Compartilhar

Kabanata 56.1

Autor: Rhea mae
last update Data de publicação: 2026-05-26 00:01:30

Mabigat ang buong atmosphere sa loob ng courtroom. Halos walang marinig kundi ang mahinang bulungan ng mga taong naroon at ang tunog ng mga camera mula sa media sa labas ng korte. Punong-puno ang gallery dahil sa bigat ng kaso ni Rafael. Hindi sila makapaniwala na magagawa ni Rafael na kalabanin ang nag-iisa at sarili nitong kapatid.

Tahimik na nakaupo si Rafael sa gilid kasama ang abogado niya. Nakaposas pa rin ang mga kamay n

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado
Comentários (1)
goodnovel comment avatar
bujgab
heart shattering..pero sana wag namn sobrang sakit sa puso dear.. its not good for the readers' mental health pag sobrang tragic..
VER TODOS OS COMENTÁRIOS

Último capítulo

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 56.1

    Mabigat ang buong atmosphere sa loob ng courtroom. Halos walang marinig kundi ang mahinang bulungan ng mga taong naroon at ang tunog ng mga camera mula sa media sa labas ng korte. Punong-puno ang gallery dahil sa bigat ng kaso ni Rafael. Hindi sila makapaniwala na magagawa ni Rafael na kalabanin ang nag-iisa at sarili nitong kapatid.Tahimik na nakaupo si Rafael sa gilid kasama ang abogado niya. Nakaposas pa rin ang mga kamay nito habang seryoso ang mukha. Wala na ang dating kumpiyansa at yabang na palagi nitong dala.Sa kabilang side naman ay naroon sina Kian, Dexter, Ayesha, at Emma. Halatang pagod at emotionally drained ang lahat matapos ang sunod-sunod na nangyari nitong mga nakaraang buwan.Mahigpit ang pagkakakuyom ng kamao ni Dexter habang nakatitig kay Rafael. Kung hindi lang sila nasa loob ng korte, baka kanina pa niya ito nasuntok. Han

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 55.3

    Nakaupo lang si Ayesha sa swivel chair, parang pinapakiramdaman niya ang paligid niya. Pakiramdam niya ay ang tahimik. Nakakabinging katahimikan.“Hindi ba parang nakakabingi naman ang katahimikan ng kompanya ngayon?” tanong niya kay Shane. Napatigil naman si Shane sa ginagawa niya at literal na pinakinggan niya ang paligid.“Parang wala namang nagbago ma’am. Baka nanibago ka lang dahil ngayon ka na lang ulit pumasok saka sa dami ng nangyayari sa pamilya niyo baka ngayon ka pa lang nagkaroon ng katahimikan sa paligid mo.” Napatango-tango si Ayesha dahil baka tama nga ang secretary niya. Ngayong nasa kulungan na si Rafael baka ito na ang simula ng katahimikan at kapayapaan sa kompanya.“Wala pa ba akong gagawin ngayon?” tanong niya ulit. Busy si Shane sa mga papeles na kaharap niya.“Wala po ma’am.” Mabilis na tumayo si Ayesha at lumabas ng office niya. Dumiretso siya sa office ni Kian pero bago siya pumasok ay nakita niya si Hannah na nakaupo ito sa working station niya.“Ma’am Ayesha

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 55.2

    Masaya silang kumakain ng umagahan nang may bigla na lang silang narinig na sigaw mula sa labas.“What is that?” tanong ni Emma. Pinakinggan nila ang ingay at alam nilang sa labas ng bahay nila iyun.“Jella, pakibantayan si Zayn.” Tawag ni Ayesha kay Jella na mabilis namang lumapit sa kanila. “Dito ka lang anak, okay?” habilin ni Ayesha. Nauna naman nang lumabas ang mag-asawa kasama si Kian para tingnan kung anong nangyayari sa labas.“What is happening?” tanong ni Dexter sa katulong na nasa labas.“May babae pong nagwawala sa labas ng gate sir. Hinahanap ka po at si Sir Kian.” Sagot ng katulong. Pinuntahan naman na nila kung sino ba ang nasa labas ng gate nila.“Uncle Dexter! Kian! Lumabas kayo diyan!&rdquo

