Share

Forbidden Love
Forbidden Love
Author: Taggy

Chapter 1

NAZLI LEIN ALCANTARA

I was walking in a highway when I saw many of people on the center of the road. I heard them all saying "OH MY GOD" that is why I get closer to them because I was so curious! 

Then I was shocked for what I saw! Napa OH MY GOD din ako pero ang masaklap napalakas pala ang sigaw ko kaya ayun nakatingin lahat sila sa akin haha. 

Malay ko ba na napalakas pala ang boses ko. Paano ba naman kasi I saw a man laying on the ground with full of blood! Oh diba nakakashock!

Napa question ako bakit wala man lang tumulong? Nasaan ang ambulance!! Pero napahiya ako ng sabi ni Ale na parating na raw, so ako naman tinignan ko ang lalake na nakahandusay sa daan. 

Infairness gwapo! Oo mga beshie gwapo talaga! Pinakatitigan ko talaga pero naudlot o natigil yun nang may sumigaw sa akin na TABI! ang lakas!

Parang naka microphone ba? Sympre tumabi ako at nakakahiya naman kay sir! 

So ayun, binuhat na nila ang bangkay ay charrot! yung lalaki pala hahaha. Hindi pa pala siya patay dahil kung patay na siya, SAYANG NAMAN!

Naisakay na nila ang lalake ng biglang nagtanong si sir kung sino daw nakakakilala sa lalake sympre walang sumagot tapos biglang tumingin siya sa akin sabay sabing "IKAW NA LANG MISS!" saka na ako hinila pasakay sa loob ng ambulansya.

Wala akong nagawa. Pambihira naman neto!? nadamay pa ako dito! Balak ko paman ding matulog maghapon dahil day off ko sa pinapasukan kong mall.

Isang sikat na mall at pinakadaming branch na nag eexist haha. 

So ayun nga, hindi ko malaman kung ano at ilang oras kaming nagtravel papuntang hospital, basta ang alam ko nakarating na kami .

Nagpanic lahat ng nasa E.R. Pagkalabas nila sa lalake bamaba narin ako at sympre feeling close sumama ako sa loob pero huminto ako dahil hindi na daw pwede pumasok sa operating room kaya naghintay nalang ako sa labas.

Hindi ako mapakali honestly, hindi dahil sa lalake kundi naitatanong ko bakit ako nandito haha. Ang iniisip ko ngayon gusto ko na talagang matulog . Alas kwatro na kaya ng hapon. Nakakainis!

Maya-maya lang may lumapit sa akin na nurse tapos nagtanong-tanong regarding sa lalake , ako nganga! dahil hindi ko naman kilala hahaha.

Ang kinaiinisan ko ng sinabi niya sa akin na "BAKIT TILA WALA KANG PAKI-ALAM SA BF MO? SWERTE KA KAYA!"

Ewan pero para bang gusto ko siyang sapakin pero kalma lang self. Nagawa ko parin ang ngumiti sa nurse kahit sa kaibuturan ng puso ko ay gusto ko ng pagsasampa- sampalin.

Nakalipas ang hindi ko mabilang na oras haha sa wakas lumabas na ang doctor na nakangiti. Aba!

Nakangiti pa talaga si doc? ano ito scam!? kinabahan ako sa reaction ni doc!

"YOU ARE?" tanong niya sa akin. Napalunok ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

Sino ba ako ha? Anong meron ba kami sa lalake na iyon?

"FRIEND DOC" nasabi ko nalang haha.

 Tapos sabi ni doc ililipat na daw siya sa VIP room. Huwaw! VIP? For real!? tapos dagdag pa niya na babantayan nalang daw ang condition niya at hintayin na magising tapos ako naman OPO lahat ng mga sinagot ko haha. saka na niya ako iniwan.

Hinanap ko ang VIP room number 10 na sinabi sa akin ng kung saan dinala ang 'new friend' ko haha. Nababaliw na ako.

So ayun, nakarating ako sa VIP room number 10 at huwaw ha! gulat ako sa laki at lawak nito !

Parang isang bungalow house na ang room. Sana all! Siguro mayaman itong lalaking ito?

Lumapit ako sa bed ng lalake at tinignan ko siya. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya.

Nasaan kaya ang pamilya nito? o asawa o girlfriend niya? Hay naku! Bakit naman kasi pagala-gala ang gwapong batang ito haha ayan tuloy nabangga! 

Na hit and run tuloy! Umupo ako sa may tabi niya at hindi ko alam ang gagawin, wala lang naka upo

lang habang pinakatitigan ko ang mukha niya. Gusto ko ng umuwi pero wala atang balak ng pamilya niya na puntahan siya. 

Nakaramdam ako ng gutom kaya tumayo ako at lalabas sana ako pero my dumating na isang babae na may dalang tray na puno ng pagkain.

Nagulat ako pero nakaramdam ako ng pagkagutom. Sabi naman niya na para sa akin yun kaya kinain ko na.

Hindi na ako nagtanong tungkol sa lalake at ang tanging sinabi niya lang sa akin ay alagaan ko daw ang lalake at hindi ko ba daw bibitawan dahil swerte ako sa kanya. What!?

