Share

Kabanata 13

"Ikaw ah. Ramona, bakit kasama mo 'yun?" Biglang sumulpot sa kung saan ang kaibigan kong si Maria. "Sino 'yun?"

Nagulat tuloy ako nang ito ang sumalubong sa akin. Kasa-kasama ko siya rito pareho kaming pinag-aaral din ng mga madre.

Siguro ay kakabalik lang nito galing sa pamilya niya. Mahigit isang linggo din siyang nanatili sa kanila.

Mabuti nalang at nakaalis na si Aquilino. Hindi talaga ito mapanatag at hindi gugustuhin na hindi ako maihatid kahit nandito lang naman ako nakatira sa loob ng eskwelahan. Parang sira. Gusto ko nalang talaga matawa.

"Wala. Wala." Pag-iiwas ko. Hindi ito umalis sa kinatatayuan niya at tinignan ako ng nakakaintriga. "Maria, wala kang nakita. Huwag mong pansinin 'yun."

"Talaga ba wala? Bakit may pakindat bago umalis?" Hindi pa rin talaga ito tumitigil.

Mabuti nalang at umalis ang mga madre ngayon. Hindi pa umuuwi. Kung nasaktuhang ganito ang usapan namin at marinig ni Sister Si ay paniguradong magagalit iyon sa akin. Hindi ko din alam kung ano ang maaari
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status