Share

Kabanata 2.3

Author: Rhea mae
last update publish date: 2026-03-04 13:53:17

Sinimulang gawin ni Kian ang mga trabaho niya sa kompanya ng kaniyang ama. Hindi niya akalain na tatambakan siya dito ng maraming gawain. Hindi mahirap ang trabaho niya sa Germany pero kung sabagay, ito ang main branch ng kompanya ng kaniyang ama.

Pangarap niya rin ang maging CEO dito at nakuha niya naman sa malinis na paraan ang posisyon niya ngayon dahil pinaghirapan niya rin yun. Ayaw ng kaniyang ama na makukuha niya ang posisyon dahil isa siyang Villanos at kahit na nag-iisa pa siyang anak, gusto nitong paghirapan niya ang posisyon na gusto niya.

“Come in,” sagot niya nang may kumatok sa pintuan ng office niya. Pumasok naman ang kaniyang ama at seryoso ang mukha nito. Nang iangat ni Kian ang mukha niya ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Hindi niya na lang pinansin ang kaniyang ama at muling ibinalik sa mga papeles ang atensyon niya.

“Hanggang kailan ka ba magtatanim ng sama ng loob sa akin, Kian?” tanong ng kaniyang ama. Maraming taon na hindi umuwi ng Pilipinas si Kian at ang posisyon lang pala ng pagiging CEO ang makakapagpa-uwi rito.

“Marami pa akong ginagawa, hindi ko kayo makakausap.” Sagot niya, bakas pa rin ang galit sa kaniyang ama. Naupo si Dexter sa sofa at tiningnan ang anak.

“Respetuhin mo naman sana ang Tita Emma mo, siya na ang bagong asawa ko ngayon. Gustong gusto ka niyang makilala kaya sumama ka sa akin para magdinner mamaya.” Hilaw na tumawa si Kian at napapailing na lang siya.

“Ano bang gusto niyong gawin ko? Patawarin kayo sa ginawa niyo sa mommy ko?”

“Kian Reeve!” galit nang sambit ni Dexter sa kaniyang anak pero kalmado lang si Kian. Hindi siya nagpapatinag sa kaniyang ama. “Hindi si Emma ang dahilan kung bakit namatay ang mommy mo. Walang kasalanan si Emma sayo para hindi mo siya kilalanin na bagong mommy mo.” Naikuyom ni Kian ang mga kamao niya saka niya masamang tiningnan ang kaniyang ama.

Alam niyang ganito ang mangyayari kapag umuwi siya ng Pilipinas pero kailangan niya ring harapin ang kaniyang ama.

“Hindi nga siya ang dahilan kung bakit namatay sa stress ang mommy ko. Hindi naman siya ang sinisisi ko kundi ikaw. Kung hindi mo niloko si mommy noon, hindi sana siya mai-stress.” May diing sambit niya.

“Alam mong hindi si Emma ang babae ko noon, Kian.” Natawa na lang si Kian. “Patay na ang mommy mo nang makilala ko si Emma.” Dagdag pa ni Dexter.

“Pinagmamalaki niyo pang hindi si Emma ang babae niyo noon? Oo, hindi nga siya ang babae mo noon pero ang pangbababae mo pa rin ang dahilan kung bakit namatay ang mommy ko tapos gusto mong tanggapin ko ang bagong asawa mo?” napaigting ang panga ni Dexter dahil sa tigas ng puso ni Kian.

“Humingi na ako ng tawad sa mommy mo bago pa siya mawala—”

“At sa tingin niyo mababago niyo pa rin ang ginawa niyong pananakit at panloloko sa kaniya?! Mahal na mahal ka ni mommy at dahil sa putang inang pagmamahal niya sayo binalewala niya ang lahat. Alam niyang kapag umaalis ka at hindi ka umuuwi, sa babae mo ikaw pumupunta. Nagbulag-bulagan siya, nagbingi-bingihan siya sa labis na pagmamahal sayo. Gabi-gabi, tahimik na umiiyak si mommy at naririnig ko ang lahat ng yun! Nakiusap ako sayo noon na iwan mo ang babae mo at mahalin mo ulit si mommy—”

“Pinakinggan kita, Kian. Nagbago ako para sa mommy mo. Sinubukan ko siyang mahalin at alam mong wala akong babae noong mamatay siya. Bakit ba ang hirap mo pa ring magpatawad? Matagal na panahon na yun!”

