LOGINNililinis ni Ayesha ang mga laruan ng anak niya na nagkalat sa sala nang tawagin siya ng mommy niya.
“Pupunta ang anak ng Daddy Dexter mo dito anak. Hindi ka ba busy? Pwede mo ba akong tulungang magluto ng mga paboritong pagkain niya?” bakas ang excitement sa boses ni Emma dahil sa limang taon na lumipas, ngayon lang bibisita ang anak ng asawa niya.
Ngumiti naman si Ayesha.
“Oo naman po. Mamimili pa ba tayo ng mga ingredients?” tanong niya saka siya tumayo at nilapitan na ang kaniyang ina.
“Nakapaggrocery na ako kanina. Magluluto na lang tayo. Nasabi kasi sa akin ng daddy Dexter mo na nakauwi na ng bansa ang anak niya. Ngayon lang natin siya makikita kaya gusto ko sanang ipagluto siya ng mga paborito niya.” tumango at ngumiti na lang si Ayesha. Gusto niya ring makilala ang stepbrother niya pero dahil hindi ito umuuwi ng Pilipinas, hindi pa rin nila ito nakikilala sa loob ng limang taon.
Nagluto silang dalawa ng mga pagkain para kay Kian. Ibinuhos nila ang oras nila para sa pagluluto. Nakangiti pa si Emma dahil matagal niyang hinintay na makilala na ang stepson niya.
Nang matapos silang magluto ay nagpaalam na muna si Ayesha na maliligo muna siya. Gusto niyang humarap sa stepbrother niya ng maayos at mabango. Kumapit sa damit niya ang amoy ng niluluto nila kanina kaya kailangan niyang magbihis.
“Zayn, anak, magbihis ka na. Kakain na rin tayo ng dinner.” Nakangiting saad ni Ayesha sa anak niya. Four years old na ito at kung magsalita ito ay hindi na putol-putol.
“Opo mommy,” magalang nitong sagot. Nilapitan na ni Zayn ang babysitter niya para tulungan siyang maghugas at magbihis. Nang matapos sila ay lumabas na silang mag-ina.
Nakaready na ang lahat ng mga pagkain sa lamesa.
“Wow, ang daming pagkain. Ano pong celebration mommyla?” tanong ni Zayn nang makaupo na ito sa upuan niya.
“Darating ang Tito mo, ang anak ng daddy Dexter. Behave ka lang ha?” nakangiting sagot ni Emma. Nakangiti namang tumango si Zayn.
Naghintay pa sila ng ilang minuto dahil maging si Dexter ay hindi pa umuuwi. Hindi pa rin ito tumatawag o nagmemessage.
“Pauwi na po ba sila?” tanong ni Ayesha sa kaniyang ina. Akma na sanang tatawagan ni Emma ang asawa niya nang bigla itong dumating.
“Hon, nandiyan ka na pala. Tatawagan na sana kita dahil kanina pa ready ang mga food. Nandyan na ba ang anak mo? Where is he?” excited na tanong ni Emma saka tumingin pa sa likod ni Dexter dahil baka nakasunod lang ang anak nito pero wala siyang makita.
Napabuntong hininga naman si Dexter saka siya umiling.
“Ayaw niyang pumunta.” Tipid niyang sagot na ikinawala ng mga ngiti ni Emma.
“Ganun ba? Sige, maupo ka na at kumain na tayo.” Nawala ang sigla sa boses ni Emma. Naiinis na naman si Ayesha dahil excited na excited pa naman ang mommy niya na makilala ang anak ng daddy Dexter niya.
Tahimik lang silang kumakain at nang matapos na sila ay niligpit na kaagad ni Emma ang mga niluto niya. Nilapitan ni Ayesha ang kaniyang ina. Ramdam niya ang lungkot nito.
