LOGINNapapasabunot na lang si Ayesha sa buhok niya habang inaalala niya ang nangyari kagabi. Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya. Hindi niya naman magawang sisihin ang lalaking nakasama niya kagabi dahil maraming beses siya nitong sinabihan na baka pagsisihan niya ang mangyayari sa kanila pero siya pa ang nagpumilit na may mangyari sa kanila.
“Damn it!” inis na sambit ni Ayesha.
“Girl, hanap kami nang hanap sayo kagabi. Ang sabi mo iihi ka lang pero hindi ka na bumalik. Akala namin nauna ka nang bumalik ng hotel pero wala ka. Gusto ka naming hanapin kahit saan pero lasing na rin kami. Tawag kami nang tawag sayo pero hindi ka sumasagot.” Wika ni Lalaine nang magising na sila.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ayesha. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwalang nawala na ang virginity niya ng dahil lang sa isang gabi.
“Sabihin mo nga, saan ka ba talaga nagpunta? Saan ka natulog at sino ang kasama mo?” sunod-sunod na tanong ni Kaye. Tiningnan na ni Ayesha ang mga kaibigan niya. Wala siyang masisisi sa kanila dahil kasalanan niya ang lahat. Kung hindi siya sumama sa lalaking hindi niya naman kilala, hindi mangyayari ang lahat ng ‘to.
“Disgrasya.” Sagot niya. Mabilis na umupo si Kaye sa harap ni Ayesha. Nakangiti na ito kaya tinaasan ni Ayesha ito ng kilay.
“Ano ba talagang nangyari? May guy kang kasama kagabi? Magkasama kayong natulog? Sabihin mo nga, isinuko mo na ba ang perlas ng silanganan?!” malakas na saad ni Kaya kaya napapairap na lang si Ayesha. Curiuos na rin si Lalaine kaya lumapit na rin siya kay Ayesha.
“Kilala mo ba yung nakasama mo? Foreigner din ba?” tanong na rin ni Lalaine.
“Hindi, Pilipino rin.” Diretso niyang sagot dahil wala naman siyang maitatago sa mga kaibigan niya. Gulat na nagkatinginan si Lalaine at Kaye.
“Girl! Ano ka ba naman! Isinuko mo nga?” tila hindi pa makapaniwalang tanong ni Kaye. Inis na tumayo si Ayesha saka siya tumalikod sa mga kaibigan niya.
“Anong magagawa ko?! Lasing na lasing ako. Ang nakakahiya pa, ako pa yung nag-insist na may mangyari sa amin. Bwisit talaga oh.”
“Ang sinasabi namin sayo, magboyfriend ka naman pero hindi namin sinabi sayo na isuko mo ang bataan mo ng hindi ka pa kasal! Bastos lang ang bunganga namin ni Lalaine pero hindi ka namin itinutulak to have sex with someone you didn’t know. Ang tanga mo, Ayesha.” Seryosong saad ni Kaye. Napapabuntong hininga na lang si Ayesha dahil wala na siyang magagawa para ibalik ang virginity niya.
Nangyari na ang hindi dapat mangyari.
“Nakuha mo man lang ba ang pangalan ng lalaking yun?” tanong ni Lalaine. Umiling naman si Ayesha.
“Para saan pa? Una at huli na naming pagkikita yun. Isang gabing pagkakamali lang yung nangyari sa amin. Hindi na dapat pang sundan saka hindi ako interesado sa kaniya.” Sagot ni Ayesha. Napapailing na lang si Lalaine at Kaye sa kaniya. Tila nakokonsensya dahil sa pagtutulak nila sa kaibigan nila na magboyfriend naman ito.
Samantala naman, nagising si Kian nang tumunog ang cellphone niya. Inaantok pa niyang kinuha ito sa side table.
“What?” masungit niyang sagot sa kabilang linya.
“Where are you? Pauwi na ng Pilipinas ang stepsister mo, gusto ko sanang makilala ka niya bago siya maunang umuwi ng Pilipinas. Hindi ka ba talaga magbibigay galang man lang sa stepmother mo?” boses iyun ng kaniyang ama. Inis na tiningnan ni Kian ang screen ng cellphone niya at ang kaniyang ama nga ang tumawag.
