Share

Kabanata 2.2

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2025-10-17 14:28:02

“Hindi ka pa ba babalik ng France? Sabi mo isang buwan ka na dito, hindi ka naman nagtatagal dito diba?” pag-iiba ko nang usapan. Ano bang ginagawa niya dito? Bihira siyang umuwi ng Pilipinas dahil nakabase ang kompanya niya sa France.

“Hindi mo ba talaga natatandaan na nagkita na tayo noong isang buwan?” tanong niya. Tiningnan ko siya ng salubong ang mga kilay ko. Naalala ko naman ang alumni na dinaluhan ko noong isang buwan. Nandun ba siya? Hindi ba ako namamalikmata noong parang nakita ko siya?

“Wala akong maalala.” Sagot ko. Nang malasing ako noong gabing yun ay wala na naman akong maalala. Ang natatandaan ko na lang nagising na lang ako sa isang hotel room ng mag-isa.

Ngumisi naman si Uncle Asher.

“May bagong branch ang business ko dito kaya magsstay muna ako. Pupuntahan ko rin sana ang pamangkin ko dahil may kailangan kaming pag-usapan. Dun din ba ang punta mo?” tumango na lang ako sa kaniya. Nang bumukas na ang elevator ay sumakay na kaming dalawa. Naghihintay akong may papasok pa pero mukhang wala na. Bakit sa dami ng makakasabay ko, si Uncle Asher pa?

Hindi ako komportable sa presensya niya. Simula ng makilala ko siya, tahimik, malamig at distant siya sa mga tao. Bakit kung kausapin niya ako ngayon, para bang may pinagsamahan na kaming dalawa?

Nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi niya ako kinausap habang nasa loob ng elevator. Sabay na kaming nagpunta ng office ni Gabriel. Kumatok na muna si Uncle Asher saka niya binuksan ang pintuan.

Nagulat naman ako ng makita ko si Mia na nakapatong kay Gabriel at naghahalikan sila. Nang maramdaman nilang may tao ay mabilis na inalis ni Gabriel si Mia sa ibabaw niya.

“Claire, it’s not what you think. Nadapa lang si Mia at bumagsak siya sa akin. Yun talaga ang nangyari.” Kinakabahan na pagpapaliwanag ni Gabriel. Tiningnan ko si Mia na nakangiti sa akin.

“I’m sorry ate, hindi ka naman siguro magagalit.” Wika niya rin. Inayos ni Gabriel ang damit niya. Kung talagang nadapa lang si Mia bakit kusot-kusot ang damit niya at magkadikit ang mga labi nila? Hilaw na lang akong natawa. Ano bang tingin nila sa akin? Isang batang wala pang alam sa ginagawa nila?

“Uncle Asher, what are you doing here? Akala ko ba nakauwi ka na ng France.” Pormal na wika ni Gabriel.

“I’ll stay here for now. Punasan mo ang labi mo dahil may lipstick pa.” maawtoridad na wika ni Uncle Asher. Nahihiya namang pinunasan ni Gabriel ang labi niya. Natawa naman si Uncle Asher, wala naman talagang lipstick sa labi ni Gabriel.

“Pwede bang iwan niyo muna kaming dalawa?” seryoso kong wika habang nakatingin sa asawa ko. Alam kong napatingin sa akin si Uncle Asher pero wala siyang sinabi. Hinila niya si Mia palabas ng office.

“Ano ba, let me go!” inis na wika ni Mia kay Uncle Asher. Kaming dalawa na lang ni Gabriel ang naiwan sa loob at pareho pa kaming tahimik. Blangko at malamig ang mga tingin ko sa kaniya.

“Ano bang sasabihin mo? Bilisan mo dahil marami pa akong gagawin.” Walang pakialam niyang sagot. Napalunok ako. Handa na ba talaga akong malaman ang lahat? Handa na ba ang puso kong masaktan?

“Saan ka ba talaga nanggaling kagabi?” tanong ko.

“Hindi ba at sinabi ko na sayo? Kailangan ko pa bang sabihin lahat ng gagawin ko?” tipid akong ngumiti. Kung sabagay, hindi nga naman niya sinasabi sa akin kung saan siya pumupunta.

