Kailan ba ako magigising? Kailan ko ba makikita na niloloko na nila akong dalawa? Akala ko happy ending na para sa akin dahil kasal na kami ni Gabriel pero mukhang panaginip lang yun. Anong ebidensya pa ba ang kailangan ko para magising na ako sa katotohanang hindi ako ang mahal ng asawa ko.
Napayuko na lang ako nang dire-diretsong pumatak ang mga luha ko. Naramdaman ko namang itinigil ni Uncle Asher sa gilid ang sasakyan. Tiningnan ko ang iniaabot niya sa aking panyo. Nakakahiya man pero kinuha ko yun para punasan ang mga luha ko.
“Pasensya ka na kung nakikita mo akong ganito. Gusto kong maniwalang harap-harapan na nila akong niloloko pero kinokontra ako ng puso ko.” Saad ko ng hindi siya tinitingnan. Ramdam ko ang titig niya sa akin pero hindi siya nagsalita. Humugot ako ng malalim na buntong hininga para pigilan ang pag-iyak ko.
“Mahal na mahal mo talaga siya?” mahinang saad ni Uncle Asher. Tumango naman ako, matagal na akong may pagtingin kay Gabriel kaya hindi man inaasahan ang nangyari sa amin noong gabi ng graduation, masayang masaya akong ikinasal kaming dalawa. Ako ang pinakamasayang bride noong araw na iyun.
Hinaplos ni Uncle Asher ang likod ko para i-comfort ako.
“Mahalin mo lang siya hanggang mapagod ka. Hayaan mong ibigay mo ang lahat sa kaniya, subukan mo pang ayusin ang relasyon niyo. Habulin mo siya at magmakaawa ka dahil oras na sumuko ka na, oras na napagod ka na, hindi ka magsisisi dahil ginawa mo naman ang lahat para bumalik siya sayo. Hindi mo na kasalanan kung hindi niya pipiliing ayusin ang relasyon niyo. Hayaan mong pagurin ang sarili mo at kapag oras na tumalikod ka na, huwag ka nang lilingon pa.” sinsero niyang wika sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. Malumanay ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Para bang inaakit niya ako sa paraan ng mga tingin niya.
Napalunok ako ng mapadako ang tingin ko sa mapupula niyang mga labi. Mabilis kong iniwas ang paningin ko dahil sa panandaliang pagnanasang halikan iyun.
“Gusto ko nang umuwi.” Saad ko sa kaniya. Pinaandar niya naman na ang sasakyan saka ako inihatid. Pagbaba ko ng sasakyan ay hindi ko na siya nilingon. Dire-diretso na akong pumasok ng bahay.
Kinabukasan, tanghali na nang umuwi si Gabriel. Nakatingin lang ako sa kaniya, umupo ito sa sofa na tila ba pagod na pagod.
“Bakit ngayon ka lang? Akala ko ba uuwi ka kagabi?” malumanay kong tanong sa kaniya.
“Pagod na pagod na ako kagabi kaya dun na ako natulog sa bahay niyo.”
“Si Mia ba ang katabi mo?” hindi ko napigilang tanong sa kaniya. Tumayo si Gabriel saka ako tiningnan.
“Nagseselos ka ba kay Mia?” tanong niya.
“Dapat ba hindi? Yun ang pinaparamdam mo sa akin. Wala nga ba akong dapat ikaselos?” nasasaktan kong sagot. Tumawa naman si Gabriel saka ako nilapitan. Inayos niya ang mga nagtakas kong buhok saka niya hinaplos ang pisngi ko.
“Masyado namang selosa ang asawa ko. Ano bang gusto mo para mawala na ang pagseselos mo? Walang namamagitan sa amin ni Mia. Kinausap niya lang ako para maging escort niya at yun lang yun.”
“Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko kahapon? Ang sabi ni Ryan, tanghali pa lang umalis ka na. Saan ka galing?” seryoso kong tanong. Pakiramdan ko mauubos ang pasensya ko sa kaniya. Sa buong pagsasama namin, hindi ko siya inaway. Inintindi ko siya dahil baka pagod lang pero tila ba unti-unti nang nauupos ang kandila ko. Ginulo ni Gabriel ang buhok niya saka siya bumuntong hininga.
“May pinuntahan akong meeting, love. Hindi na ako nakapagpaalam sayo na kinuha akong escort ni Mia dahil biglaan naman. Hindi na rin ako nakauwi dahil kulang na sa oras yung preparation ko.” Pagdadahilan niya. Kung dati naniniwala ako kaagad sa mga paliwanag niya, kung dati mabilis niya akong makuha sa pahaplos-haplos niya. Hindi na ngayon.
Akma niya sana akong hahalikan nang umiwas ako. Bakas ang gulat at pagtataka sa mukha niya dahil kahit kailan hindi ako tumanggi sa mga halik niya, haplos niya hanggang sa may mangyari sa aming dalawa.
“Galit ka pa rin ba?” inis niya ng tanong sa akin dahil tila ba hindi niya matanggap na umiwas ako sa halik niya.
