talaga para maging tambayan ng tropa, gusto din nila ditto dahil wala akong kasama, madalas dito na din sila natutulog at naliligo, ang kapal ‘di ba? Ayan ang aking mga kaibigan.

“try mo nga gayahin yung napanood natin kahapon, inumin mo to straight from the bottle, no mixes and no chasers, g?” hamon sa akin ni Lyn.

“Sus ! Anong akala mo? Mahina ako? G syempre!” sagot ko.

At agad n’yang isinalin ang vodka sa bibig ko.

“Potek! Ang init sa lalamunan! May hagod, Ayoko na, pahingi ng tubig!” at agad akong uminom ng tubig, grabe ‘yon sa sikmura, napakainit, pero masarap at hindi ko nauulitin. “o kayo naman! Ang daya niyo, dapat lahat tayo, NGANGA!” pabirong sigaw na hamon ko.

“Tara Espi, itimpla na lang natin ‘to, buti na lang bumiliako ng juice,” ayani Lyn kay Espi at natawa.

“Napakadaya niyo!”angal ko. Wala na akong nagawa kundi panoorin silang timplahin ang vodka, sobrang daya talaga.

Natapos na kami sa paginom, nakahiga lang kami sa sahig ng terrace habang nakatingin sa langit.

“Tara Jollibee tayo!” aya ni Espi.

“TARA!”

Napagpasyahan naming pumunta ng Jollibee at kumain muna bago kami matulog, nagpupuyat kami ngayon dahil holiday bukas at walang pasok.

Nakapila kaming pumasok sa loob, dahil gusto lang naming gumawa ng kalokohan, nang biglang huminto si Espi at nagkabangga-banggaan na kami.

“Aray, bakit ka naman biglang huminto?” tanong ko, habang nakahawak sa akingnoo.

“Boyfriend mo ba ‘yon? Ayun oh, may kasamang babae.” At tinuro niya sa amin ang nakita niya gamit ang kaniyang nguso.

Paglingon ko ay nakita ko nga si Mark, si Mark ang boyfriend ko, almost 2 years na kami, at ‘eto ngayon, nakikita ko s’yang may binababang ibang babae.

“Tang*na, gag* yan ah, lakas ng loob mambabae akala mo naman madaming pera,”galit na sinabi ni Lyn.“Ano plano mo? Sakto nakainom tayo, sugudin natin?”.

“Pabayaan mo s’ya, as if namang minahal ko s’ya ng sobra, gusto ko lang naman s’ya kasi muka s’yang tao,” sagot ko sabay tawa sa kanila.

“Tama tama, hindi mo nga iyan pinapunta sa bahay mo eh,” sagot ni Lyn habang umuupo na kami sa loob,pero nakatingin pa rin kami sa manloloko kong boyfriend.

“Nagtataka nga ako, bakit hindi mo iyan pinapapunta sa bahay mo?” tanong ni Espi.

“Mahirapna, baka may mawala sa bahay ko, joke lang,” pabiro kong sagot.

Hindi talaga ako nagpapapunta ng mga nagiging boyfriend ko sa bahay, feeling ko lang na ayun ang space na akin lang, ayoko ng mga temporary na tao saloob ng bahay ko, para walang memory nila do’n at hindi maging malungkot.

Umuwi na kami sabahay, at nagpahinga na, pagod na kami sa mga pinaggagagawa naming sa buhay.

Nagising ako sa sunod-sunod na tunog galing sa phone ko. Kanina pa pala tumatawag at nagchachat si Mark sa ‘kin.

Mark’s messages

  • Nasaan ka? Gising ka pa ba?
  • Hoy! Bakit di ka sumasagot?
  • Sagutin mo yung tawag ko babe
  • Yuhoooo
  • Tulog ka na siguro, chat mo ko paggising mo.
  • I love you babe

I turned off my phone then go back to sleep, ayoko magdeal sa bullsh*t niya, I’m too tired and sleepy.

Kinabukasan chinat ko si Mark para makipagkita, sabi ko ako na lang ang pupunta sa kanila at may gusto lang akong sabihin.

“Babe! I miss you, kamusta naman ang inuman ninyong tatlo kagabi?”tanong ni Mark.

“Masaya naman, medyo madami kami nainom, kumain kami sa Jollibee pagtapos, ikaw ano naman pinaggagagawa mo kagabi?” kunwaring walang alam kong tanong.

“Nasa bahay lang, tinulungan ko si mama sa mga idedeliver,” sagot n’ya.

“Ahh so mama mo pala ‘yong angkas mo kagabi? Sa tapat ng Jollibee?” sarcastic na tanong ko.

Nagulat s’ya sa sinabi ko at hindi nakapagsalita.

“Pumunta ako ditto hindi para makipag-ayos sa ‘yo, makikipagbreak na ako. Magpakasaya ka sa buhay mo.”Umalis ako kaagad pagkasabi ko no’n.

Tinatawag nya pa ako pero hindi ko na siya pinansin, Masaya akong nagkaron na ako ng dahilan para iwan siya na hindi ako magmumukang masama. Hay salamat, wala ng pahirap sa buhay.

Bumalik na ako sa bahay, nakauwi na pala ‘yong dalawa, natulog na lang ako  ulit since wala naman akong plano ngayong araw.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status