“Nakalimutan mo ba talaga kung anong araw kahapon?” tanong ko ulit. Bakas na ang inis at pagkairita sa mukha ni Gabriel.

“Pwede bang sabihin mo na lang kung anong sasabihin mo. Wala akong panahon para alalahanin ang lahat ng araw.” Inis niyang sagot. Napatango-tango naman ako. Kung ganun, nakalimutan niya nga. Nakalimutan niya na dahil si Mia na ang kasama niya.

“Birthday ko kahapon.” Saad ko. Hilaw naman siyang tumawa.

“Ano bang pakialam ko?” sagot niya na lalong dumurog sa puso ko. Siya ang kasama kong nagcecelebrate ng birthday ko sa nakalipas na dalawang taon. Akala ko totoo lahat ng ipinapakita niya sa akin noon. Akala ko ay natutunan niya rin akong mahalin pero ginawa niya lang pala akong proxy ni Mia.

“Sabihin mo sa akin, gusto kong marinig ang totoo. Mahal mo pa ba si Mia?” lakas loob kong tanong. Hindi siya nakasagot sa tanong ko. Iniwas niya ang paningin niya saka siya tumikhim.

“Tumigil ka na sa pagtatanong mo, Claire. Kung nandito ka lang para guluhin ako, umalis ka na.” Pakiramdam ko unti-unting pinupunit ang puso ko sa mga sinasabi niya. Bakit hindi niya sabihin sa akin ang totoo? Natatakot ba siya dahil kasal kaming dalawa?

Walang naging relasyon si Gabriel at Mia pero sinabi ni Gabriel sa akin na matagal na siyang may gusto kay Mia. Hindi niya lang magawang umamin dahil nahihiya siya.

“I just want to hear the truth, Gabriel.” Hindi ko napigilang magpiyok dahil nasasaktan na ako. Nilapitan ako ni Gabriel hanggang sa ilang inches na lang ang layo ng mukha niya sa akin.

“Umasa ka bang mamahalin kita?” tanong niya. Napalunok ako, lakas loob ko pa ring tiningnan ang mga mata niya. Right, ako nga lang siguro ang nag-isip na mahal niya ako.

Hindi pa man ako ulit nakakapagsalita nang yakapin ako ni Gabriel.

“Ano bang iniisip mo? Masyado kang nag-ooverthink lately. May nararamdaman ka ba?” malambing niyang wika sa akin. Hilaw akong tumawa. Naaamoy ko sa damit niya ang pabango ni Mia.

“Let go of me!” sigaw ko sa kaniya. Hindi na ako magpapadala sa mga matatamis niyang salita. Itinago ni Gabriel ang mga nagkalat kong buhok sa likod ng tenga ko saka niya ako tiningnan sa mga mata.

“Don’t think too much, Claire. Walang namamagitan sa amin ni Mia.” Pagpapaliwanag niya. Nasusuka naman ako sa amoy niya kaya napahawak ako sa tiyan ko at ng hindi ko na mapigilan ay dumiretso ako sa cr niya. Inilabas ko ang mga kinain ko rin kaninang umaga. Nang matapos ako ay naghilamos ako at nagmumog. Napatingin naman ako kay Gabriel na kunot noong nakatingin sa akin.

“Don’t tell me you’re pregnant?” seryosong tanong nito. Dapat ko bang sabihin sa kaniya? “We’re using protection, Claire, kaya imposibleng buntis ka. Hindi ka rin pwedeng mabuntis ngayon. Wala pa akong panahon sa bata.” Saad niya na lalong nagpaguho ng mundo ko. Gusto ko siyang sampalin. Oo, gumagamit kami ng protection pero hindi naman 100% na sigurado yun!

Kung kahapon excited akong sabihin sa kaniya ang balita pero ngayon nawala na yung excitement na yun. Tipid na lang akong ngumiti.