“Magbihis ka na dahil singaw na singaw sa damit mo ang pabango ni Mia.” May diin kong saad sa kaniya. Inamoy niya naman ang sarili niya pero bumalik na ako sa kwarto ko. Hindi ko siya kayang harapin mo pero mahal na mahal ko pa rin ang asawa ko. Gusto kong ipanalo namin ang pagmamahalan naming dalawa pero paano kung ako na lang ang kumakapit?
Sa mga lumipas na mga araw naging tahimik kami ni Gabriel sa isa’t isa. Madalas na rin siyang umuwi ng late. Hindi na rin kami nag-uusap. Para kaming hangin sa isa’t isa. Sa tuwing tinatanong ko si Ryan tungkol kay Gabriel palaging dahilan ni Ryan na nakipagkita ito sa client nila pero alam kong nabilin na ni Gabriel ang secretary niya para magsinungaling sa akin.
Tiningnan ko si Gabriel na katabi ko na ngayon. Pagkatapos niyang magshower kanina ay dumiretso na siyang humiga. Hindi man lang niya ako hinalikan bago natulog. Nakadapa siya at para bang pagod na pagod sa maghapon niya. Napatingin ako sa mga kiss mark sa gilid ng tiyan niya. Hilaw akong natawa, pinapak ba siya ni Mia? Gaano ba siya kasarap para buong katawan ni Gabriel ay tikman ni Mia?
Gusto ko siyang sampalin, gusto ko siyang sipain pero nananaig pa rin ang pagmamahal ko para sa kaniya kaya hangga’t kaya kong magtiis, gagawin ko.
Kinabukasan, pinagluto ko siya ng mga paborito niyang pagkain. Napangiti ako ng makita ko ang masasarap na pagkain na nakahain sa lamesa. Tatawagin ko na sana siya para kumain ng makita ko siyang nagmamadaling bumaba ng hagdan. Hindi pa maayos ang necktie nito.
“Kumain na tayo.” Saad ko sa kaniya. Nang makababa siya ay isinuot niya na ang sapatos niya. Hindi pa siya nakakapagsuklay dahil basa pa ang buhok nito.
“Sa office na ako kakain, may kailangan lang akong gawin.” Nagmamadali niyang wika saka ito lumabas ng bahay. Hindi man lang niya natikman ang niluto ko.
Nang marinig ko ang cellphone ni Gabriel ay nilingon ko iyun. Mukhang naiwan niya nang magsuot siya ng sapatos. Binuksan ko ang cellphone ni Gabriel at binuksan ang message niya. Nanginig kaagad ang mga kamay ko ng makita ko ang message ni Mia.
[Love, nasan ka na ba? Bilisan mo naman dahil kanina pa ako naiinip kahihintay sayo.] bagsak ang balikat ko nang mabasa ko iyun. Nagmamadali siyang umalis para puntahan si Mia.
Iniwas ni uncle Asher ang paningin niya sa akin saka siya napatikhim.“Naalala mo rin ba yun all this time?” balik niyang tanong sa akin.“Hindi, nagtataka ako kung bakit bigla mo akong kinausap at nilapitan. Wala akong maisip na dahilan dahil hindi naman natin kilala ang isa’t isa personally. Kilala lang natin ang mga pangalan natin. Habang naglilinis ako sa office mo, nakita ko yung gamit mong pamilya sa akin at dun ko naalala ang nangyari sa ating dalawa noong gabi ng reunion. Why did you suddenly talk to me and approach me?”“Because I want to say sorry for what happened pero nang mapansin kong parang wala kang maalala, hindi ko na ipinaalala pa sayo. Maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin. Wala akong karapatang magalit.” Seryoso niyang sagot sa akin. Ibinalik ko ang paningin ko sa dagat. Wala naman talaga siyang kasalanan. Naalala ko na ang buong pangyayari.“You don’t need to say sorry dahil ako ang nagpumilit na halikan ka. Kasalanan ko kung bakit may nangyari sa atin. Gust
Tumayo kaagad si Gabriel para lapitan si Mia. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Wala akong pakialam sa pag-uusapan nilang dalawa. Huwag na nila akong idamay pa dahil sila ang nagkasala sa akin.“Ano ba! Bitiwan mo nga ako. Kanina pa ako tawag nang tawag sayo pero hindi mo sinasagot tapos ito ang maaabutan ko? Inaayos mo ba ang relasyon niyong dalawa habang wala ako, ha?!” galit na sigaw ni Mia kay Gabriel. Napapailing na lang ako. Hindi ko akalain na ang matalino kong kapatid, ang paborito ng mga magulang ko ay masasangkot sa ganitong gulo.“Claire, don’t just sit there!” nanggagalaiting sigaw ni Mia sa akin. Nang mabusog na ako ay saka ako tumayo.“Thank you sa dinner, Gab.” Malambing kong wika para asarin ang kapatid ko. Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko sa kaniya para gawin niya sa akin ito.“Fuck it, Claire! Answer me!” nilapitan ko si Mia. Nag-aapoy sa galit ang mga mata niya. Akala mo kung sinong naagawan ng asawa, siya naman ang kabit.“Huwag kang mag-alala, Mia. Huli
