LOGINNang maagang matapos ang business trip nila ay ipinasyal naman nila si Zayn. Una nila itong idinala sa Cologne Cathedral. Namamanghang tiningala ni Zayn ang malaking gusali na nasa harapan niya. Nakaawang pa ang mga labi niya na pinagmamasdan ang mga iyun. Halos malula pa siya sa sobrang taas ng gusali na nasa harapan niya.
“Bahay po ba yan ng mga vampire, daddy?” inosenteng tanong ni Zayn habang nasa gusali pa rin
Mabigat ang buong atmosphere sa loob ng courtroom. Halos walang marinig kundi ang mahinang bulungan ng mga taong naroon at ang tunog ng mga camera mula sa media sa labas ng korte. Punong-puno ang gallery dahil sa bigat ng kaso ni Rafael. Hindi sila makapaniwala na magagawa ni Rafael na kalabanin ang nag-iisa at sarili nitong kapatid.Tahimik na nakaupo si Rafael sa gilid kasama ang abogado niya. Nakaposas pa rin ang mga kamay nito habang seryoso ang mukha. Wala na ang dating kumpiyansa at yabang na palagi nitong dala.Sa kabilang side naman ay naroon sina Kian, Dexter, Ayesha, at Emma. Halatang pagod at emotionally drained ang lahat matapos ang sunod-sunod na nangyari nitong mga nakaraang buwan.Mahigpit ang pagkakakuyom ng kamao ni Dexter habang nakatitig kay Rafael. Kung hindi lang sila nasa loob ng korte, baka kanina pa niya ito nasuntok. Han
Nakaupo lang si Ayesha sa swivel chair, parang pinapakiramdaman niya ang paligid niya. Pakiramdam niya ay ang tahimik. Nakakabinging katahimikan.“Hindi ba parang nakakabingi naman ang katahimikan ng kompanya ngayon?” tanong niya kay Shane. Napatigil naman si Shane sa ginagawa niya at literal na pinakinggan niya ang paligid.“Parang wala namang nagbago ma’am. Baka nanibago ka lang dahil ngayon ka na lang ulit pumasok saka sa dami ng nangyayari sa pamilya niyo baka ngayon ka pa lang nagkaroon ng katahimikan sa paligid mo.” Napatango-tango si Ayesha dahil baka tama nga ang secretary niya. Ngayong nasa kulungan na si Rafael baka ito na ang simula ng katahimikan at kapayapaan sa kompanya.“Wala pa ba akong gagawin ngayon?” tanong niya ulit. Busy si Shane sa mga papeles na kaharap niya.“Wala po ma’am.” Mabilis na tumayo si Ayesha at lumabas ng office niya. Dumiretso siya sa office ni Kian pero bago siya pumasok ay nakita niya si Hannah na nakaupo ito sa working station niya.“Ma’am Ayesha
Masaya silang kumakain ng umagahan nang may bigla na lang silang narinig na sigaw mula sa labas.“What is that?” tanong ni Emma. Pinakinggan nila ang ingay at alam nilang sa labas ng bahay nila iyun.“Jella, pakibantayan si Zayn.” Tawag ni Ayesha kay Jella na mabilis namang lumapit sa kanila. “Dito ka lang anak, okay?” habilin ni Ayesha. Nauna naman nang lumabas ang mag-asawa kasama si Kian para tingnan kung anong nangyayari sa labas.“What is happening?” tanong ni Dexter sa katulong na nasa labas.“May babae pong nagwawala sa labas ng gate sir. Hinahanap ka po at si Sir Kian.” Sagot ng katulong. Pinuntahan naman na nila kung sino ba ang nasa labas ng gate nila.“Uncle Dexter! Kian! Lumabas kayo diyan!&rdquo
Nasa labas na ng mansion ni Rafael ang mag-ama. May warrant of arrest na laban kay Rafael at nandun ang mag-ama para masaksihan ang paghuli kay Rafael. Gusto nilang makasiguro na hindi ito makakatakas.“Ano ba! Bitiwan niyo ako! Anong ebidensya niyo na ako nga ang nagpabangga sa driver ng pamangkin ko at kanila ni Ayesha?! Wala akong ginagawa sa kanila. Naghahanap lang ng masisisi ang kapatid ko at ako ang nakita niya. Nang saktan niya ako at sugurin sa office ko, wala akong ginawa! Hindi ako nagsampa ng reklamo dahil kapatid ko siya tapos ipapahuli niya ako ng wala naman kayong ebidensya?!” sigaw ni Rafael, nagpupumiglas pa siya sa mga pulis na hawak siya.“Manahimik ka Mr. Villanos dahil lahat ng sasabihin mo ay maaari naming gamitin sa korte.” Maawtoridad na saad sa kaniya ng pulis.“Bitiwan niyo ang dad ko! Wala