“Oo!” malakas na ring sigaw ni Kian. “Matagal na panahon na dad pero yung sakit nandito pa rin! Gabi-gabi kong naririnig ang iyak ni mommy. Gabi-gabi ko siyang nakikitang umiiyak at nasasaktan. Hiniwalayan mo man ang babae mo noon, naging sapat ba yun para mawala yung stress at sakit ng loob ni mommy sayo? Unti-unti siyang nilamon ng stress niya ng dahil sayo. Ikaw na lang ang palaging iniisip niya at hanggang sa huli, ako pa rin ang iniwan niya habang ikaw masaya na sa bagong pamilya mo! Akala ko ako ang pipiliin mo, akala ko hindi mo na ulit papalitan si mommy pero isang taon pa lang siyang nawala sa atin, may nahanap ka na kaagad na iba. Akala ko pagsisisihan mo ang ginawa mo pero parang hindi ko nakita na nagsisi ka.” Masama pa rin ang loob na wika ni Kian. Pinipigilan niyang hindi sumabog ang naipon na galit sa kaniyang ama dahil ayaw niyang ipakita ang kahinaan niya.

Kinuha ni Kian ang gamit niya saka siya umalis.

“Huwag mo na sana akong pipilitin na makipagkilala sa bago mong pamilya.” Wika pa niya bago siya tuluyang umalis ng office niya. Napapabuntong hininga na lang si Dexter at napapahilamos sa mukha niya.

Pinilit niya namang magbago noon. Pinili niya ang ina ng kaniyang anak at nanatili siya sa tabi nito hanggang sa huling sandali nito sa mundo. Akala niya ay napatawad na siya ng kaniyang anak pero nang magmahal siya ulit, muling bumalik ang galit nito sa kaniya.

---

Galit na galit na ininom ni Kian ang alak na nasa baso niya. Humagod iyun sa lalamunan niya pero muli niya itong sinundan ng iba pang lagok sa alak. Naikuyom niya ang kamao niya. Gusto niyang makuha ang kompanya sa kaniyang ama dahil malaki rin ang pinaghirapan ng kaniyang ina para mas lalong umangat sa industriya ang business nila.

Ayaw niyang magkakaroon ng shares ang bagong pamilya ng kaniyang ama. Hanggang ngayon, iniisip niyang pinakasalan lang ang kaniyang ama dahil marami itong pera.

Natatawa at napapailing na lang si Kian habang umiinom.

“Mga mukhang pera.” Anas pa niya sa sarili niya kahit na hindi pa naman niya personal na nakikilala ang bagong pamilya ng kaniyang ama.

“Problema ka na naman, anongn problema?” tanong ni Marco nang makarating sila kung nasaan si Kian. Hindi naman sumagot si Kian. Dire-diretso pa rin ang pag-inom nito ng alak.

Pabagsak na ibinaba ni Kian ang baso niya at akma sana ulit magsasalin ng alak nang kunin na ni Nigel ang bote ng alak.

“Magpapakalunod ka na naman sa alak? Kararating mo lang ng bansa, ano ba talagang problema mo? Ang daddy mo na naman?” seryosong tanong ni Nigel. Sapilitan namang kinuha ni Kian ang alak sa kaibigan niya.

“Sino pa ba? Gusto niyang sumama ako sa family dinner nila. Tsss.” Naiiling na sambit ni Kian. Napapailing na lang din si Marco sa kaniya.

“Bro, hindi mo pa nakikilala ang pamilya ng napangasawa ng daddy mo. Paano kung mabubuti naman silang tao at hindi pera ang habol sa daddy mo?” wika ni Marco. Nanlilisik ang mga mata ni Kian na tiningnan si Marco.

“Hindi? Ang alam ko ay nagtatrabaho na sa kompanya ang stepdaughter niya at nasa mataas na posisyon na rin.”

“Nakilala at nakita mo na ba siya?” tanong ni Nigel.