“Of course not, may nakain lang siguro ako kanina na hindi gusto ng tiyan ko.” Sagot ko sa kaniya na ikinatango niya. Para bang nabunutan siya ng tinik. Ayaw niyang magkaanak pa? Hilaw na lang akong tumawa sa isip ko. Paano ko sasabihin sa kaniya ang pagbubuntis ko?

“Kung hindi maganda ang pakiramdam mo, magpatingin ka sa doctor.” Aniya na para bang asawang nag-aalala. Bumalik na siya sa upuan niya at hinarap ang computer. Alam kong mahal pa rin niya si Mia at darating ang panahon na iiwan niya rin ako.

Lumabas na ako ng office niya. Naabutan ko namang nasa labas pa si Uncle Asher at si Mia. Naghihintay talaga sila rito hanggang matapos kaming mag-usap? Nilapitan ako ni Mia.

“Sinusundan mo ba kami?” tanong niya sa akin. Siya pa ang galit ngayon gayong siya ang magiging kabit sa aming dalawa?

“Kasama mo si Gabriel buong magdamag diba? Sinadya mong makita siya sa inupload mong picture para makita ko.” Sagot ko rin sa kaniya. Napangisi naman si Mia.

“Matalino ka nga ate.” Mahina niyang wika sa akin saka niya inilapit ang bibig niya sa tenga ko. “Tapos na ang kontrata mo sa kaniya. Ngayong nandito na ako, ako naman ang mag-aalaga sa kaniya. Kung ayaw mong masaktan, umiwas ka sa amin.” Nagngitngit ang mga ngipin ko sa sinabi niya. Gusto ko siyang sampalin pero magpapabiktima na naman siya at siguradong siya ang kakampihan nila.

Nang lumayo si Mia sa akin ay ngumisi pa siya bago siya tuluyang umalis. Bumalik siya para kay Gabriel?

“Kung pipiliin mong ipikit ang mga mata mo at takpan ang mga tenga mo. Ikaw ang paglalaruan nila, Claire.” Seryosong wika sa akin ni Uncle Asher saka siya pumasok sa office ni Gabriel.

Yeah right, itatanggi ni Gabriel ang relasyon nila. Sino bang cheater ang aamin sa kasalanan niya?

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 29.3

    Hinihila-hila ni Naomi si Mia na para bang isa itong bata papasok ng bahay nila nang makauwi sila.“Mom, you’re hurting me.” Reklamo ni Mia pero walang pakialam si Naomi sa mga reklamo niya. Nang makapasok sila sa loob ng sala ay hinarap ni Naomi ang bunso niyang anak.“Mom, pl—” hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Mia nang sampalin na rin siya ng kaniyang ina. Nagulat si Mia sa ginawa ng kaniyang ina sa kaniya. Galit na galit si Naomi dahil sinira na nga ni Mia ang career nito, bakit kailangan pa niyang awayin si Claire?“Bakit Mia?! Saan ako nagkulang sayo?! Binusog kita ng mga pagpapaalala pero bakit?!” naiiyak na lang si Naomi sa sobrang galit. Hindi niya matanggap na ganito ang nangyayari sa mga anak niya. Naabot na ni Mia ang pangarap niya pero bakit kung kailan nasa kalagitnaan ito ng ka

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 29.2

    Tila bata naman nang umiiyak si Mia. Hindi niya na iniaangat ang ulo niya. Hindi makapaniwalang tiningnan ni Gabriel si Mia. Napalunok si Gabriel. Kagustuhan niya rin noon na ipalaglag ang pinagbubuntis ni Claire pero bakit unti-unti siyang nagagalit kay Mia?“You push her?” tanong ni Gabriel kay Mia. Mabilis namang umiling si Mia.“No, ang gusto ko lang naman ay ang kausapin siya. Please believe me, hindi ko siya itinulak. Umatras siya,” pagpapaliwanag ni Mia. Hilaw na natawa si Gabriel. Bakit naaapektuhan siya? Bakit nasasaktan siya dahil sa ginawa ni Mia kay Claire? Bakit naguguluhan siya?Ito naman ang gusto niya hindi ba? Ang gusto niya naman talaga ay ang mawala ang magiging anak nila ni Claire pero bakit? Bakit ganito ang nararamdaman niya?“Sa tingin mo ba gagawin ni Clai

