Share

Love will find you

November na, ngayon dadating sila Kylie at Lyn, maaga ako gumising para sunduin sila sa airport. Sinamahan ako ni Jom para sunduin sila. Maaga na kami nagising pero late pa din kami nakarating do’n.

“grabe ka, ang tagal mo!” reklamo nilang dalawa sabay akap sa akin.

“namiss kita b*tch!” at hinigpitan pa ni Kylie ang yakap niya.

“okay, so who’s this unlucky guy?” tanong ni Lyn habang tumatawa. ‘di n’ya alam na nasa likod ko lang si Jom.

“oops!” sabay takip sa bibig niya.

“hi, I’m Jom, the unlucky guy.” biro niya at t nakipag-kamay siya sa kanila.

“grabe sa unlucky ah!” reklamo ko.

Sumakay na kami sa sasakyan at naghanap muna ng makakainan. Pagdating sa restaurant ay umupo naman na kami kaagad.

“may gig si Jom mamaya, punta tayo ah?” aya ko sa kanilang dalawa.

“siyempre naman, support namin ang kauna-unahang lalaki na araw-araw mong kinikwento.” Sinipa ko kaagad ang binti ni Lyn para tumigil siya.

“aray! Ay sorry, secret lang pala ‘yon, kunwari na lang wala kang narinig,” nagtawanan naman silang tatlo, napayuko naman ako sa kahihiyan.

Pagkatapos kumain ay umuwi na muna kami para ibaba mga gamit nila at mag-ayos para sa gig ni Jom, si Jom naman ay nauna na sa venue nila. ‘di ko na sila pinakilala kay Auntie dahil kilalang kilala na naman sila neto.

Pagkatapos naming mag-ayos ay agad na kaming umalis. Hiniram ko na muna ang sasakyan ni Auntie.

“so, seryoso ka na ba kay Jom? Or another “toy” mo nanaman siya?” tanong sa akin ni Kylie.

“seryoso na ‘yan si Iya, the way na ikwento niya sa atin si Jom, b*tch that never happened sa mga ex niya no,” sagot ni Lyn na parang sure na siya sa sagot niya.

“’di ko alam, pero lahat ng nararamdaman ko ngayon, bago ‘to, sisiguraduhin ko muna, ayaw ko siyang masaktan,” sagot ko.

Bigla akong hinampas ni Kylie at tumitili siya na parang kinikilig. “langya! Tinamaan ka na Iya, I’m so happy for you!”

“hindi kaya,” depensa ko.

“kapag tinamaan ka, wala ka nang takas, good luck sa’yo.” Sabay tapik ni Lyn sa balikat ko.

Nakarating na kami sa gig ni Jom, banda na nila ang tumutugtog. ‘di ko pa din mapigilan na mapatitig sa kaniya tuwing tumutugtog siya. Tumingin siya sa akin sabay kindat, naramdaman ko nanaman na nag-iinit ang tenga ko.

“anak ng! si Iya kinikilig,” pang-aasar nilang dalawa sa akin.

“tumigil nga kayo! Uminom na lang tayo.” Tinaas ko ang baso para magcheers.

“para sa love life ni Iya, cheers!” sigaw ni Lyn

“finally, dalaga na ang friend namin,” dugtong naman ni Kylie.

“mga sira na ulo niyo!” sigaw ko naman.

Natapos na ang gig at umuwi na ulit kami, habang nakahiga ay bigla kaming nagusap-usap.

“iba na 'tong nararamdaman ko, anong gagawin ko? Natatakot ako,” seryosong tanong ko kela Lyn at Kylie.

“natatakot ka ba na baka masaktan ka?” tanong ni Kylie, dumapa siya paharap sa akin.

“hindi, alam ko naman na hindi niya ako sasaktan, pero pa’no kung ako ang makasakit sa kaniya?”

“hahayaan mo bang masaktan mo siya?” tanong naman ni Lyn, naupo naman siya, ako na lang ang natitirang nakahiga, ayaw kong makita nila ang serious face ko.

“’di ba minsan nakakasakit tayo ng hindi naman natin sinasadya?”

“lahat naman ng relationship gano’n, magkakamali at magkakamali kayo, may times na masasaktan ninyo ang isa’t-isa,” sagot ni Lyn.

“pero if your feelings are real, that love will never fade ano man mga nagawa ninyong mali,” dugtong ni Kylie.

“kasi gano’n ang love? Loving an imperfect person perfectly, right?” tanong ko sa kanila.

“tama!” sabay na sagot nila.

“kaya don’t stop your self from falling, we’re sure that it will not go to waste, Jom loves you, we can feel it, his sincerity, everything.” Payo ni Lyn habang humihiga siya sa tabi ko.

“and if ever na masaktan ka, okay lang yan, mahalaga naranasan mo ‘yon kahit minsan, at pagdadaanan mo’yon kasama kami, kaya ‘wag kang matakot, susuportahan ka namin.” Humiga din s’ya sa tabi ko. Inakap nila ako at natulog na kami.

Nagising ako sa sunud-sunod na ring sa phone ko.