“Tumupad na ako sa usapan natin dad, nagpunta ako sa araw ng kasal mo pero hindi ko sinabing magtatagal ako dun. Marami rin akong ginagawa kaya huwag mo akong aabalahin. Hindi sila importanteng tao para unahin ko.” Masungit niyang sagot saka niya pabagsak na ibinaba ang cellphone niya sa side table.
Dahil sa inis niya ay hindi na ulit siya inantok. Bumangon na siya at sumandal sa head rest. Ramdam pa rin niya ang kirot ng ulo niya dahil sa alak. Nang maalala niyang may nakasama siyang babae kagabi ay nilingon niya ang gilid niya pero wala na ito.
“Saan nagpunta yun?” tanong niya pero naipilig niya na lang ang ulo niya. Bakit pa ba siya interesado sa babaeng mabilis makuha?
Nagtungo na siya ng bathroom para makaligo at maalis na rin ang amoy ng babaeng nakasama niya. Nang matapos siya ay kinuha niya ang cellphone niya pero napansin niya ang pera. Hindi niya yun napansin kanina.
“Saan ‘to galing?” usal niya sa sarili niya. Natawa na lang siya ng maisip na posibleng nag-iwan ng pera ang babae sa kaniya para sa isang gabi.
“Fuck! Anong tingin niya sa akin? Bayaring lalaki?!” may diin niyang sambit. Kinuha na ni Kian ang mga gamit niya at bago siya umalis ay tiniklop niya ang kumot nila. Napahinto siya sa ginagawa ng makita niya ang blood stain sa bedsheet.
Dun niya lang naalala na virgin pa ang babaeng nakasama niya kagabi. Hindi siya katulad ng ibang babaeng mabilis ibigay ang sarili sa kung sino-sinong mga lalaki.
Ang perang iniwan ni Ayesha ay iniwan ulit ni Kian sa side table at nag-iwan ng note. Bayad na dahil nadumihan ang bedsheet.
Umalis na rin si Kian at nang makasakay siya ng sasakyan niya ay dun pa lang niya inopen ang cellphone niya. Kita niya ang sunod-sunod na tawag ng mga kaibigan niya sa kaniya. Nagmessage na lang siya sa mga ito na buhay pa siya.
Habang nagdadrive siya pauwi ng bahay niya ay hindi niya maalis sa isip niya ang babaeng nakasama niya kagabi. Kahit papaano ay nawala ang iniisip niya kagabi at napasaya rin siya ng babaeng ito.
“She’s a filipina too,” anas niya sa sarili niya dahil pareho silang nagtatagalog. Ipinilig na lang ni Kian ang ulo niya. Bakit pa ba siya interesado sa babaeng isang gabi niya lang naman nakasama?
----
Paalis na ng Las Vegas si Ayesha kasama ang mga kaibigan niya. Inihatid sila sa airport ng kaniyang ina at ang bagong asawa nito.
“Ayesha, iha, pasensya ka na kung hindi nagpunta ang anak ko para makilala niyo ang isa’t isa. Hayaan mo, sa susunod baka sakaling bumisita sa atin.” Wika ni Dexter kay Ayesha. Tipid lang namang ngumiti si Ayesha sa stepfather niya.
“Okay lang po Tito pero sana nga sa susunod magpakita naman siya sa amin. Hindi ko naman siya pipilitin na tanggapin niya kami bilang pamilya niya. Ayaw ko lang po sanang babastusin niya ang mommy ko.” Tumango naman si Dexter. Hinawakan ni Emma ang kamay ng kaniyang anak saka siya tipid na ngumiti.
“Mag-iingat kayo. Magmessage ka kaagad sa akin kapag nakarating ka na ng Pilipinas okay?”
“Yes mom, don’t worry about us. Kaya na namin ang mga sarili namin. Enjoy kayo sa honeymoon niyo dito.” Humalik na si Ayesha sa pisngi ng kaniyang ina saka niya hinila ang maleta niya.
“Ikaw na ang bahala sa mommy ko, Tito.” Baling ni Ayesha kay Dexter.
“Don’t worry iha, kasal na rin kami ng mommy mo kaya you should call me daddy from now on.” Tumango at ngumiti naman si Ayesha. “Siya nga pala, nasabi ko na sa secretary ko ang pagpasok mo sa kompanya. Siya na lang ang kontakin mo habang nandito pa kami ng mommy mo.” Dagdag pa ni Dexter.
