Mag-log inNang magsimula ang event ay bumaba na ako at nagtungo ng hardin. Nasa gilid lang ako para hindi mapansin ng mga bisita. Tuwang tuwa at hindi na makapaghintay ang mga bisita nang lalabas na ng pintuan si Mia. Mula sa second floor ay may hagdan dun kaya yun ang napili ni Mia na maging entrance niya. Itinutok na sa kaniya ang spotlight, nang bumukas ang pintuan ay palakpakan ang mga bisita at kaniya kaniyang kuha ng picture kay Mia.
Hindi ko naman itatanggi na maganda talaga si Mia, ang ngiti niyang makakapagpatunaw ng puso ng mga lalaki. Ang mga mata niyang hihilingin ng lalaki na makita at mapansin sila.
Lumaklak ako ng wine pero hindi naman yun matapang kaya tinawag ko ang isang waiter para manghingi ng mas matapang na alak. Binigyan naman ako pero hindi marami dahil ayaw nilang may malasing sa party.
Muli kong tiningnan si Mia pero nasa stage na pala ito kasama si mommy at daddy. Hindi mapapantayan ang ngiti ni mommy dahil kasama niya na ulit si Mia. Wala akong ginawa kundi ang kumain, wala na akong pakialam sa kanila.
Muli akong napatingin kay Mia nang may mapansin ako. Kunot noo kong tiningnan si Gabriel na nasa tabi ni Mia. Inaalalayan ni Gabriel si Mia na para bang silang dalawa ang mag-asawa. Nakangiti rin si Gabriel na, naikuyom ko ang kamao ko. Hanggang dito ba naman ay ilalantad nila ang relasyon nilang dalawa? Wala man lang pakialam si mommy at daddy?
Alam nilang ako ang asawa ni Gabriel pero bakit hinayaan nilang si Gabriel ang maging escort ni Mia ngayong gabi? Nang makita ko ang waiter na may dalang isang boteng alak ay kinuha ko iyun sa kaniya. Nilagyan ko ang baso ko saka ko iyun dire-diretsong nilunok.
Ramdam ko na ang pang-iinit ng mga pisngi ko. Tiningnan ko si Gabriel at Mia na kumakain na ngayon, pareho silang nagtatawanan. Wala silang pakialam sa mga taong nasa paligid nila. Dito pa talaga nila napiling maglandian? Wala na ba silang kahihiyan? Tiningnan ko ang mga taong nasa paligid nila. Nakangiti rin ang mga ito sa kanilang dalawa.
Nang maubos ko ang alak na nasa baso ko ay dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanilang dalawa. Nang makita ako ni Gabriel ay nawala ang ngiti sa mga labi niya. Nilapitan niya ako at akma sanang hihilain palayo nang inis kong tanggalin ang kamay niyang nakahawak sa akin.
“Claire, huwag kang manggugulo rito. Pakiusap.” Nakikiusap niyang saad. Hilaw akong natawa, kaya pala hindi ko siya makontak dahil si Mia ang kasama niya. Palagi niya akong nakakalimutan kapag si Mia ang kasama niya.
“Ate Claire, mabuti at nagpunta ka rito.” Kunwaring masayang wika ni Mia saka ako niyakap at hinawakan sa kamay. “Ate ko nga pala, siya ang nag-iisa kong kapatid.” Pakilala niya sa mga nasa malapit sa amin.
“Ang swerte niya naman dahil si Miss Mia ang kapatid niya.” rinig ko pang bulungan ng mga kababaihan.
“Gabriel.” Seryoso kong tawag sa asawa ko. Napatingin na rin si Mia kay Gabriel at nawala na ang ngiti sa mga labi niya. “Umuwi na tayo.” Saad ko. Tila nahihiya naman siya dahil sa inaasal ko.
“Ate, galit ka ba dahil hiniram ko si Gabriel? Alam mo namang wala akong kilalang lalaki na mapagkakatiwalaan ko diba? Hindi ka naman siguro galit dahil siya ang napili kong escort ko ngayon?” painosenteng wika ni Mia sa akin. Seryoso ko siyang tiningnan. Napapakamot naman na sa batok si Gabriel at tila ba kinakabahan na gagawa ako ng eksena ngayong gabi.
“Hiniram mo ba talaga siya sa akin, Mia, o unti-unti mo nang ninanakaw?” may diin kong tanong. Kaming tatlo lang naman ang nakakarinigan dahil wala naman akong balak na guluhin ang party. Alam ko naman na sa akin pa rin ang sisi sa huli.
“Claire, nakikiusap ako. Mag-usap na lang tayo sa bahay pag-uwi ko mamaya.” Mahinang saad ni Gabriel. Ngumiti ako sa kanilang dalawa.
“Enjoy your night, Mia, and welcome back.” Tanging wika ko. Pansin kong nakahinga silang dalawa. Ngumiti na rin sa akin si Mia saka ako muling niyakap.