“Kung ayaw niya tayong makilala huwag na nating ipilit sa kaniya ang sarili natin lalo ka na mom. Kung ayaw niya sayo, huwag mo ng ipagsiksikan ang sarili mo sa kaniya. Matanda na siya para magrebelde sa mga ganitong bagay. Hindi na siya bata para pigilan pa ang daddy niya na mag-asawa. My God! Limang taon na ang nakalipas, hanggang ngayon masakit pa rin ang loob niya? I’m sorry mom, pero kung ganito ka itrato ng anak ni daddy, ayaw ko rin siyang makita at makilala. I don’t want him to be part of our family. Masyado siyang nagrerebelde. Wala naman tayong ginagawa sa kaniya.” Bakas ang inis sa tinig ni Ayesha dahil palagi na lang silang naghahanda ng mommy niya sa tuwing akala nila ay bibisita na ang anak ni Dexter pero palagi na lang itong hindi sumisipot.
“Hindi natin siya masisisi anak. Nasabi naman na sa akin ng daddy Dexter mo kung bakit galit na galit sa kaniya ang anak niya. Intindihin na lang natin siya. Masyado lang siguro siyang nasaktan sa pagkawala ng mommy niya noon. Bigyan pa natin siya ng panahon na matanggap niya tayo.” Napapairap na lang si Ayesha sa kabaitan ng mommy niya.
---
Tulog pa ang anak niya kaya hinalikan niya na lang ito sa noo at pisngi. Papasok na siya ng kompanya. Kailangan pa niyang ipasa ang proposal niya. Dapat bago magdalawang linggo ay matapos niya na.
Maganda ang mood niya nang pumasok siya ng kompanya. Ayaw niyang sirain ang araw niya ng dahil lang sa stepbrother niya na nagrerebelde na parang isang bata.
“Good morning ma’am,” bati ng mga empleyado na nakakasalubong siya. Ngumingiti lang naman siya sa mga ito pabalik. Pagdating niya sa floor ng office niya ay naririnig niyang nagbubulungan ang mga empleyado. Hindi niya na lang pinansin dahil baka may personal lang na pinag-uusapan ang mga ito.
Malapit na siya sa office niya nang biglang may lumipad na mga gamit sa daraanan niya. Napakunot siya ng noo at tiningnan kung sino ang nasa loob.
“Sinabi kong gawin mo na kaagad hindi ba?! Masyado ng matagal ang dalawang linggo. Mahirap ba ang pinapagawa ko?! Kapag naunahan tayo ng mga business rival natin, may magagawa ka ba dun?!” galit na sigaw ni Kian sa secretary niya. Napapayuko na lang ang babae at tila ba malapit na itong umiyak.
“I’m sorry sir, mahirap po talagang tapusin. Imposible din po ang dalawang linggo para matapos ko ang trabaho ko.” Sagot ng secretary. Nakaharap na ito sa sahig dahil sa pagkakayuko niya.
Gustong mangialam ni Ayesha, gusto niyang malaman kung ano bang ikinagagalit ng bagong CEO nila pero ayaw niyang mangialam sa problema ng iba.
Nang lingunin ni Kian si Ayesha ay sakto namang lumampas na ito.
“Ipatawag mo ang lahat ng board. Ako na ang bahalang kumausap sa kanila.” Maawtoridad na utos ni Kian. Mabilis na sumunod ang secretary niya at nagmamadali na itong umalis.
Dumiretso naman si Ayesha sa office niya at hinarap kaagad ang computer niya para simulan na naman ang proposal na kailangan ni Kian.
Nasa kalagitnaan pa lang siya ng ginagawa niya nang nagmamadaling pumasok ang secretary niya.
“Ma’am,” hinihingal pa nitong wika.
“May problema ba? Hingal na hingal ka.” Wika ni Ayesha nang hindi tinitingnan ang secretary niya.
“Nagpatawag ng meeting si Sir Kian. Gusto niyang pasimulan kaagad ang project.” Mabilis na tumayo si Ayesha dahil sa gulat.
“Sigurado ka?” tanong pa niya. Humugot pa ng malalim na hangin si Shane bago siya nagsalita.