“Sure po,” sagot ni Ayesha saka sila umalis na.
Lumipat na sila ng bahay at nang ipablessing nila ito ay kasama ulit nila ang pamilya at mga kaibigan nila. Nagkaroon sila ng kaunting celebration sa pool area.“Grabe, ang ganda ng bahay niyo. Itong pool area niyo para siyang private villa. Nandito na lahat. May sarili rin kayong grocery store sa loob ng bahay. May gym, may basketball court. Sa lawak ng bakuran niyo pwede talagang maggolf. Hindi ko ‘to naisip. Gusto ko ganito rin kalawak ang magiging bakuran ko. Hindi masyadong malaki ang bahay pero malawak ang bakuran.” Namamanghang saad ni Kaye habang nakamasid sa paligid.Nag-iihaw sila ng mga barbecue, hotdogs, isaw at atay ng baboy.Kahit na mag-ingay sila, magtawanan at magsigawan. Walang susuway sa kanila dahil malayo ang mga kapitbahay nila sa lawak ng bakuran nina Ayesha.“I agree with you. Ang ganda ng paligid, ang peaceful at nakakaalis ng stress. May sarili pa siyang garden ng mga flowers at mga plants. May egg farm pa yan sila. Gusto ko rin ng ganito. Bibili rin ako ng ma
Nang matapos ang celebration ay pumasok na silang lahat sa kaniya-kaniya nilang room. Magkasama na si Kian at Ayesha. Pareho na silang bagsak sa kama nila. Parehong nakatulala sa kisame at pinoproseso sa isip nila ang lahat ng nangyayari. Ramdam na nila ang pagod at puyat but they are still happy.Bumangon na si Ayesha saka niya tiningnan ang lahat ng mga regalo para sa kanila. Wala na silang lakas na buksan pa ang mga ito dahil baka sikatan na sila ng araw, hindi pa sila tapos.Nasa lamesa naman ang mga cash gift para sa kanila.“Matulog na tayo love.” Ani ni Kian saka niya hinila si Ayesha at niyakap ito. Wala na silang ibang gustong gawin kundi ang matulog at mabawi ang lakas nila. Naubos ang lahat ng lakas nila sa maghapon nila. Madaling araw na rin natapos ang mga paactivities nila. Nagpapasalamat sila dahil kahit na ginabi na ang celebration, hindi pa rin umuwi ang mga bisita nila. Tinapos nilang lahat ang activities at tuwang-tuwa sila sa mga papremyo.Kinabukasan, masarap pa r
Nang matapos ang hapunan at mga speeches, lalo pang naging masaya ang atmosphere sa loob ng reception hall. Punong-puno ng tawanan ang buong reception hall habang abala ang mga bisita sa pakikipag-usap sa isa't isa. Sa bawat mesa ay maririnig ang masasayang kwentuhan at pagbati para sa bagong kasal.Samantala, nakaupo sina Kian at Ayesha sa kanilang sweetheart table habang pinagmamasdan ang mga taong dumalo sa kanilang kasal. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ni Kian. Matapos ang lahat ng pinagdaanan nila, narito na sila ngayon. Magkasama bilang mag-asawa."Ladies and gentlemen!" Agad na napalingon ang lahat nang marinig ang boses ng host.Ngumiti ito habang hawak ang mikropono."I hope everyone is having a wonderful evening!" Sabay-sabay na pumalakpak ang mga bisita. Excited sa iba pang activities ngayong gabi."Now, it's time for one of the most exciting parts of the reception." Agad na nagkatinginan ang mga babae sa loob ng reception hall. "The bouquet toss!" Malakas na sigaw ng h
Pinunasan ni Ayesha ang mga luha niya saka siya bumuga ng hangin at muling tiningnan si Kian. Sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha ni Ayesha na tila ba wala na siyang magagawa kundi ang hayaan.“Ang daming hirap, ang daming pagsubok. At nagpapasalamat ako dahil hindi ka sumuko. Dumating man ang mga araw na pati ako hindi ko na maintindihan ang sarili ko, maraming salamat kasi nandyan ka. Pinipilit mo akong intindihin. Salamat sa mahabang pasensya mo para sa akin. Sobrang swerte ko dahil hindi mo man lang iniisip na nagdadrama lang ako, ginagamit ko lang ang salitang postpartum stress. You supported me. Sinasamahan mo ako kahit na ang kalaban ko na ay ang sarili ko. Salamat kasi napakabuti mong ama sa mga anak natin. Pinaglaban mo yung pagmamahal mo sa akin kahit na ang kalaban natin ay ang buong mundo. Grabe ka magmahal at dun pa lang panalo na ako. Alam mo kung anong iniisip ko sa tuwing nakikita ko ang mga anak natin? Nagawa kong pumili ng mabuting ama para sa kanila. Napakahand
