Share

Kabanata 6

Author: aranew
last update Last Updated: 2023-05-02 08:28:01

Something's New

"I know, I know." Sumimangot ako.

Kanina pa siya kuda nang kuda na kesyo hindi safe na bumiyahe nang mag-isa, at kanina pa ako naririndi sa boses niya. Nakakainis lang kasi. Hindi na ako bata pero bakit palagi na lang niya akong pinapagalitan?

I know his point and I understand it, pero hinayaan ko lang siyang kumuda dahil malapit nang marating ng kotse niya ang Larica building.

Prente akong sumandal sa sandalan ng passenger seat at tumingin sa labas ng windshield. Paliko na ang kotse papunta sa Pier 3, at paliko papunta sa gate 5, kung saan naroon ang Pier 1. Hanggang ngayon, hindi ko naintindihan kung bakit baliktad 'yong numbering ng mga pier at gates. Sa Pier 3 lang yata sumakto, e.

"Sa susunod na linggo magsisimula ang renovation. 'Wag ka na munang pumasyal sa Port," sabi ni Lyndon.

Napatingin ako sa kaniya. "Saang parte ba ang iri-renovate?"

"Sa kaliwa. Padiretso sa beacon. Ililipat na rin ang beacon para mas lumawak ang sakop."

Naningkit ang mga mata ko. "In your words... hindi mo papakialaman ang opisina ni Papa, right?"

"That's the initial plan."

Tumaas ang kilay ko sa sagot niya. "Oh," tanging nasabi ko.

Huminto ang kotse sa harap ng Larica Building. Agad akong umibis ng sasakyan at malalaki ang hakbang na tinungo ang entrada. Nakita ko pa ang ilang mangisngisda ni Papa. Inaayos nila ang net. Kumaway pa sa akin ang ilan sa kanila bago binalik ang tingin sa ginagawa.

I faintly smiled at them.

Pasimple ko silang tiningnan isa-isa. Most of them are morenos. Pero hindi 'yong sobrang pagka-brown, pero 'yong katamtaman lang. Siguro dahil naglalayag lang sila tuwing gabi at umuuwi bago pa sumikat ang araw sa silangan.

Nasabi sa akin ni Papa na iba't ibang metodo ang gamit nila sa pangingisda. Paborito niya ang gumagamit ng floodlight para mahalina ang mga isdang magpunta sa net.

Kaya siguro mahal ang isda kapag full moon. Wala masyadong nahuhuli dahil maliwanag sa laot at madaling ma-distract ang mga isda.

Nilampasan ko sila at nagtuloy-tuloy papasok sa Building. Mangilan-ngilang empleyado ang nakita ko at kadalasan ay technicians. Dumiretso ako sa opisina ni Papa. Kumatok ako bago pumasok sa loob. Nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair at nagsusulat. Umikhim ako.

Nag-angat siya ng tingin at napangiti nang makita ako. "Nangingitim ang eyebags mo," biro niya.

My lips twitched. "Nah, exam week."

Natawa siya at sinenyasan akong lumapit. Tumalima ako. "Bagsak na ba sa exam?" tanong niya nang huminto ako sa tapat niya.

Ngumuso ako sa tanong niya. "Nag-aral kaya ako..."

He just chuckled and shook his head. "Hindi ka naman nag-aral. Anong isasagot mo sa exam?"

"Paano niyo nalaman, Pa?"

Umiling-iling siya. "Kilala kita. Mas inaatupag mo pa 'yong banda at libro kaysa sa pag-aaral."

"Kasi naman, Pa, stress reliever ko mga 'yon."

"Stress reliever? Rishell, sa ginagawa mo, hindi na stress reliever ang mga 'yan. Stress giver na."

"Si Papa talaga..."

"Bakit?" Nangunot ang noo niya. "Hindi ba totoo? Imbes na mag-aral para sa exam, nakaharap ka sa cellphone at nanonood ng videos. Imbes na tumulong sa gawaing bahay, ayun, sa loob ng kuwarto at nagbabasa na naman. Kaya ngayon, stress na stress ka sa exam kasi hindi alam ang isasagot. Pati Mama mo, hindi na alam ang gagawin para mapalabas ka sa lungga. Narinig kong pinapatay na ng Mama mo 'yong WiFi para lumabas ka sa kuwarto."

"Pa..."

"Rishell, mabuti ba ang ginagawa mo?"

Ngumuso ako. "Hindi po."

Naningkit ang mga mata ni Papa at tumango-tango. "Dapat alam mo ang limitasyon. Kung hindi mo alam, tiyak na ikakasira mo 'yan."

"Alam ko naman ang limit ko, Pa."

Naningkit ang mga mata niya. "Ipakita mo sa akin na alam mo at maniniwala ako."

I pursed my lips and nodded. Nagpaalam na ako sa kaniya at mabilis na lumabas ng kuwarto. What a joke. Hindi ko alam kung anong maririnig ko kay Papa kung hindi pa ako lalabas. Nilagay ko lang ang mga bagong libro sa bookshelf.

