LOGINTATLONG BUWAN ANG LUMIPAS
Tulalang nakatingin si Ayesha sa PT niya. Hindi niya akalain na magpapositive siya sa pregnancy test. Bagsak ang balikat niyang ibinaba ang PT. Paano niya tatanggapin ang pagbubuntis niya gayong bunga lang ito ng isang gabi? Hindi pa niya kilala ang ama ng magiging anak niya. Marami pa rin siyang pangarap lalo na at kakagraduate niya lang.
Hilaw siyang natawa saka siya bumuntong hininga. Paano niya sasabihin sa kaniyang ina ang pagbubuntis niya? Wala naman siyang boyfriend pero dahil sa isang gabing mainit, nabuo ang magiging anak niya.
Napahilamos si Ayesha sa mukha niya saka niya tiningnan ang sarili sa salamin. Regular ang regla niya pero sa dalawang buwan na nakalipas, binalewala na muna niya yun dahil umaasa siyang baka epekto lang dahil nawala na ang virginity niya. Umaasa siyang hindi sila makakabuo lalo na at isang beses lang naman yun nangyari.
“Pambihirang buhay naman ‘to, Ayesha. Ano ba naman kasing pumapasok sa isip mo?!” inis niyang sumbat sa sarili niya. Lumabas na siya ng kwarto para kumain dahil may pasok pa siya sa kompanya.
“Good morning anak, nagluto ako ng paborito mo. Halika na.” nakangiting saad sa kaniya ng kaniyang ina. Mariing ipinikit ni Ayesha ang mga mata niya saka siya muling napapabuntong hininga. Bago pa lang din siya sa kompanya tapos ngayon, papasok siyang buntis.
“Good morning mom,” bati niya na rin saka siya naupo at maghahain na sana ng pagkain niya ng maamoy niya ang sinangag. Mabilis na hinalukay ang sikmura niya. Halos madapa pa siya nang nagmamadali siyang nagtungo ng sink para sumuka. Nakatingin naman sa kaniya ang kaniyang ina.
“What happened anak? Are you okay? Hindi ba maganda ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong ni Emma. Uminom ng tubig si Ayesha nang matapos siyang sumuka. Wala pang laman ang tiyan niya kaya acid na ang isinuka niya. Halos manlambot ang mga tuhod niya.
Tiningnan ni Ayesha ang mommy niya, nagi-guilty siya dahil nabuntis siya ng wala man lang siyang boyfriend. Paano niya ito sasabihin?
Muling naupo si Ayesha pero nang muli niyang maamoy ang sinangag ay napapatakip na lang siya sa ilong niya.
“Ayaw mo ba nito?” tanong ni Emma sa sinangag na kanin.
“I’m sorry mom, ano bang nilagay mo diyan? Bakit iba ang amoy?” tanong niya saka siya nanguha ng mainit na kanin at ibang ulam. Nagtataka naman si Emma kaya inamoy niya ang niluto niya.
“Wala naman akong nilagay dito. Same recipe pa rin naman saka hindi rin naman sira yung kanin anak. Ano bang naaamoy mo na kakaiba?” nagtatakang anas ni Emma. “Manang Lolet, amuyin mo nga itong niluto ko kung may iba ba talagang amoy.” Wika ni Emma sa matandang katulong nila. Inamoy naman iyun ng matanda.
“Wala naman iha, ano bang amoy ang sinasabi mo?” sagot ni Manang Lolet. Hindi na makasagot si Ayesha dahil alam niyang may epekto na ang pagbubuntis niya sa katawan niya. Nagbabago na ang pang-amoy at panlasa niya.
“Ayesha, anak, hindi ba maganda ang pakiramdam mo? Paborito mo itong sinangag ko hindi ba?” Napapayuko na lang si Ayesha. Hindi na siya makasagot. Mabait naman ang mommy niya pero mali pa rin ang ginawa niya.
“Ayesha, sasagutin mo ba ang tanong ko? What happened?” seryoso nang tanong ni Emma. Tila ba hindi na maganda ang pakiramdam niya.
“I’m sorry to disappoint you mom. I’m really sorry, I didn’t mean it pero nangyari na eh. Ayaw ko rin namang pumatay ng inosenteng nilalang para lang malinis ko ang sarili ko.” Lalong sumeryoso si Emma. Naupo na siya sa upuang kaharap ng anak niya.
