Share

Chapter 2

NAZLI LEIN ALCANTARA

Umalis na ang mga lalake at naiwan ako. May iniwan pa sila sa akin na limang paper bag at mga damit iyon para daw sa akin at ng may magamit ako at kung sakaling may kakailanganin pa akplo tatawag lang daw ako sa kanila at magsabi.

Huwaw! Go girl! Icareer mo yan besh!

Sa totoo lang ang tagal magising ng lalakeng ito! Hindi na ako magtaka pagkagising niya nasa COMA STATE na siya haha. Nag-eenjoy na ata sa pagtulog.

Alas onse ng gabi ng bigla akong magising dahil tila may naririnig akong tila ungol, tinignan ko ang lalake at gising na nga siya at pilit na iniilig ang ulo niya. Nataranta ang tita niyo! Hindi ko alam ang gagawin.

Maya-maya lang ay meron ng nagsisipasukan na mga nurse at si doc. waw ha!? naka red alert ba sila? So ayun, tuluyan ng nagising ang guy at sa totoo lang Gosh! ang gwapo niya! gwapo na siya noong nakatulog siya peras gwapo siya ngayong gising na siya! Grabe guys!

Pero malungkot ako kasi ang seryoso ang mukha ng lalake. Napaka cold ba? Tapos halatang nirerespeto siya at takot sila sa kanya.

Habang tinitignan ni doc ang pulse rate niya tumingin siya sa may gawi ko na walang kaemo-emosyon! Basta nakatingin lang siya sa akin! halos hindi kumukurap!

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako sa kanya o hindi pero sympre mabait ang tita niyo ayaw ko namang maging poker face sa harap niya lalo na't ang gwapo niya, pero nakakainis dahil inirapan lang niya ako! woah! for real!? nginitian ko siya pero siya pala ang poker face sa akin!? How dare you!

Pasalamat ka at gwapo ka dahil kung hindi who you ka sa akin!

Finally natapos din ang check -up ni masungit na prinsipe at kami nalang dalawa ang naiwan. Seryoso lang ang awra niya at tila wala siyang balak na kausapin ako, kaya ako na itong unang magsasalita at babasag sa katahimikan pero bago pa ako makapagsalita ay nauna siya saying that makaka-alis na ako! what the!? malapit na akong maubusan ng pasensya.

Konti nalang! Naiinis ako sa inaasal niya! hindi alo natutuwa ah! Okay aalis na ako! Bahala siya sa buhay niya! Dinampot ko na ang bag ko at aalis na sana pero tumunog ang cellphone ko. New number ang nagpakita sa screen ng phone ko. Inis kong sinagot ang tawag pero hindi pa ako nakakapagsalita ng magsalita na ang nasa kabilang linya na hindi daw ako pwedeng umalis.

Hindi ko daw pwedeng iiwan ang lalake! Yes! he's begging me to stay and to take care of him. Nagpakilala ang nasa kabilang linya as "Master". Sa totoo lang naiinis na ako pero parang kawawang nakikiusap ang matanda. Yes, matanda sa pagkakaalam ko base sa boses nito, if I'm not mistaken tatay ng asungot ng lalaking ito.

Tinignan ko ang lalake at busy ito sa pagseselpon na parang hindi aware sa nangyayari. Bagsak ang balikat kong nakatingin sa kanya. Parang gusto kong agawin ang cellphone na hawak niya at sirain yun!

"WHY ARE YOU STILL HERE?" ngiting aso lang ang ginanti ko sa kanya at saka ako bumalik sa upuan malapit sa kanya. Aba!? asaran ba ang hanap niya? Game ako diyan! Kunot-noong tumingin siya sa akin at seryoso. Nakakapagtaka, simula ng magising siya hindi man lang ngumiti! Siguro may sakit siya haha

#DI MARUNONG NGUMITI DISORDER!