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Pagtingin ko ay nakita kong notif iyon mula sa GC. May undiscovered author daw na magaling magsulat. Nang may nag-send ng link, agad ko iyong clinick. CareLikeGoldFish ang username ng author.

Napakaiksi siguro ng atensyon nito. I shook my head, downloaded all his written books in my private library, before I hid my phone inside my pocket. Napagpasyahan kong magpunta sa Ayala para bumili ng pandagdag sa collection.

Kaso, paglabas ko ay may nakita akong bulto ng isang lalaki. May hawak siyang blueprint at panaka-nakang nagbaba ng tingin sa lawak ng dock. Nakatayo siya sa teresa na katapat lang ng pinto ng tambayan ko.

Tahimik akong naglakad papunta sa hagdan pero bigla akong tinawag ng magaling na si Lyndon. "Rishel."

Wala akong magawa kundi huminto at humarap sa kaniya. I blinked. "Yes?"

"Come here." Ngumiti siya sa akin. "I have something for you."

Nahigit ko ang sariling hininga nang makita ang ngiti niya. Kinutuban ako ng masama. Ano na naman kayang pakulo ng isang 'to? "Sorry, I need to ---"

He cut me off. "Just a minute."

Pursing my lips, I took a step towards him. Dahil open space, marahang umiihip ang hangin paroo't parito. Nakalugay pa ang buhok ko kaya para akong humarap sa sandamakmak na hair blowers dahil nililipad ng hangin ang hanggang baywang kong buhok.

Grabe. Hindi naman gano'n kalakas ang hangin kanina, a?

"What do you want?" tanong ko at huminto sa harap niya.

Muli siyang tumingin sa labas ng teresa at tinuro ang dock na kitang-kita ko mula rito sa itaas. "That area is too narrow for a fishing port. That should be widen a little. I heard your father is planning to buy parts in Pier 2 for construction of seaport."

"I guess..."

Sumulyap siya sa akin. "Your course is naval architecture?"

Tumaas ang kilay ko. "So?"

Ilang minuto siyang tahimik habang nakatanaw sa dock. Hindi na rin ako nagsalita at hinintay ang sasabihin niya. Lumubog na ang araw sa kanluran at malamig ang simoy ng maalat-alat na hangin. Langhap ko pa ang amoy ng lumot at napabayaang pintura.

"Bago nangyari ang krimen sa Boljoon, may biktima ng pagpatay sa Argao. Isang University student. Galing sa concert ng Vine ang biktima at nakita ang labi nito ilang kilometro mula sa venue." Nagbaba siya ng tingin sa akin. "Nagkataon lang ba, Rishel?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Why are you asking me? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo."

"Keep pretending, lady." He chuckled. Inabot niya ang ilang hibla ng buhok na tumakas sa mukha ko at inipit iyon sa likod ng tainga ko. "Sooner or later, I'll dig out all your secrets..."

Huminga ako nang malalim at lakas-loob na sinalubong ang tingin niya. "I don't have any secrets, Mister. Baka ikaw ang may sikreto, and you're pushing the blame on me?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • For The Stars Have Sinned   Epilogue

    A/N: Extra chapter. Ito ang huling kabanata ng For The Stars Have Sinned. Maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa istoryang ito lalo na kay Janelyn. First ever review from a reader in two years lol. See you sa sunod kong mga istorya ng Revival Series at standalone novels. Mag-a-update na ako sa "Hidden Mafia King and the Fearless CEO." I hope makita ko kayo doon na magbigay ng review at gems. May libreng shout out mula sa akin ang magbigay ng review hehe. See you there! ~~~January 7, 20217:00 P.M. Concert venue, ArgaoMaabutan na niya si Levi. Kaunti pa... kaunti pa... ayan!"Levi!" sigaw ni Rishel. Humigpit ang hawak niya sa necklace.Lumingon si Levi sa kaniya kaya napangiti siya. Muntik na siyang matumba nang tinulak siya ng ibang nagwawalang fans. Umismid siya at muling tumingin kay Levi pero wala na ito sa puwesto kanina. Sumimangot siya at tinawag ang bouncer. "Kuya! Pakibigay kay Levi!" Saka niya inabot ang necklace at letter.Kunot-noong tinanggap ng bouncer ang binigay

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 62

    I didn't give him a chance to swear on me. Mabilis kong pinatay ang tawag. Pero tulad ng inasahan ko, hindi matatahimik ang mundo ko dahil sunod-sunod na tawag ang natanggap ko mula sa parents ko, kay Lyndon, Tiden, saka mga unknown numbers na hindi ko alam kung sino ang may-ari. Bumuntong-hinga ako at pinatay ang phone. Ayoko munang mag-entertain ng mga tanong nila. I was not being irresponsible pero pagod na akong mag-explain nang paulit-ulit. I know that they won't stop until marinig ang gusto nilang marinig mula sa akin. Gusto ko lang ngayon ay ibigay ang buo kong atensyon kay Klo na masayang nililibot ang tingin sa ocean park. Naisip kong ipasyal siya sa sikat na tourist spot dito sa lungsod kasama ang yaya niya na nakasunod lang sa aming mag-ina. Hindi ako nag-alala na baka may makakilala sa akin dahil nagsuot ako ng mask at naka-bullcap. Isa pa, nasa underwater ang park kaya nagkalat ang dim neon light sa paligid kaya hindi masyadong kita ang features ng mukha ng mga bisita.

