MasukFIVE YEARS LATER
Isang Project Director na si Ayesha sa Villanos Prime Developments, ang kompanya ng ama ni Kian Reeve. Tahimik ang buong conference room habang hinihintay ang bagong CEO ng kompanya. Hindi pa nila ito nakikita, wala pa ring nakakaalam kung sino ang bagong uupo sa posisyon.
Nasa harap si Ayesha, pinag-aaralan ang bagong project niya. Tiningnan niya blueprints ng isang malaking coastal township project—ang magiging kauna-unahang international expansion ng kumpanya.
Makalipas ang ilang minuto ay bumukas na ang pintuan. Sabay-sabay silang tumayo para magbigay galang sa bagong CEO. Bahagyang nakayuko si Ayesha.
“Good morning and welcome back sir.” Sabay-sabay nilang saad. Ang tanging alam lang nila ay galing sa ibang branch ang bagong CEO. Branch nila sa ibang bansa at ngayon na lang ulit uuwi ng Pilipinas.
Umupo naman na si Kian saka sinenyasan ang lahat na maupo na. Tahimik lang silang lahat. Dahil nasa harap si Ayesha kitang kita niya ang mukha ng bagong CEO. Napakunot siya ng noo.
‘He seems familiar.’ Wika niya sa sarili niya pero hindi niya alam kung saan. Naipilig niya ang ulo niya. Nang tingnan siya ni Kian ay mabilis niyang iniwas ang paningin niya at napatikhim siya.
“This is a twenty-billion peso acquisition,” malamig niyang sabi. “If we secure the land now, we dominate the region before our competitors even enter.” Diretsong saad ni Kian tungkol sa magiging project nila. Ayaw niya na ng paligoy-ligoy pa.
Hawak ni Ayesha ang ipad niya, nakatingin siya sa financial projections.
“Or we expose ourselves to regulatory risks, unstable zoning laws, and foreign tax complications,” mahinahon niyang sagot. “We’re moving too fast.” Malakas ang loob na sagot ni Ayesha. Sa limang taon niyang pagtatrabaho sa Villanos Prime Developments, marami na siyang experience.
Nag-angat ng tingin si Kian para tingnan si Ayesha. Diretso at matindi ang titig nito kay Ayesha.
“Who are you?” tanong ni Kian. Sinalubong naman ni Ayesha ang mga mata ni Kian kahit na nakakaintimidate ang aura nito.
“I’m the Project Director, Mr. CEO.” Pagpapakilala niya sa sarili niya. Napapataas ang kilay ni Kian.
“We don’t grow by playing safe, Director.”
“And we don’t survive by being reckless, Mr. CEO.” Lakas loob na sagot ni Ayesha. Alam niyang nagpapadalos-dalos magdesisyon ang bagong CEO nila. Umaasa pa naman siyang matalino at magaling talaga ang bagong CEO nila pero bakit parang nagmamadali ito?
Nagkakatinginan na ang mga board members pero nanatili silang tahimik. Tila ba ramdam na nila kaagad ang tension sa pagitan nilang dalawa.
Lumapit si Kian sa screen at pinalitan ang slide.
“Our competitors are already negotiating. If we hesitate, we lose leverage.” Wika ni Kian habang diretsong nakatingin kay Ayesha. Tumayo na rin si Ayesha hindi para umatras kundi para lumapit.
“And if we rush,” she countered, tapping on her ipad and projecting another slide—risk analysis in red, “we risk cash flow instability for the next five years, sir. Expansion is attractive, yes. But sustainability keeps us alive.” Naningkit ang mga mata ni Kian. Ramdam niyang palaban ang babaeng kaharap niya ngayon at hindi niya inaasahan na sa tagal niya nang nagpapatakbo ng kompanya ng pamilya nila, ngayon lang siya makakaharap ng babaeng matapang na harapin siya at hindi sang-ayunan ang mga plano niya.
