LOGINTiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Hinaplos ko ang mukha ko. Bakas na ang mga wrinkles sa akin kahit na 26 pa lang ako. Hindi ko na rin nagagawang ayusan ang sarili ko. Maputla ang mga labi ko, malalalim ang mga mata ko, malalaki ang eyebugs ko. Sa itsura ko para bang nasa 40s na ako at para bang stress na stress sa buhay. Tipid akong ngumiti. Paano ko napabayaan ang sarili ko ng dahil lang sa pagmamahal? Sa tatlong taon naming pagsasama ni Gabriel, okay naman ang lahat, naging masaya namin kami. Kaming dalawa ang magkasama sa tuwing may occasion. Bumalik lang si Mia, nakalimutan niya na kaagad ang lahat ng yun?
Ako ang nag-aasikaso sa kaniya paggising niya sa umaga hanggang bago siya matulog. Ganun lang ba talaga ako kadaling kalimutan? Ni wala na akong oras para sa sarili ko para lang maibigay ko ang lahat ng kailangan niya.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Sa tingin ko, kailangan ko ng alagaan ang sarili ko. Wala man lang akong maayos na damit, kailan nga ba ako huling nagshopping ng mga gamit ko? Hindi ko na matandaan.
Nang may magtext sa cellphone ko ay tiningnan ko yun.
{Welcome party ni Mia bukas, pumunta ka kung gusto mo.} hilaw akong natawa sa message ni mommy. Hindi ko alam kung iniimbitahan niya ba ako o napilitan lang siya. Welcome party? Mabuti pa ang pagbabalik ni Mia nakakapaghanda sila pero ang birthday ko, hindi man lang nila naalala. Minsan napapaisip na lang ako, anak ba talaga nila ako?
Ang alam ko, mas paborito ni mommy si Mia dahil sila ang magkamukha habang si daddy naman ang kamukha ko. Mahal naman ako ni daddy pero ibang iba pa rin ang pagmamahal niya para sa bunso niya. Pakiramdam ko, ako ang black sheep sa pamilya namin, ako ang naiiba.
Kinabukasan, umattend pa rin ako sa pawelcome party ng mga magulang ko para kay Mia. Kung sabagay, sino nga ba namang hindi magiging proud kay Mia. Isa na siyang sikat na sikat na model at kung saan saang bansa na siya nakakarating.
Pagdating ko sa bahay ay marami na kaagad bisita. Marami ring mga dalaga at binata ang nagpunta na hindi ko naman kilala. Gaano ba karaming bisita ang inimbitahan nila?
“Nakita mo na ba siya?” napatingin ako sa mga dalagang nag-uusap-usap. Bakas ang tuwa sa mga tinig nila.
“Sa tingin ko hindi pa siya lumalabas. Pinilit pilit ko pa si daddy na isama niya ako rito para makita ko na rin sa personal si Miss Mia. Sana makapagpapicture ako sa kaniya.” Kinikilig na wika ng isa pang babae. Si Mia ang pinag-uusapan nila, kung ganun kahit hindi imbitado ay nagpunta para lang makita si Mia.
Napatingin sa akin ang mga dalagang nag-uusap nang papasok na sana ako sa bahay namin.
“Miss, saan ka pupunta? Tatakas ka ba para mauna kang makita si Miss Mia?” nakataas ang kilay na wika ng babae. Napangisi naman ako.
“Hindi dahil dito ako nakatira.” Sagot ko saka ako tumalikod. Narinig ko pa ang mga sinabi nila.
“Siya ba ang kapatid ni Miss Mia? Bakit para bang hindi sila magkapatid?”
“Base sa naririnig ko, ampon lang daw siya.” Natatawa at napapailing na lang ako sa pinag-uusapan nila. Simula noong bata pa lang ako, yun na ang tawag sa akin. Ako ang ampon na anak dahil hindi kami magkamukha ni Mia. Yun na rin sana ang iisipin ko pero si daddy ang kamukha ko kaya paano ako magiging ampon?
Pagpasok ko ng bahay ay abalang abala at aligaga ang mga katulong para sa pag-aasikaso sa hardin dahil dun ang venue.
“Claire, anak!” napatingin ako kay daddy na siyang tumawag sa akin. Napangiti naman ako ng makita ko siya. Sinalubong niya ako nang mahigpit na yakap at halik sa ibabaw ng ulo ko. “Kumusta ka na? Masyado ka ng busy sa buhay may asawa mo. Hindi mo na nagagawang bumisita sa amin.” Tipid akong ngumiti sa sinabi niya. Nakokonsensya naman ako dahil bihira akong umuwi.