“Yes ma’am, yun ang narinig ko. Kanina pa nagpameeting si Sir Kian.” Naikuyom ni Ayesha ang kamao niya at nagngitngit ang mga ngipin niya.
“Bakit ba siya nagmamadali?! Bwisit talaga.” Inis niyang sambit saka siya umalis ng office niya.
Makalipas naman ang halos isang oras ay nakarating na si Kian sa bahay ng kaniyang ama. Bababa pa lang sana siya para kausapin ang guard ng makita niya na si Ayesha. Hindi na siya bumaba ng sasakyan niya dahil binuksan na ng guard ang gate. Ipinasok niya naman na ang sasakyan niya saka niya ito ipinark at bumaba.Sinalubong naman siya ni Ayesha na nakapangtulog na.“Pasensya ka na kung gabi na tinawagan pa rin kita.” Sambit kaagad ni Ayesha nang bumaba si Kian.“Where is he?” tanong niya.“Nasa kwarto.” Pumasok na silang dalawa ng bahay. Tulog naman na si Emma at Dexter kaya hindi na nila alam na dumating si Kian. Pinapasok na ni Ayesha si Kian sa kwarto nila. Naabutan naman nilang umiiyak na naman si Zayn habang sinasambit ang salitang daddy.Inalis ni Kian ang jacket niya saka siya sumampa sa kama at tumabi kay Zayn.“Hi baby, it’s me, daddy.” Usal ni Kian. Bahagyang iminulat ni Zayn ang mga mata niya. Nahiga si Kian sa kama saka niya pinaunan sa braso niya ang ulo ni Zayn at niyaka
Salubong na naman ang mga kilay ni Kian. Binisita naman siya ng mga kaibigan niya sa penthouse niya. Wala naman silang alitan ng uncle Rafael niya pero simula nang siya ang umupo bilang CEO ng kompanya, dun nagsimula ang lahat ng nangyayaring problema sa buhay niya.“Magsagawa ka ng sekretong imbestigasyon laban sa uncle Rafael mo. Kung hindi ka man paniwalaan ni uncle Dexter, iharap mo na lang sa kaniya ang mga ebidensya laban sa kuya niya kapag sapat na ang mga ebidensya mo.” Wika ni Marco. Blangko pa rin ang mukha ni Kian habang nakatanaw ito sa city view. Malalim pa rin ang iniisip niya. Hindi niya alam kung ano bang ginawa niya para hindi siya paniwalaan ng sarili niyang ama.Marahil ay mas malaki ang tiwala nito sa sarili niyang kuya kesa sa sarili niyang anak. Natatawa na lang at napapailing si Kian saka niya hinarap ang mga kaibigan niya.“Alam niyo na ba kung sino ang nagsend ng pera sa bank ko?” tanong niya sa mga ito.“Hindi pa. Mukhang mahihirapan tayong malaman yun.” sago
Nang malaman ni Ayesha ang nangyari ay dumiretso siya kaagad sa office ni Kian. Kumatok pa siya ng ilang beses.“Hannah! Sinabi ko sayong wala kang papapasukin! Kung sino man yan paalisin mo na!” rinig ni Ayesha sa galit ni Kian. Wala naman si Hannah sa working station nito kaya dire-diretso nang pumasok si Ayesha.“Sinabing wala kang papapasukin!” galit niyang sigaw saka niya hinarap si Ayesha. Napatigil siya pero seryoso pa rin ang mukha niya.“Anong ginagawa mo dito?” galit niyang tanong. Wala siyang gustong makausap ngayon lalo na kung pagbibintangan lang siya sa hindi niya naman ginawa.“Ano ba talaga ang totoo? I want to know the truth, Kian. Sabihin mo sa akin, kaya mo talagang gawin yun?” hilaw na natawa si Kian saka niya masamang tiningnan si Ayesha.“Do you believe with them? Do you really believe I can do that?” balik niyang tanong. Hindi nakasagot si Ayesha. May ebidensya na ipinakita sa kaniya at malinaw nga na nasa bank ni Kian ang perang nawawala sa kompanya.“Susubukan