“Direct it to the point, Ayesha.” Maawtoridad na sambit ni Emma.
“I’m really sorry.”
“Ayesha,” may diin nang wika ng kaniyang ina. Sinalubong ni Ayesha ang mga mata ng kaniyang ina.
“I’m pregnant mom pero huwag niyo ng tanungin kung sino ang ama dahil maging ako hindi ko kilala.” Diretso niyang sagot.
“What?” hindi makapaniwalang wika ni Emma. Napatayo pa siya dahil hindi niya magawang isipin na magagawa ito ng kaniyang anak. “Hindi mo kilala ang ama ng dinadala mo? Ni-grape ka ba? Tell me the truth, Ayesha Martin!”
“It happened in Las Vegas. Nakilala ko sa bar yung lalaki until napunta kami sa hotel at nangyari ang hindi dapat. I don’t know him, hindi na rin malinaw sa akin ang mukha niya. Wala rin akong balak na hanapin pa siya para sabihin na buntis ako. I’m really sorry mom, I know you’re disappointed right now pero ano po bang magagawa ko?” nahihiya niyang wika sa kaniyang ina saka siya yumuko.
Kinalma naman ni Emma ang sarili niya saka niya nilapitan ang anak at niyakap ito. Wala na silang magagawa dahil nangyari at buntis na rin si Ayesha.
“Hindi ko lang inaasahan na mabubuntis ka ng hindi ka pa kasal at hindi mo pa kilala ang ama ng magiging anak mo pero tanggapin na lang natin. Ituloy mo ang pagbubuntis mo, aalagaan natin ang magiging apo ko.” Malumanay nang sambit ni Emma. Lalong nahiya si Ayesha sa kaniyang ina.
---
Sinabi na rin ni Ayesha sa mga kaibigan niya ang pagbubuntis niya. Sabay pang napabuntong hininga si Lalaine at Kaye.
“Ano pa bang magagawa natin? Nakabuo kayo eh. Anong balak mo ngayon?” tanong ni Lalaine. Umiling si Ayesha.
“Hindi ko siya hahanapin pero itutuloy ko ang pagbubuntis ko. Hindi kaya ng konsensya ko na ipatanggal ‘to sa sinapupunan ko para lang maiwasan ko ang panghuhusga ng ibang tao.”
“Dapat lang na panindigan mo yan. Hindi natin alam kung may balak ka pa bang magboyfriend kaya ituloy mo na yan. Hindi tayo sigurado kung magkakaroon ka pa ba ng anak dahil wala ka namang balak lumandi.” Wika ni Kaye kaya sinamaan siya ni Ayesha ng tingin.
“Nagpacheck up ka na ba?” tanong ni Lalaine na ikinailing ni Ayesha. “Kung ganun, magpacheck up na tayo ngayon para malaman natin kung okay lang ba siya at healthy. Hindi naman problema kung wala sa tabi mo ang lalaking yun. Kami ang sasama sa bawat prenatal check-up mo hanggang sa makapanganak ka.” Saad ni Lalaine na ikinangiti ni Ayesha.
Niyakap ni Ayesha si Lalaine na napapangiwi na lang.
“Ew! Ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganiyan.” Reklamo ni Lalaine. Natatawa naman si Kaye sa kanila.
“Ang buntis, iba-ibang emosyon ang nararamdaman nila pero mas moody sila. Kung sabagay, matagal na panahon naming natiis ang pagtataray mo sa amin, ‘yang siyam na buwan pa kaya na pagbubuntis mo?” wika ni Kaye. Yayakapin din sana ni Ayesha si Kaye pero umiwas ito dahil hindi naman talaga mahilig yumakap si Ayesha.
“Umalis na tayo para makapagpacheck-up ka na. Stop the drama, ew, hindi bagay sayo.” Tila nandidiri pang saad ni Kaye kaya natawa sa kanila si Ayesha.
“Grabe kayo sa akin. Huwag na huwag kayong lalapit sa anak ko kapag nanganak ako ha?!” pang-aasar niya naman sa mga kaibigan niya. Nagtatawanan na lang sila pero hindi maiwasan ni Ayesha na hindi makonsensya para sa isisilang niyang anak dahil wala itong ama.
