Share

Forbidden Heat Between Us
Forbidden Heat Between Us
Author: Rhea mae

Kabanata 1.1

Author: Rhea mae
last update Petsa ng paglalathala: 2026-03-02 14:15:26

Nakangiting nilapitan ni Ayesha ang kaniyang ina. Hinalikan niya ito sa pisngi at niyakap ito.

“Congrats mom, you deserve this happiness.” Masayang saad ni Ayesha sa kaniyang ina na bagong kasal. Sa Las vegas ginanap ang kasal ng kaniyang ina kaya nagtungo silang magkakaibigan ng Las Vegas para makadalo.

“Thank you anak. Thank you dahil sinuportahan mo ako sa lahat ng bagay na gusto ko. Thank you dahil nakarating kayo ng mga kaibigan mo.” Kinuha ni Ayesha ang wineglass niya saka niya ito itinaas sa harap ng kaniyang ina. Bahagya namang natawa si Emma. Pinagsalubong nila ang mga wineglass nila at sabay iyun na ininom.

“Deserve mo naman ‘to mom. Nasa middle age ka pa lang at kailangan mo talaga ng makakasama habang tumatanda. Siya nga pala, hindi ba pumunta ang anak ni Tito Dexter?” kunot noo niyang tanong. Inaasahan ni Ayesha na makikita at makikilala niya ngayon ang binatang anak ng stepfather niya pero matatapos na ang kasal, hindi pa rin niya ito nakikilala.

Napabuntong hininga naman si Emma.

“Nandito na siya kanina pero ewan ko ba, bigla rin siyang umalis. Siguro hindi pa niya tanggap na ikakasal na ulit ang daddy niya. Hayaan na lang natin. Balang araw, makikilala mo rin siya.” Napapailing na lang si Ayesha. Ang alam niya ay tatlong taon ang tanda nito sa kaniya.

“Ang tanda niya na para hindi intindihin ang daddy niya. Anyway, ayaw kong sirain ang special day mo mom ng dahil lang sa lalaking yun. Kung hindi ka niya matanggap as his new mom, hindi ko rin siya gustong makilala at makita pa.” pagtataray ni Ayesha.

“Anak, lower your voice. Hindi pa rin maganda ang relasyon ng Tito Dexter mo at ng anak niya. Hayaan na lang muna natin siya. Balang araw, lalambot din ang puso nun.” Napapaikibit balikat na lang si Ayesha.

“Ano pa nga bang magagawa ko? Aalis na rin kami ng mga kaibigan ko mamaya mom kapag wala na kayong mga bisita. Gusto naming magcelebrate dahil kagagraduate namin ng college.” Napangiti naman si Emma at tumango sa kaniyang anak.

Nang matapos ang kasal ay masayang masaya silang tatlo na magkakaibigan na nagtungo ng bar para magcelebrate.

“Let’s enjoy the alcohol now! Wala ng makakapigil sa atin dahil tapos na tayo sa acads!” sigaw ni Lalaine, ang isa sa mga kaibigan ni Ayesha. Masayang masaya nilang ininom ang alak na ginawa ng bartender sa kanila.

Napapasigaw na lang sila dahil sa tapang ng alak na ininom nila. Mainit itong humagod sa lalamunan nila at ramdam pa rin nila ito hanggang sa tiyan nila.

“Grabe, ang init nun!” sigaw naman ni Kaye na napapapikit na lang sa pait ng alak.

“Mga Pilipino rin pala kayo. Want more?” tanong ng bartender na kapwa nila Pilipino. Nagkakatinginan na lang silang magkakaibigan at nginitian ang lalaking bartender.

“Kuya, yung ladies drink lang. Huwag naman yung hard alcohol dahil baka hindi pa lang kami nag-eenjoy may tumatawag na sa amin ng uwak!” angil ni Kaye na ikinatawa nilang magkakaibigan.

“Sige ma’am, ipapatikim ko sa inyo ang pinakamasarap kong mix drink.” Anas naman ng bartender na ikinatuwa nila.

Samantala naman, nasa second floor si Kian Reeve, ang stepbrother ni Ayesha na hindi niya nakita sa kasal. Kasama rin nito ang mga kaibigan niya. Napapailing na lang si Nigel habang pinapanuod niya si Kian na dire-diretsong nilagok ang alak.

