Share

Chapter 1

“Get up, Vielle. Mag-impake ka na.” My mom suddenly slammed my door open. 

Hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya. “Ayokong sumama, Ma. Kayo na lang.” 

I’m still busy memorizing here and I have no plans of having an early vacation. Besides, isang gabi lang naman siguro ipagdadaos ang pasko, 'di ba? 

I heard her took a deep breath. “We patiently waited for your vacation, Elle. Take a break from studies and spend christmas with us.” 

Dito na ako nag-angat ng tingin. My mom's pleading eyes were really pursuading me to come with them. “Isang taon na lang, ma. Next year, graduate na ako. Sa bagong taon na lang siguro ako, Ma. Hahabol ako.” 

“No.” She shook her head. “Your brother is looking for you and he demands to see you.” 

Otomatiko akong natigilan sa paglilipat-lipat ng pahina sa binabasa kong libro. I lifted my gaze on her and saw how serious she was. Napabuntong-hininga ako at muling nagbaba ng tingin sa libro. 

“Just tell him I can’t come, Ma. I still need to finish some projects. At isa pa, I'm running as suma-cum laude. It’s his condition for me. Siguro naman ay papayag na siyang hindi ako sumama.” I looked at her. “I promise, this would be the last christmas I'm not gonna spend with you. Babawi ako sa susunod na taon.” 

My mother look at me and smile. “Sige, sasabihin ko na lang ‘yan sa Kuya mo. Take a break and relax sometimes, Elle. No night outs, okay?” 

Hindi ko maiwasang mapairap. Seriously, matagal na akong tumigil sa night-outs na ‘yan magmula nang ma-grounded ako ng ilang buwan. My brother is that strict. He even threatens to lockdown my school if they don’t make follow-ups about my studies. That manipulative jerk. So full of himself. Porket siya na ang may hawak ng lahat ng kayamanan ng mga Martinez. 

“I already refrain from night-outs, ma,” I retorted. 

Nginitian lang ako ni Mama at nagpaalam na mag-eempake na siya. Laking pasalamat ko na lang din para makapag-memorize ako na walang ingay. I need to memorize this. Marami pa akong kailangang tapusin, and I only have two weeks to finish it all. Kaya wala akong oras para maipagdiriwang ang pasko.

Nangunot ang noo ko nang mag-vibrate ang aking cellphone sa gilid ng aking geography book. I picked up my phone to see who’s the caller. At mas lalong nangunot ang aking noo nang mapagtanto kong hindi ko kilala ang numero ng tumatawag. 

“Hello?” I answered, finally getting up from lying on my bed. “This is Vielle Martinez, speaking. Who’s this?” 

But what I only heard is breathing. Moments later, the caller ended the call. Nagtataka kong tinignan ang aking screen at napamulagat nang may mensaheng lumitaw sa aking notification panel. I immediately swipe it open. 

Unknown: 

Bring your homeworks here in Bora. Spend this Christmas with us, Diana. 

Nakagat ko ang aking ibabang labi. Kahit na walang pasabi kung sino ang nagmensahe sa’kin, I know who it was. Isang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng Diana. And that’s my brother, Daze Jaden. 

Wala sa sarili kong ibinagsak ang aking katawan sa kama at napatulala sa kisame ng aking silid. My phone is on my right hand while my left hand is holding my chest that was pounding so fast. 

Bakit niya ba ako gustong pumunta? 

--

“I thought you won’t come?” takang tanong ni Mama nang mapansin niyang may bitbit akong dalawang maleta. 

Nang makababa ako ng hagdanan ay pilit akong ngumiti. “Kuya called last night.” 

Napangiti naman si Mama habang si Papa ay focus lang sa pagtitipa ng kanyang cellphone. “That’s good.” 

“Yeah,” sagot ko at hilaw na ngumiti. 

“Let’s go,” Papa said and placed back his phone inside his pocket. 

Kinuha ng dalawang guwardiya ang aking dalawang maleta. Mama and papa walked towards ng door and I followed them. Pinasak ko sa aking tenga ang earphone ko at nilakasan ang volume. Listening to music is my hobby, but music doesn’t like me. Sintunado ako kung kumanta kaya nakikinig na lang ako.

“Hop in, young lady,” sambit ni Mama na ikinairap ko. 

Martinez is quite known in our town because of the power. Hindi ko sila masisisi. Martinez clan are all rich. Walang patapon. Marami din kaming negosyo na sumikat. So it’s normal for me to be called ‘young lady’. 

“What the hell are you wearing, Elle?” tanong ni Mama nang makapasok ako ng sasakyan. 

I didn’t heed her any attention. Sumandal kaagad ako sa aking kinauupuan at pinikit ang aking mga mata. It’s not that I haven’t got enough sleep, ayoko lang talaga marinig ang mga pangangaral ni Mama.