“Hindi ako interesado sa kanila. Hindi ko sila gustong makilala.” May diin na sagot ni Kian saka muling lumagok ng alak. Nagtitinginan na lang si Marco at Nigel.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Forbidden Heat Between Us   EPILOGUE

    Lumipat na sila ng bahay at nang ipablessing nila ito ay kasama ulit nila ang pamilya at mga kaibigan nila. Nagkaroon sila ng kaunting celebration sa pool area.“Grabe, ang ganda ng bahay niyo. Itong pool area niyo para siyang private villa. Nandito na lahat. May sarili rin kayong grocery store sa loob ng bahay. May gym, may basketball court. Sa lawak ng bakuran niyo pwede talagang maggolf. Hindi ko ‘to naisip. Gusto ko ganito rin kalawak ang magiging bakuran ko. Hindi masyadong malaki ang bahay pero malawak ang bakuran.” Namamanghang saad ni Kaye habang nakamasid sa paligid.Nag-iihaw sila ng mga barbecue, hotdogs, isaw at atay ng baboy.Kahit na mag-ingay sila, magtawanan at magsigawan. Walang susuway sa kanila dahil malayo ang mga kapitbahay nila sa lawak ng bakuran nina Ayesha.“I agree with you. Ang ganda ng paligid, ang peaceful at nakakaalis ng stress. May sarili pa siyang garden ng mga flowers at mga plants. May egg farm pa yan sila. Gusto ko rin ng ganito. Bibili rin ako ng ma

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 71.3

    Nang matapos ang celebration ay pumasok na silang lahat sa kaniya-kaniya nilang room. Magkasama na si Kian at Ayesha. Pareho na silang bagsak sa kama nila. Parehong nakatulala sa kisame at pinoproseso sa isip nila ang lahat ng nangyayari. Ramdam na nila ang pagod at puyat but they are still happy.Bumangon na si Ayesha saka niya tiningnan ang lahat ng mga regalo para sa kanila. Wala na silang lakas na buksan pa ang mga ito dahil baka sikatan na sila ng araw, hindi pa sila tapos.Nasa lamesa naman ang mga cash gift para sa kanila.“Matulog na tayo love.” Ani ni Kian saka niya hinila si Ayesha at niyakap ito. Wala na silang ibang gustong gawin kundi ang matulog at mabawi ang lakas nila. Naubos ang lahat ng lakas nila sa maghapon nila. Madaling araw na rin natapos ang mga paactivities nila. Nagpapasalamat sila dahil kahit na ginabi na ang celebration, hindi pa rin umuwi ang mga bisita nila. Tinapos nilang lahat ang activities at tuwang-tuwa sila sa mga papremyo.Kinabukasan, masarap pa r

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 71.2

    Nang matapos ang hapunan at mga speeches, lalo pang naging masaya ang atmosphere sa loob ng reception hall. Punong-puno ng tawanan ang buong reception hall habang abala ang mga bisita sa pakikipag-usap sa isa't isa. Sa bawat mesa ay maririnig ang masasayang kwentuhan at pagbati para sa bagong kasal.Samantala, nakaupo sina Kian at Ayesha sa kanilang sweetheart table habang pinagmamasdan ang mga taong dumalo sa kanilang kasal. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ni Kian. Matapos ang lahat ng pinagdaanan nila, narito na sila ngayon. Magkasama bilang mag-asawa."Ladies and gentlemen!" Agad na napalingon ang lahat nang marinig ang boses ng host.Ngumiti ito habang hawak ang mikropono."I hope everyone is having a wonderful evening!" Sabay-sabay na pumalakpak ang mga bisita. Excited sa iba pang activities ngayong gabi."Now, it's time for one of the most exciting parts of the reception." Agad na nagkatinginan ang mga babae sa loob ng reception hall. "The bouquet toss!" Malakas na sigaw ng h

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 71.1

    Pinunasan ni Ayesha ang mga luha niya saka siya bumuga ng hangin at muling tiningnan si Kian. Sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha ni Ayesha na tila ba wala na siyang magagawa kundi ang hayaan.“Ang daming hirap, ang daming pagsubok. At nagpapasalamat ako dahil hindi ka sumuko. Dumating man ang mga araw na pati ako hindi ko na maintindihan ang sarili ko, maraming salamat kasi nandyan ka. Pinipilit mo akong intindihin. Salamat sa mahabang pasensya mo para sa akin. Sobrang swerte ko dahil hindi mo man lang iniisip na nagdadrama lang ako, ginagamit ko lang ang salitang postpartum stress. You supported me. Sinasamahan mo ako kahit na ang kalaban ko na ay ang sarili ko. Salamat kasi napakabuti mong ama sa mga anak natin. Pinaglaban mo yung pagmamahal mo sa akin kahit na ang kalaban natin ay ang buong mundo. Grabe ka magmahal at dun pa lang panalo na ako. Alam mo kung anong iniisip ko sa tuwing nakikita ko ang mga anak natin? Nagawa kong pumili ng mabuting ama para sa kanila. Napakahand

