Share

Separate Ways

Pagkauwi ko ay agad kong tinawagan si Kylie,

“saan ka? Punta ka dito sa bahay, I need a friend,” paawa ko kay Kylie

“okay, on my way!”

Agad agad nagpunta si Kylie sa bahay, umakyat agad siya sa rooftop, alam niyang doon ako madalas tumabay lalo na at umuulan. Nakaupo lang ako doon, habang umiinom ng beer.

“ano nangyari?” nag-aalalang tanong ni Kylie sa akin.

Nagbuntong hininga ako, dinadama ko ang malakas na hangin na dumadampi sa akin.

“gano’n ba ko katigas para hindi ako pagkatiwalaan at para katakutan?”

“pranka ka lang, sinasabi mo yung dapat nila malaman at gawin. At lahat naman tayo takot sa katotohanan ‘di ba?”

“pero kapag kaibigan hindi dapat gano’n, kung meron man magsasabi sa atin ng totoo, dapat ang mga kaibigan natin yun,” nakatingin pa din ako sa malayo na para bang nakatulala ako habang sinasagot ang mga sinasabi ni Kylie.

“tama ka naman. Pero siguro natatakot siya dahil una pa lang alam na niyang mali siya, ayaw niya pang magising sa katotohanan. She knows that when she tells you everything, you will be her wake up call.” Habang iniinom ang beer na binuksan niya, “for sure after what happened, she will realize lahat ng sinabi mo sa kaniya.”

“sana nga,”

Maya maya lang ay dumating na din si Lyn at agad na umupo sa tabi ko,

“sorry, for not telling you anything,” sabi ni Lyn sa akin.

Hindi ko siya pinansin, nakatulala lang ako at iniinom ang beer na hawak ko.

“I know that you are upset at right mo ‘yon, I just hope na maintindihan mo din ang sitwasyon ko,” dagdag niya.

Inabutan siya ni Kylie ng beer.

“naipit ka lang sa sitwasyon, naiitindihan ko. Masakit lang na sa oras ng pilian, hindi ako yung pinili mo.” Malungkot na sagot ko sa kaniya.

“hindi naman sa gano’n, gusto ko lang na siya yung gumawa no’n, kasi istorya niya yun eh.” Paliwanag niya.

“applicable bas a atin ‘yong gan’yang rule?” tanong ko sa kaniya, “hindi ba dapat ay hindi?, magkakampi tayo eh, mas kaibigan mo ako,”

Hindi ko na napigilan at bigla akong natawa. Hindi naman ako talaga nagalit kay Lyn, nagtampo lang siguro. Alam ko naman na naipit lang siya sa sitwasyon.

“kung nakikita mo ngayon ang itsura mo, promise matatawa ka din, para kang naiiyak na ewan” at patuloy pa din ako sa pagtawa.

“sira ulo ka talaga, iniwan mo pa ko kanina, nabasa tuloy ako ng ulan!” reklamo ni Lyn.

“nilapitan ka ni Espi ‘di ba?, ‘di kita sinama pag uwi dahil alam kong kakailanganin kaniya,” depensa ko sa kaniya, “at correction!, nainis ako, pero ano mangyayari sa inis ko? Wala naman hindi ba?”

“ano palang plano?” tanong ni Lyn

“kanina pa ko nandito pero wala akong alam talaga sa nangyayari, shutaness kayo!” reklamo ni Kylie. Bigay siya ng bigay kanina pa ng payo sa akin pero wala talaga siyang alam sa nangyayari.

Kinuwento naming sa kaniya lahat, para naman maintindihan niya ang pinag uusapan.

“hayaan natin siyang itama ang nagawa niya, at kung hindi niya kaya, kung kilala niya tayo talaga, alam niyang nandito pa din tayo para sa kaniya.” paliwanag ko sa kanila.

Patuloy lang kami sa pag inom dahil wala pa din kaming pasok kinabukasan. Napagpasyahan na nilang dito na lang matulog sa bahay.

Nagising ako sa ring ng phone ko.

“Iya…” si Espi pala ang tumatawag, ramdam ko sa boses niya na umiiyak siya.

“bakit? Ano nangyari?” nag aalalang tanong ko sa kaniya.

“I have nowhere to go, I told AJ everything, he got mad and told me to leave, ayoko naman umuwi sa bahay ng ganito ako.” Si AJ ay ang boyfriend ni Espi.

“nasaan ka? Pupuntahan kita!” pagkasabi niya kung nasaan siya ay agad na akong bumangon at nagmadaling pumunta sa kotse. Di ko na ginising yung dalawa, kailangan ko na mapuntahan agad si Espi, alam kong kailangan niya ako.

Nakita ko siyang nakaupo sa labas ng 7/11, alam kong kakaiyak niya lang. niloko ko siya na inaabutan ko siya ng barya na parang isa siyang pulubi.

“sorry ne, eto lang ang barya ko.” biro ko sa kaniya.

Tumayo siya at agad niya akong inakap, inakap ko din naman siya pabalik. Sa ngayon, hindi pangaral ang kailangan niya, kundi masasandalan.

“sorry Iya, ang tanga tanga ko, sorry sa mga nasabi ko sa’yo,” umiiyak niya itong sinabi habang nakaakap pa rin sa akin. Malateleserye ang peg naming dalawa sa labas ng 7/11, habang malakas ang hangin dahil sa bagyo.

“tara, kumain na muna tayo, sigurado akong ‘di ka pa kumakain. Ayusin mo yang sarili mo,” aya ko sa kaniya. Tinulungan ko naman siyang ayusin ang buhok niya.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa bahay. Pinahiram ko muna siya ng damit at pinaligo na muna siya, para naman mahimasmasan siya. Pagkatapos ay tumabi na siya kela Lyn para matulog, niyakap naman nila ito pagkahiga, tinext ko na sa kanila ang nangyari kaya alam na nila.

Tumambay muna ako sa rooftop dahil ‘di ako makatulog. Napakalamig, malaks ang hangin pero hindi naman umuulan. Ganto ang perfect na panahon.

Maya maya’y may narinig akong pumapanik, at yumakap bigla sa likod ko.

“sorry,” si Espi pala ‘yon. “sorry sa mga nasabi ko, mali ako do’n.” habang pinupunasan ang luha n’ya.

“wala ‘yon, alam ko naman na tama ako, matalino ako eh,” biro ko sa kaniya. “kidding aside, what’s youe plan? Para kay Lucas?”

“t*ngina nun, karma na lang n’ya lahat ng mangyayari sa kanya,” sagot niya, bakas sa mukha niya ang galit.

“ano gusto mo? Gantihan natin?” tanong ko sa kaniya.

"ano naman plano mong gawin kung sakali?" 

"ah basta, pag-iisipan ko pa, ano gusto mo bang gantihan?"pangungulit ko sa kaniya.

“h’wag na, ayoko na ulit na magsayang pa tayo ng oras sa kumag na ‘yon.” Sabay higa. Tinabihan ko naman siya, maya maya lang bumaba na din kami at natulog.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status