Binantayan ako ni uncle Asher hanggang sa nadischarge na ako. Inihatid niya na rin ako sa bahay namin.“Pasensya ka na uncle Asher kung naabala kita. Alam ko namang busy ka pero sinamahan mo pa rin ako sa hospital.” Nahihiya kong wika sa kaniya. Pumasok na kaming dalawa sa loob ng bahay. Nagulat naman ako nang may biglang sumuntok kay uncle Asher.“Gabriel?!” gulat kong sigaw sa asawa ko.“Mag-uuwi ka pa talaga ng lalaki mo rito? Dito pa talaga sa loob ng pamamahay natin, Claire?!” galit niyang sigaw sa akin at akma niya sanang susuntukin si uncle Asher ng makita niya ito.“Uncle Asher?” usal niya. Pinunasan ni uncle Asher ang dugo sa labi niya. Mukhang napalakas ang suntok ni Gabriel sa kaniya. Napapabuntong hininga na lang ako sa ginawa niya. “Huwag mong sabihin sa akin na may gusto ka sa asawa ko, uncle Asher?” dagdag pa niya. Sa inis ko ay binatukan ko siya para magising siya sa kahibangan niya.“Bakit nandito ka?” tanong ko sa kaniya.“Bakit ngayon ka lang? Bakit hindi mo sinasag
Nanghihina akong umupo. Kinuha ko ang underwear ko at isusuot na sana yun ng makita ko ang dugo. Kinabahan ako kaya mabilis akong nagbihis. Siguradong ito ang dahilan kung bakit tumigil si Gabriel sa binabalak niya sa akin. Tinawagan ko kaagad ang OB ko para sabihin ang nangyari. Ipinakita ko na rin sa kaniya ang dugo na nasa underwear ko pa. At dahil gabi na, sinabihan niya akong pumunta na lang ng hospital bukas dahil sarado na ang clinic niya.Paggising ko kinabukasan ay hindi ko na nakita si Gabriel. Umalis na rin ako kaagad para mapuntahan si doctora. Nagmessage na rin ako kay uncle Asher na male-late ako. Sinabi ko sa kaniya ang totoong dahilan.Nang mabigyan ako ng pangpakapit ulit ay umalis na ako. Napapatingin sa akin ang mga babaeng nasa front desk pero hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin. Pagdating ko sa office ni uncle Asher ay wala siya dun.Ginawa ko na ang mga design ko at makalipas ang ilang oras ay bumalik na si uncle Asher. Nagsalubong pa ang mga tingin namin.“Ku
Tahimik kong ginagawa ang bagong design ko. Mag-isa ko lang sa office ni uncle Asher. Dito niya ako binigyan ng working station ko dahil isa rin niya akong secretary. Gusto ko sanang sa ibang room na lang o di kaya sa ibang department basta huwag lang kaming magkasama pero ako ang kailangan niya. Ako ang palaging tinatawagan ni Ryan kapag may gusto siyang ipaalala kay uncle Asher.Hindi niya naman ako binibiyan ng mga paper works pero sa tuwing may meeting siya sa conference room, ako ang gumagawa ng minutes of meeting. Kapag bumalik na kami sa office niya, ginagawa ko naman ang trabaho ko bilang designer.Nang may kumatok sa pintuan ay lumabas ako para buksan yun. Sumalubong naman sa akin ang delivery rider.“Ma’am deliver po para kay ma’am Claire Cruz.” Wika niya saka ibinigay sa akin ang isang box. Kinuha ko naman yun saka muling isinarado ang pintuan. Binuksan ko na kaagad ang package ko at napangiti naman ako dahil dumating na ang inorder ko para sa pangharang ko sa working stati
Pumasok ako kaagad ng maaga. Ayaw kong magpaka-VIP dahil lang sa kilala ko si uncle Asher. Kinakabahan na excited ako sa unang trabaho ko. Dala-dala ko na rin ang mga design ko noong nasa college pa lang ako. Gusto ko lang ipakita kay uncle Asher dahil baka may magustuhan siya at maisama sa mga bagong collection ngayong buwan.Pagdating ko ng office niya ay may kausap pa siya sa cellphone niya. Sinenyasan niya akong maupo muna kaya naupo muna ako. Bahagya siyang lumayo dahil may kausap pa rin siya sa cellphone niya. Nang matapos sila ay hinarap niya ako kaagad.“I need secretary, Claire. Hindi na kaya ng dalawa ko pang secretary ang mga trabaho nila. Oo, pinangakuan kitang kukunin kitang designer ng kompanya ko. You can still do that but I need secretary. Hindi naman kita bibigyan ng maraming trabaho, I just need you everytime na may meeting ako at aalis ng kompanya. Kapag nandito naman ako sa office ko, you can do whatever you want.” Seryoso niyang wika sa akin.“Wala namang problema