Matapos nilang kumain ng dinner, lahat sila ay nasa sala maliban kay Zayn na nasa kwarto na kasama si Jella. Dalawang attorney naman ang kasama nila sa sala. Pinapanuod ang ebidensya na hawak nila laban kay Rafael.Nang matapos nila itong mapanuod ay hinarap na nila ang pamilya Villanos.“Is that enough?” tanong ni Dexter sa mga ito.“Yes, Mr. Villanos. Magiging sapat na ito para kasuhan ang kuya mo lalo na at kitang-kita ang mukha niya sa video. Sinabi niya rin ang mga ginawa niyang krimen. Pero ang pagsampa niyo ng kaso tungkol sa kurapsyon na ginagawa niya sa kompanya, hindi namin pwedeng isampa yun sa kaniya hangga’t walang sapat na ebidensya na may ginawa nga siyang pagnanakaw sa kompanya niyo. Ang maisasampa lang namin ay ang mga binanggit niyang krimen sa video. Pero huwag kayong mag-alala, susubukan naming maghanap.” Sagot ng isang lawyer. Nakahinga naman ng maluwag si Emma.“Mabuti naman kung ganun. Kung makukulong na siya, siguro naman ay ligtas na ang pamilya ko na maghanap
Lahat sila ay parang nanigas sa narinig mula kay Rafael. Desidido talaga itong ipatumba si Kian at Ayesha.“Yes sir may nahanap na ako. Sa totoo ay ngayong araw ito kikilos dahil ngayong araw lalabas ng hospital si Ayesha. Hindi natin pwedeng ulitin ang ginawa natin sa unang driver dahil kapag pinainom na naman natin siya ng lason, siguradong magtataka na ang mga pulis at malalaman nilang murder ang nangyayari.”“Sinasabi mo bang hahayaan nating mahuli ang driver? Paano kung hindi kaagad yun makatakas pagkatapos niyang gawin ang trabaho niya? Siguraduhin mong malinis ang lahat ng pinagagawa ko sayo.”“Opo sir, huwag kang mag-alala dahil malinis naman ang trabaho ko. Sisiguraduhin kong wala silang mahahanap na ebidensya laban sayo.” Sagot ng lalaking kausap ni Rafael.“Mabuti kung ganun. Si Jio, bantayan mong mabuti. Kapag nahuli siya, siguraduhin mong patay na siya bago siya magsalita. Kausapin mo siya na hawak natin ang pamilya niya. Oras na nagsalita siya tungkol sa mga nalalaman ni
Nagbubulungan ang mga empleyado nang pumasok kinabukasan si Kian. Alam nilang lahat ang nangyayari sa kompanya at ang pag-alis kay Kian bilang CEO. “Ang gwapo pa naman niya. Crush na crush ko pa naman siya.” Tila nanghihinayang na sambit ng isang empleyado nang daanan ni Kian ang mga ito. “Pansam
Pagkatapos ng meeting ay pinuntahan kaagad ni Ayesha ang stepdad niya. She wants to talk to him. Gusto niyang salungatin ang binitiwan nitong desisyon sa board. Masyado ng malalim ang galit ni Kian sa sarili niyang ama pero dahil sa mga nangyayari lalo iyung lumalalim. Hindi rin ito tungkol sa pami
Dumating na ang araw ng meeting kasama ng mga board members. Tahimik ang buong boardroom ng Villanos Prime Developments.Mabigat ang hangin habang isa-isang nakaupo ang mga board members sa mahaba at makintab na mesa. Sa unahan ng mesa, nakaupo si Kian Reeve Villanos, malamig ang ekspresyon at wal
Nang makita ni Ayesha na nagtungo ng pool area ang stepdad niya ay sumunod siya dito. Nasa mommy niya naman si Zayn na naglalaro kaya iniwan niya na muna ito para puntahan ang kaniyang ama.May hawak-hawak na wineglass si Dexter at blangko itong nakatitig sa tubig.“Dad,” agaw atensyong usal ni Aye