“I’m sorry dad.” Tanging nasabi ko na lang.
“It’s okay anak, naiintindihan ko naman. Kumain ka ng marami mamaya ha bago ka umuwi.” Tumango na lang ako sa sinabi niya. Napatingin siya sa paligid na para bang may hinahanap. “Nasan ang asawa mo? Hindi ba siya pupunta rito?” tanong niya. Napayuko naman ako. Kanina ko pa tinatawagan si Gabriel pero hindi siya sumasagot. Hindi ko na naman alam kung nasaan siya.
“Sa tingin ko busy pa siya dad.” Pagdadahilan ko na pinaniwalaan ni daddy.
“Oh siya kapag wala kang kasamang uuwi mamaya. Tawagin mo lang yung driver natin at magpahatid ka sa kaniya.” Tumango na lang ako.
“Claire! Bakit nandyan ka lang? Tumulong ka sa kusina dahil kulang na kulang tayo ng tao! Sinabi ko sayong agahan mo diba?” sigaw ni mommy sa akin ng makita niya ako. Pinapunta niya ba ako rito para tumulong?
“Ano ka ba Naomi, hindi naman katulong ang anak mo para utusan mo. Hayaan mo siyang mag-enjoy sa party. Tatawag na lang ako sa iba pang catering para magpadala ng tao rito.” Si daddy ang sumagot.
“Kaya nasasanay ang anak mong yan dahil masyado mong iniispoiled!” galit na sigaw ni mommy kay daddy saka ito tumalikod. Anak ba talaga ako ni mommy? Mas mahal niya ba talaga si Mia dahil sila ang magkamukha? Natatawa na lang ako sa isip ko.
“Sige na anak, pumunta ka na sa hardin o di kaya ay magpahinga ka muna sa kwarto mo. Ako na ang bahala sa pagdagdag ng mga tao sa kusina.” Nakangiting wika ni daddy. Tumango na lang ako sa kaniya. Nagtungo na ako sa kwarto ko dahil mula sa balcony nito ay kitang kita ang malawak naming hardin.
Tiningnan ko ang mga napakaraming mga katulong na naglilinis at nag-aasikaso sa mga bisita at sa ibang bisita na parating pa lang. Hindi pa lang nagsisimula ang event pero napakarami ng bisita. Muli kong tinawagan si Gabriel pero ring lang nang ring ang cellphone niya. Nasaan ba talaga siya?
Tinawagan ko si Ryan kanina kung nag-overtime ba sa office si Gabriel pero ang sinabi nito ay tanghali pa lang nang mag-out na si Gabriel. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Minsan na nga lang kaming bumisita sa mga magulang ko, nawawala pa siya.
Hinihila-hila ni Naomi si Mia na para bang isa itong bata papasok ng bahay nila nang makauwi sila.“Mom, you’re hurting me.” Reklamo ni Mia pero walang pakialam si Naomi sa mga reklamo niya. Nang makapasok sila sa loob ng sala ay hinarap ni Naomi ang bunso niyang anak.“Mom, pl—” hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Mia nang sampalin na rin siya ng kaniyang ina. Nagulat si Mia sa ginawa ng kaniyang ina sa kaniya. Galit na galit si Naomi dahil sinira na nga ni Mia ang career nito, bakit kailangan pa niyang awayin si Claire?“Bakit Mia?! Saan ako nagkulang sayo?! Binusog kita ng mga pagpapaalala pero bakit?!” naiiyak na lang si Naomi sa sobrang galit. Hindi niya matanggap na ganito ang nangyayari sa mga anak niya. Naabot na ni Mia ang pangarap niya pero bakit kung kailan nasa kalagitnaan ito ng ka
Tila bata naman nang umiiyak si Mia. Hindi niya na iniaangat ang ulo niya. Hindi makapaniwalang tiningnan ni Gabriel si Mia. Napalunok si Gabriel. Kagustuhan niya rin noon na ipalaglag ang pinagbubuntis ni Claire pero bakit unti-unti siyang nagagalit kay Mia?“You push her?” tanong ni Gabriel kay Mia. Mabilis namang umiling si Mia.“No, ang gusto ko lang naman ay ang kausapin siya. Please believe me, hindi ko siya itinulak. Umatras siya,” pagpapaliwanag ni Mia. Hilaw na natawa si Gabriel. Bakit naaapektuhan siya? Bakit nasasaktan siya dahil sa ginawa ni Mia kay Claire? Bakit naguguluhan siya?Ito naman ang gusto niya hindi ba? Ang gusto niya naman talaga ay ang mawala ang magiging anak nila ni Claire pero bakit? Bakit ganito ang nararamdaman niya?“Sa tingin mo ba gagawin ni Clai