Nasa likod na ng malalaking kurtina si Ayesha. Ilang minuto na lang ay bubuksan na ang mga kurtina at makikita niya na ang lalaking naghihintay sa kaniya sa altar. Napatingin siya sa paligid niya. Maganda ang panahon ngayon. Hapon ang pinili nilang oras para hindi mainit sa mga bisita lalo na at labas sila.“Ma’am ready po,” paalala sa kaniya ng organizer. Muli siyang huminga ng malalim. Malakas na naman ang kabog ng didbib niya at ganun din si Kian na nasa altar na.Pakiramdam niya ay napakatagal para buksan ang mga kurtina kung nasaan si Ayesha. Huminga rin siya ng malalim. Excited na siyang makita ang magiging asawa niya na ngayong araw.“Relax, para kang mahihimatay sa itsura mo eh.” Pang-aasar na naman ni Nigel.“Oh, come on! Shut up!” mahinang sagot ni Kian. Natawa na lang si Nigel.Rinig na nila ang live singer nila na kinakanta ang wedding song nila. Ang lahat ay nakatingin na sa dulo ng aisle. Hinihintay na lumabas si Ayesha. Dahan-dahan na ring iniangat ang kurtina.Kahit na
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ayesha habang nakaharap siya sa salamin. Sinisimulan na siyang ayusan ng mga make-up artist niya. Ilang oras na lang ay magsisimula na ang ceremony at ilang oras na lang din ang natitira, opisyal na siyang isang Mrs. Villanos.Malakas ang kabog ng dibdib niya. Gumawa siya ng vow niya para kay Kian pero tila ba mabablangko siya kapag nasa harap niya na si Kian at marami na ang nakikinig sa kaniya.Kinakabahan siya at kahit na pakalmahin niya ang sarili niya, wala pa ring nangyayari. Malakas pa rin ang kabog ng puso niya na halos marinig niya na ang tambol nito.“Are you okay?” napatingin si Ayesha sa salamin para makita ang nasa likod niya. Nasa room niya naman na ang dalawa niyang kaibigan.“Yeah, a little bit nervous.” Sagot niya. Napangiti naman si Kaye at Lalaine.“First time mo eh. Malay mo sa pangalawa, hindi na.” pagbibiro ni Kaye saka ito tumawa.“Mangyayari yun after 10 years. Kapag nirenew namin ang vow namin. At sa tingin k
Matapos ang pag-amin ni Kian ay hindi na yun nawala sa isip ni Ayesha. Sa mga nakalipas din na araw ay hindi niya nakita si Kian. Hindi rin sila nagkakasalubong o nagsasabay sa elevator. Hindi alam ni Ayesha kung nagpalipat ba ng branch si Kian o kung bumalik na ba ito ng Germany. Wala siyang balit
Diretsong tiningnan ni Kian sa mga mata si Ayesha. Tila ba may hinahanap. Gusto niyang marinig ang isang sagot pero nananatili pa ring tahimik si Ayesha. Napayuko si Ayesha, humugot ng malalim na buntong hininga.Hindi pa rin niya alam ang sasabihin dahil kahit anong sabihin niya, pakiramdam niya p
Tulalang nakatingin sa kawalan si Kian habang pinapaikot niya sa mga daliri niya ang hawak niyang ballpen. Mag-iisang linggo na simula nang umamin siya kay Ayesha ng nararamdaman niya pero hindi niya akalain na tatanggihan siya nito.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya saka niya m
Nang makita ni Ayesha na tumatawag sa gc ang mga kaibigan niya ay sinagot niya ito dahil wala naman siyang masyadong ginagawa.“Ano bang problema mo? Pwede bang diretsuhin mo na lang kami dahil ang hirap manghula. Ikaw ba ang bibigyan namin ng advice o kung sino man yung sinasabi mo.” Salubong na t