Lumipat na sila ng bahay at nang ipablessing nila ito ay kasama ulit nila ang pamilya at mga kaibigan nila. Nagkaroon sila ng kaunting celebration sa pool area.“Grabe, ang ganda ng bahay niyo. Itong pool area niyo para siyang private villa. Nandito na lahat. May sarili rin kayong grocery store sa loob ng bahay. May gym, may basketball court. Sa lawak ng bakuran niyo pwede talagang maggolf. Hindi ko ‘to naisip. Gusto ko ganito rin kalawak ang magiging bakuran ko. Hindi masyadong malaki ang bahay pero malawak ang bakuran.” Namamanghang saad ni Kaye habang nakamasid sa paligid.Nag-iihaw sila ng mga barbecue, hotdogs, isaw at atay ng baboy.Kahit na mag-ingay sila, magtawanan at magsigawan. Walang susuway sa kanila dahil malayo ang mga kapitbahay nila sa lawak ng bakuran nina Ayesha.“I agree with you. Ang ganda ng paligid, ang peaceful at nakakaalis ng stress. May sarili pa siyang garden ng mga flowers at mga plants. May egg farm pa yan sila. Gusto ko rin ng ganito. Bibili rin ako ng ma
Nang matapos ang celebration ay pumasok na silang lahat sa kaniya-kaniya nilang room. Magkasama na si Kian at Ayesha. Pareho na silang bagsak sa kama nila. Parehong nakatulala sa kisame at pinoproseso sa isip nila ang lahat ng nangyayari. Ramdam na nila ang pagod at puyat but they are still happy.Bumangon na si Ayesha saka niya tiningnan ang lahat ng mga regalo para sa kanila. Wala na silang lakas na buksan pa ang mga ito dahil baka sikatan na sila ng araw, hindi pa sila tapos.Nasa lamesa naman ang mga cash gift para sa kanila.“Matulog na tayo love.” Ani ni Kian saka niya hinila si Ayesha at niyakap ito. Wala na silang ibang gustong gawin kundi ang matulog at mabawi ang lakas nila. Naubos ang lahat ng lakas nila sa maghapon nila. Madaling araw na rin natapos ang mga paactivities nila. Nagpapasalamat sila dahil kahit na ginabi na ang celebration, hindi pa rin umuwi ang mga bisita nila. Tinapos nilang lahat ang activities at tuwang-tuwa sila sa mga papremyo.Kinabukasan, masarap pa r
Nang matapos ang hapunan at mga speeches, lalo pang naging masaya ang atmosphere sa loob ng reception hall. Punong-puno ng tawanan ang buong reception hall habang abala ang mga bisita sa pakikipag-usap sa isa't isa. Sa bawat mesa ay maririnig ang masasayang kwentuhan at pagbati para sa bagong kasal.Samantala, nakaupo sina Kian at Ayesha sa kanilang sweetheart table habang pinagmamasdan ang mga taong dumalo sa kanilang kasal. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ni Kian. Matapos ang lahat ng pinagdaanan nila, narito na sila ngayon. Magkasama bilang mag-asawa."Ladies and gentlemen!" Agad na napalingon ang lahat nang marinig ang boses ng host.Ngumiti ito habang hawak ang mikropono."I hope everyone is having a wonderful evening!" Sabay-sabay na pumalakpak ang mga bisita. Excited sa iba pang activities ngayong gabi."Now, it's time for one of the most exciting parts of the reception." Agad na nagkatinginan ang mga babae sa loob ng reception hall. "The bouquet toss!" Malakas na sigaw ng h
Pinunasan ni Ayesha ang mga luha niya saka siya bumuga ng hangin at muling tiningnan si Kian. Sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha ni Ayesha na tila ba wala na siyang magagawa kundi ang hayaan.“Ang daming hirap, ang daming pagsubok. At nagpapasalamat ako dahil hindi ka sumuko. Dumating man ang mga araw na pati ako hindi ko na maintindihan ang sarili ko, maraming salamat kasi nandyan ka. Pinipilit mo akong intindihin. Salamat sa mahabang pasensya mo para sa akin. Sobrang swerte ko dahil hindi mo man lang iniisip na nagdadrama lang ako, ginagamit ko lang ang salitang postpartum stress. You supported me. Sinasamahan mo ako kahit na ang kalaban ko na ay ang sarili ko. Salamat kasi napakabuti mong ama sa mga anak natin. Pinaglaban mo yung pagmamahal mo sa akin kahit na ang kalaban natin ay ang buong mundo. Grabe ka magmahal at dun pa lang panalo na ako. Alam mo kung anong iniisip ko sa tuwing nakikita ko ang mga anak natin? Nagawa kong pumili ng mabuting ama para sa kanila. Napakahand