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 55.1

    Nasa labas na ng mansion ni Rafael ang mag-ama. May warrant of arrest na laban kay Rafael at nandun ang mag-ama para masaksihan ang paghuli kay Rafael. Gusto nilang makasiguro na hindi ito makakatakas.“Ano ba! Bitiwan niyo ako! Anong ebidensya niyo na ako nga ang nagpabangga sa driver ng pamangkin ko at kanila ni Ayesha?! Wala akong ginagawa sa kanila. Naghahanap lang ng masisisi ang kapatid ko at ako ang nakita niya. Nang saktan niya ako at sugurin sa office ko, wala akong ginawa! Hindi ako nagsampa ng reklamo dahil kapatid ko siya tapos ipapahuli niya ako ng wala naman kayong ebidensya?!” sigaw ni Rafael, nagpupumiglas pa siya sa mga pulis na hawak siya.“Manahimik ka Mr. Villanos dahil lahat ng sasabihin mo ay maaari naming gamitin sa korte.” Maawtoridad na saad sa kaniya ng pulis.“Bitiwan niyo ang dad ko! Wala

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 54.3

    Matapos nilang kumain ng dinner, lahat sila ay nasa sala maliban kay Zayn na nasa kwarto na kasama si Jella. Dalawang attorney naman ang kasama nila sa sala. Pinapanuod ang ebidensya na hawak nila laban kay Rafael.Nang matapos nila itong mapanuod ay hinarap na nila ang pamilya Villanos.“Is that enough?” tanong ni Dexter sa mga ito.“Yes, Mr. Villanos. Magiging sapat na ito para kasuhan ang kuya mo lalo na at kitang-kita ang mukha niya sa video. Sinabi niya rin ang mga ginawa niyang krimen. Pero ang pagsampa niyo ng kaso tungkol sa kurapsyon na ginagawa niya sa kompanya, hindi namin pwedeng isampa yun sa kaniya hangga’t walang sapat na ebidensya na may ginawa nga siyang pagnanakaw sa kompanya niyo. Ang maisasampa lang namin ay ang mga binanggit niyang krimen sa video. Pero huwag kayong mag-alala, susubukan naming maghanap.” Sagot ng isang lawyer. Nakahinga naman ng maluwag si Emma.“Mabuti naman kung ganun. Kung makukulong na siya, siguro naman ay ligtas na ang pamilya ko na maghanap

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 54.2

    Lahat sila ay parang nanigas sa narinig mula kay Rafael. Desidido talaga itong ipatumba si Kian at Ayesha.“Yes sir may nahanap na ako. Sa totoo ay ngayong araw ito kikilos dahil ngayong araw lalabas ng hospital si Ayesha. Hindi natin pwedeng ulitin ang ginawa natin sa unang driver dahil kapag pinainom na naman natin siya ng lason, siguradong magtataka na ang mga pulis at malalaman nilang murder ang nangyayari.”“Sinasabi mo bang hahayaan nating mahuli ang driver? Paano kung hindi kaagad yun makatakas pagkatapos niyang gawin ang trabaho niya? Siguraduhin mong malinis ang lahat ng pinagagawa ko sayo.”“Opo sir, huwag kang mag-alala dahil malinis naman ang trabaho ko. Sisiguraduhin kong wala silang mahahanap na ebidensya laban sayo.” Sagot ng lalaking kausap ni Rafael.“Mabuti kung ganun. Si Jio, bantayan mong mabuti. Kapag nahuli siya, siguraduhin mong patay na siya bago siya magsalita. Kausapin mo siya na hawak natin ang pamilya niya. Oras na nagsalita siya tungkol sa mga nalalaman ni

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 7.2

    Nilalaro ni Ayesha ang ballpen sa mga daliri niya. Wala na siyang balita sa project. Gusto niya sanang magtanong pero baka makatanggap lang siya ng galit.“Bahala na siya sa buhay niya. Kung alam niya naman ang ginagawa niya then good for him.” Anas niya na naman sa sarili niya. Pinilit niyang ibal

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 7.1

    “Working malamang,” masungit na sagot ni Ayesha saka siya naunang naglakad patungong elevator. Sumunod naman si Kian sa kaniya. Pareho silang tahimik habang nasa loob ng elevator. Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa pero okay na rin si Ayesha na may kasama siyang lalabas ng kom

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 6.3

    Tinitigan ni Kian si Ayesha na para bang pati kaluluwa nito ay nakikita niya na. Ngumisi si Ayesha na para bang hindi man lang siya naaapektuhan sa mariing pagtitig ni Kian sa kaniya.Pakiramdam ni Kian ay huminto ang oras.“Hindi mo matanggap?” nakataas ang kilay na tanong ni Ayesha. Nang-aasar pa

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 6.1

    Pumasok na si Ayesha sa kompanya. Hindi maalis sa isip niya na si Kian pala ang stepbrother niya. Hindi niya na yun naisip dahil may mga naging CEO naman na sa kompanya bago si Kian. Hindi niya rin alam ang apilido ni Kian dahil hindi na siya nagtanong pa, hindi rin naman siya interesado.Napapaili

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status