Nagsalubong ang mga kilay niya. Tila ba pamilyar sa kaniya ang project director pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.
“Pinagdududahan mo ba ang kakayahan ko, Miss Director?” tanong ni Kian. Umiling naman si Ayesha dahil hindi iyun ang ibig niyang sabihin.
“I am just protecting the company, sir.” Sandaling nagtagpo ang mga mata nila. Wala gustong magpatalo sa kanila. Hilaw na natawa si Kian.
‘Interesting,’ usal niya sa sarili niya. Hindi niya akalain na machachallenge siya sa unang araw niya bilang bagong CEO ng Villanos Prime Developments.
“As your Project Director,” dagdag ni Claire, mas steady na ang boses niya, “my job isn’t to agree with you, sir. It’s to make sure this company doesn’t collapse under ambition.” Hindi naman siya nagmamayabang. Ayaw niya lang magpadalos-dalos ng desisyon ang CEO nila.
Pinag-aralan niya kaagad ang project para kung sakaling may makita siyang mali, masabi niya kaagad at magawan nila ng paraan.
Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Asher. Hindi siya galit pero hindi rin siya natutuwa. Something dangerous in between.
“And as your CEO,” he replied, stepping closer, “my job is to make sure we don’t stay small because of fear.” Iniwas ni Ayesha ang paningin niya dahil masyado ng malapit sa kaniya si Kian. Nanatiling tahimik ang paligid nila pero nakikinig ang mga ito sa pinag-uusapan nilang dalawa.
Tila ba natutuwa silang panoorin ang dalawang taong walang gustong magpatalo.
“Give me two weeks,” sabi ni Claire. “Let me renegotiate the land terms and secure regulatory assurance. If the numbers still work, I’ll personally lead the expansion.”
Napatingin si Asher sa kaniya, sinusukat ang determinasyon sa mga mata nito.
“And if they don’t?”
“Then we walk away.”
Panandaliang nanaig ang katahimikan sa kanila. Tumalikod na si Kian saka niya tiningnan ang city view.
“You have two weeks,” sabi na ni Kian. Napatingin si Ayesha kay Kian hindi niya maipaliwanag kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya.
“Don’t disappoint me.”
Ayesha didn’t flinch.
“I don’t plan to.” Sagot naman ni Ayesha. Napangisi si Kian kahit na nakatalikod siya. Gusto niyang subukan si Ayesha dahil tila ba siya yung tipo ng babae na hindi marunong magpatalo. Kung ganun, titingnan ni Kian kung hanggang saan ang kaya ni Ayesha.
Natapos na ang meeting nila. Napapailing na lang si Ayesha saka pilit na inaalala kung saan niya ba nakita ang bagong CEO nila.
“Pamilyar talaga siya pero saan ko naman sana siya makikita?” anas niya sa sarili niya. Naipilig niya ang ulo niya. “Ano pa bang pakialam ko sa kaniya? Saka magaling ba siyang magdesisyon? Bakit parang padalos-dalos siya? Mabuti na lang talaga pinag-aralan ko na kaagad ang project bago ang meeting dahil kung pumayag ako na pangunahan ang project, siguradong pangalan ko ang masisira.” Wika pa niya sa sarili niya habang naglalakad siya pabalik ng office niya.
Nananatili namang nakaharap sa city view si Kian. Seryoso ang mukha niya.
“Sino ba ang babaeng yun? Masyadong malakas ang loob niya para questionin ang lahat ng desisyon ko.” Wika ni Kian. Unang araw pa lang niya pero may hindi na kaagad sumang-ayon sa kaniya. Napaigting ang panga niya. Pakiramdam niya ay hindi sila magkakasundo ng babaeng iyun.
“Siya po si Ayesha Martin, ang Project Director ng kompanya.” Sagot ng secretary ni Kian. Inis niya itong tiningnan dahil inulit lang naman nito ang sinabi ni Ayesha kanina.