  • Hey! Still up?
  • Yuhooo
  • Sleepyhead, wake up!

12 am na, ano kaya kailangan netong si Jom.

  • What? It’s 12 am, may chika ka ba ng ganitong oras?

Wala pang isang menuto ay nagreply naman s’ya agad.

  • I’m outside, hurry up!

Pagkabasa ko ng reply n’ya ay agad kong kinuha ang hoodie ko at lumabas.

“anong trip mo ng ganitong oras ha?” nanginginig kong tanong habang lumalapit sa kaniya, grabe sobrang lamig ngayon, para akong nasa loob ng refrigerator.

“basta, may pupuntahan tayo, sure matutuwa ka dito.” sagot niya habang sumasakay kami sa koste niya.

“siguraduhin mo lang, sinira mo tulog ko for this,” kunwaring sinimangutan ko siya.

After 20 minutes ay nakarating na kami sa pupuntahan naming, madami din tao, may dala-dalang telescope, nilabas naman ni Jom yung kaniya.

“Are we going to star gazing? As in? for real?” excited na tanong ko sa kaniya.

“hindi lang stargazing, nabalitaan ko kasi na may eclipse ngayon, at alam kong gusting-gusto mo makita ‘yon, kaya inaya kita agad dito.” Sabi niya habang inaayos ang telescope niya.

Napatalon naman ako sa tuwa, “yehey! Sobrang saya ko!”

Ilang menuto pa ay nag-umpisa na ang eclipse, grabe napakaganda, habang nakatingin sa eclipse ay hinawakan ko ang kamay niya nang sobrang higpit. Lumingon ako sa kaniya at niyakap siya.

“sobrang saya ko, thank you Jom.” sabi ko sa kaniya, at inakap naman niya ako pabalik.

“mission accomplished,” bulong niya  sakin.

Nakaupo lang kami sa damo habang nakatingin sa langit. Naglabas siya ng camera at sabay kuha sa akin ng pictures, napalingon ako sa kaniya.

“oy stop taking pictures of me, look at what I am wearing.” reklamo ko habang tinatakpan ang lens ng camera niya.

“Why?, what’s wrong? You still look perfect, I want to cherish this moment, your simplicity, that the only make up that you are wearing right now is your smile, so beautiful.” grabe, kinilig ako sa mga sinabi niya. Pinakita naman niya sa’kin ang mga pictures.

“see? Perfect,” sabi niya habang nakatingin sa akin.

Ng mga oras na iyon, parang gusto kong huminto ang oras, kaming dalawa lang, gan’to lang, mahal ko na nga ba siya talaga? Gan’to ba ang feeling nang inlove? Sobrang saya ng puso ko but at the same time, it feels safe. Yung pakiramdam na parang kasama mo yung co-owner ng puso mo, kasama mo yung isa pang tao na mag-aalaga dito bukod sa’yo. Ang saya pala, pero ‘yong nararamdaman ko ay hindi kagaya ng mga sinasabi nila, ‘yong bang mabilis ‘yong takbo ng puso mo, hindi gano’n eh, it feels calm, it feels like, home.

Hinatid na ako ni Jom sa bahay.

“thank you!” sabay kiss on his cheeks at pumasok na ko kaagad sa loob. Paglingon ko ay nakatulala lang siya habang hawak ang pisngi kung saan ko hinalikan.

Dahan-dahan ako bumalik sa higaan ko para hindi magising si Lyn at Kylie.

“hoy!” napatalon naman ako sa gulat ng biglang may nagsalita.

“saan ka galling ha?” gising pala si Kylie.

“mahal ko na siya, sure na ako, mahal ko nga talaga siya,” pabulong kong sinabi sa kaniya.

“alam ko, at masaya ako para sa’yo, good night,” nginitian ko siya at maya maya’y nakatulog na din ako.

Kinabukasan ay nagstay lang kami sa bahay, at naglagay ng Christmas decorations para mas madama na naming ang pasko, ‘di na naming namalayan na gabi nap ala. Nag-aya na si Lyn kumain.

“may gusto ako puntahan na kainan, do’n tayo kumain.” aya ni Lyn.

“ah ‘yong nakita natin kagabi? ‘di ba dapat formal ang suot doon?” tanong ni Kylie kay Lyn, ako naman ay nag-liligpi lang ng mga ginamit naming.

“ay oo nga, mag-ayos na tayo Iya, pang-malakasan ang pupuntahan natin.” hinatak nila ako sa kwarto at inayusan, alam kasi nila na hindi ako marunong magmake-up.

“grabe naman ang pupuntahan natin, para naman sa prom tayo aattend niyan,” pabiro kong sinabi sa kanila

“tara na, baka malate tayo, nagpareserve na ako kanina pa.” aya ni Lyn habang pasakay kami ng kotse.

Maya- maya lang ay nakarating na kami agad sa lugar na sinasabi nila, pero bakit ang dilim?

“putcha anong lugar ‘to, horror house?” biro ko.

Nang bumukas bigla ang mga ilaw.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status