“Thank you, ate. Huwag kang mag-alala, ibabalik ko ng buo sayo si Gabriel.” Bulong niya saka siya humiwalay sa akin.
“Mia, may gustong kumausap sayo.” Saad ni mommy saka hinila si Mia palayo sa akin na para bang hindi niya ako nakita. Tiningnan ko si Gabriel pero umiwas ito ng tingin sa akin saka siya sumunod kay Mia. Tipid akong ngumiti. Para akong isang hangin sa lugar na ‘to. Ni hindi man lang ako kinausap ni mommy. Ni hindi man lang sumama sa akin ang asawa ko para umuwi.
Minsan ko pa silang tiningnan at close na close sa isa’t isa si Mia at Gabriel. Para bang ako na lang ang kumakapit sa relasyon naming dalawa, para bang hinihintay na lang nila akong bumitaw at sumuko. Ako ba ang hadlang sa dapat ay love story nilang dalawa? Am I the antagonist here?
Tumalikod na ako dahil ano pa bang gagawin ko sa lugar na ‘to?
Paglabas ko ng gate ay nakita ko naman si Uncle Asher na pasakay na rin sana ng sasakyan niya ng makita niya ako.
“Claire,” gulat niyang wika ng makita ako saka niya ako nilapitan.
“Nandito ka rin pala, Uncle Asher. Bakit ang aga mong umuwi?”
“Ikaw? Bakit aalis ka na?” balik niyang tanong sa akin. Umiwas ako ng tingin. Ayaw kong makita niya ako sa ganitong sitwasyon. “Nakita ko si Gab at ang kapatid mo kanina. Hindi mo ba alam na si Gabriel ang escort ng kapatid mo?” tanong niya sa akin. Muli kong tiningnan ang mga mata niya. Bakit parang nagiging interesado siya sa buhay namin lately?
“Ingat ka sa pag-uwi mo, Uncle Asher.” Tanging wika ko. Akma na sana akong aalis nang hawakan niya ako sa kamay.
“Sumakay ka na at ihahatid na kita. Uuwi na rin ako. Nagpakita lang ako dahil wala naman akong balak tumagal dito.” Saad niya saka niya binuksan ang pintuan. Tatanggi pa sana ako pero sumakay na lang din ako dahil baka mahirapan akong maghanap ng masasakyan ko. Nang sumakay siya sa driver seat ay tahimik lang ako. Hindi mawala sa isip ko ang asawa ko at ang kapatid ko. Alam kong may ginagawa na sila behind my back pero masyado pa rin akong indenial.
Masaya si Claire na makitang malaya na ang kapatid niya.“Kumusta ka na? Bakit hindi ka nagsasabi na lalaya ka na pala?”“Nagpadala ako ng sulat ate pero mukhang na-late na. Nalaman ko lang na dito pala kayo magcecelebrate ng birthday ni Archer noong nakalaya na ako. Hindi ba ako nakakasira ng celebration ate? Mukhang pinagbubulungan na ako ng ibang bisita eh.” Tiningnan ni Claire ang ibang bisita na nakatingin sa kanila.“Huwag mo silang pansinin. Wala akong pakialam sa kanila. Kumain na ba kayo? Maraming pagkain diyan, kumain na muna kayo.” Ani ni Claire saka ito nagtawag ng staff para asikasuhin si Mia. Masaya naman si Mia na tanggap pa rin siya ng pamilya niya at napatawad ni Claire.Napapangiti na lang si Gabriel kay Claire nang magsalubong ang mga mata nila.“Happy birthday sa unico hijo mo, Claire. Parang lalo kang bumabata ah.” Ani ni Gabriel. Natawa naman si Claire.“Huwag mo na akong bolahin. Sabayan mo na si Mia na kumain. Mabuti at nakarating ka rin. Kasama mo ba si Mia na
Simula nang manganak si Claire, si Asher naman ang nag-aalaga ng baby nila. Nagleave siya ng tatlong buwan sa kompanya niya. Pumapasok lang siya kapag mahalagang meeting at kailangan siya.Ayaw niyang mapagod at mapuyat ang asawa niya lalo na at nakita niya kung paano ito nahirapan sa panganganak. Nagreready na lang si Claire ng mga gatas na napump niya na.Gabi-gabi ay hinehele ni Asher ang anak nila at hindi siya nagrereklamo kapag napupuyat siya. Kapag araw naman ay maraming nag-aalaga kay Archer kaya dun naman siya natutulog.Nang mapatulog ni Asher si Archer ay dahan-dahan niya itong ibinaba sa crib saka siya tumabi sa asawa niya sa kama.“Good night love,” bulong niya saka niya ito hinalikan sa noo.Kinabukasan, kinuha na ni Claire si Archer para makapagpahinga naman si Asher. Dahan-dahan na lumabas ng pintuan si Claire, ganito na ang routine nila sa araw-araw. Dire-diretso ang pagtulog ni Claire sa gabi kaya maaga siyang nagigising para pasikatan ng araw ang anak nila.“Mommy,