“Ano ba kasing problema mo? Hindi ka masaya na ikinasal ulit ang daddy mo?” tanong ni Nigel. Hindi sumagot si Kian, diretso lang itong umiinom ng alak.

“Ang balita ko may stepsister ka na mas bata sayo. Hindi ka ba masaya na may kapatid ka na?” pang-aasar ni Marco pero sinamaan siya ng tingin ni Kian.

“You know what bro, hindi naman masamang magmove on ka na sa nakaraan. Bakit hindi mo na lang yakapin kung anong buhay mo ngayon at ng daddy mo?” seryosong wika ni Nigel.

“Hey, easy bro. Para kang mauubusan ng alak eh.” Pangpipigil ni Marco nang lagukin ni Kian ang isang bote ng alak. Pabagsak na ibinaba ni Kian ang bote saka siya bumuga ng hangin.

“Pumunta naman ako sa kasal niya. Yun ang usapan namin pero hindi ko sinabi na magtatagal ako.” Sagot niya. Bakas na ang kalasingan dahil namumungay na ang mga mata nito. Napapailing na lang si Nigel at Marco sa kaniya.

Samantala naman, tuwang-tuwa ang tatlong magkakaibigan na nagsasayaw sa dance floor. Malakas na rin ang epekto ng alak sa mga katawan nila. Pare-pareho na silang lasing pero ayaw pa rin nilang bumalik sa mga hotel room nila.

“Woooaahhh! Congrats to us! Grabe, after four years sa college nakapag-inom din tayo ng ganito!” sigaw ni Lalaine habang sumasayaw sila.

“Hoy, Ayesha, baka gusto mo namang lumandi ngayong gabi.” Nagtatawang sambit ni Lalaine na sinang-ayunan naman ni Kaye. Sila lang ang nakakaalam na no boyfriend since birth ang kaibigan nila.

“Malay niyo, lumandi rin ako mamaya.” Pagbibirong sagot ni Ayesha na ikinatawa nilang tatlo. Nagpatuloy ang kasiyahan nila hanggang sa makaramdam ng pagduduwal si Ayesha.

Gegewang gewang siyang naglakad papuntang comfort room para sumuka at umihi. Gusto niyang isubsob ang mukha niya sa bowl pero nasa public comfort room siya. Sari-sari ang mga umiihi at gumagamit ng bowl kaya pinilit niyang tumayo ng maayos habang nakasandal ang mga kamay niya sa pader.

Halos maubusan siya ng lakas sa kakasuka niya.

“Damn it! Sino ba kasing nagsabi na sobrahan mo ang pag-inom ng alak?!” naiinis niyang usal sa sarili niya. Itinali niya na ang mga buhok niya dahil ayaw niyang masukaan ang mga ito. Nang matapos siya ay lumabas na siya ng cubicle saka siya naghilamos at tiningnan ang sarili sa salamin.

Pulang pula na ang mga pisngi niya at tila antok na antok na ang mga mata niya dahil sa kalasingan.

“You should enjoy this night, Ayesha. Ngayon ka lang naman uminom ng ganito.” Anas niya sa sarili niya. "Walang uuwi ng hindi gumagapang!" wika pa niya.

 Napabuntong hininga na lang siya kapag naaalala niyang hanggang ngayon single pa rin siya. Maganda naman siya at maputi pero lahat ng nanliligaw sa kaniya binabasted niya dahil gusto niyang magfocus sa pag-aaral. Ngayon namang nakagraduate na siya, wala na ulit naglakas loob na ligawan siya.

Lumabas na siya ng cr at gegewang gewang pa rin siya.

Nang mabangga siya ng isang babae ay muntik pa siyang sumobsob sa sahig, mabuti na lamang at may nakasalo sa kaniya. Napayakap siya sa lalaking sumalo sa kaniya para suportahan ang sarili niya.

“Fuck!” mahina niyang usal dahil tila umiikot na naman ang mundo niya.