“Siya nga pala sir, pinapasabi ng daddy mo na bumisita ka sa bahay nila para sa family dinner niyo.” Pag-iiba nang secretary niya. Ibinulsa ni Kian ang mga kamay niya.
“Wala akong planong pumunta.” May diing sagot ni Kian. Umuwi siya ng Pilipinas para umupo bilang CEO ng kompanya hindi para makipagclose siya sa bagong pamilya ng kaniyang ama.
Sinimulang gawin ni Kian ang mga trabaho niya sa kompanya ng kaniyang ama. Hindi niya akalain na tatambakan siya dito ng maraming gawain. Hindi mahirap ang trabaho niya sa Germany pero kung sabagay, ito ang main branch ng kompanya ng kaniyang ama.Pangarap niya rin ang maging CEO dito at nakuha niya naman sa malinis na paraan ang posisyon niya ngayon dahil pinaghirapan niya rin yun. Ayaw ng kaniyang ama na makukuha niya ang posisyon dahil isa siyang Villanos at kahit na nag-iisa pa siyang anak, gusto nitong paghirapan niya ang posisyon na gusto niya.“Come in,” sagot niya nang may kumatok sa pintuan ng office niya. Pumasok naman ang kaniyang ama at seryoso ang mukha nito. Nang iangat ni Kian ang mukha niya ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Hindi niya na lang pinansin ang kaniyang ama at muling ibinalik sa mga papeles ang atensyon niya.“Hanggang kailan ka ba magtatanim ng sama ng loob sa akin, Kian?” tanong ng kaniyang ama. Maraming taon na hindi umuwi ng Pilipinas si Kian at ang
FIVE YEARS LATERIsang Project Director na si Ayesha sa Villanos Prime Developments, ang kompanya ng ama ni Kian Reeve. Tahimik ang buong conference room habang hinihintay ang bagong CEO ng kompanya. Hindi pa nila ito nakikita, wala pa ring nakakaalam kung sino ang bagong uupo sa posisyon.Nasa harap si Ayesha, pinag-aaralan ang bagong project niya. Tiningnan niya blueprints ng isang malaking coastal township project—ang magiging kauna-unahang international expansion ng kumpanya.Makalipas ang ilang minuto ay bumukas na ang pintuan. Sabay-sabay silang tumayo para magbigay galang sa bagong CEO. Bahagyang nakayuko si Ayesha.“Good morning and welcome back sir.” Sabay-sabay nilang saad. Ang tanging alam lang nila ay galing sa ibang branch ang bagong CEO. Branch nila sa ibang bansa at ngayon na lang ulit uuwi ng Pilipinas.Umupo naman na si Kian saka sinenyasan ang lahat na maupo na. Tahimik lang silang lahat. Dahil nasa harap si Ayesha kitang kita niya ang mukha ng bagong CEO. Napakunot
TATLONG BUWAN ANG LUMIPASTulalang nakatingin si Ayesha sa PT niya. Hindi niya akalain na magpapositive siya sa pregnancy test. Bagsak ang balikat niyang ibinaba ang PT. Paano niya tatanggapin ang pagbubuntis niya gayong bunga lang ito ng isang gabi? Hindi pa niya kilala ang ama ng magiging anak niya. Marami pa rin siyang pangarap lalo na at kakagraduate niya lang.Hilaw siyang natawa saka siya bumuntong hininga. Paano niya sasabihin sa kaniyang ina ang pagbubuntis niya? Wala naman siyang boyfriend pero dahil sa isang gabing mainit, nabuo ang magiging anak niya.Napahilamos si Ayesha sa mukha niya saka niya tiningnan ang sarili sa salamin. Regular ang regla niya pero sa dalawang buwan na nakalipas, binalewala na muna niya yun dahil umaasa siyang baka epekto lang dahil nawala na ang virginity niya. Umaasa siyang hindi sila makakabuo lalo na at isang beses lang naman yun nangyari.“Pambihirang buhay naman ‘to, Ayesha. Ano ba naman kasing pumapasok sa isip mo?!” inis niyang sumbat sa sar