Nang mailipat na si Claire ay pumasok na sila kaagad. Unang nilapitan ng mga lalaki ay ang apo nila habang si Elena, Naomi at Asher ay dumiretso kay Claire.“Okay lang ba natutulog siya?” tanong ni Elena kay Naomi.“Okay lang naman siguro. Grabe yung pagod niya kanina sa panganganak. Parang ayaw ko na tuloy sundan pa si Archer.” Sagot ni Asher. Natawa naman si Elena.“Normal naman talaga ang reaksyon ni Claire. Mahirap naman talaga manganak pero kapag gusto pa ng babae na sundan ang anak niyo, wala kang magagawa dun.” Sagot ni Elena. Napabuntong hininga naman si Asher. Kapag tinitingnan niya ang asawa niya, para bang huwag na ulit sundan ang anak nila. Gusto niya rin magkaroon ng anak na babae pero kapag iniisip niya ang hirap ni Claire para bang di bale na lang.“Ang gwapo gwapo naman ng apo ko. Syempre sa akin yan ng nagmana.” Tuwang tuwang sambit ni chairman. Nilingon ni Elena ang tatlong lalaki na nakafocus kay Archer. Napapailing na lang siya. Mas excited talaga ang mga lalaki sa
Abala si Asher na nagsasalita sa harap ng conference room kasama ang mga board members para sa business expansion nila. Hindi pa man siya tapos na magsalita nang lumapit sa kaniya si Rolan.“Sir, tumawag ang ate Elena mo. Idinala raw nila sa hospital si Ma’am Claire.”“What?” gulat na tanong ni Asher. Nakatingin sa kanilang dalawa ang lahat ng kasama nila sa conference room.“Mukhang pumutok na ang panubigan niya.” bulong pa ni Rolan. Napalunok si Asher at ginapang ng kaba ang dibdib niya.“Go on, Mr. Cruz. Mas mahalaga ang araw na ito para salubungin ang bagong tagapagmana. We can continue our discussion kapag marami ka ng oras.” Nakangiting saad ng isang board members dahil naririnig ng nasa harapan ang usapan nilang dalawa.“Oo nga naman, Mr. Cruz. Anyway, congratulations.” Tuwang-tuwang sambit ng mga ito. Lahat sila ay binati na si Asher dahil magiging ama na ito at lalaki ang una nilang anak. Napapangiti na lang si Asher. Pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman niya.Lumabas n
Tuwang tuwa silang lahat nang makarating sila ng isla. May mga pagkain na kaagad na nakahanda para sa kanila.“Wow seafoods,” tuwang tuwang sambit ni Claire. Bigla siyang natakam kahit na kumain sila sa eroplano.“Hali na kayo, kumain na tayo para sabay-sabay na.” tawag ni Naomi sa mga kasama pa nila. Hinayaan na nila ang mga caretaker ng isla na ayusin ang mga gamit nila.“Ang ganda naman dito, Claire. Kailan mo nabili ‘tong isla na ‘to?” tanong ni Elena habang kumakain sila.“Hindi po ako ang bumili nito mom. Niregalo sa akin ni mommy at daddy noong kasal namin ni Asher.” Sagot niya. Namamangha namang napatingin si Elena sa mag-asawang Mendoza.“Pambawi na rin namin sa kaniya lalo na at napabayaan din namin siya.” Sagot ni Naomi. Ngumiti at tumango na lang si Elena.“Love, dahan-dahan lang sa seafoods ha? Baka biglang tumaas ang dugo mo.” Pagpapaalala ni Asher. Tumango lang naman si Claire pero patuloy ang pagkain nito ng mga seafoods.Si Asher ang nagbabalat ng mga hipon saka nito
Busy silang lahat na magprepare ng mga dadalhin nila sa private island na iniregalo kay Claire. Nasa sofa naman si Claire at naghihintay sa pamilya niya na naggagayak. Hindi naman siya pinapakilos ni Asher dahil malaki na rin ang tiyan niya.“Mommy!” rinig ni Claire sa boses ni Sofia, nilingon niya ito. Binitiwan ni Claire ang hawak niya para buhatin si Sofia.“Hello baby ni mommy. Kumusta ikaw? Are you excited?” nakangiting tanong ni Claire. Mabilis namang tumango si Sofia.“Mommy, is there a pool there?” inosenteng tanong ni Sofia.“Oo naman, may malaking pool dun at may dagat din. Pwede kang maligo dun pero dapat palagi mong kasama si Ate Andeng, okay? Hindi ka pwedeng umalis ng hindi siya kasama. Do you understand?” habilin ni Claire.“Opo, mommy. I will remember what you said po.”“Very good,” ginulo ni Claire ang buhok ni Sofia. Nagpaalam naman muna si Sofia dahil may kukunin pa ito sa room niya. Napapangiti na lang si Claire dahil ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, nahih