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 61

    Naningkit ang mga mata ko at mabilis na tinawagan si Lyndon. "Have you seen the news?" tanong ko. "Yes. Inutusan ko na ang tauhan ko na burahin iyon. Don't worry."Hah. He can take it down but people will still gossip in social media. What's the difference? Bumuntong-hinga ako at akmang ibababa ang tawag nang magtanong siya. "Where's my son?"Doon ko lang naalala ang pinag-usapan namin sa restaurant. Nandilim ang paningin ko at mabilis na pinatay ang tawag. Rishel, bakit mo nalimutan? Akala ko ay huhupa rin ang issue pagkatapos ng ilang araw pero isang linggo na ang lumipas pero nasa headlines pa rin ang mukha ko. Pati ang mga issue noon na naging dahilan ng pagtakas ko sa bansa ay muling umugong sa media. Hindi rin nila pinaglagpas ang mga gig na ginawa ko kasama ang Vine at ang pagiging idol ko noon. Naghinala na ako noong una na may kamay na nagpapagalaw sa media pero mas lalong lumalim ang hinala ko nang biglang lumitaw ang impormasyon tungkol sa akin at kay Rei. Walang nakaka

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 60

    There was silence, and Lyndon cleared his throat. "When did you find out?"Kumuyom ang mga kamao ko at hilaw na ngumiti sa kaniya. "My son got his looks from you. Am I that stupid na hindi maghihinala? Isa pa, you're too good to be true. Still wanting to marry a ruined woman?" I chuckled. "But even if I noticed it too late, I still want to ask why did you deceive me? Bakit pinaniwala mo akong hindi mo alam kung sino? You made me look stupid, Lyndon!"Ilang segundo siyang tumitig sa akin bago siya umiwas ng tingin. "Do you have evidence that he is my child?"Nandilim ang paningin ko sa tanong niya at mabilis na nilabas ang DNA result na nasa loob ng handbag ko. Tinapon ko 'yon sakto sa mukha niya. "Umuwi ako sa bansa para lang makita ko nang personal ang resulta ng DNA test. Still wanna deny the truth?" Matapos niyang basahin ang nakasulat ay binaba niya ang resulta at tumingin na naman sa akin. Mas lalo lang nagngitngit ang kalooban ko nang wala man lang siyang imik. "Ano? Wala ka b

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 59

    "Rishel, may problema ba? Ilang araw ka nang tulala. Palaging tumatawag si Lyndon at lagi mo raw siyang pinapatayan ng tawag." Nagsalubong ang mga kilay ni Mama. "Sabihin mo sa akin kung anong problema."Tumingin ako saglit kay Mama bago binalik ang tingin sa laptop na nasa center table at nagtipa. "Busy lang ako, Ma. Tatawagan ko siya next time," sabi ko. Bumuntong-hinga si Mama. "Palagi mo nalang 'yang sinasabi. Kung may problema kayo ni Lyndon, pag-usapan niyo. Sa susunod na linggo na ang kasal at bukas na gaganapin ang engagement party niyong dalawa. Paano mo pakikitunguhan ang magiging asawa mo kung hindi kayo nagkakasundo?"Huminto ako sa pagtipa at tumingala kay Mama. "Wala naman kaming problema, Ma. Don't worry, sisiputin ko siya bukas.""Dapat lang, Rishel. Ilang taon na kayong engaged at dapat nang ipaalam sa publiko ang relasyon niyong dalawa, kung hindi ay kikwestiyunin ng board members ang engagement mo kay Lyndon." Pero hindi pa ako handang matali sa lalaking 'yon. Al

  • For The Stars Have Sinned   Kabanata 58

    Pagkatapos ng limang taon. Tirik ang araw at maaliwalas sa umagang iyon nang humakbang ako pababa ng eroplano mula sa ibang bansa. Pero nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang isang pamilyar na mukha. "Kervy? Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko. Limang taon nang lumipad ako tungo sa ibang bansa. Ngayon na tahimik na ang medya ay napagdesisyunan kong umuwi nang tahimik. Hindi ko lang akalaing sasalubong sa akin ang huling taong inaasahan kong makita. Hindi siya sumagot at bumaba ang tingin niya sa batang nakatayo sa giliran ko. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Klo at pinaningkitan ng mga mata si Kervy. "Mommy? Who is he?" tanong ni Klo. Bumaba ang tingin ko kay Klo at ngumiti nang marahan. "An old friend." Binaling ko ulit ang atensyon kay Kervy. "Kung wala ka nang kailangan ay mauna na kami."Akmang lalampasan ko siya pero hinuli niya ang palapulsuhan ko. Napatingala ako kay Kervy. Ilang taon na ang lumipas nang huli ko siyang nakita pero walang nagbago sa itsura niy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status