Sabi ko sa kanya na may tumawag sa akin at pinaiistay niya ako dito at bantayan siya pero alam ninyo ang nakakainis? wala lang! Ni walang reaction! Putcha! Para akong hangin sa harap niya! Batuhin ko na kaya!

Kinuha ko ang phone na hawak niya at saka ko nilagay sa lamesa yung hindi niya abot. Tumingin talaga sa akin ng napakatalim at seryoso. Nakakatakot ang awra niya pero umaapaw parin ang kagwapuhan niya.

Manipis na labi na kissable lips kumbaga. Katamtaman ang laki ng mata, mahahabang pilik-mata, may kapakalan na kilay, matangos na ilong, oval shape ang mukha, matangkad at halatang mayaman pero ang nakakainis ang sungit- sungit niya!

"GIVE ME MY PHONE!" maawtoridad niyang sabi pero hindi ako nakinig bagkus nameywang pa ako sa harap niya. Alangan naman na ako ang susuko sa kanya? Well, kahit gwapo ka, wala sa vocabulary ang salitang pagsuko no!?

"WHAT DO YOU WANT?" halatang inis na ito ayon sa ekpresyon ng mukha niya. Yung feeling na nakakatakot pero ramdam ko parin na hindi siya mananakit ng ibang tao lalo na sa babae tulad ko. Char!

"ANG SABI NI MASTER DITO LANG AKO" maarte kong sagot haha.

"AKO NA ANG NAGSASABI, YOU CAN LEAVE NOW" pagtataboy pa niya lalo.

"ALAM MO PASALAMAT KA AT MABAIT AKO SAIYO" inis ko narin.

"I DON'T NEED YOU" simpleng sagot niya pero para akong natauhan. Oo nga no? Sino ba ako sa kanya? Sino ba siya sa akin?

"OKAY FINE!" inis kong sagot. Sino ba siya para ipagpilitan ko ang kabutihan ko sa kanya? kung hindi niya naaapreciate ang pagmamagandang loob ko e di huwag! Bwiset!

"BEFORE YOU LEAVE GIVE ME MY PHONE FIRST" mando niya sa akin. Naks naman napaka demanding!

"E DI KUNIN MO! DIBA SABI MO SA AKIN YOU DON'T NEED ME?" I smirk haha.

"PLEASE" pakiusap niya. What the hell? He's so cute! Bakit ganun siya? Napaka romantic ang pagkasabi niya? 

Shit! Pagkasabi niya yun, parang natunaw agad ang inis ko sa kanya!? Oh siya sige, dahil mabait ako binigay ko ang phone niya at kinuha niya kaagad. Nakatayo lang ako.

"YOU CAN LEAVE NOW" pagtataboy niya ulit. So mean it's a prank lamang ang 'please' niya kanina? Nauto ako?

"BY THE WAY DON'T FORGET TO CLOSE THE DOOR AND NEVER COME BACK" sabi niya. Yes! yan ang sabi niya sa akin! Nakakahurt ng feelings!

"TALAGANG HINDING-HINDI AKO BABALIK! GAGO KA PALA EH!" nainis na ako ng tuluyan.

"SAY WHAT!? SAY IT AGAIN?" pagpapaulit nito.

"HUWAG MO AKONG MAINGLI-INGLISH AH KUNG AYAW MONG MAKATIKIM KA TALAGA SA AKIN!" hasik ko. Ngunit hindi ito nagsalita sumenyas nalang gamit ang kamay na ibig sabihin ay pinapaalis na ako. Inis na inis ako!

Minsan hindi ko nakokontrol ang sarili ko kapag nagagalit at naiinsulto. Talagang nag aapoy ang mata at umuusok ang ilong ko. hahana yun na yun! Nainis ako sa inasta niya kaya hinablot ko ang cellphone niya at ibinagsak ko sa lamesa. Akala niya ah! Hindi man siya makakatayo dahil hindi pa niya kaya. Ang lakas din ng loob niya na kalabanin ang dragon ng norte!?