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 29.1

    Nang dumating ang mga magulang ni Gabriel ay tumayo na silang dalawa. Kasama na rin nila ang chairman na seryoso ang mukha. Nakayuko lang si Mia habang nilalaro ang mga daliri niya.“Ano bang pag-uusapan natin ngayon? Bakit niyo kami ipinatawag?” tanong ni Gabriel. Umaasa na sana ay ibalik ng chairman ang kalahating mana niya. Seryosong nakatingin si Elena kay Mia na nakayuko. Alam ni Elena na mukha at itsura pa lang ni Mia ay guilty na ito.Isa-isang tinitingnan ni Gabriel ang pamilya niya. Ang nakangiti niyang mga labi ay nawala dahil pansin niya ang pagiging seryoso ng mga magulang niya at ni Chairman. Napalunok si Gabriel nang tingnan siya ni Chairman. Tila ba ang tingin nito ay handa na siyang ipakain ng buhay sa mga tigre.Tiningnan ni Gabriel ang kaniyang ina na nilapitan si Mia.“Mom

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 28.3

    Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Asher. Seryosong nakatingin sa kaniya si Claire. Hindi naman sila malapit ni Gabriel sa isa’t isa kaya napatango-tango sya.“Anong gusto mong gawin ko?” tanong ni Asher. Umiling naman si Claire.“Wala akong gustong gawin mo. Hindi mo ako kailangang tulungan dahil alam kong ang chairman ang makakalaban mo oras na nalaman niyang may ginawa ka sa pamangkin mo.”“I don’t care,” sagot ni Asher. Napatingin ulit sa kaniya si Claire. “I won’t tolerate what he did to you. If you want revenge, just tell me kung anong gusto mong gawin. Gusto mo bang sirain ang career nilang dalawa? Sa anong paraan mo sila sisirain?” tanong ni Asher. Napaisip naman si Claire. Ayaw niya nang minsanan lang na masaktan at masira ang dalawang taong nanloko sa ka

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 28.2

    Nang magising si Claire ay nakatulala siyang nakatingin sa kisame. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng gana. Hindi niya iniinda ang sakit na natamo niya sa ulo niya. Wala ng mas masakit para sa kaniya ang mawalan ng anak. Muling tumulo ang mga luha niya at tahimik na umiyak. Hindi niya alam kung ano bang nagawa niyang kasalanan para mangyari ang lahat ng ito sa kaniya.Niloko siya ng asawa at kapatid niya. Ngayon ang anak niya naman ang nawala sa kaniya. Anong klaseng sakit pa ba ang kailangan niyang maranasan bago siya maging masaya?Pigil ang paghikbi ni Claire dahil ayaw niyang magising ang dati niyang byenan. Nagpapasalamat siya dahil kahit hiwalay na sila ni Gabriel, nandyan pa rin para sa kaniya ang byenan niyang babae.Napahawak si Claire sa lower abdomen niya. Ramdam niyang wala na talaga ang anak niya dahil lumiit na ang tiyan niya. Pini

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 28.1

    Nang may makakitang staff ng kompanya kay Claire ay itinakbo na siya ng hospital. Marami ng dugo ang dumadaloy sa pagitan ng mga binti ni Claire. Iyak naman na nang iyak si Claire dahil nag-aalala siya para sa anak niya.“Anong nangyari?” tanong ng doctor ng makita nila si Claire.“Nalaglag daw sa hagdan doc.” Sagot ng nurse. Ipinasok naman na sa loob si Claire. Nang malaman ni Elena ang nangyari kay Claire ay nagtungo ito kaagad sa hospital.“Claire Cruz, idinala siya dito kanina lang. Nasaan siya?” tanong niya sa nurse station.“Nasa loob pa ng operating room, ma’am.” Sagot ng nurse. Mabilis namang nagtungo si Elena sa operating room. Naghintay siya sa labas ng OR. Tinawagan niya kaagad ang anak niya pero hindi ito sumasagot sa mga tawag niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status