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 70.3

    Nasa likod na ng malalaking kurtina si Ayesha. Ilang minuto na lang ay bubuksan na ang mga kurtina at makikita niya na ang lalaking naghihintay sa kaniya sa altar. Napatingin siya sa paligid niya. Maganda ang panahon ngayon. Hapon ang pinili nilang oras para hindi mainit sa mga bisita lalo na at labas sila.“Ma’am ready po,” paalala sa kaniya ng organizer. Muli siyang huminga ng malalim. Malakas na naman ang kabog ng didbib niya at ganun din si Kian na nasa altar na.Pakiramdam niya ay napakatagal para buksan ang mga kurtina kung nasaan si Ayesha. Huminga rin siya ng malalim. Excited na siyang makita ang magiging asawa niya na ngayong araw.“Relax, para kang mahihimatay sa itsura mo eh.” Pang-aasar na naman ni Nigel.“Oh, come on! Shut up!” mahinang sagot ni Kian. Natawa na lang si Nigel.Rinig na nila ang live singer nila na kinakanta ang wedding song nila. Ang lahat ay nakatingin na sa dulo ng aisle. Hinihintay na lumabas si Ayesha. Dahan-dahan na ring iniangat ang kurtina.Kahit na

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 70.2

    Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ayesha habang nakaharap siya sa salamin. Sinisimulan na siyang ayusan ng mga make-up artist niya. Ilang oras na lang ay magsisimula na ang ceremony at ilang oras na lang din ang natitira, opisyal na siyang isang Mrs. Villanos.Malakas ang kabog ng dibdib niya. Gumawa siya ng vow niya para kay Kian pero tila ba mabablangko siya kapag nasa harap niya na si Kian at marami na ang nakikinig sa kaniya.Kinakabahan siya at kahit na pakalmahin niya ang sarili niya, wala pa ring nangyayari. Malakas pa rin ang kabog ng puso niya na halos marinig niya na ang tambol nito.“Are you okay?” napatingin si Ayesha sa salamin para makita ang nasa likod niya. Nasa room niya naman na ang dalawa niyang kaibigan.“Yeah, a little bit nervous.” Sagot niya. Napangiti naman si Kaye at Lalaine.“First time mo eh. Malay mo sa pangalawa, hindi na.” pagbibiro ni Kaye saka ito tumawa.“Mangyayari yun after 10 years. Kapag nirenew namin ang vow namin. At sa tingin k

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 2.1

    TATLONG BUWAN ANG LUMIPASTulalang nakatingin si Ayesha sa PT niya. Hindi niya akalain na magpapositive siya sa pregnancy test. Bagsak ang balikat niyang ibinaba ang PT. Paano niya tatanggapin ang pagbubuntis niya gayong bunga lang ito ng isang gabi? Hindi pa niya kilala ang ama ng magiging anak ni

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 1.3

    Napapasabunot na lang si Ayesha sa buhok niya habang inaalala niya ang nangyari kagabi. Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya. Hindi niya naman magawang sisihin ang lalaking nakasama niya kagabi dahil maraming beses siya nitong sinabihan na baka pagsisihan niya ang mangyayari sa kanila pero siya

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 1.2

    Hindi na alam ni Ayesha kung nasaan na ang mga kaibigan niya. Halos hindi niya na rin alam kung paano silang nakaalis ni Kian ng bar at nagtungo ng hotel. Natatawa na lang si Ayesha nang bumagsak siya sa kama. Hinihila na siya ng antok dahil sa kalasingan pero ng maalala niyang may kasama siya ay t

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 1.1

    Nakangiting nilapitan ni Ayesha ang kaniyang ina. Hinalikan niya ito sa pisngi at niyakap ito.“Congrats mom, you deserve this happiness.” Masayang saad ni Ayesha sa kaniyang ina na bagong kasal. Sa Las vegas ginanap ang kasal ng kaniyang ina kaya nagtungo silang magkakaibigan ng Las Vegas para mak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status