Napapasabunot na lang si Ayesha sa buhok niya habang inaalala niya ang nangyari kagabi. Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya. Hindi niya naman magawang sisihin ang lalaking nakasama niya kagabi dahil maraming beses siya nitong sinabihan na baka pagsisihan niya ang mangyayari sa kanila pero siya pa ang nagpumilit na may mangyari sa kanila.“Damn it!” inis na sambit ni Ayesha.“Girl, hanap kami nang hanap sayo kagabi. Ang sabi mo iihi ka lang pero hindi ka na bumalik. Akala namin nauna ka nang bumalik ng hotel pero wala ka. Gusto ka naming hanapin kahit saan pero lasing na rin kami. Tawag kami nang tawag sayo pero hindi ka sumasagot.” Wika ni Lalaine nang magising na sila.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ayesha. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwalang nawala na ang virginity niya ng dahil lang sa isang gabi.“Sabihin mo nga, saan ka ba talaga nagpunta? Saan ka natulog at sino ang kasama mo?” sunod-sunod na tanong ni Kaye. Tiningnan na ni Ayesha ang mga k
Hindi na alam ni Ayesha kung nasaan na ang mga kaibigan niya. Halos hindi niya na rin alam kung paano silang nakaalis ni Kian ng bar at nagtungo ng hotel. Natatawa na lang si Ayesha nang bumagsak siya sa kama. Hinihila na siya ng antok dahil sa kalasingan pero ng maalala niyang may kasama siya ay tumayo siya.“Fuck!” mahinang sambit ni Kian. Masakit na ang ulo niya at tila ba umiikot na ang mundo niya. Aalis na sana siya nang hawakan siya ni Ayesha sa braso.“Aalis ka na? Iiwan mo ako kaagad pagkatapos mo akong dalhin dito?” anas ni Ayesha. Diretsong tiningnan ni Kian sa mga mata si Ayesha.“Miss, you will regret this kapag hindi pa ako umalis.” Seryoso at malamig na wika ni Kian. Napangiti lang naman si Ayesha. Curious siya kung ano bang pakiramdam ng makipagsex at dahil sa pang-aasar sa kaniya ng mga kaibigan niya tila ba isang kahihiyan ang maging NBSB.Idinikit ni Ayesha ang katawan niya kay Kian. Salubong pa rin ang mga kilay ni Kian na nakatingin kay Ayesha."Do you want to slee
Nakangiting nilapitan ni Ayesha ang kaniyang ina. Hinalikan niya ito sa pisngi at niyakap ito.“Congrats mom, you deserve this happiness.” Masayang saad ni Ayesha sa kaniyang ina na bagong kasal. Sa Las vegas ginanap ang kasal ng kaniyang ina kaya nagtungo silang magkakaibigan ng Las Vegas para makadalo.“Thank you anak. Thank you dahil sinuportahan mo ako sa lahat ng bagay na gusto ko. Thank you dahil nakarating kayo ng mga kaibigan mo.” Kinuha ni Ayesha ang wineglass niya saka niya ito itinaas sa harap ng kaniyang ina. Bahagya namang natawa si Emma. Pinagsalubong nila ang mga wineglass nila at sabay iyun na ininom.“Deserve mo naman ‘to mom. Nasa middle age ka pa lang at kailangan mo talaga ng makakasama habang tumatanda. Siya nga pala, hindi ba pumunta ang anak ni Tito Dexter?” kunot noo niyang tanong. Inaasahan ni Ayesha na makikita at makikilala niya ngayon ang binatang anak ng stepfather niya pero matatapos na ang kasal, hindi pa rin niya ito nakikilala.Napabuntong hininga nama







