Se connecterThree days later at pakiramdam naman ni Mira na fully recover na siya kaya naman pumasok na siya sa kumpanya. Nahihinayangan siya sa araw dahil alam niya naman na marami pa siyang pwedeng gawin kung pumasok siya sa opisina. Pagdating niya sa table niya agad siyang sinutsutan ni Gerlie. "Psssst." Napalingon siya sa sutsot nito. Pero hindi siya tumayo para puntahan ito dahil nakita niya ang pagpasok ni Troy kasunod ang isang sopistikadang babae. Hindi man lang sila pinansin ng mga ito at nagdiretso sa loob. Si Gerlie na ang lumapit sa kanya dahil alam naman nito na masasaktan ang kanyang kaibigan. "Oh! Ang mata mo at ang puso. Sabi ko naman sayo kalimutan mo na si boss Troy. Nakita mo iyong kasunod niya na magandang babae?" tanong nito. Pero dedma lang si Mira kunwari wala siyang naririnig na kahit ano. Pero may ideya naman na siya kung sino ang babae. "Hoyy! Si Ma'am Carla iyon. College friend ni boss Troy. Ang balita ko nililigawan niya yan--" hindi na niya pinatapos a
Katatapos lang ibaba ni Troy ang tawag pero hindi pa rin mawala wala sa isipan niya si Mira. Lalo na nang makita niya ang picture nila together noong bata pa lamang sila. Chubby pa ito noon at noong una nga di niya ito nakilala maliban lang sa sinabi ni Gerlie na kaibigan nito. Doon na lang niya napagtanto ang hugis ng mukha nito ay parehas. Mula noon di na nawaglit sa isipan niya ang mukha ni Mira. Madalas nakakagalitan niya ito dahil tulala na parang tanga kung minsan. Pero kung kumilos naman ay pulido at maayos ang pagta trabaho kaya hinayaan na lang rin niya. Ringing..... Natigil ang pag-iisip niya ng magring ang kanyang cellphone. Sinagot niya ito at boses ng daddy Thomas niya ang nasa kabilang linya. "Hello, dad. Is there something wrong? Bakit ka napatawag ng biglaan?" tanong niya at kilala naman niya ang daddy Thomas niya ayaw nito ng paligoy ligoy na usapan. "Yah! Can you meet Mr. Yolo at 10 am sharp. I will send you the details." ani nito. "Ok, sure dad." sagot
"Boss Troy bakit ho kayo napatawag?" tanong ulit nito. "Ah! Nothing. I just want to check on you. Mukha ka namang ok. I have to go." ani ni Troy sabay baba ng call. Hindi nga siya pinatapos ng sasabihin. "Sig--" Tooot! Toooot! Ibinaba na niya ang kanyang cellphone at wala naman nang tatawag pa. Bumalik siya sa kanyang pagtulog. At muli na naman niyang naalala ang mga naganap sa kanilang dalawa ng kanyang boss. Natigil lang ang kanyang pag-iisip ng biglang kumatok ang kanyang Mommy Grace. Nagmamadali siyang buksan at baka siya'y makagalitan pa nito. Hindi na nga siya umuwi kagabi at madaling araw na yata. "Po?" wika niya. Nang mabuksan niya ng tuluyan ang pintuan. "Hija, wala ka bang work ngayon? Bakit hindi ka sumama sa amin ng daddy at kapatid mo. We're going out for lunch later." yakag ng kanyang Mommy Grace kaso wala naman siya sa mood gumala at masama pa ang kanyang pakiramdam. "Wala po pero marami po akong workload Mom. Kayo na lang po muna ulit. Mas kailangan ni
Nagkaroon ng butil butil na pawis si Mira ng pumasok ang kanyang boss na si Troy. Hindi niya tuloy malaman kung iiwas nga ba siya o hindi. Maraming tanong sa kanyang isipan na hindi masagot sagot miski siya. Alam niyang noon pa lang may gusto na siya sa boss niya pero hindi talaga niya pinupursue at para sa kanya kung sila silang dalawa talaga. Pero ngayon iba nandito ito sa harapan niya hindi galit, mukhang nag aalala naman sa kanya kahit papaano. May bulong na nagsasabi sa kanya na hindi naman mukhang nag-aalala. Pero gusto pa rin niyang kiligin kahit papaano ng malaman niyang naroon ito. "Boss Troy, medyo ok naman na siya. Kailangan lang ng pahinga at mukhang nakipag--" hindi natuloy ni Gerlie ang gustong sabihin ng kurutin siya ni Mira sa braso. Mukhang ipapahamak pa siya ng kanyang kaibigan dahil sa katabilan ng dila. Ayaw naman niya na malaman nito na siya ang naging kaulayaw nito kagabi. "Pasensya na kayo boss sa kaibigan ko.. Ok naman na ako at makakapasok na ako toda
Nagising si Troy sa sikat ng araw. Halos tanda naman niya ang nangyari lahat sa kanya. Hindi lang talaga niya matanggap na nilayasan siya ng babaeng kaulayaw niya. Kagabi pa niya pinagmamasdan ang babae sa loob ng party. Medyo namumukhaan niya kasi ito parang ang bagong junior assistant niya pero malabong mangyari rin naman ang kanyang iniisip. Nagbihis siya at pagkatapos pinasibat na niya ang kanyang sasakyan malayo sa lugar kung saan siya nakapark. Hindi siya pwedeng malate sa meeting at masasabon siya ng kanyang daddy Thomas. Mabuti na lang talaga at walang ka traffic traffic kaya naman nakarating siya ng mas maaga pa sa oras ng meeting. Nakahinga siya ng maluwat ng halos kaunti pa lang ang nasa board room at wala pa rin ang kanyang daddy Thomas. Naupo na siya at naghintay ng ilang segundo pa bago nagsipag datingan pa ang ibang kasama nila sa meeting kasunod ang kanyang daddy na hindi naman ngumiti pero nag thumbs up lang sa kanya at naupo na. Masaya siya dahil good shot siya
Hindi siya makapaniwalang naroon nga ang masungit niyang boss na si Troy. Agad niyang hinila ang braso ni Gerlie. "Halika nga dito, si boss Troy ba iyon?" di makapaniwalang tanong ni Mira sabay turo kay Troy sa bandang dulo. "Oo, gaga sinabi ko naman sayo hindi ba. Ikaw lang naman ang ayaw maniwala dyan." giit ni Gerlie na mukhang tawang tawa sa ekspresyon ng kanyang kaibigan. "Tara na nga! Ipapakilala pa kita sa iba kong kaibigan." ani nito sabay hila sa kanya. Pilit naman nagpupimiglas si Mira at halatang kabado. "Sandali kasi Gerlie ang pangit pangit ko ngyon. Teka magreretouch lang ako." sagot nito at nagtatakbo patungo sa kung saan. Nakarating naman siya sa comfort room at doon habol niya ang kanyang paghinga. Hinagilap agad niya ang kanyang make-up at nagsimulang ayusin ang kanyang sarili. Hindi siya mapakali dahil alam niyang nasa labas si Troy. Sino bang di mahuhumaling sa isang Troy Go. Maraming babae na mayayaman ang nagkakandarapa rito at siya. Isa lang na babaeng w