Nasa likod na ng malalaking kurtina si Ayesha. Ilang minuto na lang ay bubuksan na ang mga kurtina at makikita niya na ang lalaking naghihintay sa kaniya sa altar. Napatingin siya sa paligid niya. Maganda ang panahon ngayon. Hapon ang pinili nilang oras para hindi mainit sa mga bisita lalo na at labas sila.“Ma’am ready po,” paalala sa kaniya ng organizer. Muli siyang huminga ng malalim. Malakas na naman ang kabog ng didbib niya at ganun din si Kian na nasa altar na.Pakiramdam niya ay napakatagal para buksan ang mga kurtina kung nasaan si Ayesha. Huminga rin siya ng malalim. Excited na siyang makita ang magiging asawa niya na ngayong araw.“Relax, para kang mahihimatay sa itsura mo eh.” Pang-aasar na naman ni Nigel.“Oh, come on! Shut up!” mahinang sagot ni Kian. Natawa na lang si Nigel.Rinig na nila ang live singer nila na kinakanta ang wedding song nila. Ang lahat ay nakatingin na sa dulo ng aisle. Hinihintay na lumabas si Ayesha. Dahan-dahan na ring iniangat ang kurtina.Kahit na
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ayesha habang nakaharap siya sa salamin. Sinisimulan na siyang ayusan ng mga make-up artist niya. Ilang oras na lang ay magsisimula na ang ceremony at ilang oras na lang din ang natitira, opisyal na siyang isang Mrs. Villanos.Malakas ang kabog ng dibdib niya. Gumawa siya ng vow niya para kay Kian pero tila ba mabablangko siya kapag nasa harap niya na si Kian at marami na ang nakikinig sa kaniya.Kinakabahan siya at kahit na pakalmahin niya ang sarili niya, wala pa ring nangyayari. Malakas pa rin ang kabog ng puso niya na halos marinig niya na ang tambol nito.“Are you okay?” napatingin si Ayesha sa salamin para makita ang nasa likod niya. Nasa room niya naman na ang dalawa niyang kaibigan.“Yeah, a little bit nervous.” Sagot niya. Napangiti naman si Kaye at Lalaine.“First time mo eh. Malay mo sa pangalawa, hindi na.” pagbibiro ni Kaye saka ito tumawa.“Mangyayari yun after 10 years. Kapag nirenew namin ang vow namin. At sa tingin k
Galit na galit na nagwala si Rafael sa loob ng office niya. Nanggagalaiti siya sa galit at inis. Kung pwede niya lang suntukin sa mukha ang pamangkin niya, ginawa niya na sana pero kinokontrol niya ang sarili niya dahil hindi pwedeng siya ang mapaalis sa kompanya.Humugot ng malalim na buntong hini
Tinitigan ni Kian si Ayesha na para bang pati kaluluwa nito ay nakikita niya na. Ngumisi si Ayesha na para bang hindi man lang siya naaapektuhan sa mariing pagtitig ni Kian sa kaniya.Pakiramdam ni Kian ay huminto ang oras.“Hindi mo matanggap?” nakataas ang kilay na tanong ni Ayesha. Nang-aasar pa
Nililinis ni Ayesha ang mga laruan ng anak niya na nagkalat sa sala nang tawagin siya ng mommy niya.“Pupunta ang anak ng Daddy Dexter mo dito anak. Hindi ka ba busy? Pwede mo ba akong tulungang magluto ng mga paboritong pagkain niya?” bakas ang excitement sa boses ni Emma dahil sa limang taon na l
Sinimulang gawin ni Kian ang mga trabaho niya sa kompanya ng kaniyang ama. Hindi niya akalain na tatambakan siya dito ng maraming gawain. Hindi mahirap ang trabaho niya sa Germany pero kung sabagay, ito ang main branch ng kompanya ng kaniyang ama.Pangarap niya rin ang maging CEO dito at nakuha niy