"Miss, if you don’t intend to let go, just say it. I’m not a stand you can cling to the whole night." Masungit na wika ni Kian. Namumungay naman na ang mga mata ni Ayesha nang tingnan niya si Kian. Nginitian niya ito.

"Would you like to dance with me?" pag-aaya ni Ayesha. Kunot noo naman ng nakatingin si Kian sa kaniya. Pareho na silang lasing at tila ba parehong may gustong kalimutan pansamantala.

Nakipagsayaw si Ayesha kahit na lasing na lasing na siya. Pareho na nilang hindi alam ang ginagawa pero masaya silang kasama ang isa’t isa.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 57.3

    Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ayesha nang mahiga siya sa malambot nilang kama.“Sa dami ng nangyari, pakiramdam ko mas malambot yung kama ngayon. Masarap matulog dahil payapa at tahimik na ulit ang lahat.” Masayang saad ni Ayesha. Napangiti naman si Kian saka niya nilapitan si Ayesha at siniil ito nang halik.“At hindi mo rin alam kung paano ko na pinipigilan ang sarili ko na hindi ka galawin. It’s been four months simula nang huli nating sex. Gigil na gigil na ako sayo, hindi mo lang alam.” Nanggigigil pang sambit ni Kian. Natawa naman si Ayesha saka niya hinaplos ang ilong ni Kian gamit ang hintuturo nito.“Alam mo, hindi naman na ako maselan sa pagbubuntis ko ngayon. Nastress lang ako last month kaya ako dinugo. Hindi mo ba alam na mas malibog ang mga babae kapag buntis?” mapaglarong sagot ni Ayesha. Tiningnan ni Kian ang malaking tiyan ni Ayesha. Anong posisyon naman ang gagawin nila para magsex?“Are you sure? Pwede kang i-sex? Aprobado ba yan ng OB mo?”“Oo

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 57.2

    Naging mabilis ang final hearing kaya naroroon na naman silang lahat para malaman ang desisyon ng korte tungkol sa mga kaso ni Rafael.Tahimik lang silang lahat na naghihintay sa judge. Sa sobrang tahimik ay rinig na nila ang bawat paghinga nila.Nasa harap pa rin si Rafael, nakaposas, nakayuko, at tila wala nang natitirang lakas para lumaban pa. Sa likod niya, naroon si Lalaine at ang pamilya nito, tahimik, pero halatang pagod na rin sa sunod-sunod na emosyon at katotohanang bumagsak sa kanila.“This court has reviewed all evidences, witness testimonies, financial records, and recordings presented by the prosecution.” Sandaling tumigil ang judge, habang ramdam ang tensyon sa buong silid.“The defendant, Rafael Villanos, is charged with multiple counts including conspiracy to commit murder,

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 57.1

    Mas mahigpit ang security sa loob ng courtroom nang araw na iyon para maiwasan ang posibleng gulo. Mas marami ring media ang nasa labas ng korte para malaman ang susunod na mangyayari sa hearing.Tahimik lang na nakaupo si Rafael habang napapalibutan ng mga pulis. Halata sa mukha nitong ilang araw na itong hindi nakakatulog nang maayos. Tila ba biglang bumilis ang pagtanda niya sa ilang araw pa lang niyang pagkakakulong.Samantala, nasa kabilang side naman sina Kian, Dexter, Emma, Ayesha, at ang iba pa nilang kasama. Ramdam pa rin ang tensyon sa pagitan ng lahat.“All rise.” Agad na tumayo ang lahat nang pumasok ang judge. Nagsimula muli ang hearing pagkatapos maupo ng lahat.“The prosecution may call its next witness,” saad ng judge. Tahimik na tumayo ang prosecutor bago tumingin sa p

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 56.3

    Naglalakad si Ayesha papunta sana sa marketing department nang biglang humarang sa kaniya ang isang babae.“Lalaine?” gulat niyang sambit. “Anong ginagawa mo rito?” kunot noo niyang tanong.“Ayesha, please naman, kumbinsihin mo si Uncle Dexter at ang mommy mo na huwag na lang ituloy ang kaso. Promise, babayaran namin paunti-unti ang mga ninakaw ni daddy sa kompanya ni Uncle Dexter. Nangangako rin ako na aalis na kami rito sa Pilipinas kapag binigyan niyo ng second chance si daddy na makalaya. Magpapakalayo-layo na kami at kahit kailan hindi na kami tatapak sa bansang ‘to. Pakiusap lang, huwag niyo nang ipakulong si daddy.” Patuloy na pakiusap nito. Bahagyang lumayo si Ayesha kay Lalaine. Yakap-yakap niya ang isang folder na hawak-hawak niya.“I’m sorry, Lalaine but I can’t do—&rdq