Pumasok na si Ayesha sa kompanya. Nasa lobby pa lang siya ay pansin niya ng may hindi normal sa ikinikilos ng mga empleyado. Nagbubulungan din ang mga ito kaya nagtataka siya kung ano bang nangyayari.May mga empleyado siyang nakasabay sa elevator pero tahimik naman ang mga ito. Paglabas nila ng elevator ay nagsimula na namang magbulungan ang mga empleyado. Nagtataka na siya kung ano bang nangyayari at kung anong meron ngayon sa kompanya.“Ayesha,” napatingin si Ayesha sa tumawag sa kaniya. Napahinto naman siya ng makita niya si Rafael. Nakangiti itong lumapit sa kaniya.“Balita ko naging maayos ang meeting niyo kasama ng mga investors. Alam mo ang galing mo talaga. Kahit mag-isa mo lang kaya mong gawin ang lahat. I’m so proud of you. Nagagawa mo palaging iligtas ang kompanya. Kung may anak lang akong lalaki, irereto talaga kita sa kaniya.” Blangko ang mukha ni Ayesha na nakatingin sa uncle Rafael niya. Iniisip kung ano bang dahilan ng paglapit nito sa kaniya.“May kailangan ka ba un
Itinakbo nila si Zayn sa hospital dahil bigla na lang itong nawalan ng malay. Kinakagat ni Ayesha ang kuko niya habang naghihintay ng balita sa doctor. Hindi niya na rin maiwasang hindi maiyak sa pag-aalala para sa anak niya.“Stop crying. This is all my fault. I’m really sorry.” Nakokonsensyang sambit ni Kian. Pakiramdam niya ay kasalanan niya ang lahat dahil pumasok pa siya sa buhay nilang mag-ina.“Doc, kumusta po ang anak ko? Anong nangyari sa kaniya?” nag-aalalang tanong ni Ayesha nang bumalik na ang doctor.“Too much emotion but he’s fine. Nawalan lang siya ng malay dahil sa sobrang pag-iyak. Magigising din siya mamaya. Pwede rin siyang iuwi mamaya kapag naubos na ang dextrose niya. Kung ano man yung dahilan ng pag-iyak niya ng sobra sana maiwasan yun. Hindi rin maganda na nawawalan ng malay ang bata dahil sa pag-iyak. Posibleng mawalan ng oxygen ang brain niya sa sobrang pag-iyak.” sagot ng doctor. Nakahinga naman ng maluwag si Ayesha pero hindi pa rin niya naiwasang hindi umiy
Nagtungo silang dalawa sa hardin. Ibinaba ni Ayesha ang mga pagkain na kinuha niya sa kusina para makapagmeryenda sila ni Kian habang nag-uusap. Gustong malaman ni Ayesha kung anong mahika ang nangyari sa kanila sa loob ng hotel na yun.“Sabihin mo sa akin, anong nalaman mo?” tanong ni Ayesha. Hindi man siya komportableng pag-usapan ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Kian pero gusto niyang malaman ang totoo.“Si uncle Rafael ang nasa likod ng nangyari sa akin. Nauna ako sa meeting place dahil may gusto akong ayusin. Yung bottled water na ininom ko, may droga pala yun. Kapag nainom mo yun nagpapataas yun ng sexual desire at pagkahilo. Kung naamoy mo yung scent ng hotel room nang hilain kita. Insenso yun na may kasama ring droga. Yun ang dahilan kung bakit nahilo ka at tumaas ang sexual desire mo. Maniwala ka sa akin, Ayesha. Pinilit kong kontrolin ang sarili ko. Pinilit kitang paalisin dahil baka may magawa ako sayo pero hindi ka umalis. I swear, hindi ko alam na ikaw pala ang nahila