Nang dumating ang mga magulang ni Gabriel ay tumayo na silang dalawa. Kasama na rin nila ang chairman na seryoso ang mukha. Nakayuko lang si Mia habang nilalaro ang mga daliri niya.“Ano bang pag-uusapan natin ngayon? Bakit niyo kami ipinatawag?” tanong ni Gabriel. Umaasa na sana ay ibalik ng chairman ang kalahating mana niya. Seryosong nakatingin si Elena kay Mia na nakayuko. Alam ni Elena na mukha at itsura pa lang ni Mia ay guilty na ito.Isa-isang tinitingnan ni Gabriel ang pamilya niya. Ang nakangiti niyang mga labi ay nawala dahil pansin niya ang pagiging seryoso ng mga magulang niya at ni Chairman. Napalunok si Gabriel nang tingnan siya ni Chairman. Tila ba ang tingin nito ay handa na siyang ipakain ng buhay sa mga tigre.Tiningnan ni Gabriel ang kaniyang ina na nilapitan si Mia.“Mom
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Asher. Seryosong nakatingin sa kaniya si Claire. Hindi naman sila malapit ni Gabriel sa isa’t isa kaya napatango-tango sya.“Anong gusto mong gawin ko?” tanong ni Asher. Umiling naman si Claire.“Wala akong gustong gawin mo. Hindi mo ako kailangang tulungan dahil alam kong ang chairman ang makakalaban mo oras na nalaman niyang may ginawa ka sa pamangkin mo.”“I don’t care,” sagot ni Asher. Napatingin ulit sa kaniya si Claire. “I won’t tolerate what he did to you. If you want revenge, just tell me kung anong gusto mong gawin. Gusto mo bang sirain ang career nilang dalawa? Sa anong paraan mo sila sisirain?” tanong ni Asher. Napaisip naman si Claire. Ayaw niya nang minsanan lang na masaktan at masira ang dalawang taong nanloko sa ka
Nang magising si Claire ay nakatulala siyang nakatingin sa kisame. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng gana. Hindi niya iniinda ang sakit na natamo niya sa ulo niya. Wala ng mas masakit para sa kaniya ang mawalan ng anak. Muling tumulo ang mga luha niya at tahimik na umiyak. Hindi niya alam kung ano bang nagawa niyang kasalanan para mangyari ang lahat ng ito sa kaniya.Niloko siya ng asawa at kapatid niya. Ngayon ang anak niya naman ang nawala sa kaniya. Anong klaseng sakit pa ba ang kailangan niyang maranasan bago siya maging masaya?Pigil ang paghikbi ni Claire dahil ayaw niyang magising ang dati niyang byenan. Nagpapasalamat siya dahil kahit hiwalay na sila ni Gabriel, nandyan pa rin para sa kaniya ang byenan niyang babae.Napahawak si Claire sa lower abdomen niya. Ramdam niyang wala na talaga ang anak niya dahil lumiit na ang tiyan niya. Pini
Nang may makakitang staff ng kompanya kay Claire ay itinakbo na siya ng hospital. Marami ng dugo ang dumadaloy sa pagitan ng mga binti ni Claire. Iyak naman na nang iyak si Claire dahil nag-aalala siya para sa anak niya.“Anong nangyari?” tanong ng doctor ng makita nila si Claire.“Nalaglag daw sa hagdan doc.” Sagot ng nurse. Ipinasok naman na sa loob si Claire. Nang malaman ni Elena ang nangyari kay Claire ay nagtungo ito kaagad sa hospital.“Claire Cruz, idinala siya dito kanina lang. Nasaan siya?” tanong niya sa nurse station.“Nasa loob pa ng operating room, ma’am.” Sagot ng nurse. Mabilis namang nagtungo si Elena sa operating room. Naghintay siya sa labas ng OR. Tinawagan niya kaagad ang anak niya pero hindi ito sumasagot sa mga tawag niya.