Pinagsasabi mo ate? Tinulungan ko lang siya hanggang doon lang yun! At kung sino man ito, wala akong paki-alam! Pero infairness ang sarap ng pagkain haha.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatili dito.

Nagawa ko na ang lahat sa pagkaka-alam ko pero hindi pa nagigising ang lalake , by the way his name pala is 'Steven Kyle Dela Vida ', nakita ko sa chart niya. 

Ni nga hindna na ako nagbigay ng statement tungkol sa kanya, feeling ko kilala na nila.

From his last name, it look sound familiar, parang narinig ko lang kung saan pero hindi ko matandaan. Pero hind na yun mahalaga kasi sa ngayon gusto ko ng umuwi at matulog na.

Nagulat ako ng may biglang pumasok sa room na apat na lalake, naka suit sila at malalaki ang mga katawan pero maamo naman ang pagmumukha nila.

Nakangiti lang sila sa akin ngunit alangan akong ngumiti sa kanila. Bigla silang yumuko sa akin at nagulat ako sa inasta nila.

Anong meron? Anong trip ng mga ito? Pinagtritripan ba ako? May iniabot sila sa akin na isang folder, hindi ko sana tatanggapin kaso mapilit naman sila kaya kinuha ko nalang. 

Nagulat ako sa aking nakita! For real? totoo kaya ito? Okay I will say it nalang.

Nakita ko lang naman doon na makakakuha ako ng isang milyong piso bilang gantimpala sa pagtulong ko sa lalaking ito. Oh gosh! hindi talaga ako makapaniwala to the max! 

So, ayun nga, ayaw ko sanang tanggapin pero mapilit talaga itong mga brusko!

Pilit akong pinapapirma sa papel which is hindi naman ako aware kung ano ito. Pero infairness ha, isang milyon na ang usapan dito!

Paano kaya kung kukunin ko ito at maghayahay na ako sa buhay haha, total naman hindi ko kilala ang mga ito at hindi din nila ako kilala.

Tinanong ko pa ang mga lalake kung "what if hindi ako pipirma? anong magyayari sa akin?" sinabi naman nila na whether I like it or not kukunin ko daw ang pera. Bigla akong natakot. 

Isa lamang akong mahirap para kalabanin ang mga dambuhalang ito haha. Pero ako kasi yung tipong mapride eh.

Hindi ako basta-basta tumatanggap ng kung ano-ano lalo na pagdating sa pera, saka in the first place pinilit lang naman ako ni Sir ambulansya na samahan ang lalaking ito at ngayon nasa sitwasyon na ako na hindi ko alam ang gagawin. PRIDE OR MONEY SELF? haha ano na?

Tinanong ko ulit kung pwede ba o hindi ko tatanggapin ang pera pero sabi ng isa kung hindi ko daw tatanggapin si mismong "MASTER" ang pupunta sa akin para kausapin ako.

Lahh! ano na itong napasok ko? Master daw? Mafia kaya ito o baka naman Chinese triads na? Lagot ako! Please huwag!

Nakita siguro nila na natakot ako kaya sinabi nila na huwag daw akong mag alala dahil wala daw balak na masama sa akin si Master kundi magpasalamat lamang ito, at ang ng pera ang siyang kabayaran o gantimpala para sa kabutihan ko. Huwaw self!? Long hair ka girl? 

May nalalaman ka pang pagantim- gantimpala diyan! hahaha. Ano na? mag isip ka self? hahaha pera o pride?

Napag isipan ko, hindi ko tatanggapin ang pera at kung gusto mang magpasalamat ng personal si Master na iyon, well available ako as always basta ang gusto ko irespeto nila ang desisyon ko.

Aba!? kahit mahirap ako, ibahin parin ninyo si Ms. NAZLI LEIN ALCANTARA ang ranger ng Norte! hahaha. at universe ng Luzon! Joke lang. Pagbigyan niyo naman ako! kahit ngayon lang please!

Sa awa ng diyos hind naman nila ako pinilit na pumirma sa papel at tanggapin ang pera at least maiexplain ko ang side ko.

Tapos ang sabi nila sa akin bago sila umalis ay kung maaari daw bantayan ko muna si senyorito Steven Kyle kasi ang pamilya daw niya ay busy sa ngayon.

Talaga!? mas mahalaga pa ang ibang bagay kesa sa anak nila? kakaiba rin no? Gaano ba sila ka busy? para kahit isang oras lamang ang ilaan nila para bisitahin siya.

At ang nakakatawa doon TIWALA daw sa akin si Master na hindi ko papabayaan si señorito. Huwaw! ha? 

Binigyan pa niya ako ng responsibilidad? At kung maka demand wagas! Mapapasana all ka nalang talaga! Paano naman ang trabaho ko neto kung hindi ako aalis at iiwan ang taong ito?

Pero sabi nila na si Master na daw ang bahala sa trabaho ko! Ang galing ni talaga ni Master! Mahanap nga talaga ang Master na iyan!

Parang ang laki niyang tao ah! Dahil naman sa mabait ako at may puso kunwari e di tinatanggap ko ang favor ni Master dahil sa totoo lang kawawa ang lalake na ito. Hays! ewan ko ba!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status