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 56.2

    Masayang lumabas ng courtroom ang pamilya ni Dexter. Sa lakas ng ebidensya na nakalap ng mga lawyers nila ay imposible pang makalabas ng kulungan si Rafael hanggang sa mahatulan ito.“Saan niyo gustong maglunch tayo? My treat.” Masayang saad ni Dexter sa pamilya niya kahit na may kirot sa puso niya para sa kuya niya. Akala niya ay okay sila pero mukhang may itinatago palang sama ng loob sa kaniya ang kuya niya.“Uncle Dexter! Uncle Dexter!” napatigil sila sa paglalakad nang marinig nila ang boses ni Lalaine. Mabilis itong humarang sa harap nila at lumuhod.“Lalaine!” gulat na sambit ni Kian sa pinsan niya. Itatayo sana ni Kian si Lalaine nang nagpumiglas si Lalaine. Nakaluhod ito at nakayuko ang ulo niya habang umiiyak.“Ako na po ang nagmamakaawa. Pakiusap, iurong ni

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 56.1

    Mabigat ang buong atmosphere sa loob ng courtroom. Halos walang marinig kundi ang mahinang bulungan ng mga taong naroon at ang tunog ng mga camera mula sa media sa labas ng korte. Punong-puno ang gallery dahil sa bigat ng kaso ni Rafael. Hindi sila makapaniwala na magagawa ni Rafael na kalabanin ang nag-iisa at sarili nitong kapatid.Tahimik na nakaupo si Rafael sa gilid kasama ang abogado niya. Nakaposas pa rin ang mga kamay nito habang seryoso ang mukha. Wala na ang dating kumpiyansa at yabang na palagi nitong dala.Sa kabilang side naman ay naroon sina Kian, Dexter, Ayesha, at Emma. Halatang pagod at emotionally drained ang lahat matapos ang sunod-sunod na nangyari nitong mga nakaraang buwan.Mahigpit ang pagkakakuyom ng kamao ni Dexter habang nakatitig kay Rafael. Kung hindi lang sila nasa loob ng korte, baka kanina pa niya ito nasuntok. Han

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 8.1

    Matapos ang pag-uusap nila ni Kian ay tila gumaan ng kaunti ang dibdib ni Ayesha. Masyado lang sigurong mataas ang pride ni Kian. Kahit na alam nitong nagkamali siya, ayaw pa rin niyang aminin at ayaw niyang humingi ng tulong sa iba.Kung sabagay, bakit pa nga ba siya hihingi ng tulong kung kayang

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 7.2

    Nilalaro ni Ayesha ang ballpen sa mga daliri niya. Wala na siyang balita sa project. Gusto niya sanang magtanong pero baka makatanggap lang siya ng galit.“Bahala na siya sa buhay niya. Kung alam niya naman ang ginagawa niya then good for him.” Anas niya na naman sa sarili niya. Pinilit niyang ibal

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 9.2

    Nang lumabas ng kwarto si Kian ay nakaluto na rin si Ayesha. Amoy na amoy ni Kian ang mga niluto nito.“Good morning! Kain na tayo.” Nakangiting bati ni Ayesha saka niya inalis ang apron niya. Nakatingin naman si Kian sa mga niluto ni Ayesha. Fried rice, frozen foods at fried chicken ang nakahanda.

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 8.3

    Galit na galit na nagwala si Rafael sa loob ng office niya. Nanggagalaiti siya sa galit at inis. Kung pwede niya lang suntukin sa mukha ang pamangkin niya, ginawa niya na sana pero kinokontrol niya ang sarili niya dahil hindi pwedeng siya ang mapaalis sa kompanya.Humugot ng malalim na buntong hini

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status