Share

Kabanata Labing-Tatlo

Nagulahan si Rada, kumunot ang noo. May pagkalito na bumaling sa ina.

Gusto niyang pasubalian ang sinasabi nito.

Subalit seryosong nakatingala sa langit ang Senyora.

At kung hindi siya nagkakamali ay may nasisilip siyang panglaw sa mga mata ng ina.

"Hindi lahat ng mga salita ay kailangang imutawi ng mga labi. Madalas ang bulong ng ating mga puso't isipan ay siyang mata ang nagsasabi.”

Hindi naman malaman ni Rada ang isasagot sa winika ng ina.

Sa lalim ng mga salitang binitawan nito ay nalilito siya sa nais nitong ipahiwatig.

At kung butil man ng luha ang bagay na kumislap sa gilid ng mga mata nito ay nagbigay iyon sa kanya ng malaking palaisipan.

Nanatili siyang walang imik at pinagmasdan lamang ang mommy niya.

Ang Senyora naman ay tila natauhan.

Mabilis na nagbago ang awra nito.

Mula sa pagiging seryoso kanina ay nahalinhinan iyon ng panunukso.

"Maaari ko bang malaman kung kanino mo nais ibulong ng buwan ang laman ng iyong puso't isipan?"

Bigla naman ang pagkag
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status