"HEY! WHAT ARE YOU DOING STUPID WOMAN!" sigaw niya sa akin kaya mas lalong uminit ang ulo ko. Sa totoo lang gusto ko na siyang sapakin!

"OH! STUPID PALA AKO AH! SIGE KUNIN MO MAG-ISA ANG PHONE MO! IDIOT!" sumbat ko rin saka na ako umalis. Rinig ko pa ang pagsigaw niya sa akin pero hindi ko pinansin at tuluyan na akong umalis. Nakakainis! gwapo-gwapo niya pero pangit-pangit ng ugali niya. That's bullsh*t honestly!

STEVEN KYLE DE LAVIDA

I hate that woman ever! Damn! She insult me! She's crazy woman! Saang lupalop nanggaling ang amazonang babaeng iyon! at bakit kilala siya ni daddy? Naiinis ako! 

Maya-maya lang may pumasok na isang nurse sa room ko, may dalang pagkain at iniabot sa akin ang phone niya. Daddy's calling. Ayaw kong sagutin ang tawag niya. I'm too tired to talk to him pero mapilit itong nurse dahil nagagalit na daw siya at kanina pa ang panay tawag niya even in my phone kaso hindi ko naman masagot dahil inilayo naman sa akin ng amazonang babaeng iyon!

 "YES DAD?" walang buhay kong sagot.

"WHETHER YOU LIKE IT OR NOT KYLE, ANG BABAENG PINAALIS MO KANINA AY SIYANG MAGBABANTAY SAIYO" pahayag niya.

 "DAD?" mahinahon kong sabi

"KYLE, I KNOW SHE'S A GOOD WOMAN. HINDI KA NIYA TUTULUNGAN KUNG WALANG MALASAKIT IYON" dagdag pa niya.

 "KAILAN BA KAYO UUWI DAD?" pag iiba ko

"I DON'T KNOW. WE'RE NOT SURE. KAILANGANG MATIGNAN NG MABUTI ANG MOMMY MO. TAPOS IKAW HINDI KA NAG-IINGAT DIYAN!" sermon niya. Hindi nalang ako umimik. Ayaw kong makipag argue sa kanya.

 "PINAGHAHANAP NA ANG BUMANGGA SAIYO KAYA PLEASE KYLE PAKITUNGUHAN MO NG MABUTI SI NAZLI"

"WHY DO YOU KNOW HER?" curious kong tanong

"SHE'S WORKING IN OUR MALL AS AN ANNOUNCER" sagot niya

Oh really! Tsk! kaya pala ganun kaganda ang boses niya pero ayaw ko parin sa kanya dahil maingay siya. Ayaw ko sa maiingay na tao.

"OKAY DAD, DON'T WORRY MAGING MABAIT AKO SA KANYA" sabi ko nalang though I'm not sure kung maging mabait talaga ako sa babaeng yun.

 "SIGURADUHIN MO LANG KYLE. BY TOMORROW PAPUNTAHIN KO DIYAN SA HOSPITAL PARA BANTAYAN KA" pagtatapos niya.

"IT'S OKAY TO HER?" alangan kong tanong

"DODOBLEHIN KO ANG SAHOD NIYA JUST FOR YOU KYLE, SO PLEASE BE KIND TO HER"

"DAD, KUMUSTA SI SANDRA?" pag iiba ko. Yes, Sandra is my fiancee na nasa Hawaii ngayon. She's a doctor and a model at the same time. Alam ni Daddy ang ibig kong sabihin, I don't want her to know that I'm here at hospital. Ayaw kong mag alala siya sa akin.

"DON'T WORRY HINDI NIYA MALALAMAN NA NAAKSIDENTE KA, BASTA MAKE SURE NA MAGPAGALING KA AT UMAYOS KA HABANG WALA KAMI DIYAN" bilin niya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status