She hates it when I’m wearing shorts and some skin revealing clothes. Hindi ko rin alam kung bakit ngayon lang niya napuna ang aking suot samantalang nagkausap kami sa sala kanina. 

“Be a good girl to your brother, Elle,” Papa said in a low voice as the car starts to move. 

Napasimangot ako. “Matagal na akong good girl, pa.” 

Tumango si papa. “Don’t give your brother headaches.” 

“What do you mean?” I asked. “Bakit ka namamaalam?” 

He chuckled, busy naman si mama sa pakikipag-usap sa telepono niya. “Your mother and I will be having Christmas in Paris. Maiiwan ka sa Bora.”

“What?!” Tinaggal ko ang earphone na nakapasak sa aking tenga at malalaki ang mga matang tinignan siya. “Then babalik na lang ako sa mansi—” 

“That’s a big no, young lady. Ayaw naming magpasko kang mag-isa. An emergency meeting called that’s why we’ll have our Christmas there. Don’t worry, uuwi kami bago mag-bagong taon,” Papa said in an assuring tone and I can’t help but to rolled my eyes. 

“Whatever,” I replied. My bitchy attitude really loves to butt-in all of a sudden. 

Sakto namang inanunsiyo na ng driver na nasa airport na kami. Naunang bumaba si papa at inalalayan kami ni mama sa pagbaba. Bitbit pa rin ng mga bodyguard nila Papa ang aming mga bagahe hanggang sa makarating kami sa loob ng paliparan. I also put back my earphones and continue listening to music. 

“Bilisan mong maglakad, Elle. Mahuhuli tayo sa flight.” Pagsusungit ni mama.

Nakatinginan kami ni papa at sabay na nagkibit-balikat. Bad mood si Mama. Well, hindi na bago ang ganyang ugali niya. I think I inherited that attitude from her. Sometimes nice, always bitchy. 

Nang makasakay kami ng eroplano ay giniya kami ng flight attendant sa aming upuan. My dream job. The dream job which made me took tourism as my course. The FA smiled at us after she pointed our seats. Nagpasalamat naman si Papa samantalang si Mama ay grumpy na umupo sa kanyang upuan. I wonder paano napagtitiisan ni papa ang ugali ni Mama? 

Oh, well. It’s none of my business. As long as they are together, okay na. Ayokong magkaroon ng broken family. That’s horrible. 

“Isang oras lang ang biyahe, Vielle. Don’t ever think of sleeping,” Mama said. 

I looked at her and smiled sweetly before leaning on the window and close my eyes. Wala naman akong gagawin dito sa eroplano bukod sa tumunganga, ‘di ba? 

Mabilis lang talaga ang naging biyahe. Nakaidlip lang ako ng ilang minuto ngunit agad din akong inuga ni Papa. Maybe I'll just sleep later. 

Papikit-pikit pa ako habang naglalakad sa aisle ng eroplano. Tanging si papa lang kinapitan ko para hindi ako matalisod sa paglalakad. Bed is calling me. Gusto ko nang makarating kami agad para makapagpahinga kami.

“Mister and Misses Martinez, this way please,” I heard someone talked.

Nagsimula nang maglakad si papa habang ako ay nakakapit pa rin sa balikat niya. I’m a father’s girl, but my attitude was from my mother’s. Hindi kami masyadong magkasundo dahil kasing-higpit niya si Kuya, while Papa spoils me. Minsan ay tinutulungan niya ako sa pag-cover up ng reason para  hindi ako mapagalitan ni Kuya. 

“Stop clinging on your father’s arms and hop in inside, Elle,” sambit ni Mama. 

Dinilat ko na ang aking mga mata at nakasimangot na sumakay sa isang kulay gray na van. Pumwesto ako sa may pinakalikod at sumandal sa bintana. Si Papa ay nasa front seat samantalang si Mama ay katabi ko. 

“Did you bring your homeworks?” she asked.

Tumango ako at ini-unlock ang aking phone. “Bakit?”

“That’s what I heard from your brother. Sabi niya tutulungan ka niyang matapos kaagad homeworks mo para makapag-enjoy ka sa pasko.” 

Tumango ako kahit hindi ko maintindihan ang sinabi niya. My music’s volume is high for crying out loud! Hindi ko masyadong ma-comprehend ang sinasabi niya kaya tumango nalang ako. 

Hindi na siya nagsalita pa, kaya mas pinili ko na lang din ipikit ang aking mga mata. But I guess it’s a very wrong idea. Kuya Daze’s face came into the view as soon as I closed my eyes. Wala sa sarili kong kinuyom ang aking kamao habang nakapikit. I hate him. 

Matagal-tagal na rin magmula nang huli naming pagkikita. I guess it was two years ago? I can’t recall. Hindi kasi siya mahilig umuwi ng mansiyon. Marami siyang bahay at condo, kaya bakit pa siya uuwi ng bahay? Isa na rin siguro ‘yan sa ipinagpapasalamat ko. I hate his presence to the core! God knows how I hate him. 

“Baba ka na, Elle. Nandito na tayo,” I heard mom said. 

I took a deep breath before opening my eyes. Kinusot-kusot ko pa ito at nag-inat ng braso. I yawned before following mother out of the car. 

“Maligayang pagdating po sa inyo,” The lady in a maid outfit greeted us. 

Naglibot ako ng paningin. Ngayon ko lang napansin ang malamig na hanging dumadampi sa balat ko. Napakaaliwalas din ng paligid. I can smell the salty air coming from the ocean which excites me. May malalaki ding puno ng niyog dito malapit sa resthouse ni Kuya, ngunit walang bunga. 

“Please, come in.” The lady politely guided us inside. 

Napahawak naman ako sa braso ni Papa. “Andito si Kuya?” 

Narinig siguro ako ng maid kaya tumigil ito at nakangiting binalingan ako. “Kasama niya pong umalis si Miss Taliah para magsimba. Mamayang gabi pa po siguro sila makakauwi.” 

“Who’s Taliah?” I asked. Sino si Taliah? Girlfriend niya? 

“Taliah is your brother’s fiancée,” nakangiting tugon ni mama na ikinasimangot ko. 

Tingnan mo ‘to. Kapag ako nagka-boyfriend, galit na galit, tapos kapag si kuya nagka-girlfriend, nangingiti pa at tuwang-tuwa. Ang unfair talaga. 

“Okay,” I replied. 

Naglibot ako ng paningin sa paligid. May malaking chandelier sa gitna, may isang mahabang sofa na kulay gray at dalawang pang-isahan na kapwa kulay gray din. The curtains were in color dirty white and the tiled floor were designed by blue marbles. May naka-hang ding mga paintings at frames na may lamang litrato ng mga tourist spots sa pader. It’s a two storey house, not bad for a resthouse. 

“Sinabihan na po ako ni Senyorito sa mga magiging silid ninyo.” The lady never took her smile off from her lips. 

Tumango si Mama. “May silid ba rito sa baba? Nakakatamad na umakyat ng second floor.” 

Mahina akong humagikhik sa narinig. Tumikhim naman si papa, siguro ay nagpipigil ng tawa. My mom is a lady person, period. 

“Opo, senyora. Nalinis na po namin ang silid na uukupahin ninyo.” The lady look at me. “Pinapasabi rin ni Senyorito na doon ka mananatili sa pangalawang palapag.” 

The lady called someone and that someone came out from the kitchen— I guess? 

“Samahan mo si Senyorita sa kanyang silid,” the lady said. 

Napangiwi ako. Senyorita? Are they using Italian to address their masters? I shrugged. I don’t care, I need to rest. 

Nilapitan ako ng babaeng tinawag ng mayordoma. Yeah, maybe siya ang mayordoma. 

“Tara po?” nakangiting tanong nito. 

I nodded my head and excused myself from mama and papa. Sinundan ko naman kaagad ang babaeng naunang naglakad paakyat ng hagdan. Tinanggal ko ang pagkakapasak ng earphone sa aking tenga at bumuntong hininga. Nang makarating kami ng pangalawang palapag, huminto kami sa isang pinto. 

“Ito po ang magiging silid ninyo, Senyorita. Ang sa kabila po ay kay Senyorito Daze.” She pointed the door few meters away from us. 

I nodded. “Thank you,”

“Walang anuman po. Tawagin niyo nalang po ako kung may kinakailangan kayo,” she politely replied before walking her way downstairs. 

Humugot ako ng malalim na hininga bago pinihit ang door knob pabukas. And there is only one thing inside my head. 

I’ll sleep until midnight so I can finish my homeworks.

I entered the room and roamed my eyes around. Napangiwi ako nang masyadong girly ang silid. Everything is in color peach and pink. Masakit sa mata. 

Napailing ako at naglakad patungo sa malaking kama na pinapalibutan ng peach na mosquito net. Wala pa akong panahon upang punahin ang paligid. Pagod ang katawan ko. I dropped myself into bed and closed my eyes. Mamaya na ako magbibihis. Bed is calling me. 

After a few minutes, darkness finally eats me. Ngunit agad rin akong naalimpungatan nang maramdaman kong may malambot na bagay ang dumampi sa labi ko. 

I badly want to open my eyes, but I’m still sleepy. Maybe this is just a dream. 

“Sleep and we’ll talk later.” 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status